LOGINKinabukasan, tila ibang klase ang pakiramdam ni Mika paggising niya. Hindi na lamang iyon dahil sa matagumpay na Cultural Night, kundi dahil sa mga sandaling ibinahagi nila ni Aaron matapos ang programa.Habang nag aayos siya ng kanyang gamit para pumasok, napansin iyon ni Julia.“Parang ang saya mo ngayon ah,” nakangiting sabi nito habang nagtitimpla ng kape.Bahagyang napahiya si Mika. “Wala naman, Ma. Masaya lang kasi tapos na yung event.”Ngumiti si Julia ngunit hindi na nagsalita. May kung anong nababasa siya sa kilos ng anak na hindi na niya kailangang itanong pa.Pagdating sa eskwela, agad sinalubong si Mika ng kanyang mga kaklase.“Grabe, Mika! Ang galing niyo kagabi!” sabi ng isa.“Oo nga! Parang professional hosts!” dagdag pa ng isa.Napangiti si Mika habang nagpapasalamat. Ngunit hindi niya maiwasang hanapin ang isang pamilyar na mukha sa gitna ng maraming tao.“At eto na siya,” biglang sabi ng kaklase niya sabay turo sa likuran.Paglingon ni Mika, nakita niya si Aaron na p
Nagpatuloy ang programa nang mas lalong naging makulay at masigla. Sunod sunod ang mga pagtatanghal mga sayaw mula sa iba’t ibang rehiyon, awitin ng mga piling estudyante, at mga dulang nagpapakita ng mayamang kultura. Sa gilid ng stage, abala sina Mika at Aaron sa paghahanda para sa susunod nilang paglabas. “Teka, ikaw na sa intro ng next performance ha,” sabi ni Mika habang tinitingnan ang program. “Bakit ako?” kunwaring reklamo ni Aaron. Napangiti si Mika. “Para maiba naman. Tsaka magaling ka naman.”saad nito. Bahagyang natahimik si Aaron, saka ngumiti. “Sige, basta ikaw sa closing line.” “Deal,” sagot ni Mika. Makalipas ang ilang segundo, muli silang tinawag sa stage. Pagharap nila sa audience, mas ramdam na ni Mika ang kumpiyansa. Hindi na siya gaanong kinakabahan. Sa halip, parang mas lalo pa siyang na eexcite sa bawat sandali. “Handa na ba kayo sa susunod nating pagtatanghal?” masiglang tanong ni Aaron. “Yeeees!” sabay sabay na sigaw ng audience. Napatawa si Mika. “M
Kinabukasan ng gabi ay mas naging abala ang buong campus. Papalapit na ang pinakahihintay na Cultural Night, at halos lahat ng estudyante ay may kanya kanyang paghahanda. Sa backstage ng auditorium, hawak ni Mika ang kanyang script habang paulit ulit na binabasa ang opening lines. Naririnig niya ang ingay ng mga estudyanteng papasok na sa loob ng bulwagan.Lumapit si Aaron sa kanya habang inaayos ang kanyang coat.“Kinakabahan ka pa rin?” tanong niya.Bahagyang ngumiti si Mika.“Konti,” sagot niya. “Mas marami kasing tao kaysa sa inaasahan ko.” dagdag pa niya.Sumilip si Aaron sa kurtina ng stage at nakita ang halos punong auditorium.“Normal lang ‘yan,” sabi niya. “Pero tandaan mo, kasama mo ako.”pag papakalma niya kay Mika.Napatingin si Mika sa kanya at bahagyang napangiti.“Salamat,” mahina niyang sabi.Sa kabilang bahagi naman ng auditorium, kakapasok pa lamang nina Robbie, Julia, at Lia. Nakaupo sila sa ikalawang hanay.“Ang daming tao,” bulong ni Lia habang masayang nakatingin
Isang hapon matapos ang klase, nakaupo si Mika sa ilalim ng malaking puno sa loob ng campus habang hawak ang kanilang script. Katabi niya si Aaron na tahimik ding nagbabasa.“Ready ka na ba sa opening lines mo?” tanong ni Aaron habang nakangiti.Bahagyang natawa si Mika.“Ready naman pero kinakabahan pa rin ako,” sagot niya.“Bakit? Ikaw pa?” biro ni Aaron. “Student council president ka na, host ka pa. Sanay ka na sa harap ng maraming tao.”dagdag pa nito.Napailing si Mika.“Iba kasi ‘pag ganito. Parang mas personal,” paliwanag niya.Tumango si Aaron na tila naiintindihan ang ibig niyang sabihin.“Kung kinakabahan ka, isipin mo na lang na nagkukuwento ka lang sa mga kaibigan mo,” sabi niya.Napangiti si Mika.“Salamat,” sabi niya.Nagpatuloy sila sa pag practice ng script. Paminsan minsan ay napapatawa sila kapag nagkakamali sa linya o kapag nagbibiro si Aaron para gumaan ang kanilang pakiramdam. Makalipas ang ilang sandali, biglang nagsalita si Aaron.“Pwede ba akong pumunta sa bahay
Lumipas pa ang ilang linggo matapos ang gabing iyon. Unti unting naging bahagi na ng araw araw na buhay ni Mika ang pagiging abala sa student council. Minsan ay maaga siyang umaalis ng bahay, dala ang mga papeles at notebook na puno ng plano para sa mga proyekto ng eskwela.Isang Sabado ng umaga, tahimik ang bahay nina Robbie at Julia. Si Lia ay nasa sala, abalang nagkukulay ng drawing habang nanonood ng cartoons. Sa kusina naman, nagkakape si Robbie habang nagbabasa ng balita sa kanyang cellphone.“Nasaan si Ate Mika?” tanong ni Lia habang hindi inaalis ang tingin sa papel.“Maaga siyang umalis, may meeting daw,” sagot ni Julia habang naglalagay ng tinapay sa plato.Napailing si Robbie.“Sabado na Sabado may meeting pa rin?” bulong niya.Napangiti si Julia.“President siya ng student council. Marami talagang ginagawa.” pagpapaliwanag nito.Makalipas ang ilang oras, bumukas ang pinto ng bahay.“Ma! Pa! Nandito na ako!” masiglang sigaw ni Mika.Lumabas agad si Lia mula sa sala at niyak
Lumipas pa ang ilang buwan matapos mahalal si Mika bilang student council president. Mas naging abala ang kanyang mga araw. Madalas na siyang may meeting sa eskwela at kung minsan ay gabi na nakakauwi. Isang hapon, habang nagluluto si Julia sa kusina, napansin niyang tahimik na naman si Mika habang nakaupo sa mesa. “Anak, pagod ka ba?” tanong niya. Umiling si Mika ngunit halatang may iniisip. “Ma pwede bang magkwento?” mahina niyang sabi. Ngumiti si Julia. “Syempre naman.” Huminga nang malalim si Mika bago nagsalita. “May isang kaklase kasi ako si Aaron. Madalas kaming mag usap dahil sa mga project sa student council.” paliwanag niya. Hindi agad nagsalita si Julia. Nakikinig lang siya. “Minsan parang masaya ako kapag kausap ko siya. Pero minsan naman naiirita ako,” dagdag ni Mika. Napangiti si Julia. “Normal lang iyon,” sabi niya. “Kapag may taong mahalaga sa’yo, halo halo talaga ang nararamdaman mo.” dagdag pa niya. Napakunot ang noo ni Mika. “Ma ibig bang sa







