Share

CHAPTER FOUR

"Oh? Are you two done talking? Take your time mga anak, mamaya pa naman tayo uuwi," saad sa amin ni Mommy nang makapasok na kami sa loob.

Nasa salas sila nang pumasok kami ni Lennon kasama na si Lennox na sinundo lang kami sa labas ng garden.

"Pinapasok ko na sila Tita, hindi tamang ako lang naririto habang may sarili silang mundo sa labas, they should join with the conversation here," saad ni Lennox na ikinalunok ko.

Pakiramdam ko nagtataksil ako sa kanya kahit wala namang kami. Tama nga ang nasa isip ko, naumay na siya kaka-entertain sa mga parents ko habang kami nasa labas lang.

"Napasarap lang kami ng kwentuhan ni Cherry, Tita Lina. We have a very long catch up na kulang ang isang araw para pagusapan," saad naman ni Lennon na hindi mawala-wala ang malawak na ngiti sa kanyang mukha.

"You look happy, Lennon. Is there something happened?" kuryosong tanong naman ni Tito Enriz habang mapanuri niyang pinagmasdan ang anak na tila bago sa kanya ang nakikita.

"Wala naman Dad... masaya lang talaga akong nakausap ko si Cherry matapos ng ilang taon na wala siya rito sa Pinas," sagot ni Lennon sabay haplos sa kanyang baba.

"Kung sa bagay, malapit talaga itong si Lennon at Cherry sa isa't isa kahit pa man noon, they have been good friends since then before she left to study abroad, kaya ngayon bumalik na si Cherry, masaya talaga itong anak namin," saad naman ni Tita Solen at nakangiting nagpa-lipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Lennon.

Pasimple ko naman sinulyapan si Lennox na sa tingin ko ay wala naman pakialam kung malapit ako sa kapatid niya. Gusto ko ba siya mag-selos? Gustuhin ko man mukang imposibleng mangyari iyon.

"Ikaw naman, Lennox. Have you talk to my daughter? She missed you too." Nanlaki bigla ang mata ko nang sabihin iyon ni Daddy.

Awang ang bibig kong napatitig sa kanya sa sinabi niyang iyon. Bakit niya iyon sinabi? Para tuloy gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa labis na kahihiyan.

Kabaliktaran naman ng reaksyon ko ang reaksyon nila. Everyone smiles widely after what my father said to Lennox except for Lennon na halatang nag-iba ang timpla.

Lennox expression didn't change at all, his face remain casual and he just smiled at them.

Pasimple niya akong sinulyapan at mataman pinasadahan ng tingin at agad bumaling din sa kanila.

"I miss her too... I miss our little sister but she's now grown up and not a kid anymore," tugon niya sa sinabi ni Daddy na labis na ikinainit ng magkabila kong pisngi.

H-He missed me too... my heart is now pounding because of what he said but sadly, he only sees me as his younger sister nothing else.

"I-I am not your sister," sambit ko.

Everyone seems amused by what I just said, nagkatinginan sina Daddy at Mommy. Sina Tita Solen at Tito Enriz naman ay mukang walang ideya sa ibig ko ipabatid.

"Yes, you are not, but you are like a sister to me so there's nothing wrong with that. Come here often and take a visit if you are not busy," saad niya na may paanyaya sa akin na tila ba gusto niya ako maglagi rito kagaya lang ng dati.

Ewan ko, pero imbis na maging masaya mas lalo lang akong nalungkot sa isipin kapatid nga lang talaga ang tingin niya sa akin, samantalang ako ayaw ko ng ganoon.

Kinumpirma niya nang wala talaga akong pag-asa kahit hindi pa naman ako nagtatapat ng tunay na nararamdaman ko. Hindi pa nga ako nagsasalita pakiramdam ko ay binasted niya na ako kaagad.

"I will, pero hindi ko lang din sigurado kung mapapadalas ang pagbisita ko dahil umpisa na ng training ko sa company next week," saad ko nang hindi nauutal.

Mabuti nakapagsalita ako ngayon ng maayos sa harapan niya kung hindi ay nakakahiya sa kanila.

"You are now going to be an independent, huh? A responsible woman that usually does but you are still shy like you used to be." Hindi ko alam kung puri ba iyong sinabi niya.

Kinakausap niya nga ako! He is talking to me casually nang hindi ako sinusungitan... He now looks polite while talking to me.

O baka dahil lang kaharap namin ang mga magulang ko at mga magulang niya? Hindi naman siguro.

Ngunit nang masabi niyang mahiyain pa rin ako hanggang ngayon ay naghatid ng saya sa akin dahil ibig sabihin napansin niya kahit maliit na detalye lang tungkol sa akin.

Ganoon kababaw ang kaligayahan ko pagdating sa kanya, even the smallest details na nagpapakitang napapansin niya ako kahit na papaano ay laking tuwa ko na.

"Uhm... ganito naman talaga ako, hindi ka pa nasanay," kiming saad ko at nakaramdaman ako ng biglaang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

Hindi niya alam sa kanya lang naman ako nahihiya, sa ibang tao makapal ang mukha ko. Sa kanya lang ako tumitiklop sa tuwing nandiyan siya sa harapan ko.

Saktong tapatan pa kami ng sofa na kinauupuan kaya malaya namin napagmamasdan ang isa't isa habang si Lennon naman ay nasa tabi ko lang, tahimik na nakikiramdam at nakikinig.

"Aren't you guys hungry? It is almost 3:00 in the afternoon, we should eat afternoon snacks," biglang singit ni Lennox.

He breaks the awkwardness. Sometimes his presence is a big help lalo na pag nauubusan na ako ng sasabihin sa Kuya niya, he brings appetite to a conversation na wala nang patutunguhan.

"Maiwan ko muna kayo at magpapahanda ako ng meryenda natin sa mga maids," sandaling paalam ni Tita Solen sabay tayo niya sumunod naman si Mommy.

"I'll help you, Solen. Iwan na muna natin ang mga bata," saad ni Mommy at sabay na sila tumungo sa kusina.

"Sons, doon muna kami sa study room at may importante lang kaming paguusapan," si Tito Enriz naman ang nagpaalam kasama si Daddy.

Sabay na silang tumayo at umakyat ng hagdanan hanggang sa kami na lang ang naiwan nina Lennox at Lennon dito sa salas.

Ngayon mas lalong naging awkward ang pakiramdam ko nang maiwan kaming tatlo.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni Lennon sa baywang ko at agad na dumako ang tingin doon ni Lennox.

Tumikhim siya. "So as you said, umpisa na ng training mo sa company niyo next week? And what would be your position?" tanong niya.

His expression suddenly changed, his face became more stern at muling nanlamig ang mga mata niyang tumingin sa akin.

Naiilang ang pakiramdam ko sa paraan kung paano niya ako tingnan. His gaze makes me quivered. Hindi ko kaagad ma-proseso ang tanong niya, kaya mas gugustuhin ko pa na napapaligiran na lang kami ng nakararami.

"A-Ano... inilagay muna ako nina Daddy as head of finance," sagot ko at kagaya ng mga nauna kabado pa rin ako makipag-usap sa kanya.

"Natatakot ka ba sa 'kin?" Out of nowhere niyang tanong nang mapansin niyang hindi talaga ako mapakali sa pwesto ko habang kaharap siya.

"Hindi siya takot, maybe she's just intimidated by you Kuya, kaya bawas-bawasan mo kaya iyang madilim mong presensya na akala mo palagi kang naninindak," si Lennon ang sumagot.

Natawa si Lennox. "Paanong bawas ba? I can't be soft just for a girl," saad niya sabay sulyap sa akin.

He can't be soft just for a girl? It seems like I am really nothing to him so he will not make effort para lang mag-adjust sa akin at maging komportable ako.

"Ayos lang, I'm not expecting you to be nice with me... sanay naman na akong ganiyan ka," saad ko sa kanya na ikinatigil nila.

Sanay ka na, Cherry? Sinong niloko mo? Kaya pala simula pa kanina nagkakanda-utal ka na habang kausap mo siya. Sanay ka na pala sa kanya sa lagay na iyan.

"Cherry..." tawag sa akin ni Lennon, he seems like he wants to hug me to comfort me dahil siguro mapait ang naging tono ng pagkakasabi ko.

Hindi ko alam kung namalik mata lang ako ngunit nakita ko ang biglang pag-lambot ng ekspresyon ni Lennox ngunit agad din nawala. His eyes telling me something which I don't really understand.

"You should used to it, Cherry. Ganito mo na ako nakilala kaya dapat lang na masanay ka na," giit niya pa na mas lalo lang nagbigay dagan sa dibdib ko.

Ano pa nga ba? Iyon naman talaga ang ginagawa ko noon pa man sa tuwing nandiyan ka.

"Iyon na nga ang ginagawa ko, Lennox. Kahit na alam kong ayaw mo naman talaga nakikita ako rito sa bahay niyo noon pa," saad ko na hindi ko alam kung saan ba ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon.

Nasabi ko iyon kahit na kanina lang inanyayahan niya akong bumisita rito sa kanila ng madalas.

Makahulugang nagkatinginan ang dalawa. Preskong sumandal si Lennox sa sandalan ng sofa at pinakatitigan niya akong mabuti sabay halukipkip.

"Wala akong sinabing ayaw kita rito sa bahay, kailan mo iyon narinig sa akin?" saad niya na may tanong na tila ako itong nanghuhusga sa kanya.

"Hindi mo sinabi... ngunit ipinaparamdam mo," matapang kong tugon sa sinabi niya. Ngunit gusto ko na agad bawiin at pagsisisihan.

"You trust your feelings that much? You think ayaw kita rito dahil iyon ang nararamdaman mong iniisip ko? Have you ever been in my head? Have you ever read what's on my mind?" makahulugan niyang tanong.

It looks like I pissed him off.

How I wish I had been in his head, pangarap kong tumakbo ako sa isipan niya hanggang sa siya na mismo ang mapagod kakaisip sa akin. Gusto ko iyon, gusto ko ng ideyang nasa isip niya ako na tanging ako lang ang laman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status