VIER'S POV
"Sino ka?" bungad ko sa estrangherong lalaki na bigla na lamang lumapit sa amin upang ialok ang kanyang coat. Such a gentle deed, but who knows, 'di ba?"Ha? Hindi ako sinu-ka ha, iniire ako," pilit niyang pagbibiro na hindi naman bumagay sa hitsura at paraan ng pananalita niya. Mukhang naramdaman din naman niya 'yon sa sarili at napatungo na lamang. Kapansin-pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga niya nang makita niya ang reaksyon naming dalawa ni Carol, na imbes na matawa sa kanyang old joke, ay napakunot pa ang noo. "Hindi ba swak?," kapagkuwan ay tanong niya. "Pasensya na. Narinig ko lang kasi 'yon sa kaibigan ko. 'Kala ko nakakatawa," pagpapaliwanag niya. Kahit naman ako ay mahihiya kung sakaling masabi ko ang ganun ka-baduy na joke lalo pa sa mga taong hindi ko naman ka-close o kilala man lang. Hindi naman siya mukhang ewan o ano. He actually looks formal and a serious type of man. Kaya rin siguro hindi niya nagawang ibato ng tama 'yung kenkoy joke niya kanina. Mukha rin siyang matino, not to mention na gwapo. Pero nanatili lang kaming tahimik ni Carol sa harap niya. Bagong mukha pa rin kasi siya at wala rin kaming alam tungkol sa kanya. Mahirap na."Ah, by the way, Hector," kapagkuwan ay pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay na tinanggap ko naman. And in all fairness, napakalambot ng kamay niya."Vier," sambit ko as we shake our hands. "Bestfriend ko, si Carol," pagpapakilala ko kay Carol na agad din niyang binalinggan at nakipag-kamay din."Uhm, here," aniya at muling inilahad sa harap ko ang coat na kanina pa niya iniaalok sa akin. He really looks fine and gentle sa pananalita at maging sa kanyang kills pero hindi ko pa rin maialis sa sarili ang pag-aalangan ko sa kanya. Dahil roon ay kusa siyang inaral ng mga mata ko mula ulo hanggang paa."If you're not comfortable, aalis na lang ako. Pasensya na if nakaabala ako." Mukha naman siyang sinsero kaya kinuha ko na rin 'yung coat at binalot iyon sa katawan ko na sa totoo lang ay nakakaramdam na rin ng panlalamig. Isa pa ay kanina pa siya napapahiya sa amin ni Carol, magmumukha na siyang ewan kung hindi ko pa tanggapin ang simpleng gentle gesture niya sa akin."Huy!" namimilog ang mga matang pagtutol ni Carol sa ginawa ko. At bago pa siya makapagsalitang muli ng kung ano ay palihim ko na siyang kinurot sa kanyang tagiliran. At epektibo naman dahil nanahimik na siya… nakasimangot nga lang. Alam kong hindi ako magaling kumilatis ng tao, kaya nga nagkamali kay Cloud 'di ba? Pero sa tantiya ko ay maayos namang lalaki itong si Hector. Saka wala naman akong balak na makipagmabutihan sa kanya eh. Makikipagkwentuhan lang. 'Yun lang. Just for tonight."Taga-san ka?," pataray na hirit nitong si Carol na hindi 'yata makapagpigil at maghinay-hinay sa kanyang salita."Sa Makati ako nakatira, pero paminsan-minsan ay nagi-stay ako dito.""Bakit?," tanong muli ni Carol hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Hector kaya tinapik ko na muli siya. Para na kasi siyang nang-iinterogate kung makabato ng tanong kay Hector."Pasensya ka na dito sa kaibigan ko ha. Medyo masungit talaga 'yan eh," sabi ko sabay tawa. Totoo naman kasi. Minsan nga ay para ko na siyang nanay kung makasermon sa akin kapag may nagawa akong kat**ga**n. Napangiti rin si Hector pero pinigil niya iyon nang mapansin ang masamang tingin sa kanya ni Carol."Nandito ako for business purposes.""Anong business?," tanong ko naman kahit na medyo namamaos ang boses ko dahil sa walang humpay kong pagsusuka kanina. Hindi naman siguro masama kung mag-usisa ako ng ilang bagay-bagay patungkol sa kanya since siya naman itong unang nag-approached sa amin at nagpakita ng intensyon na makipagkilala. Isa pa, unti-unti na ring nawala 'yung awkwardness na nararamdaman ko kanina sa kanya after only a few minutes. Ayos naman kasi siya at masasabi kong magaan ang pakiramdam ko sa kanya."I manage this building," tila nahihiya niyang sagot at napahawak pa sa kanyang leeg. "Sorry, I don't want to sound pompous or what—""Ibig mong sabihin, itong buong building?," putol ni Carol sa kanya na halatang nabigla, or should I say, nagdududa sa sinabi niya. At ako rin naman. High-end ang building na 'to na may dal'wampu't apat na palapag. Nalilinya rin ito sa mga masasabing bigating istruktura dito sa Bulacan. Limang taon lang ang nakalilipas nang buksan ang building na 'to at mabilis itong nakagawa ng pangalan at nakilala dito at maging sa mga kalapit na lugar. Naging mabentang puntahan ito ng mga gustong mag-enjoy at mag-relax since kumpleto na ito sa mga establishments for whining gaya ng mga bar, coffee shops, spas, studios at iba pa."Big time ka pala," biro ko na lalo yatang nagparamdam sa kanya ng pagkahiya sa amin."Hindi naman. Medyo sinwerte lang din sa buhay," naiilang niyang tugon."Sana all swerte," biglang hirit naman nitong si Carol na kanina lamang ay parang gusto nang ipa-pulis itong si Hector kahit wala namang ginagawang masama sa amin. "O baka naman ineechos mo lang kami ha. Red flag 'yan boy.""Pero 'di ba, mga Mendez nga ang may-ari nitong building," sabi ko naman. Andito pa ako sa 'Pinas n'ung mag-start sila ng operation kaya alam ko ang tungkol doon. "Naku Vier, marami nang mapagpanggap ngayon 'no. 'Di ka na-inform?," pabiro niyang hirit na nagpaalala sakin kay Tiffany. I shrugged my head to throw away those negative thoughts away na nagsisimula na naman pumuno sa sistema ko at bumubuhay sa sakit na naramdaman ko sa Ilocos."Ayos ka lang?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Napangiti na ako kaagad. Kelan ba nung huli akong tiningnan ng may pag-aalala ng isang lalaki? I may sound 'marupok' pero anong magagawa ko kung makaramdam ang puso ko ng masiyahan sa simpleng tingin niyang iyon. Inilabas rin niya ang ID niya just to prove na totoo 'yung sinasabi niya na isa siyang Mendez. Medyo humaba pa ang aming kwentuhan patungkol sa kanya at sa stressful na trabaho niya sa pagmamanage dito sa 'The Lounge'. Ayon sa kanya ay hindi naman daw siya ang dapat na nagpapatakbo nito, movie industry at production kasi talaga ang interes niya. Kaso ay naging abala ang nakatatanda niyang kapatid sa married life nito at sa sariling business na itinayo nito at ng asawa kaya wala siyang choice kundi ang akuin ang naiwang responsibilidad nito sa kanilang family business. Ilang sandali lang ay nagkapalagayan na kami ng loob. Magaan din kasi siyang kasama at kakwentuhan. Kahit nga ang bruhang si Carol na kanina lang ay todo ang pagtataray kay Hector ay naging komportable na rin na kasama namin ito dito sa rooftop kahit kaming tatlo na lang ang natira dito. Nang makaramdam kami ng gutom ay nagpadeliver pa si Hector ng pagkain namin mula sa steakbar sa baba na talaga namang na-enjoy namin. Sa ganda ng naging kwentuhan namin ay inabot na nga kami ng alas-kwatro ng umaga nang 'di namin namamalayan."Salamat sa time ha, pati na rin sa libreng meal. Nag-enjoy kami," paalam ko nang maihatid niya na kami sa labas ng building niya kung saan siya tumuloy."Ako rin naman. I had a great time with you…. I mean, with the two of you," pagtatama niya sa naunang nasabi nang makita ang naging reaksyon ni Carol. Nagkangitian na lang tuloy kami. He have a great smile. So pure and gentle.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm