ELIANA SIOBE...
Nagmamadali na s'yang nagbihis at baka kanina pa naghihintay si DL sa kan'ya. Pinili n'ya na lang ang simpling bestida na may floral print na hanggang taas ng tuhod ang haba at spaghetti strap ang style sa taas. V-neck ang bandang dibdib nito kung kaya naman medyo expose ang cleavage n'ya. Pinagpala s'ya sa kan'yang malaking cocomelon pero hindi naman ganon ka expose tingnan dahil hindi naman masyadong mababa ang neckline ng damit kaya pakiramdam n'ya keri n'ya lang ito. Tamang-tama lang na masisilip ni DL ang punong dibdib n'ya. "Hay naku, Siobe bakit yan ang mga iniisip mo? Sobrang landi mo na talaga self. Maghunos dili ka naman at baka maagang mawasak ang kinabukasan mo," kastigo n'ya sa sarili. Nag blower siya ng buhok at sinuklay na din ito. Shoulder level lang ang buhok n'ya at ayaw n'ya ng sobrang haba kasi nagmumukha s'yang matanda. Natural na kulay mais ang kulay ng kan'yang buhok at ang akala nga ng iba ay kinukalayan n'ya ito. Walang bahid na kahit anong chemical ang kan'yang buhok at purong natural color labat. Naisip n'ya nga minsan na baka banyaga ang isa mga parents n'ya dahil sa facial feature n'ya, maliban sa kulay ng buhok n'ya medyo bughaw din ang kulay ng kan'yang mga mata. Matangos ang kan'yang ilong manipis at natural ang pagka-pula ang kan'yang labi. She has a heart-shape face na mas lalong nagpatingkad sa ganda ng mukha n'ya. Maputi s'ya at mamula-mula ang kan'yang balat dahil na rin pagbibilad sa araw sa mula sa pagtitinda. Marami ang lumalapit sa kan'ya at nagpapalipad ng hangin at lahat ng iyon ay dedma lang sa kan'ya. Pero ito siya ngayon at kasama ng isang lalaki na ngayon n'ya lang nakilala at nakita pero imbes na matakot o mangamba ay iba ang nararamdaman n'ya tuwing katabi o kaharap niya si Drake. Naglagay s'ya ng kunting polvo at Lip Dip by Siobe's Colours sa labi na binili n'ya sa mga tyanggi sa gilid ng daan. At dahil kapangalan nil'ya ang brandname nito kung kaya ay pinakyaw n'ya na ang lahat ng mga kulay na mayroon ito. Sampong peso lang ang mga ito pero maganda ang quality. Gusto-gusto n'ya ang shades ni Raquel, ight lang at natural ang pagka pula. Hindi ka magmumukhang malandi tulad ni Raquel na kapitbahay n'ya na panay ang kembot ng puwet pag dumadaan ang matandang si Esteban. "Mukhang daks pa naman 'yong si Esteban. Kawawa naman si Raquel, ang liit na babae pa naman. Baka ibalibag lang s'ya ni Esteban kapag nagkataon. Bakit ba kasi doon pa s'ya ky Esteban? Eh, nandiyan naman si mang Berto at bagay na bagay sila. Hayyy, buhay talaga ay parang life," pagkausap n'ya sa sarili. Naalala n'ya na narinig n'ya pa nga si mang Berto noong nakaraan na parang nagtutula kay Raquel. Nakaporma pa ito na parang ibuburol dahil vintage na polo na puti ang suot na may borda sa gilid ng mga butones. Naka pantalon ito na sobrang lapad ang dulo na parang pamaypay. Itim at sobrang kintab ng sapatos nito tapos ang buhok ay naka pomada pa na nahati sa gitna at sobrang kintab. Mayroon pa itong panyo na ginawang bandana sa leeg. "Infernes ha, parang timang ang looks ni mang Berto sa pag-akyat ng ligaw kay Raquel kaya siguro ayaw ni Raquel sa kan'ya," sabi n'ya at parang naririnig pa ang pauli-ulit na tula ni mang Berto kay Raquel. "Raquel o Raquel kong nilalangit, nilalangaw ang iyong puwet, sa iyong ganda ako'y napapahanga pero sa baho ng iyong utot ako'y tumba." Para s'yang timang na tawa ng tawa habang paulit-ulit na naaalala sa isip ang tula ni mang Berto. Galit na galit si Raquel noon at binato ng kawali si mang Berto pero itong si mang Berto at masyadong pursigido kaya tumula pa ulit. "Mahal joke lang iyon. Ito.., seryoso na talaga 'to. Makinig ka aking irog na mura'g iro ,este na mukhang palaka. Ay mali, este mukhang dyosa na bumaba galing pa sa langit para aking masilayan ang iyong kagandahan," parang timang na sabi ni mang Berto sabay tula. Hindi n'ya mapigilan ang mapabungisngis habang iniisip ang eksenang iyon ng kan'yang mga kapitbahay. "Alam mo Raquel mahal sobrang saya ko dahil nag varial ang bidyo ko para sayo, hiling ko sana na makuha ako ni Jisica soco, para masabi ko sa buong mundo na ikaw ang mahal ko, dahil ikaw ang laman ng isip at puso ko pati na ng itlog ko. Alam mo mahal— Aym pooling in-lab with you til death do us part,amen," dito na s'ya napabunghalit ng tawa at maluha-luha na nagpahid ng mga mata. Ito ang eksena na hindi pwede na hindi s'ya tumawa kapag naalala n'ya. Mas lalo pa s'yang natawa ng maalala na nag sign of the cross pa si mang Berto na ikinahampas ni Raquel duto. "Hindi talaga ako maka move-on sa inyo mang Berto, Raquel." Nahinto siya sa kan'yang mga iniisip na mga kalokohan nang may kumatok sa pinto. "Nawili pala ako sa pagbabalik tanaw sa love story ni Raquel at Berto. "Hay naku! Sana all may lovelife," dagdag n'ya pa. Bumukas ang pinto at iniluwa si Elsa. Iba ito sa tatlong babae sa bahay ni Drake. Sobrang tahimik at mahinhin si Elsa kaya ang tawag ng tatlo dito ay maria Clara. "Good morning po madam, pinapatawag na po kayo ni sir. Baka daw ho ma late kayo at may meeting pa daw s'ya," mahinhin na sabi ni Elsa sa kan'ya. Nginitian n'ya ito at tinanguan ang babae. Kinuha n'ya ang maliit na shoulder bag sa sofa at inilagay dito ang kan'yang mga gamit. Kaunti lang naman ang dala n'ya kaya maliit lang ang bag na ginamit n'ya. Nakita n'ya lang ito sa mga pinamili ni Drake at nagandahan s'ya kaya ito ang napili n'ya na gamitin ngayon. Bagay din ito sa kulay ng damit na suot n'ya. Sinuot n'ya ang flat na doll shoes na kulay pastel pink at niyaya na si Elsa na naghihintay sa kan'ya. "Tara na nga maria Clara este Elsa pala," aya n'ya rito at bibigyan ng isang ngiti ang babae. Ngumiti ito pabalik sa kan'ya at yumukod. Senenyasan s'ya nito na mauna na agad n'ya namang sinunod. Nauna s'yang lumabas at tahimik lang ito na nakasunod sa kan'ya. Bumaba na sila ng hagdan at nakita n'ya si Drake na nakaupo sa sofa at may binabasang mga papeles. "Good morning D" bati n'ya rito. Natigilan na naman ito at namula bigla ang pisngi. Lihim s'yang napangisi dahil ang cute nito tingnan kapag namumula. "Morning, how's your sleep?" tanong nito sa kan'ya ng makabawi sa pagkatulala. "Mahimbing, hmmmm!" sagot n'ya rito. "Good! Kumain ka na at aalis na tayo. I have a meeting in an hour, so kailangan nating umalis ng maaga," pagbibigay alam ng lalaki sa kan'ya. Ngumiti lang s'ya rito at tumango. "Kumain ka na ba?" tanong n'ya rito maya-maya. "Yeah! I had my coffee and a sandwich, just now" sagot nito habang ang mga mata ay nasa papeles na binabasa. Napausli ang kan'yang labi dahil hindi man lang s'ya nito hinintay para sabay na silang mag-almusal. Nang hindi ito nag-angat ng tingin ay tumalikod na s'ya para makapag almusal. Mukhang mahalaga ang meeting nito mamaya kaya kailangan n'ya ng magmadali para makaalis na agad sila.ELIANA SIOBE…"Lead the way, Michelle. Hurry up, gusto ko nang makita ang greenhouse na sinasabi mo utos niya rito."Ay nagmamadali? Ganeernnn? Hinatak-hatak mo ako, eh hindi mo naman pala alam ang daan,” pairap na reklamo nito sa kaniya.Nauna itong maglakad matapos magreklamo at wala siyang nagawa Kundi ang sumunopd dito hanggang sa narating nila ang sinasabi nito.Namamangha siya sa ganda ng garden sa likod. Puno ito ng mga namumulaklak na mga halaman at ang ganda ng pagka landscape nito.Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pakiramdam niya ay parang nakapunta na siya sa lugar na ito. Para bang ang tagal niya nang nakatapak sa lugar na ito.She can feel the familiar feeling sa paglalakad niya sa garden at ang weird sa pakiramdam ngunit parang may mga flashes ng mga old memories siyang nakikita o baka dahil sa sobrang excitement lamang na nararamdaman niya kaya kung ano-ano ang na-iimagine niya sa lugar na ito.Maya-maya lang tumigil sila ni Michelle sa isang structu
CHAPTER 37ELIANNA SIOBE…Matapos nilang mag breakfast at maihatid si Drake sa sasakyan nito ay bumalik siya sa loob ng bahay. Tahimik ito ngayon hindi niya alam kung saan nagsitago ang mga Maria. Pupunta sana siya sa garden sa likod para hanapin ang mga ito ng hindi sinsadya na mahagip ng kaniyang mga tingin si Elsa sa isang sulok na medyo tago.May kausap ito sa cellphone at sa galaw ng katawan ng babae ay mukha itong balisa at hindi mapakali kaya natukso siyang lapitan ito at baka may problema ang dalaga. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon nito ng maulinigan niya mga sinasabi ng dalaga sa kausap."Kailangan niyo ng magmadali at kailangan na natin siyang makuha sa mas lalong madaling panahon. Alam niya na alam niyo na buhay ang tagapagmana,” madiin na sabi nito sa kausap sa cellphone. Napakunot-noo siya sa kaniyang mga narinig. “Anong ibig sabihin nito? At sino ang kausap nito?” lihim na tanong niya sa sarili.Lalapitan na sana niya ito pero hindi niya naituloy d
ELIANA SIOBE...At bago pa siya madala sa pang-aakit ng lalaki ay tumayo na siya at hinawi si Drake para makalayo ng kaunti. Pinagpapawisan na kasi ang kaniyang noo dahil sa mga pinagagawa ni Drake sa kaniya. Tudo pigil siya dahil baka hindi niya na ito papasukin sa trabaho at pa-araruhin niya na lang ito buong araw. Magiging magsasaka talaga ito mamaya sa kaniyang kaparangan kapag hindi siya nito titigilan sa panlalandi."Magbihid ka na Drake. You're late!" sikmat niya rito at pilit na ttinatago ang totoong nararamdaman ng mga oras na iyon. Tinawanan lang siya ng loko-loko habang nagsusuot ng pantalon ngunit hindi inaalis ang mga mata sa kaniya kaya nakaramdam siya ng pagkaasiwa habang ilag ng ilag na hindi magtama ang mga mata nilang dalawa ng lalaki.Pagkatapos nitong maisuot ang pantalon ay isinunod naman nito ang polo shirt. Lumapit na siya rito para tulongan itong ibutones ang polo. Inayos niya muna ang collar at manggas bago ipinasuot ang blazer nito na kulay maroon. Wal
ELIANA SIOBE…Nagising siya na mataas na ang sikat ng araw. Nilingon niya ang lalaki sa tabi niya na mahimbing pa rin na natutulog. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Drake na nakapulopot sa kaniyang beywang at maingat na bumangon.Nang matagumpay na makabangon ay maingat siyang naglakad papunta sa banyo para maligo. Nang makapasok ay agad na naghubad ng damit at pumasok sa shower room. Naipikit niya ng mariin ng bumagsak sa kaniyang katawan ang maligamgam na tubig.At habang naliligo ay hindi niya mapigilan na maisip ang naging panaginip niya kagabe. Kinikilabutan siya kapag naalala niya ang senaryong iyon kung saan makikita ang isang lalaki na walang awang pinagbabaril siya at ang matandang kasama niya na nakatali.Parang pinipiga ang kaniyang puso kapag sumagi sa kaniyang isip ang tagpong iyon. Hindi niya alam pero nasasaktan siya at nararamdaman niyang kinamumuhian niya ang taong iyon. Ngayon lang nangyari na nanaginip siya ng ganon kasama at hapong-hapo siya kagabi ng ma
DRAKE LUCAS..."Fvck! Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Gusto ko ng mamuhay ng tahimik kasama ang pinakamamahal ko, pero bakit parang ayaw ng langit na maging masaya kami. Damn it! Kailangan ko nang tapusin ang dapat na tapusin bago pa bumalik ang alaala ni Eliana. Marahas siyang nagbuga ng hangin at itinukod ang kaniyang dalawang kamay sa railing ng balconahi. Dumungaw sa baba at nakikita niya ang kaniyang mga taohan na nakabantay. Fully secured ang mansion'g ito hindi basta-basta makakapasok ang mga kalaban. Maliban sa mga taohan niya na nakabantay ay may mga naka-install din na mga gadgets at armas sa palibot ng mansion, just in case na may susugod sa kanila. May mga sniper guard din siya sa rooftop na nakaabang at nakabantay bente kwatro oras, pero hindi pa rin siya nakakasiguro. Isang malaking organisation ang humahabol sa mahal niya. Isang organisation na gusto siyang patayin, makuha lamang ng mga ito ang isang bagay na nasa kaniya ngayon na kahit sino ay walang nakakaalam
DRAKE LUCAS…Napangiti siya ng makitang tulog na ang kasintahan, hinayaan niya na muna itong matulog na nakakandong sa kaniya. Mamaya niya na ito bubuhatin at dadalhin sa kwarto nila. May importanti siyang ginagawa ngayon, but because of his naughty baby, he stops for a while para pagbigyan ito. Well.., nag-eenjoy naman siya at nagustohan niya ang ibang side ni Eliana. Hinagkan niya ito sa sentido at inabot ang kaniyang laptop na nasa mesa kahit pa nakakandong ito sa kaniya.Nakayakap siya sa dalaga habang ang mga daliri ay nasa keyboard ng laptop niya para taposin ang mga kailangan niyang gagawin. Nakatanggap siya ng mga emails galing sa mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao sa ibat-ibang negosyo na mayroon siya, at ito sana ang tatrabahuin niya kanina.After almost an hour ay natapos niya ang kaniyang trabaho at ang sarap pa rin ng tulog ng kaniyang mahal. Mahina pa itong naghihilik at napangiti siya habang pinagmasdan ito. Hinagod niya ang buhok ni Eliana at hinalikan ito sa noo bag