แชร์

Chapter 19: THE PHILDANCE

ผู้เขียน: Mawi
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-02-29 12:56:02

STEFFANO'S POV

 Nasanay ako na nasa akin lang parati ang spotlight at atensyon ng mga kababaihan. But tonight, magpapaubaya muna ako. 

 Yes. You heard it right. Ibibigay ko muna ang gabing ito kay Cloud at sa kanyang plano.

 And I must admit, medyo lumamang talaga siya sa 'kin ngayong gabi. He looked awesome tonight. 

Mukhang pinaghandaan talaga ng loko ang gabing ito to make all the girls go crazy over him. Especially this woman next to me. At hindi naman siya nabigo.

 Kitang-kita ko kung pa'nong tila huminto ang mundo ni Vier pagkakita sa kanya. She was greatly impressed by his presence alone gaya ng ibang mga babae rito na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa kanya.

 I was never into romance movies or what, but I think ganito 'yung pakiramdam ng nanonood ng mga romantic dramas. I can even feel the tension between them nang magtama ang mga mata nila at parang ayaw putulin ng kahit na sino sa kanila ang titigan na iyon.

Pero, di ba't galit si Cloud kay Vier?

"Wow! May plot twist kaya 'tong lovestory nila?," napatawa na lang ako sa loob-loob ko sa naisip habang inaaral ang mga reaksyon nila. 

 Sa palagay ko kasi ay may nararamdaman pa rin si itong kaibigan ko sa ex niya. It's just that, dinurog niya ng husto ang puso ni Cloud way back kaya natabunan na 'yung pagmamahal niya para kay Vier at napaltan na ng matinding galit sa puso niya. At ngayong nalaman na niya ang totoo…..

'Wait! So, ako 'yung plot twist?' 

 Oh, of course not. That can't be. 

 I am destined to be the male lead of my own story. Hindi ako pang-supporting character lang sa magulo at komplikado nilang lovestory.

 Abala pa 'ko sa pag-iisip at pag-aanalisa ng mga bagay-bagay tungkol sa dal'wang ito at sa maaaring kahantungan ng mga desisyon nila sa buhay nang mahagip ng mata ko si Tiffany kasama ang ama niya na si Don Benjamin del Fuerte, ang pinakamayamang don ng Ilocos region.

 Isa sila sa mga bigating panauhin sa event na 'to bilang ang The Lux Hotel na pagmamay-ari nila ang isa sa mga main sponsor ng PhilDance competition ngayong taon.

 They really are the gold stuff of Ilocos.

 Nagbigay lang ng maiksing pahayag ang presidente ng pamunuan ng mananayaw ng bansa at agad ding sinimulan ang pinakaaabangan ng lahat.

 Sunod-sunod na pumailanlang ang magkakaiba at malalakas na sounds na kadalasan na'ng ginagamit ng mga performers para ma-hype ang mga manonood sa kanilang performance.

 Sa totoo lang ay wala akong hilig sa panonood ng mga ganito dahil sa babae lang naman umiikot ang mundo ko. But to my surprise, hindi naman pala masyadong nakaka-bored ang mga ganitong events. I even found myself na kinakabahan sa mga pama*** na routines ng mga dancers and waiting for more.

 Hindi ko akalain na ganito na pala kagagaling ang mga Pinoy pagdating sa linya ng pagsasayaw. 

"Magaling sila ha," komento ko nang matapos ang ikalimang grupo.

"Hintayin mo ang Tropical. Siguradong mapapatayo ka d'yan sa kinauupuan mo," confident na sabi ng baklang kasama ni Vier habang pumapalakpak din sa katatapos lamang na grupo.

"Tama. Hintayin mo ang grupo namin," saad naman ni Vier na abot-tenga pa ang ngiti.

 Medyo nakaramdam tuloy ako ng guilt. 

 Marami-rami na rin akong nasaktang babae dahil sa taglay kong charisma pero ni minsan ay 'di ko pa nagawang sumira ng pangarap ng iba. At ito ang mangyayari ngayong gabi. 

 Hindi maikakaila sa kanila na buong-buo ang kanilang kumpyansa na sila ang magwawagi ngayong gabi. Maybe, they have prepared the greatest and the best dance of their lives, pero hindi pa rin nila maiuuwi ang kampyonato. At nakaplano na iyon.

 Malas lang ng grupo ng Tropical dahil madadamay pati ang pangarap nila sa paghihiganti ni Cloud sa choreographer nila. Nakadama tuloy ako ng awa para sa kanila at sa kanilang pangarap.

"Let's welcome on our stage," panimula ng  host," Ang ikapitong grupo na nakapasok sa finals, the Tropical Dancers!"

 Kasunod nito ang malakas na palakpakan mula sa audience. At ang madilim na stage ay bahagya nang nagliwanag habang nakatutok ang spotlights sa mga babaeng miyembro ng grupo na nanginginang sa suot nila na modern outfit ng mga babae habang sumasayaw sa hiphop style ang inedit na musika ng 'Amakabogera'.

 They all look sexy sa kanilang suot, but for the first time ay hindi doon natuon ang atensyon ko kundi sa kanilang pagsasayaw. The way they move and keep their bodies moved and sync with their music really amazed me. 

 They look powerful on stage and getting fiercer and fiercer as the beat goes up nang bigla na lang mawalan ng ilaw sa stage at maging ang ilaw ay nawala rin.

 Napakunot ang noo ko. Ang mga manonood naman ay nagsimula na ring magkaingay. 

'Eto ba ang plano niya?,' sa isip ko habang nalilitong tinignan ang walang emosyong hitsura ni Cloud sa judge's table.

Boom!

"Whoah!" iisang reaksyon ng lahat na nagulat sa biglaang pag-on ng lahat ng ilaw sa stage na binalot na ng fog at sinabayan ng bahagyang madramang sound. Makapanindig balahibo rin ang malakas na pagbagsak ng mga male dancers nila sa stage mula sa itaas habang nagpapakitang gilas ang tatlong pares sa makapanindig balahibong aerial dance. 

"Woooohhh!!," hiyawan ng mga manonood na napatayo pa nga ng bitawan ng mga lalaking dancers ang mga babae sa ere at hayaan ang mga ito na sumayaw na ang tanging humahawak lang sa kanilang katawan ay ang manipis na telang hawak nila. Idagdag pa ang malakas na musika na inihahataw naman ng mga mananayaw sa ibaba na hindi rin nagpapatalo sa kanilang routines at movements.

 Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa stage at ganoon din ang ibang manonood habang parang kinakabahan na humahanga sa kanilang pagtatanghal. Talaga nga palang kahanga-hanga ang kanilang grupo and they deserve to win. They actually exceed my expectation.

"Congrats," pagbati ko kay Vier na umiiyak na ng mga sandaling habang pinapanood ang kanilang grupo sa entablado

"Thank you," aniya na patuloy pa rin sa pagluha na para bang nagdiriwang na sa magandang kinalabasan ng kanilang pinaghirapan.

'Dadamayan na lang kita sa inyong pagkatalo,' sa isip ko na lang habang iniisip ang magiging reaksyon niya sa pag-announce ng panalo.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Mawi
yes po. ang sama niya pati tuloy pangarap ng mga kabataan magagaling naman talaga, eh nadamay....
goodnovel comment avatar
@@@@
ang sama naman ni cloud kung idadamay nya ang grupo kung kita naman na magaling talaga sila..
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
kawawa nman ang buong grupo ng dahil lang sa revenge ni cloud madadamay lahat ng effort ginawa nila para sa contest na yan...so sad for vier wala syang kamalay malay sa plano ni cloud
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status