CLOUD'S POV
"I never thought, you are as fool as this Montemayor," nangungutya pa rin niyang saad habang iiling-iling na muling pinakawalan ang nakakaloko niyang pagtawa na siyang nagpasimula ng pagkulo ng dugo ko."Do you really think you're high enough huh?," dagdag pa niya habang punong-puno ng pangmamaliit ang bawat salitang binibitiwan niya para sa akin. Halata rin sa kanyang mukha ang pagpipigil niya sa muli niyang pagtawa.'What is it this time?', sa isip ko habang kunot-noo kong inaaral at pinagmasdan ang inaasta niya ngayon sa akin. Mulat ang mga mata sa kung gaano kaliit ang tingin niya sa akin mula pa noon. Pero ramdam ko na sadyang may kakaiba ngayon."I love your daughter sir and–" Hindi ko pa man natatapos ang gusto ko sanang sabihin ay pumailanlang na sa buong opisina niya ang malakas niyang paghalakhak. Sa parteng iyon ay tuluyan ko na ngang naramdaman ang pag-igting ng mga panga ko sabay sa panginginig ng aking mga kamao. Alam ko naman na dapat ay tinitignan at tinatrato ko siya ng puno ng pagrespeto. But, how can I managed to act like that kung harap-harapan niya akong iniinsulto at pinagmumukhang tan*a dito? He may be the father of the woman I love, pero makakalimutan ko iyon nang dahil sa mga sinasabi at ginagawa niya sa akin ngayon. Medyo maiksi pa naman ang pisi ko sa mga katulad niyang masyadong mapangmaliit ng kapwa."Love isn't enough to make this world go round worthless man!," madiin niyang saad habang madilim ang mga tingin niyang nakapukol sa akin.Fool? Worthless?I don't deserve these words from him. Pilit ko munang pinakalma ang aking sarili bago muling nagsalita. "What do you mean…. sir?""You really wanna know?," may pagdududang tanong niya sa akin pabalik."Yes. I wanna know where you're coming from," matatag kong sambit habang pilit na pinipigilan sa loob ko ang malapit nang sumabog na galit sa paulit-ulit na lang na pagtrato niya sa akin ng ganito magmula pa lamang noong unang araw kaming ipinakilala ni Tiffany sa isa't-isa. Iminuwestra niya ako na maupo sa couch sa isang bahagi ng kanyang opisina. Nagsalin din siya ng wine para sa aming dalawa bago naupo sa katapat na upuan kung saan ako nakapwesto."Alam ko na magagalit si Tiffany once na malaman niya na sinabi ko na sa'yo ang totoo. But what can I do? You left me with no choice," pagsisimula ni Mr. del Fuerte."So, what's the truth? What is it all about?," I asked, full of curiosity. I need answers pero bago pa man niya iyon naibigay sa akin ay ang nakakaasar na tawa niya pa rin ang nauna kong matanggap. What the f*ck is it really!"Ilang taon na ba mula noong itayo mo ang Jupiter's Ring? Two years? And its doing well," aniya sa medyo maayos naman na tono at mukhang satisfied siya sa bagay na iyon."Yes, my restaurant's doing so good," may pagmamalaki kong tugon. 'Coz it is really something to be proud of. Kung meron nga akong isang desisyon sa buhay na hinding-hindi ko pagsisisihan, 'yon ay ang pagtitiwala ko sa sarili at pagsugal ko sa business na ito. This was what I always dreamt of."All thanks to my daughter," dagdag niya na muling nagpakunot ng noo ko at nagpatalim ng aking mga tingin sa kanya."What do you mean?""Montemayor, kung iniisip mo na gano'n lang kadali ang negosyo. Nagkakamali ka," sa sandaling iyon ay naging seryoso na siya sa pakikipag-usap na siyang nais ko rin. "Not because you love what you do, eh magiging successful ka na. Hindi ang hard work, dedication at passion mo sa kusina ang nagdala sayo sa tagumpay. Hindi rin swerte. You only made it because of Tiffany.""Can you just go straight to your point?," inis ko nang saad sa kanya. Paano naman kasing napapunta kay Tiffany ang aming usapan patungkol sa pag-asenso ko?"Tiffany knew na wala ka pang karanasan sa industriya nang maglakas-loob ka na simulan ang Jupiter. Nag-alala siya na baka ma-dissapoint ka sa nakikita niyang kahihinatnan ng sinimulan mo, so she did everything to save you from that possible heartbreak," he calmly stated. Ako naman ay nanatili walang imik habang pinagpapatuloy niya ang pagsasalita tungkol sa mga nangyari behind my back. I stayed calm kahit na ang totoo n'yan ay unti-unti na akong nilalamon ng galit sa loob ko. I loved Tiffany dahil na rin sa walang-sawa niyang pagsuporta sa akin at sa buong puso niyang pagtitiwala sa aking kakayanan. Bagay na isa lang palang pagpapanggap. Simula pa lang pala ay wala na siyang tiwala sa akin at maging sa mga kakayahan at mga kakayanin kong pagsubok alang-alang sa aking mga pangarap."Kinausap niya ang halos lahat ng mga kakilala namin and business partners to support Jupiter's and get your service para hindi ka malugi at magkaroon na rin ng visibility sa mga malalaking okasyon. And there you are now," nakangiti niyang saad as she praises what his daighter have done. "You and your business won't be like what it is now without Tiffany. It was all her who created your success Montemayor." Halos mapatulala na lang ako sa mga nalaman. Am I that worthless?"Magaling ka naman but you never made it," may himig ng awa na dagdag niya sa mga sinabi. Naghalo-halo nang lahat ng nararamdaman ko mula sa inis, galit, disappointment at sakit na akala ko ay hindi ko na muli pang mararamdaman. Not with Tiffany. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang kaya pang iharap ngayon sa don kaya nagpaalam na ako at nagmamadaling tinungo ang sasakyan para doon ibuhos ang lahat ng sakit na ipinaramdam sa 'kin ng lihim na katotohanan na ngayon ay isinampal sa akin ni don Benjamin."Ahhh,!" malakas kong hiyaw sabay sa paghampas sa steering wheel nitong sasakyan. Kasunod niyon ay ang muling pagkirot ng dibdib ko ng dahil sa matinding hinanakit na naman. Naramdaman ko rin ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko habang tumatakbo sa isip ang lahat ng mga bagay-bagay na naging pabigat sa buhay ko. Mga pagsubok na pinilit kong kayanin at lagpasan sa tulong at suporta ng mga taong inakala kong aalalay at susuporta sa akin. But in the end, sila rin pala 'yung mga taong dudurog sa akin ng husto. At magpaparamdam sa akin na wala talaga akong halaga.Just sh*t! I loved and trusted Tiffany sa pag-aakalang siya na nga ang muling bubuo sa akin at sa pagkatao kong dinurog at itinapon lang ni Vier. But, I got it wrong. She's just like her!VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm