Share

Chapter Four

Four years ago...

"Are you sure you're not coming with us?" Maang at puno ng pagtatakang tanong sa kanya ni Maggie. "Ikaw ba talaga yan Ella? Ngayon ka lang yatang tumanggi na magnight-out tayo?"

Nagtaas siya ng kanyang kilay at nagkibit ng balikat.

"Alam ninyo naman na hanggang ngayon grounded pa rin ako." sadya niyang pinalungkot ang kanyang boses.

Nag-makeface si Jessa. "Asus, as if naman tatalab sayo yang mga grounded-grounded na iyan." ngumisi ito. "Ikaw pa! Isang lambing mo lang kay tito Armand, bibigay na iyon. Ang sabihin mo, hindi naman talaga iyon ang dahilan di ba?" taas kilay pa nitong dugtong.

"Not this time guys, he's really into it. Alam ninyo naman malala ang nangyari last month kaya hindi ko na madala si Papa sa powerful kong lambing."

"So hanggang kailan yang taning mo?" Si Joselle.

"I don't know." Nagkibit siya ulit ng balikat.

"Randall will be disappointed," curious siyang tiningnan ni Maggie. "Nag-usap na ba kayo?"

"The hell I care! I broke up with him!"

Kita niya ang pag-angat ng tingin sa kanya ng mga kaharap.

"When? Why?" sunod-sunod na tanong ni Jessa. "Bakit hindi namin alam?"

"The other day." Balewalang sabi niya bago dinala ang clubhouse sandwich sa bibig at marahan na kinagat.

"Hindi ba't wala pa kayong dalawang buwan? Bakit nag break na agad kayo?" si Joselle.

"And we thought that he is the love of your life, di ba sabi mo yon sa amin noong sagutin mo siya?" si Maggie.

"Oo nga." segunda naman ni Jessa "You've been crushing him since he transfer here from America, and that was four months ago. Panay pa nga ang pagpapansin mo, and when he finally courted you, you're so happy. Sinagot mo nga agad di ba? So why?"

"I fall out of love.."

"Ganoon kadali?" ngumiwi ang mga ito.

"He get me bored. Kasalanan ko ba iyon?"

Umiling-iling ang mga ito.

"Ang buong akala namin, for good na iyan si Randall. He's every inch of a man Ella. Wala ka ng hahanapin pa. He's handsome, rich, and very famous. Maliban sa amin, lahat yata ng mga babae dito sa campus ay kinababaliwan iyan, lalong-lalo na si Margarette. She just back off when she knew that you were a thing."

"Syempre, who would dare.. Ikaw ba naman maging si Arabella Santana." Nakangising sabad ni Maggie. "Takot lang niyon."

"Margarette will be delighted, and very happy kapag nalamang wala na kayo ni Randall." tila nananantiya pang sabi ni Joselle.

"I don't really care guys. She can have all of him now."

"Tsk..tsk..tsk.." umiling-iling si Maggie "The last time you broke up with Andrew, you're with that same reason. Kung hindi ka na-bored, you get tired, or fall out of love and etsetera..etsetera.. Ganoon ka sa mga ex mo. But at the end of the day, malalaman nalang namin na may iba ka na palang nagugustuhan kaya bini-break mo ang recent bf mo."

Tumango-tango sina Jessa at Joselle, nasa kanya ang nanunuring mga mata.

"May iba ka bang nagugustuhan ngayon?" si Jessa.

"Huh?" napa-angat ang kanyang tingin, nagulat sa diretsahang tanong na iyon ng kaibigan.

Nagkatinginan naman ang tatlo.

"Sabi na nga ba eh," ngumisi si Maggie. "You like someone else that's why you broke up with Randall. Sino?"

Kumunot ang kanyang noo saka umiling. "Wala ah.." defensive niyang agad sabi saka nag-iwas ng tingin. Itinuon sa baso ng pineapple juice sa harapan. Mas lalo pang lumapad ang ngisi ng mga kaharap.

"We know you Ella, kaya hindi ka makakapagtago sa amin. Sino ngayon? Is it Bench?"

Curious na curious ang mga ito na nakatunganga sa kanya. Waiting for her answer. Nanulas lang sa kanyang labi noong isang araw na guwapo pala si Bench sa malapitan, in-assume na ng mga bruha na may gusto siya sa lalaki.

"Of course not!"

"You're lying!" Si Joselle. "Nakita kita kahapon na kausap mo siya, hindi ko lang ginawang big deal dahil si Randall ang boyfriend mo, but knowing you broke up with Randall now, really means something."

"Nagkasalubong lang kami ni Bench sa pasilyo kahapon. He greeted me.. O alangan naman na talikuran ko. Of course, I greeted him back, tapos hayun sabay na kaming naglakad."

Nakatingin pa rin sa kanya ang tatlo. tila hindi naniniwala.

"Pero usap-usapan na matindi raw ang crush non sayo, and you've just said that he is handsome."

"But it doesn't mean that I already like him." Agad niyang sagot. "Because I don't! And I don't have any plans!"

"Poor Bench! Baka dahil kinausap mo siya kahapon ay aasa na iyon sayo." Si Maggie.

"Well, he's not bad either. He's handsome too. Matangkad, and he's the team captain of our school basketball team. Mula rin sa kilalang pamilya. Why not?" Ngumisi si Jessa.

"Basta ako, si Randall pa rin ang bet ko. Nasa kanya pa rin ang boto ko. He's like a model in some hot magazine."

Napairap siya. "I have this feeling that you guys are selling me off! Are you really my friends?"

"Yes we are!" magkasabay pang sabi ng tatlo, ngumisi muli.

"We are your best friend that's why we know you very very well. Alam namin na kung magpalit ka ng boyfriend para ka lang nagpapalit ng mga damit mo sa iyong closet senyorita." si Maggie.

"Eh kasi nga--"

"You get bored and fall out of love." Joselle cut her off. "Palagi naman e.."

"Basta ako, I have this feeling that you like someone else now." Si Jessa na makahulugan ang ngisi sa kanya.

Makahulugan lang din siyang ngumiti na lalong nagpa-curious sa mga ito. Pinipilit na sabihin niya. Pero kahit anong pilit ng mga ito na malaman sa kanya kung sino ay hindi siya nagsalita. She told them it was really not what they think, na wala talaga. Alam niyang hindi naniwala sa kanya ang mga kaibigan, pero dahil sa nakitang determinasyon niyang huwag sabihin, sa huli sumuko rin ang mga ito.

Oh, well, she really like someone, pero hindi niya pwedeng ipangalandakan iyon sa mga kaibigan. Hindi pa.

MALAYO pa lang ay napangiti na siya. She saw their BMW park on its designated parking space on their school. Marahan niyang kinuha ang cellphone niya at palihim na tiningnan ang sariling repleksyon sa screen nito. She secretly put some strand of her hair behind her ear, pinag-isa niya rin ang kanyang mga labi para magpantay ang lipstick na inilagay niya kanina bago siya lumabas ng kanilang classroom.

She smile as she remember her friends face earlier when they saw her putting that lipstick on her lips.

"You really like someone, we're sure of it now!" Maggie burst at her saka tiningnan ang kanyang bagong bili na lipstick. They not used seeing her putting make up, maliban lang kung may okasyon. And the last one was on her debut last August at tatlong buwan na ang nakakaraan.

Hindi niya rin naman kailangan iyon, because she has an exceptional beauty that can make anyone turn their heads into. Hindi nga ba't for the past years mula noong junior high siya hanggang ngayong senior high, siya palagi ang itinatanghal na face of the crowd ng kanilang school. She always win effortless. At dahil din doon kaya maraming nag-oofer sa kanya na sumali sa mga beauty contest or mag modelo pero tinatanggihan niya ang mga iyon. Its not the cup of her tea. At isa pa wala siyang hilig sa mga ganoon.

Pero iba sa araw na iyon at sa mga susunod pang araw. Because after she met him, natuto siyang maging conscious sa sarili. He really has the aura to make her feel that everything about her was not enough.

She glance at her uniform one more time before walking gracefully into the direction of their car.

"HI.." she gave him the sweetest smile she ever had. "Doon na ako uupo sa front seat." Sabi niya ng umibis ito para pagbuksan siya ng pinto sa likod.

"No señorita." he said in a serious tone. "Dito ka dapat na umupo sa likod at hindi doon sa harap kung saan katabi ang driver." sabi pa nito at binuksan na ang pinto.

Napa-angat ang tingin niya rito. 'That's exactly her point, doon siya uupo sa harap para hindi ito magmukhang driver. Dahil hindi ito bagay na maging driver! At isa pa.. kapag doon siya umupo sa harap nasa kanya ang buong pagkakataon na mamasdan ito na hindi niya magawa sa mansion dahil lagi nalang siya nitong parang iniiwasan.

"Pumasok ka na señorita." tila naiinip na sabi nito.

Pero imbes na pumasok ay nagmartsa siya papunta sa harap, binuksan ang pinto sa front seat at doon umupo.

Agad niyang isinandig ang ulo sa backrest ng makaupo. Taas ang mga kilay habang hinihintay ang kanyang bagong driver na noo'y alam niyang iritang-irita sa kanyang ginawa.

Hindi nga nagtagal ay nasa gilid na niya nito. Madilim ang mukha at tiim ang mga labi na pinaandar ang sasakyan. He didn't say anything, but he really look so pissed at iyon ang pinakamalaking puzzle na hanggang ngayon hindi niya pa magawang sagutan.

Bakit ba may pakiramdam siyang galit ito sa kanya? Sa loob ng dalawang linggo nitong pagiging driver niya ni hindi man lang siya nakaranas ng maayos na pag-uusap mula rito. Kapag sinusundo siya nito, she tried her best to be nice to him, she was always the first to talked to him, creating a conversation. But he was the person who's one word is enough. Kung hindi tango, iling lang ang sagot nito. At kung sa mansion naman busy ito sa pagtulong kahit kanino sa mga kasambahay nila. Hindi niya alam kung ganoon na talaga ang ugali nito o sadya lang talagang iniiwasan siya nito.

At kung ganoon nga.. Bakit??

Her friends was right, she like someone else that's why she broke up with Randall.

Simon Clark Dela Fuente..

Una niya pa lang itong nakita ng ipakilala ng Papa niya ay lumakas na agad ang tibok ng kanyang puso. Iba ang naging tama ng aura nito sa kanya, for a moment then she was mesmerized.

She had seen, and been with handsome boys before, she even dated some of them, became boyfriends, pero hindi siya nakaramdam na parang may mga paru-parong naghahabulan sa kanyang tiyan sa mga iyon. She never get nervous or conscious, ngayon lang. With Simon, she felt all of that at once. Hindi niya alam kung bakit? but there was something in him that really makes her heart beat in abnormal way.

Bumaling siya rito, nanatili ang seryoso at madilim nitong mukha habang nagmamaneho. Magkaganoon man, napakaguwapo pa rin nito. Iyon ang dahilan kaya ginusto niyang maupo doon sa harap. Malaya niyang nagagawang pagmasdan ito

na hindi niya nagagawa sa ibang pagkakataon.

Umangat ang gilid ng kanyang labi para sa isang ngiti. She like him, pero sa pagkakataong ito mukhang mahihirapan siyang makuha ang atensyon nito.

Well, para saan pa at siya si Arabella Santana kung hindi niya magagawan ng paraan ang bagay na iyon. No one has ever turn her down at sisiguruhin niya, hindi magiging exception doon si Simon Clark Dela Fuente.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status