Share

A Love So Wild
A Love So Wild
Author: Shanelaurice

Chapter One

"Miss Santana, you can go now." sabi sa kanya ng chief investigator ng presintong iyon.

Agad siyang tumayo pagkarinig sa sinabi nito saka walang lingon-lingon na naglakad papunta sa pintuan at agad na lumabas mula sa opisina nito.

Sa labas kita niya si attorney Labrador, their family lawyer, busy talking to the owner of the stall. Ang maliit na kariton ng fishball na kanyang nabangga kani-kanina lang. Somehow she's a bit dissapointed dahil wala doon ang tanging tao na gusto sana niyang naroroon sa mga sandaling iyon. Her father.

Lumingon ito ng maramdaman siguro ang presensiya niya. She walk immediately towards him.

"Is everything settled now Attorney?" Tanong niya. Ang mga mata ay naroroon sa medyo may edad ng lalakeng kaharap nila. The cart owner.

"Yes Ella, but I'm still talking to Mang Tonyo. Gusto ng Papa mo na bigyan siya ng dagdag pa na kabuhayan bukod sa pinalitan yung kariton niyang nabangga mo." Binigyan diin nito ang huling sinabi. He is insinuating that it was really her fault. At base sa mga tingin nito sa kanya, gusto pa yata nitong humingi siya ng tawad sa Mang Tonyo na iyon.

Napataas ang kilay niya. She will never do such thing!

Okey, she admit it. Partially it was her fault, pero may kasalanan din naman ang matanda dahil tumawid ito doon kahit alam nitong ipinagbabawal dahil accident prone area ang lugar. Kung iisipin, siya pa nga itong agrabyado dahil muntik ng mabagok ang ulo niya sa headboard ng kanyang  sasakyan dahil sa mabilisan niyang pagpreno. Na naabot pa rin ang kariton nito.

"H...Hindi na naman po kailangan iyon Attorney." Sabi ng matanda na alanganin ang tingin sa kanya. "Sapat na po na pinalitan yung kariton ko, at yung binigay ninyong dagdag na puhunan ko."

"Yun naman pala Attorney e, so come'on let's go, I'm dead tired. Masakit pa ang ulo ko sa muntikan kong pagkabagok kanina." inip niyang sabi.

Napayuko naman ang matandang may-ari ng kariton.

"Pagpasensiyahan ninyo na po ako na ma'am." Mahinang sabi nito.

"Alam ninyo naman siguro na bawal tumawid doon di ba?" Sarkastikong di niya napigilang tanong.

Kung tutuusin, ito pa ang may malaking atraso sa kanila dahil nagupi ang harapang bahagi ng kanyang bagong biling Sedan. Hindi na nga niya iyon irereklamo pa dahil alam naman niyang wala rin naman itong ibabayad.

"Pasensiya na po talaga, nagmamadali po kasi ako dahil hinahabol ko yung oras ng meryenda sa eskwelahan sa kabilang kanto. Kung doon pa kasi ako dadaan sa pedestrian lane, hindi na ako aabot, at kapag nagka-ganoon, hindi na po mauubos yung paninda ko."

"Kahit alam ninyong pwede kayo madrisgrasya? And then you will blame it on us? On me?"

"Ella!" Saway sa kanya ni attorney Labrador.

"What?" Taas kilay niyang baling dito. "It's true anyway."

"Let's just settle this okey." Mahinahon nitong sabi. "Besides kagustuhan ng Papa mo na bigyan si mang Tonyo ng dagdag na hanapbuhay, at scholarship na rin sa tatlo niyang anak na nag aaral."

"Naku, huwag na po," agad ring sansala ng matanda. "Sobra-sobra na po yung mga ibinigay ninyo, nakakahiya naman po na pa--"

"I'm going attorney!" Naiiritang putol niya. "Hihintayin nalang kita sa kotse. Kung ano man ang charity works na gustong ibigay ng Papa, settle it immediately." Dugtong niyang hindi na hinintay ang sagot ng abogado. She turn her back at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng presintong iyon.

"WHAT?" Taas-kilay niyang sita kay attorney Labrador. Pansin niyang kanina pa ito pasulyap-sulyap sa kanya sa front mirror ng kotse nito.

"You don't have to be that harsh to that old man Ella, nakakaawa yung matanda."

"Oh please Attorney, not that again. It was already settled right?"

"Yes.." mahina nitong sagot.

"Yun naman pala. So there's no need for you to rant at me. You already settled it, you compensate the damages, so why bring it back again? After all it was really that old man's fault, narinig mo naman sa kanya di ba?"

"Naroon na ako Ella, pero mas malaki ang partisipasyon mo sa disgrasyang iyon. I talked to some of the eye witnesses, ang sabi nila.. you drive as if no tomorrow, hindi mo man lang alintana na paliko ang kalsadang iyon at accident-prone area pa!"

"Please lang Attorney, I'm dead tired, huwag na natin pag usapan pa iyon pwede ba! Nabayaran mo na ang matanda.. higit pa nga dahil binigyan ninyo pa ng Papa ng scholarship ang mga anak niya at--"

"He didn't accept the scholarship." Mariin nitong sabi.

Napakunot ang kanyang noo, sandaling natigilan.

"See? Hindi lahat ng parehas ni mang Tonyo ay mapagsamantala Ella. Hindi niya tinanggap ang scholarship dahil inaamin niyang may kasalanan siya sa nangyari. That old man really has his principles, kaya nga--"

"It's his pride that talks Attorney and not his principle." she said sarcastically. "His damn pride! Pera na ginawa niya pang bato! By the way it was his choice, wala na tayong magagawa, so just let him be."

After saying that ay isinandig niya ang ulo sa backrest ng sasakyan. Indikasyon iyon na ayaw na niyang pag-usapan pa ang nangyari. Hindi na naman nagsalita pa si Attorney Labrador. Nakita niya pa ang pag-iling nito bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.

"Kailan daw uuwi si Papa?" Maya-maya ay tanong niya habang nanatili pa rin nakapikit.

"A day or two siguro, hindi pa kasi tapos ang conference niya sa cebu."

Mapait siyang ngumiti. Hindi na muling nagtanong pa. She expected that anyway. Ano pa ba ang inaasahan niya? Her father is always busy with their business that they merely see each other. Isang linggo na siyang nakauwi galing America pero ni anino ng kanyang Papa ay hindi niya pa nakikita.

Malalim siyang napabuntong-hininga. Pilit na inaalis ang pait sa damdamin. It was always been like this, kaya dapat masanay na siya. Hindi rin naman niya magawang magtampo sa ama dahil mula pa man noong magka-isip siya ay ipinaintindi na nito sa kanya kung bakit nito iyon ginagawa.

At naiintindihan niya. He was her sole provider. Her mother died giving birth to her at mula ng mangyari iyon ay isiniksik na nito ang sarili sa trabaho. He became workaholic. Ang trabaho ang ginawa nitong pampalimot sa kalungkutan nito. And he succeeded. As of now, Sofia Grand Mall is one of the biggest mall in the Philippines. It was name after her late mother, at meron na silang labindalawa sa buong Pilipinas. Kaya nga sa sobrang busy ng kanyang Papa na siyang presidente ay minsan na lang sila magkita na mag-ama.

Well, they always talked on phone, and see each other in video calls. Salamat lang at moderno na ang komunikasyon this days, she can still reach her father easily in times she misses him.

Maliban sa panahon, her father gave her everything. Lahat na kayang bilhin ng pera. She's been living in a grand mansion with all the maids, cook, and driver. She have her own walk-in closet na puno ng mga mamahaling mga damit along with her signature bags, and shoes, expensive perfumes, mga alahas na ang iba ay hindi na niya maisuot sa sobrang dami. She was even enrolled in the most prestigious school.

She live all her life in luxury. Spoiled by her father in everything, at kahit noong nasa America siya walang ipinagbago sa lifestyle niya, pero sa kabila ng lahat ng iyon, dama niya ang kahungkagan sa kanyang dib-dib. Maybe she have everything, and she's envied by many of her age, subalit walang kaalam-alam ang mga iyon kung ano ang kanyang tunay nararamdaman. That despite of all the richest she have, despite of her so called smile, deep indide.. she's lonely, empty, and her heart is shattered into pieces.

TULOY-TULOY siyang pumasok sa loob ng makarating sila sa mansion. She needed rest very badly. It was as if all her strength were drained in those two hours she stayed in that dirty precinct.

She immediately walk through their grand staircase, but she halted her step when she saw someone she didn't expect to see. At least for that moment.

"Papa!" maang niyang baling. Agad siyang bumaba ng hagdan at sinalubong ito.

"How are you iha?" Agad sipat nito sa kanya sa nag-aalalang tinig. "Are you okey? Hindi ka ba nasaktan?"

Umiling siya.

"Okey lang ako Papa."

"God, I was so worried when Attorney Labrador called and told me that you involved in an accident. Are you sure you're okey? " tila hindi pa rin ito kumbinsido sa naging sagot niya.

"I'm really fine 'Pa, hindi ba iyon nasabi ni Atty. Labrador sa inyo?" Tanong niya na ang tingin ay nasa abogado na noo'y papasok na sa loob ng mansion.

"He did iha, pero--"

"He said you're on your conference." She cut him off.

"I am.."

She look at him worriedly. "And you walked out on just to go back here?" She felt guilty now.

"Nag-alala ako sayo Ella."

"Pero sinabi na ni Attorney na okey lang ako, and I am okey Papa. Kung nag alala ka, you could have called me, hindi mo na kailangan na umuwi at iwan ang meeting mo."

"I've called you so many times, but you're out of reach."

"Oh.." she murmured. Nakalimutan niya, sa presinto pa lang na lobat na ang cellphone niya.

"And beside, you can't just make me go on with that meeting knowing that my precious daughter involved in an accident." He look at her gently. "Because nothing in this world could be more important than you. You know that right? Para sa akin, ikaw lang ang pinakamahalaga. Para saan pa ang lahat ng ito kung may mangyaring masama sayo?"

Napakagat labi siya. She can feel her tears forming at the corner of her eyes. Kapag ganito na ang kanyang Papa, lahat ng pagtatampo na meron siya para rito ay bigla nalang natutunaw. Ni hindi man lang siya nito sinermunan o sinabihan sa kasalanan niya, instead here he is worrying so much of her safety.

She run in his arms and hug him tight. "I'm sorry for making you worry 'Pa." She whisper. "Kababalik ko lang pero problema na agad ang ibinigay ko sayo." she added pouting. "And I'm sorry about the car."

Bumuntong hininga ito. "I don't care about that damn car Ella!" He hissed angrily. "We can buy and replaced it any time. Ang inaalala ko ay ikaw, I already banned you to drive, bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

Napakagat labi siya. "It's not my fault, kasalanan ko ba na bigla nalang tumawid yung matan--"

"I'm not after of who's fault it was.. I'm after of your safety Ella, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sayo sa aksidenteng iyon. I'm sure I'll die! So please, hear my wish, don't ever set your hands on that steering wheel again. Let our drivers do the driving for you, pwede ba iyon?"

Napakagat-labi siya sa marahan na tumango. She didn't argue anymore, she was old enough to understand him. If she was still that young Ella four years ago, siguro nagrebelde na siya. She did that back then and look what it leads her into.

She had learned her lesson kaya hindi na siya ulit susuway sa kanyang Papa.

Niyakap niya ulit ang ama. This time, puno na iyon ng paglalambing. She misses him so much. It's been two months since she last saw him at sa America pa iyon. Noong graduation niya, at dalawang araw lang ito nanatili doon.

She knew it's not proper, and she must not, but she feel a little bit thankful that the accident happened, dahil napaaga ang uwi ng kanyang Papa. Kung hindi kaya nangyari ang aksidenteng iyon, nandito kaya ito ngayon? O baka naman pagkatapos nito sa cebu sa ibang lugar naman ito patutungo for another meetings or conferences, or worst out of the country. At sigurado kapag ganoon, aabutin na naman ng ilang linggo or maybe months for them to see each other like this. Kaya dapat ba siyang magpasalamat at nangyari iyon?

"GOOD morning Ella.."

Nagulat pa siya ng mabungaran niya sa kumedor ang kanyang Papa na nag- aalmusal kinabukasan. Hindi niya inaasahan iyon kaya sandali siyang natigilan.

"Take a sit, let's have breakfast together." nakangiti nitong sabi.

Ngumiti na rin siya saka marahan na umupo sa silyang nasa kaliwang bahagi ng dining table sa gilid ng ama.

Dapat namnamin na rin niya ang mga ganitong once in a blue moon na pagkakataon. She can't remember when was the last time they ate breakfast together. Ngayon lang ulit.

"Hindi ka ba pupunta ng office ngayon?" tanong niya sa ama na noo'y umiinom ng kape. "Ako na manang.." Baling niya sa kanilang katulong ng magtangka itong lagyan ng pagkain ang kanyang plato.

"I have a meeting, pero mamayang hapon pa iyon, kaya gagamitin ko muna ang umagang ito para magpahinga." Ibinaba nito ang tasa ng kape saka tumingin sa kanya. "Beside you're here now, pupunta ka naman ngayon doon di ba?" nananantiya nitong tanong.

"Yes Papa." Sagot niya while putting some bacon and bread on her plate.

As if naman may choice siya. Hindi siya pwedeng umayaw o tumanggi because since the very start he already trained her for her role as the sole heiress of Sofia Grand Mall.

Mula pa man noon, iyon na ang inaasahan nito sa kanya, nang lahat sa kanya, kaya nga kahit ayaw niya ng responsibilidad na iyon ay wala siyang magagawa.

"Mag-iikot lang muna ako sa main ngayon 'Pa.." She said. "Saka na ako mag-uumpisa kapag napag-aralan ko na ang mga detalye, at mga pasikot-sikot sa mall. Besides, kakagraduate ko lang, I want to take some time for myself before putting my all in the business."

"That's a good thinking for a starter iha." her father smile.

"Kumusta nga pala ang dapat sana'y meeting ninyo kahapon? Did it go well even though you walked away? Wala bang naging problema na hindi ninyo napatapos?"

"Don't worry about it Ella, dahil may inatasan akong tao para um-attend doon. He is a trusted one kaya walang naging problema."

She sigh in relief. The guiltyness that she was feeling since yesterday somehow fade away.

Nagpatuloy na sila sa pagkain. After their breakfast, she bid her father goodbye.

Suot ang isang puting long sleeves na itinack-in sa itim na slacks na sinampawan niya ng blazer and a pair of stiletto with her channel bag ay naglakad siya palabas.

Ibinigay niya sa isang katulong ang kanyang bag while her coat with the other maid. She walk gracefully, kasunod niya ang mga katulong na bitbit ang kanyang mga gamit.

Doon na niya sa labas hihintayin ang kanyang kotse. But of course as her father wish, with her driver.

Tinawagan na ito at pinahanda ni manang Saling kani-kanina lang.  Ang sedan niya ay kasalukuyang nasa kasa at inaayos ang naguping harap.

After a seconds of waiting, their black BMW park right infront of her.

Nagmamadali naman ang dalawang katulong na buksan ang pinto sa likod. Isinuot niya ang kanyang sun glasses, she walk through the car door and hop inside, maingat namang ibinigay sa kanya ng mga maid ang kanyang bag at ang kanyang coat.

ILANG sandali pa nasa kalsada na sila at marahan na ang pagpapatakbo. Nakakabinging katahimikan na ang sumunod na namayani. She didn't even hear her driver voice, ni hindi niya narinig na binati siya nito which is natural for a employee to greet his employer. Nagtatakang nag-angat siya ng tingin. Una niyang napansin ang clean cut na gupit ng kanyang driver. Kaya mas lalo lamang siyang napakunot noo, hindi ganoon ang gupit ni mang Renato, ang kanilang family driver. At base sa namamasdan niya mula sa likod, hindi pa matanda ang nasa driver seat ngayon, maitim na maitim ang buhok nito at hindi maputi gaya ng kay mang Renato. And now she's very sure that he isn't mang Renato!

"Sino ka?" Natitilihan niyang tanong.

But he didn't answer, nanatili ang tingin nito sa harap ng kalsada.

"I am asking you!" Kulang nalang mag histerikal siya. "Who the hell are you?" She asked darkly.

She heard him heave a deep sigh.

"Hindi ka pa rin nagbabago," A dark baritone fill her ears. "You're still that same spoiled brat I used to know." Umiling-iling ito. "You haven't change a single bit." dugtong nito na bahagya pang lumingon.

Her heart scream in horror when she finally see the man infront of her.

"I..ikaw?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cass Garcia
maganda ang kwento sa umpisa lang hindi kana aantukin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status