Share

71

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Naalimpungatan ako ng inalog ni Melissa ang katawan ko. Masakit ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog.

Hindi ko na kumpleto ang 6 hours sleep. Rule pa naman iyon ng mga Dyosa ang matulog ng 6-7 hours.

Ako na lang ang hinihintay ng lahat para makaalis kami kaya mabilis akong kumilos.  "Siguro dapat mag-ayos muna kami." Aniya Yuan. Tumango naman ang lahat sa sinabi nito.

Nirecheck niya ng mga bintana at ang pinto sa likod ng bahay. Si Melissa naman ay nagwawalis ng sahig. Habang sina Marcus at Latrelle naman ay inaayos ang ilang kagamitan na ginamit namin. Ang magkakaibigan na sina Sasha, Vana at Drianne ay tinitrintas ang buhok ng bawat isa. 

Sa kabilang banda, si Jez ay inaayos ang kanyang BB cream. Ako naman ay pinatuyo ang sarili kong buhok gamit ang blower na pinahiram ni Sasha. Matapos nito ay nagpusod ako ng buhok at nagjacket.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status