Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 18: OUR NIGHT

Share

Chapter 18: OUR NIGHT

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-02-25 19:15:31

VIER'S POV

 Matinding practice ang ginawa namin ng nagdaang araw para siguraduhin na walang sinuman sa mga dancers ang magkakamali at gagalaw silang lahat hindi bilang isang grupo kundi bilang isang pagkatao na gumagalaw sa iba't-ibang katawan lang. Sinigurado rin namin na ang bawat pitik, galaw at routines ay maiisagawa sa kamang-manghang paraan na siguradong tatatak hindi lamang sa mga manonood at sa mga hurado kundi pati na rin sa malawak na mundo ng pagsasayaw gaya ng pinakaaasam at pinapangarap namin.

 Matapos ang matinding preparasyon ay maaga din namin silang pinagpahinga para makabawi sila ng lakas at makahataw ng buong sigla sa itinuturing namin na 'Gabi ng Tropical'.

 Yes. We already claimed it! Dahil alam namin na kaya naming makamit iyon.

 Sinigurado ko na walang naging abala sa kanilang pahinga kagabi gaya ng online games o social media. Maaari kasi 'yong makaapekto sa magiging performance nila mamaya kaya nilimitahan muna namin sila ni Alvin sa mga ganoong distraction para na rin sa pangarap nila at sa ganito kalaking oportunidad para sa aming lahat. 

 Ang key goal namin ay iimpress ang lahat ng makakapanood sa amin mamayang gabi at mangyayari iyon.

"Hindi ako nagkamali sa paglapit sa iyo para dito," ani Alvin na katulad ko'y nagpapakasasa rin ngayong umaga sa kape. Alam ko na kagaya ko ay matindi rin ang kabang nararamdaman niya para sa grupo at pangpakalma na namin itong mainit na kape sa ngayon. "Pang-international na 'yung piece na ginawa mo para sa amin. Salamat talaga," sinserong saad niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nagbago na nga talaga ito. Ibang-iba mula sa kilala kong Alvin noon.

"Pangarap ko rin 'to kaya talagang binigay ko na ang lahat," sabi ko naman at mahigpit rin na hinawakan ang kamay niya. 

Sa Theatre

 Maaga kaming nagtungo sa Municipal Theatre kung saan gaganapin ang PhilDance competition at marami-rami na rin ang naroroong grupo. Paroo't parito ang mga organizer na nagsasaayos ng lugar para sa magaganap na kompetisyon na inaabangan ng lahat ng mananayaw sa bansa.

 Lumapit kami sa harapan ng stage kung saan naroroon ang ilang grupong makakalaban namin at masasabi kong, tulad namin ay kinakabahan din sila. Pero kagaya rin namin ay mukhang handang-handa rin sila sa laban na kakaharapin nila sa stage. 

'Ganyan ang fighting spirit naming mga mananayaw na kailanman ay hindi maiiintindihan ng iba,' sa isip ko habang proud na nakatingin sa bawat isa sa kanila.

"Ano'ng grupo po kayo?," tanong ng isang organizer na lumapit sa amin.

"Tropical Dancers," sagot ni Alvin at mabilis na tiningnan ng babae ang listahan na hawak niya.

"Ok. Number 7. Sumunod na lang sa akin ang lahat ng mananayaw. 'Yung mga supporters lang po, pwede po kayong manatili dito sa audience area po," sabi nito bago kami tinalikuran para ituro sa mga dancers ang dressing room ng mga ito.

"Kaya n'yo 'yan," pagchi-cheer ko pa sa Tropicals bago sila tuluyang mawala sa paningin namin.

 Gaya ng sinabi ng organizer ay naupo na muna kaming tatlo sa audience area. Mahaba-habang oras pa kasi ang hihintayin namin dahil alas-kwatro pa lang naman at alas-syete pa mag-uumpisa ang program.

 Sa pinakadulong row kami naupo para kahit papaano ay makapagrelax muna kami. Ang iba namang kasamahan ng ibang grupo ay inabala ang kanilang mga sarili sa pagkukwentuhan patungkol sa kani-kanilang mga grupo at kung gaano sila kakumpyansa na sila ang magkakampeon ngayong taon. Pero 'di kami naaapektuhan sa mga naririnig. We are too sure na this time will be our time.

 Mabilis lang na lumipas ang oras at unti-unti na ring napuno ang theatre ng mga manonood, pamilya at supporters ng mga kalahok. Nagsimula na ring magset up ng mga cameras ang pamunuan ng PhilDance at ang mga miyembro ng media na magko-cover nitong malaking event.

 Nagsimula na rin akong kabahan at ma-excite at the same time habang mataman kong tinititigan ang malawak na stage sa harapan ko na sa ilang minuto lamang ay aangkinin na ng aming grupo.

'This is our night guys,' sa isip ko habang lumalagabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na naglalaro doon ngayon.

"Hi," nakangiting bati sa amin, o mas tama yatang sabihin na, bati sa akin ni Steff na bigla na lamang sumulpot dito na may dala pang bulaklak.

 Nginitian lang siya ni Alvin na busy ng mga sandaling 'yon sa kanyang cellphone. Si Francis naman ay deadma lang sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?," naiilang kong tanong. Medyo nakakahalata na rin kasi ako sa tila panliligaw nito sa akin nitong mga nakaraang araw.

"I'm here to congratulate you in advance," sagot niya habang iniaabot sa akin ang dala niyang bulaklak. "At para na rin sumuporta sa grupo n'yo," aniya sabay kindat at pumwesto sa tabi ko.

"Salamat. Pero hindi pa naman natin alam ang resulta. Wala ka pang iko-congratulate," sabi ko pero hindi niya ako pinansin at sa halip ay tumingin sa 'di kalayuan. Noon ko napansin ang presensya ni Cloud roon na nagdulot ng rigodon sa dibdib ko.

 Nakatuon sa kanya ang pansin ng lahat ng naririto at 'di magkamayaw ang mga kababaihan sa simpleng presensya pa lamang niya. Hindi ko naman sila masisisi kung magkagulo man sila. Dahil ganoon din ang nararamdaman ko habang nakatitig ako sa kanya.

 He's standing gracefully like a real prince with his perfectly elegant, soft and gentle smile on his face habang kausap ang isa sa mga staff ng event na hindi rin mapigilan ang mapangiti sa tuwing titignan siya nito sa mukha. Kumikinang rin ang mga mata niyang talaga namang nakakatunaw  kung iyong matititigan.

 He also stood out among the others sa suot niyang white long sleeves na pinatungan niya ng dark blue vest

that compliments his wide broad shoulders and his well-built manly figure. Idagdag pa rito ang suot niyang trousers na humahakab sa mapang-akit niyang pang-upo..

 Sh*t! Hindi ko mapigilan na pagpawisan sa simpleng pagtingin lang sa kanya.

 Bakit ba kasi napakagwapo niya lalo na ngayong gabi? Kung saan-saan tuloy napadpad ang utak ko. At sino ba naman ang hindi maaakit sa pinangangalandakan niyang magandang tanawin?

"Oh my! 'Di ba siya 'yung sikat na chef na may-ari ng Jupiter's?," dinig kong sabi ng babae na nakaupo sa unahan namin.

"My God! Sobrang gwapo pala talaga niya," papuri pa nito sa hindi maitagong kilig sa kanyang pagsasalita.

"Oo, siya na nga 'yun," manghang sagot ng kasama nito. "Pasyal ulit tayo dun mga minsan," anang kasama nito at sabay pa silang napahiyaw ng malakas dahilan para mapagawi sa direksyon namin ang atensyon ni Cloud.

 Ngumiti siya sa dalawang babae sa unahan bago tuluyang napako ang tingin sa akin. Para akong kinakapos ng hininga sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Mahigpit tuloy akong napahawak sa aking kinauupuan.

 His eyes were just neutral pero parang may iba. Parang may laman ang titig niyang iyon sa akin na hindi ko maintindihan. O baka naman nag-ooverthink lang ako sa sobrang kaba.

"Uy, si Cloud ba 'yon?," gulat na tanong sa 'kin ni Alvin nang mag-angat siya ng tingin at mapalingon sa pinagtitinginan ng lahat. "Judge siya?" aniya na halos mapaluha habang hawak-hawak ang braso ko sa sobrang galak ng makitang iginiya ng head ng organizer si Cloud sa long table na nakalaan para sa mga hurado ng kompetisyon. Ngayon kasing naroroon si Cloud ay mas panatag kami na kami na nga ang magwawagi ngayong gabi. 

 Pilit ko mang itanggi ay kinikilig ako na naririto siya. Sa isa sa mga pinakahihintay kong pagkakataon bilang mananayaw. Ang sabi ni Tiffany ay ilang ulit na raw tinanggihan ni Cloud ang offer na iyon para mag-judge pero heto siya ngayon at nakaupo na bilang hurado.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
naku vier kaya pumayag maging hurado si cloud para masaksihan nya pagkatalo ng grupo mo kaya layuan mo na sya puro revenge nsa isip nya
goodnovel comment avatar
@@@@
nakaupo bilang hirado kc para di kau manalo un ang planu ng cloud na yan madam vier wag kana umasa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status