Share

CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS

~MARCIELLA PERRER~

I closed my laptop in frustration after watching the ending of "Forever Ko'y Ikaw." Although this TV series has been on for a while, my busy schedule only allows me to catch it now and then. I've saved all the episodes on my laptop.

What's really annoying is that both the main male and female characters had to die. It's just a fictional story, but they still had a sad ending! If I were a writer, I wouldn't ever write a tragic ending. But the reality is, I'm not a writer; I'm a teacher.

In addition to being one of the Prime Secret Agents in the Guieco Clan, I'm also a respected teacher at Mhinn International School, which is owned by Kenya's spouse, who happens to be one of our bosses.

"Damn it! Ang hilig nila sa sad ending. Romeo and Juliet, Jack and Rose..."

"Ikaw at ako."

Agad naman akong napalingon sa may-ari ng boses na iyon. Pinigilan kong taasan ng kilay ang lalaking nahagip ng aking mga mata.

Ashmer Guieco. Tsk.

Ikaw at ako? Hell! Ah, yeah kasi never kaming magkakaroon ng happy ending.

Ending, yeah, but happy? Isa iyon sa mga imposibleng mangyari sa mundong ito.

Umikot siya sa likuran ko at niyakap ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang kumalas. Ipinatong niya pa ang kanyang panga sa balikat ko.

"Ash, nababaliw ka na ba?" asik ko.

Hindi ako makakilos dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Napakuyom ako dahil sa nararamdaman kong inis at pagkadismaya sa aking sarili. Alam ko namang mali itong eksena namin ngayon ngunit hindi ko man lang kayang umalma.

"Sa'yo? Oo, Ell."

"Jerk, haduf!" sunod-sunod na mura ko. Napapalatak naman siya.

"Language, pretty babe."

Kumalas ako mula sa kanyang pagkakayakap at tumayo na. Malamya ko siyang tinitigan.

"Nasa pool tayo, 'diba?"

"Yes, why?"

"Paano kung may makakita sa atin dito at isumbong tayo kay Percy? Kahit wala akong ginagawang masama ay madadamay at madadamay ako sa kalandian mo, Ashmer Guieco!" panenermon ko sa kanya.

Malamig ang titig na ibinigay niya sa akin habang walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha pero walang epekto 'yon sa'kin. Hindi man lang ako natinag. Kung sa iba niya ito ginawa ay baka tumakbo na kaagad papalayo sa kanya.

He's recognized for his icy gaze that can send shivers down anyone's spine and his consistently serious and emotionless expression. This has led to him being dubbed the "robot boss" in our compound.

But honestly, his demeanor varies drastically when it comes to others and when he's around me. To everyone else, he's an unapproachable, intimidating boss, but in my presence, he transforms into a mischievous and charming robot.

"The door is closed," aniya at itinuro ang main door.

Well, sarado nga.

"And? Baka nakakalimutan mo na girlfriend mo ang best friend ko. Huwag mo akong tinutukso."

Tukso? Okay, mukhang wrong choice of words tayo, Marciella.

"So, natutukso ka sa akin, gano'n?" Nang-aasar pa nga ang tono niya.

Napairap na lang ako at humalukipkip. Wala akong balak na makipag-asaran sa kanya sa ganito kaaga.

"C'mon, Ash, sinong hindi?" pag-aamin ko pa.

We don't really hide anything from each other. We're true to our feelings, but there are just some truths that are painful, and neither of us wants to accept them.

Humakbang siya papalapit sa'kin. Napaatras naman ako. Humakbang siya ulit, umatras na naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan dahil tubig na ang kababagsakan ko nito. Yakap ko pa ang laptop ko kaya 'di pwedeng mahulog ako sa pool. Maraming school-related files ang nandidito.

Jusko lord! Bakit ba ganito ang lalaking ito? Nagkakasala ako kay Percy dahil sa robot niyang boyfriend mismo, eh.

Hinapit niya na nga ang bewang ko papalapit sa kanya. Akmang hahalikan niya ako pero naiharang ko kaagad ang aking laptop sa pagitan ng mga mukha namin.

No, hindi na tama ito. Oh tukso, layuan mo ako!

Itinulak ko siya nang malakas. "Ash naman, eh! Huwag mo nga sabi akong inaano!"

"Inaano ba kita?" Umangat pa ang gilid ng labi niya na halata namang pinipigilang matawa.

"Ewan ko sa'yo! Gags!"

"I gags you too." Napataas-kilay naman ako.

"Anong sabi mo?" asik ko naman.

"Ayaw mo namang maniwala kapag sinasabihan kita ng I love..."

"Cut it off," putol ko sa sasabihin niya.

While "I love you" may bring joy to some, for me, it's like a dagger that sinks deeper into my heart with every utterance, inflicting more pain.

"See? Kaya I gags you na lang. Gags means love," bulong niya pa sa akin.

Siniko ko naman siya. "Mga pauso mong alien ka!" sigaw ko tsaka tinalikuran na siya.

"Gags you!" sigaw niya rin sa nang-aasar na tono.

"Gags mo mukha mo!"

Tumawa lang naman ang nyawa. Padarag na binuksan ko ang pinto.

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsisubsuban sa lapag sina Gabriella, Jeannie, Kenshane at Crystal. Sila ang ilan lamang sa mga kamahan kong GC agents rin.

Mga chismosa talaga!

"Oh? Ginagawa niyo?" seryosong tanong ko.

"Ah, hi, boss," sabay-sabay nilang bati.

Boss? Ako o si…

Awtomatikong na napalingon ako at muntik pang maglapat ang kanyang bibig sa pisngi ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Napaurong naman agad ako palayo.

Naku, naku, naku! Mababaliw talaga ako sa kaba dahil sa kalandian ng lalaking ito, eh.

Mabuti na lang din at hindi nakita ng mga haduf ang nangyari dahil abala sila sa kakapagpag ng mga damit nila na para bang duming-dumi talaga.

Ang sabihin niyo, natakot lang kayo sa amin. Zsss! Mga style niyo, bulok!

"Anong ginagawa ninyo rito?" seryoso niyang tanong sa apat. Mukhang nasindak naman sila.

Buti nga sa inyo.

"Ahh, n-napadaan l-lang kami Kuya Ashmer," sagot ni Kenshane. Siya lang ang may lakas loob na sumagot dahil magpinsan naman sila.

Napakapit pa sa laylayan ng damit ko ang kambal kong si Gabriella na nuknukan din ng kalokohan sa katawan. Hindi kami identical twin at mas lalong opposite din ang personality namin.

"Sus! Napadaan ba talaga o naghahanap lang kayo ng mapagchismisan sa ganito kaaga? May pinag-usapan lang kaming misyon kaya kami nag-uusap, 'diba Boss?"

Pinanlakihan ko naman siya ng mata para kumbinsihing makisama sa alibi ko.

"Ah, yeah. She's telling the truth."

Gusto kong mapairap at suntukin siya dahil may diin talaga ang salitang 'truth'.

"Ahh, misyon naman pala," sabay-sabay na namang saad nila.

Pala? So, may ibang ina-asumme nga sila na ginagawa namin?

"Hey guys! Anong ganap? Almost 5:00 a.m pa lang, ah?" untag sa amin ng kakarating palang na si Percy.

Clad in short shorts and a sports bra, she flaunted her incredibly alluring physique. Evidently, she had just awakened, her hair slightly disheveled, yet she exuded the allure of a fashion model at this very moment.

Her fashion sense stands worlds apart from mine. I often embody the quintessential nerd, comfortable in my oversized shirts and unisex shorts.

"Wala naman, Percy. Nag-uusap lang kami tungkol sa ng mga bagay-bagay na nangyayari dito sa camp tsaka maliligo rin kami, 'diba? Maliligo tayo, 'diba?" asik ni Crystal sa tatlo na mukhang lutang-lutang pa ang diwa.

"Oo maliligo pala tayo, ano?" segunda ni Gab.

"Oo nga pala," sabay na sang-ayon ni Jeannie and Kenshane.

Ayan na naman 'yang salitang 'pala'.

I let out a subtle laugh. It appeared they were merely going along with Crystal, and it was quite evident that taking a swim wasn't their true intention.

They might have been on their way to the dining area when they spotted Ash entering, sparking their curiosity. Alternatively, they could have overheard my earlier outburst.

"Ah, sabay-sabay na tayo... Oh? Hon? Nandito ka rin pala. Good morning."

Napaiwas naman ako ng tingin nang maghalikan sila sa harap mismo namin. Ang apat ay napatakip pa ng kanilang mata.

"Goodness gracious, you two! You're making me blush!" Jeannie exclaimed.

"My goodness! What did I just witness, huh?" Crystal commented, her voice filled with surprise.

"I couldn't shield innocent eyes," Gab complained, looking a bit embarrassed.

"Go and get a room, lovebirds," Kenya teased as they entered the pool area, adding a touch of playful awkwardness to the situation.

"Hi, Marciella! Good morning din sa'yo," bati rin ni Percy sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. Napapitlag pa ako at bahagyang napaawang ang aking bibig dahil hindi ko inaasahan iyon.

Kemeng ngumiti na lang ako. "Good morning," tipid kong saad.

"Maliligo ka rin ba?" tanong niya.

"Hindi."

Ngumiti siya sa akin, sanay naman din siya sa pagiging seryoso ko sa lahat ng bagay. Pareho lang kami nitong boyfriend niyang haduf.

"Maliligo na muna ako, ha? Bye muna," paalam niya pa sa amin at hinalikan uli si Ashmer bago tuluyang umalis.

"Bakit?" asik ko nang mapansing napapasiring ng tingin ang haduf na lalaking ito sa akin. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa labi ko.

Pinigilang kong mapalunok para hindi niya mapansin ang tensiyon na nararamdaman ko kanina pa.

"We kissed," saad niya. Napakuyom naman ako nang pasimple.

Relax, heart. Relax ka lang.

"And? Why would I care?"

"She kissed you kaya..."

"Feeling mo! Cheek lang 'yon tsaka siya ang humalik sa akin at hindi ikaw."

"Wala naman akong sinasabing ako pero parang gano'n..."

"Ang pabebe mo talaga. Sungitan mo nga rin ako tulad ng pagsusungit mo sa lahat, dali! Mas mabuti pa ang gano'n eh."

"Ayoko nga, I gags you remember?"

"Gags mo mukha mo!"

Akmang tatalikod ako sa kanya para umalis na nang pumasok ang kanyang kapatid na si Kenya.

"Hey, Marci, maligo ka na my pretty friend, may evaluation tayo, remember? Bawal ma-late."

Napasapo naman ako sa aking noo.

"Oo nga pala, ano oras?"

"Right after the flag raising ceremony. Mauna na ako, ah? Baka hinahanap na ako ng chairman."

"Okay," sagot ko at tinapunan ng tingin ang nananahimik na Ashmer. Wala naman sigurong balak umalis ang isang ito. Baka hinihintay niya pa si Percy.

"What?" asik niya.

"Pasuyo naman," ani ko sabay abot ng laptop ko sa kanya. May password naman kaya hindi niya mabubuksan kung sakaling saltikin siya.

"Ngayon ay bait-baitan ka?"

"Please?"

"Lagay mo na diyan sa lapag."

"Nyawa ka talaga kahit na kailan. Huwag na nga lang."

"Akin na nga, 'di mabiro." Inagaw pa talaga sa akin. "Mag ba-bra ka lang din ba?" dagdag tanong niya pa sa kaswal na tono.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Hindi. Nandito ka, eh. Baka manyakin mo pa ako sa harap nila. Tsaka, pwede ba? Mga babae ang nandidito, umalis ka na, baka mapagkamalan kang bakla."

"What?!"

"Sige, gags! Lakasan mo boses mo, nasa pool lang ang girlfriend mo, oh," nang-aasar kong saad at tumalon na sa pool.

One of my secret talents, kept from everyone, is my capacity to remain underwater for several minutes. That's why I'm relishing the tranquility in the deepest section of the pool. It's quite deep, and I submerge myself until I touch the pool's floor.

I even sat in an Indian-style position and closed my eyes. It's incredibly relaxing. My day has already begun with stress. I can't believe I'm bothered by Ash's flirtatious behavior. My goodness.

Nag-isip na lang ako ng magandang pangyayari sa buhay ko para naman mawala 'yong negativity sa paligid.

Bigla ko lang naalala ang isa sa kulitan namin ni Ashmer noong maayos pa ang lahat sa pagitan namin.

"Ash, anong ginawa mo sa mukha ko?" naiiyak kong asik habang nakatitig sa sarili kong reflection sa salamin.

"Eh? Sabi mo make-up-an kita, 'diba? Sorry, cyan lang ang kaya ko, Ell."

"My God! Mukha na akong clown!".

Foundation day pa naman ngayon. Wala pa kasi 'yong mga baklang mag-aayos sa akin kaya inutusan ko siya na ayusan ako kasi ang sabi niya naman marunong siya.

"Ayaw mo ba? Wait lang, 'wag kang umiyak, buburahin lang naman natin 'yan, eh."

Natatarantan siyang kumuha ng wipes para tanggalin na ang make-up sa mukha ko pero pinigilan ko siya.

"Wag muna, picture muna tayo."

"Sige."

"Pero dapat may make-up ka rin."

"Eh?"

"Sige na, please?"

"Sige na nga," napipilitan niyang saad. Kaya naman ginawa ko rin siyang clown pagkatapos ay pinagtawanan.

Bahagya pa akong natawa dahil sa ala-alang iyon. Gulat na gulat sa mga hitsura namin ang nakaabot sa amin sa ganoong sitwasyon.

Napamulat ako nang may humawak sa akin. Naputol tuloy ang aking pagbabalik tanaw sa kalokohan namin noong high school palang kami.

Bumungad sa paningin ko ang mukha ng lalaking nasa ala-ala ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin at hinila ako pataas.

Nang makasampa na kami ay malakas na batok ang ibinigay ko sa kanya dahil sa inis. Sinira niya lang ang self-remediating ko. Mukhang nagulat pa siya pati ang kasamahan namin kabilang na si Percy dahil sa ginawa ko.

"Bal, ayos ka lang ba? Akala namin ay nalunod ka na, eh." Bakas sa mukha ni Gab ang pag-aalala.

Ah, okay. Kaya pala feeling hero ang isa dito, eh.

"Gab naman. Lunod? Sa pool? Tsk," asik ko at umahon na lang ako. Sumunod naman ang lalaking haduf sa akin.

"Kung gagawa ka ng eksenang gano'n, siguraduhin mong wala ako para walang mag-aalala sa'yo!" sigaw niya pa sa akin.

Lahat kami ay napanganga.

Mukhang agad namang nag sink-in sa kukuti niya ang kanyang binitawang linya kaya napadapo ang tingin niya kay Percy na malapit lang din sa pwesto ko. Mukhang confused din ito sa nangyayari.

"Huwag mong sigawan si Marcie, hon. Calm down, okay?" pangkakalma nito sa kanyang boyfriend na bigla na lang naninigaw. Hindi naman din ako nakapagsalita.

"Lalo na ikaw Cylla at ikaw din Kenshane," dagdag pa ng haduf na Ashmer. "Bakit kasi dito pa nagsiligo sa pool eh may mga shower room naman?" aniya pa at umalis na.

Naiwan kaming pare-parehong hindi alam kung ano ang sasabihin.

["Kung gagawa ka ng eksenang gano'n, siguraduhin mong wala ako para walang mag-aalala sa'yo!"]

Yeah, yeah, yeah whatever. Naniwala ka naman Marciella sa kayabangan ng Ashmer na iyon?.Sadyang malandi lang siya kaya 'wag na 'wag kang magpapalandi.

Kailan niya ba kasi ako lulubayan? May usapan na kami, eh!

Bago pa mahalata ng lahat ang frustration sa aking pagmumukha ay lumabas na din ako at dumiretso ng flat. Tumakbo na rin ako kasi nararamdaman ko na ang panunuot ng lamig sa aking katawan. Mahina pa naman ang tolerance ko sa lamig.

Akmang pipihitin ko na ang door knob ng pinto ng flat ko nang may tumawag sa'kin.

"Ell!"

Napapikit ako dahil sa boses na 'yon. Naaasar ko siyang nilingon.

"Ano?"

"Laptop mo," mahinahon niyang saad. Napalunok pa ako nang masaksihan ko kung paano niya sinuyod ang kabuuan ko. Nagtama ang aming paningin. Parang natutunaw ako sa paraan ng kanyang titig.

It's weird, but when we look at each other, it feels like we're cheating on Percylla, and it hurts that I can't clear my own doubts.

"A-akin na, salamat!" Pagkakuha ko ay agad na pumasok na ako.

How can I steer clear of my extremely seductive boss? I have to run fast to escape from him.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status