VIER'S POV
Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo ni Carol sa building ng The Lounge para ipasa ang aming mga resume. Sure naman kami na matatanggap kami kaya hindi na kami nag-aalala pa sa pagpunta roon. Nakapag-resign na rin si Carol sa pinagtatrabahuhan niyang fastfood chain na sa totoo lang ay matagal na lang daw niyang pinagtitiisan kahit pa sankakarampot niyang sinusweldo roon. Mahirap nga raw kasing makahanap ng maayos na trabaho ngayon dito sa Pinas. "Bakla, ano nga pala 'yung dapat ay sasabihin mo sakin nung isang gabi?," tanong ni Carol habang makasakay na kami ng jeep na nag-aantay pa ng ibang pasahero. "May kinalaman ba 'yun sa paglalasing mo?" Oo nga pala. May problema nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon which was actually good. Thanks to Hector. Nang dahil kasi sa kanya kaya kahit papaano ay nakalimutan ko 'yung nakaraan ko na punong-puno ng matitinding sakit at pagtitiis. Nang dahil din sa kanya kaya nakikita ko ngayon ang maayos na buhay na maibibigay ko pa rin sa pamilya ko kahit pa manatili na lamang ako dito sa bansa. Para siyang isang bagong daan para sa bago kong kinabukasan. Hindi ko napigil na mapangiti sa isiping iyon. "O baka naman dahil pa rin 'yun dun sa lintik na PhilDance na 'yon? Naku Vier! Tigilan mo na ang pagsisintir mo tungkol don. Halata namang niluto 'yung resulta eh," bwisit niyang komento patungkol sa sinalihan naming kompetisyon. At hindi naman siya nagkakamali sa part na 'yon. May dayaan naman talagang naganap. At alam ko kung sino ang nasa likod noon pati na ang kanyang dahilan. At dahil na rin siguro sa pagbanggit niya sa naturang kompetisyon ay napalitan ng mukha ni Cloud ang kaninang nasa isip ko na si Hector. Itanggi ko man sa sarili ko ay nakaramdam din ako ng saya sa muli naming pagkikita. Yun nga lamang ay syempre, hindi na tulad ng dati. Bukod kasi sa ipinaramdam niya sa 'kin ang matinding galit na nasasaloob niya matapos ang mga nangyari sa amin, ay meron na rin siyang ibang minamahal. Bagay na hindi ko inasahan. Pasimple kong inihilamos ang palad ko nang maramdaman ang pagpatak ng luhang bumagsak sa pisngi ko. "Mamaya na tayo mag-usap," sabi ko na lang at nagpaling ng tingin sa labas. Medyo napupuno na kasi nitong sinasakyan namin at dikit-dikit rin ang mga pasahero. Ayoko naman na dito ko pa ikwento ang buhay ko at husgahan pa nila ang pagkatao ko. Wala na ako sa kompetisyon para i-judge pa nila ako. Nang makarating kami sa The Lounge ay agad kaming dumiretso sa top floor kung saan naroon ang opisina ni Hector. Wala siya roon gaya ng sinabi niya pero nandoon naman si Grace, ang secretary niya, para istimahin kami. Bata pa ito at sa tingin ko ay nasa mid-20's lang pero napaka-professional na kung makipag-usap at makitungo. Magaan din ang loob ko sa kanya dahil na rin sa magandang attitude niya. Hiningi niya lang sa amin ang mga dala naming requirements at pinaupo na kami sa couch doon. Mabilisan lang niya iyong pinasadahan ng tingin at saka may kinausap sa telepono. Ilang saglit pa ay dumating ang isang babae na mukha namang mabait pero halata rin sa tindig at aura nito ang pagiging istrikta. Kita rin iyon sa matitipid niyang mga ngiti habang kinakausap siya ni Grace patungkol sa aming application. "Vier, Carol, this is Miss Claire, ang manager ng Steakbar," pagpapakilala ni Grace sa babaeng dumating. "Good morning po," bati namin rito. "Sumunod kayo sa akin," sa halip ay seryoso niyang utos sa amin ni Carol at mabilis na naglakad papunta sa may elevator. Tinanguan na lang namin si Grace bilang pagpapaalam at mabilis na ring sumunod kay Miss Claire. Sa 15th floor kami huminto kung saan naroroon ang Steakbar. Nadaanan namin ito noong nakaraan pero ngayon lang talaga ako nakapasok dito at hindi ko mapigilang mapahanga rito. Sobrang laki pala kasi nito. Kahanga-hanga rin ang interior design nito na talaga ngang pang-class A na mga customers. Napa-wow kami ni Carol, hindi na nga lang namin iyon ipinagsigawan at baka mapagalitan agad kami ng manager, di pa man kami nakakapagsimula. Wala pang tao dito dahil 10 am pa ang pasok ng mga nagtatrabaho dito kaya iniikot muna kami ni Miss Claire sa buong restaurant. Medyo pasikot-sikot ang pagkakadesign nito dahil sa pagkakaiba-iba ng mga type of tables and rooms. Ang ilang room kasi ay masasabi na semi-formal kumpara sa isang room dito na for VVIP guests. Habang nag-iikot kami ay inexplain na rin sa amin ni Miss Claire ang magiging trabaho namin dito. May mga professional chefs na rito and since wala naman talaga kaming alam sa kusina, ay magiging waitress na lamang kami rito. Ok na rin naman dahil malaki rin ang magiging sahod namin na 20k monthly bilang starters. Matapos makapag-ikot ay kaagad kaming isinabak ni Miss Claire sa training kagaya na lamang ng tamang pag-aayos ng mesa at utensils according sa mga oorderin ng customers at kailangang setting. Isa umano ito sa mga dapat naming magamay dahil kasama ito sa aming trabaho. "Dapat 'yata nag-TESDA muna tayo bago tayo nag-apply dito," bulong ni Carol habang inaaral ang folder na ibinigay sa amin ni Miss Claire. "Dapat nga 'yata," sagot ko naman sa pinakamahina kong boses habang nakatutok ang aming atensyon sa hawak na folder. Folder ito ng iba't-ibang table presentation na kailangan umano naming kaagad na matutunan lalo na kung may special occasion at VVIP guest. Sa harapan naman namin ay ang mesa kung saan nakakalat ang iba't-ibang klase at sizes ng utensils para sa magkakaiba nitong gamit. Medyo nakakatense ang presensya ni Miss Claire. Di tuloy kami makapagkwentuhan ng maayos nitong si Carol habang inaaral itong mga nasa folder. Naging mga seryosong tao tuloy kami ngayon. Napaka-elegante kung titignan itong mga ayos ng mesa sa larawan. Syempre, mas maganda na ito at elegante kung sakaling nasa harapan na namin at lalo pa kung kami mismo ang makakagawa nito. Naka-focus kaming pareho ni Carol dito sa aming ginagawa pero sa kalagitnaan ay tila ba nakaramdam ako ng pagkailang at parang may nakatingin sa akin. Hindi iyon si Miss Claire dahil naroon na siya ngayon sa may counter at mukhang naghahanda na sa pagbubukas nitong Steakbar. "Anong hinahanap mo?," biglang tanong naman ni Carol sa tabi ko na natapos na pala sa part na nakatoka sa kanya. "Galing ko 'no!," sabi pa niya na punong-puno ng confidence nang makitang nakatingin ako sa ginawa niya. "Ewan ko sa'yo," sabi ko na lang at binalikan ko na din 'yung inaayos ko. Pero hindi talaga ako mapakali. Parang may nanonood kasi talaga sa akin. Nagpalinga-linga ako pero wala namang nakatingin dito. Busy din kasi ang mga nasa katapat na store sa pagbubukas nila. Abala pa rin naman si Miss Claire sa ginagawa nito. 'so sino?' Iiling-iling ako sa kung anu-anong nararamdaman ko nang mahagip ng tingin ko ang cctv sa may gilid. Napakamot na lang tuloy ako sa ulo. May nakasubaybay nga pala sa akin. 'Yung mga security personnel. Hayyst. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at natapos ko na rin bago pa muling makalapit sa amin si Miss Claire. "Nice," komento niya sabay muling ginulo 'yung mga inayos namin. "But isn't perfect," dagdag niya. "Alam ko na si CEO ang nag-hired sa inyo. Taas ng backer n'yo ha. But that doesn't mean na magkakaroon kayo ng special treatment dito." Napatuwid agad kami ng tayo ni Carol nang humarap na siya sa amin. Nakataas ang plakado nitong kilay at parang nanlilisik ang mga mata niya sa amin. Goodness! Kakatense palang maging boss 'to. "We serve our customers with perfection. Hindi namin tinotolerate ang kahit na konting pagkakamali lang. Kahit pa ang pinakamaliit at pinakasimpleng pagkakamaling magagawa n'yo, wag n'yong asahan na palalampasin ko," aniya na akala mo ay si Miss Minchin ng Princess Sarah.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm