Share

CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR

My day turned out fine despite a not-so-great morning. When I got back from MHIS, I thought I'd chill for a bit to clear my mind. I'm also reading a book as part of my relaxation, hence the one in my hand right now.

Napaigtad ako nang may biglang tumabi sa akin. Nasa GC Garden ako at isang tao lang naman din bukod sa'kin ang palaging nandidito rin. Sa kanya ito eh, siya nagpagawa nito. Nakiki-share lang naman ako.

Wow! Bakit parang pati salitang 'share' ay double meaning na rin? Masyado na yatang toxic itong utak ko, ha?

"Nasaan ang phone mo?" panimula niya.

"Nasa bag ko? Bakit?" tugon ko na nasa libro ang tingin. Kinuha niya iyon at itinabi.

"Kapag kausap o kasama mo ako, dapat nasa akin lang ang atensiyon mo, hindi sa mga weird na genre mong libro."

Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. "At bakit? Boyfriend ba kita at girlfriend mo ba ako? Hindi naman, 'diba?"

Mga mata niya naman ang nanliit. "Wala akong sinabing gano'n, Marciella Perrer. Tsaka pwede bang dalhin mo palagi 'yong cellphone mo. Lagi na kitang iti-text o kaya ay tatawagan."

Gusto ko siyang irapan dahil halata namang inaasar niya lang ako. Alam naming pareho na hindi niya gagawin iyon dahil hindi dapat.

"Sumasakit ang panga ko sa'yo Ash. Bakit ba ayaw mo pa akong lumabayan, ah? Paano ako magkaka-love life kapag lagi kang nakabuntot?"

"Bawal kang mag-love life hangga't hindi pa kami kasal ni Cylla."

"Aba, Unfair mo naman," asik ko sabay irap sa kalawakan. "Ikaw nga may girlfriend tapos ako bawal? Bawal, your face! Nagpapahanap ng ako kay Kenya ng pwede kong maka-blind date, 'no?" kaswal na dagdag ko dahil ang totoo ay wala naman talaga akong balak at hindi ako interesado sa mga nirereto sa akin ng kanyang kugtong na kapatid.

Napangiwi naman siya. "Sige lang, tingnan natin."

"Anong tingnan natin, ha?" Nakakabwisit talaga ang lalaking ito.

"Lahat ng idi-date mo ay padadalhan ko ng death threats," aniya habang sa kalawakan din nakatingin.

Napairap na talaga ako sabay hampas sa kanyang braso. "Abnormal ka talaga! How about isumbong na lang talaga kita sa kay Percylla, ha?"

"Isumbong? Samahan pa kita, gusto mo?"

Bakit ginaganito mo ako, Ashmer? Nag mo-move-on na ako, eh! Gusto na kitang kalimutan. I seriously want to forget everything about you.

Humugot ako ng lakas bago nagsalita.

"Tapatin mo nga ako Ash, just be honest this time. Ano ba talaga ako para sayo ha?"

Mataman na tinitigan niya pa muna ako sabay singhap. "Hindi ba at nasagot ko na 'yan? Ayaw mo lang maniwala, eh. Gusto kita."

"At sino ang mas matimbang sa'min ni Percy?"

"Siya." Walang alinlangan niyang sagot.

Pagak naman akong natawa sabay palatak. "Oh, 'diba? Kaya layuan mo na ako," mahinahon kong saad.

"Mas sexy ka kasi sa kanya kaya mas matimbang siya sa'yo."

I furrowed my brow as I contemplated his reply in my mind.

Is he actually discussing our physical weight? Aish, this jerk!

"Umayos ka nga sa mga sagutan mo na 'yan!" singhal ko sa kanya sabay batok sa kanya.

"Aray ko, brutal mo talaga."

"Kakainis ka, eh."

"Mahal ko si Percy pero ikaw ang gusto ko."

Nasapo ko na talaga ang batok ko. Literal na mababaliw yata ako sa lalaking ito.

"Alin ba ang mas lamang sa gusto at mahal, Ash? Wag kang ngang utak alimasag diyan! Kawawa ang mga brain cell ko sa'yo."

Tumawa naman siya at umakbay sa'kin, nagpumiglas ako pero wala eh mas malakas talaga siya.

"Cute mo talagang maasar."

Hindi ako cute. Maganda ako. Gandang hindi mo nakikita, zsss!

"Ang labo mo kasing kausap."

"Ang low gets mo."

"Ang complicated mo."

"Tsk, ibinigay ko lang sa'yo ang gusto mong makuhang sagot mula sa akin, Marciella," makahulugan niyang tugon. Hindi naman ako nakaimik. "Hindi ka naman interesado sa totoong nararamdaman ko, 'diba? You even forced me into this situation."

Tila ba tuluyan kong nalunok ang aking dila. May katotohanan naman ang sinasabi niya. Nasa ganito kaming sitwasyon dahil sa aking naging desisyon pero hindi ako nagsisisi.

Sacrificing is the sole path to shield Percy from pain. I must guard her heart at any expense, even if it means letting her be with the man we both love. Even if I have to endure pain forever, I can handle it, regardless.

"Tsk. Anong gamit mong lotion?" untag niya sa akin. Halatang pilit na iniiba ang usapan. Well, mas mabuti nga ang gano'n.

"Pakialam mo ba?"

"Nagtatanong lang, eh."

"Secret. Ayokong sabihin."

Napanguso naman siya at inamoy at nilaro-laro pa ang buhok ko. Gags talaga. Ang hilig niya talagang gawin 'yan sa'kin. Minsan pa nga ginugulo niya pa ang buhok ko tapos ay susuklayin gamit ang kanyang mga daliri.

Di ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Ang sakit niya sa panga, my goodness!

"Ash," untag ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Ibili mo nga ako ng libro, wala na akong mababasa eh. Tinatamad akong mag online shop and tinatamad din akong lumabas," iba ko rin sa usapan.

"Kiss muna."

Hay naku! Puro kalokohan.

"Wag na nga."

He chuckled, and his arm wrapped around me, transforming into a comforting hug. This man exudes remarkable charisma and self-assurance. If he were someone else, his soul might have soared by now. He's the only one who has this effect on me.

"Sige na, bukas bibilhan kita. Tapos mo na ba 'yong ibinigay ko sa'yong mga libro noong galing akong Paris?"

"Oo lima lang naman 'yon, eh," saad ko sabay tingala sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata.

"Grabi sa lang, ah? May dalawang libro akong bago, ikaw muna magbasa then after mo ako naman."

"Talaga? Genre?"

"Paranormal."

"Cool. Ibigay mo na mamaya sa'kin."

"Oo na po. Kakasabi lang eh."

"Excited lang ako."

If there's one thing we both loved to do, especially when we were bored, it was reading. Back in our childhood, our mothers often recounted stories about how we did it frequently. I took turns being the storyteller, and he did too.

To be honest, I can't recall much about those times. What I do remember vividly is my 18th birthday. He gifted me ten romance novels, purely to poke fun at me because, of all the genres, that was the one I disliked the most. I found it boring and couldn't stand the fairy tale concepts.

However, his mischievous gift actually brought me closer to romantic stories. Now, I'm open to reading all genres with no particular preferences, though I have to admit that action still excites me the most.

"Lagi ka namang excited kapag libro ang usapan. Kawawa magiging asawa mo. Laging magseselos at magagalit sa'yo."

"That's why I need to find a man who can tolerate my book addiction. At least, books lang ang magiging karibal niya at hindi tao."

"I can bear..."

"Mukha mo," putol ko sa sasabihin niya, patutsada na naman 'yon, alam ko na ang liko ng bituka ng lalaking ito eh.

Natawa lang ang haduf.

"Ash?"

"Yes?"

"Pwedeng kumalas ka na sa'kin bago ko pa maputol ang kamay mo?"

"Ayaw."

"Isa," asik ko pa ero parang wala siyang narinig. "Dalawa," pagpapatuloy ko. Wala pa rin. Nakatingala lang siya sa kalangitan. "Tat..."

"Ayan na nga, bibitiw na, damot!"

"Gags ka ba? Sumasakit talaga panga ko sa'yo! Akin na 'yang libro ko."

Tumayo na ako at akmang kukunin ang libro na nasa tabi niya pero mabilis na nakuha niya iyon at itinaas.

"Ash naman! Kainis ka talaga."

"Agawin mo muna."

"Ano ako bata?" Humagalpak naman siya ng tawa. "Bahala ka nga, hatid mo 'yan sa flat ko! Masama pakiramdam..."

"Heto na nga," aniya sabay abot sakin ng libro. Inilapat niya pa palad niya sa noo at leeg ko na para bang sinusuri kong may lagnat ako.

"Ginagawa mo?"

"Sabi mo masama pakiramdam mo? Inom ka kaagad ng gamot, kumain ka na ba?"

Natawa naman ako. "Crazy. Hindi lahat ng masama ang pakiramdam ay dahil sa lagnat. Ibang sama ng pakiramdam ito," biro ko pa. Napansin ko ang biglaang pagseryoso ng kanyang mukha.

"It's not easy to pretend that everything is okay between us, is it?" I sighed and nodded in agreement.

"Yeah, but you understand why we chose this situation, right?"

"Why can't I choose you? You know I'm doing everything I can to stay with Percy because of you, don't you?"

There was only silence. Complete silence.

"Let's not talk about this, Ashmer, if you want to keep talking to me."

"Marciella, I just can't seem to understand you."

"I don't either, but look." I closed my eyes, overwhelmed by a whirlwind of emotions. "We can't be together, okay?"

"I'm starting to accept that, but please keep your promise. Stay by my side, even if I end up marrying her."

I felt as if I'd been yanked from where I stood. I swallowed hard, unable to calm the racing of my heart.

I promised to remain his close friend, but not in the way he imagines.

Now, I'm afraid of getting entangled in such a forbidden affair.

No, I can't allow that. Nothing like that can happen.

"What are you talking about? Diyan ka na nga! Ang promise mong libro, ha?" ani ko sabay naglakad na paalis.

Haduf na buhay ito! Nagmumukha akong kontrabida sa isang nobela. Zsss!

I'm trying to distance myself from temptation, but it's the temptation itself that keeps getting closer to me.

Ewan, ang sakit sa panga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status