Masuk
ZOREIGN’S POV:
“Oh! Ngayong nakapagtapos ka na sa kurso mo. Maghanap ka na ng trabaho para naman may pakinabang ka sa amin Zoreign." mataray na saad ng tiyahin ko na pinaglihi ata sa sama ng loob. Paano ba naman eh yung mukha laging nakasimangot. Imbes na magdamdam sa masakit na salitang sinabi niya ay napangisi pa nga ako. “Anong nginingisi-ngisi mo riyan?" saka niya ako inirapan habang hawak ang abaniko niya at pinapaypayan ang sarili. Suot ang kamiseta niya na kulay pula at hanggang tuhod, may mga curlers pa nga ang buhok niya. Para talagang yung kontrabida lang sa isang palabas. At ko ang bida syempre. Magpapadaig ba ako? Sabay evil laugh ko sa isipan ko. “Tiyang, huwag ho kayong mag-aalala. Kasi bukas na bukas ay mag-aaply ako sa mga kilalang kumpanya. Para naman hindi ko na makita yang pagmumukha niyo… Ay este hindi na kayo mainis sa akin." sabay ngiti ko ng peke. Dahilan para kumunot na naman ang kilay niya. Lumapit ako saka pinilit na ini-stretch ang kilay nito na para bang may pag-asa pang maisaayos kahit wala nang tiyansa. “Oh! Yung kilay niyo, huwag niyong masyadong kinukunot baka magka-wrinkles kayo. Sayang ang beauty!" naiiling na saad ko at napapalatak. Dahilan para tapikin niya ang kamay ko saka ako nilayasan. Asar talo na naman si tiyang. Sa totoo lang, gusto ko na talagang maglayas sa bahay nila. Malaki nga para namang mga kwago ang nakatira. — — — KINABUKASAN… Pagod na pagod ako kahapon kaya nahuli ng gising. Ako ba naman ang tagahugas ng plato nila, tagalinis ng libag ay este bahay nila, tagalaba ng mga mabaho nilang damit at ako lang naman ang taga plantsa ng mga natuyo nilang damit. In short, ginawa akong alila ng mga magaling kong kamag-anak. Inggit siguro sila sa kagandahan ko dahil ako hindi na kailangang magpaganda pa. Dahil inborn na ‘to ‘no. Namana ko sa magandang lahi nina mama at papa. Aba’y ewan ko ba, baka hindi ko talaga tunay na kadugo ang mga ito. Pangit na yung ugali, nevermind na lang sa itsura. Ayokong manghusga kasi nagpapakabait na ako. “Jusko! Kailangan ko nang magmadali para makarami ng resume na maipasa sa iba’t-ibang kumpanya." saad ko sa sarili habang naliligo. Makaraan ang labinlimang minuto ay mabilis na nagbihis ako ng puting dress shirt at itim na palda na fit sa akin at may kaunting slit sa isang hita. Hindi naman maiksi ito dahil hanggang sa baba ng tuhod ko. Ipinugon ko lang ang buhok ko saka nag-apply ng pulbo at konting blush on saka nude lipstick. Pagkatapos ay nagpabango ako na Fiona cologne rosy red. Nagsuot lang ako ng doll shoes para sa panyapak. Pagtingin ko sa salamin ay napangiti ako ng malapad. "Jusko! Salamat po kasi binigyan niyo ako ng magandang genes. Mabuti na lang at hindi namana sa mga kamag-anak ko.” sabay tawa ko ng nakakaloko. Hindi na ako nag-abala na mag-almusal kasi ako na naman ang paglilinisin ng plato kaya tatakasan ko sila. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Pagtingin sa sala ay tahimik. Baka tulog pa ang mga prinsesa at prinsipe. Dahilan para mapahinga ako ng malalim. Dala ang isang sling bag na itim at brown envelope na may lamang resume ko ay tumakbo ako palabas ng bahay saka dahan-dahang isinara ang gate. Kumaripas din ako ng takbo nang nasa labas na para hindi na nila ako makita incase na lalabas ang mga ‘yon. Pinagpapawisan na ako ng malapot dahil sa pagtakbo kaya kinuha ko ang panyo sa bag ko saka nagpunas ng pawis sa noo. Maya-maya pa ay may jeep na huminto pagdating ko sa kanto, saka na ako sumakay. “Pasuyo nga po ng bayad, sa Clark nga po." saad ko sa driver. Kinuha naman ito ng mga kasama kong pasahero ng jeep saka ibinigay sa driver. Makaraan ang isang oras ay nakarating na ako sa aking destinasyon. Nagpasa ako sa lahat ng mga kilalang kumpanya na may kinalaman sa kurso ko o pwedeng admin o cashier na lang. Lahat ng pwede ay pinatos ko na. Nang maghapon na ay saka ko naramdaman ang pagkalam ng tiyan ko. Dahilan para mapahaplos ako dito. "Hays! Nakakapagod at nakakagutom.” saad ko habang naglalakad na sana pauwi. Pero naisipan kong kumain sa mang-inasal bago umuwi dahil paniguradong wala na akong makakain doon. Kaya pumasok ako at dumiretso sa counter para mamili ng makakain. “Welcome to mang-inasal ma’am! May I take your order please?" magalang na saad ng cashier. “Two barbeque with rice and one halu-halo." saad ko. “Okay, pakihintay na lang ng order niyo." saka binigay ang number ko. “Total payment is three hundred pesos po." Kinuha ko sa bag ang wallet saka nagbigay ng five hundred peso bill. “I received five hundred." saad niya habang tumitipa sa monitor. "Your change is two hundred.” sabay bigay ng sukli ko maging ng resibo. Kaya tinanggap ko ito saka naghanap ng mauupuan. Habang naghihintay ay biglang tumunog ang cellphone ko sa isang text messages. Pagtingin ko ay ang pinsan ko na si Jessa. Panganay na anak ng tiyahin kong si Marites. Jessa: Nasaan ka na raw sabi ni Mommy? Lagot ka for sure. Dahilan para mapairap ako sa ere. "Ang arte! May pa mommy mommy pang nalalaman akala mo naman mayaman talaga eh.” sabay tawa ko. Ngunit napatigil ako nang mapansin na sa akin na nakatingin ang ibang customer dito sa loob ng mang inasal. Kaya napatakip ako sa aking bibig saka itinutok ang mga mata sa cellphone. Nagkukunwari na hindi nahuling tumatawang mag-isa. Saka napapikit ng mariin ang mga mata ko. Jusko! Nakakahiya! Maya-maya pa ay tinawag na ang number ko. "Number seventeen!” anunsyo ng cashier. Kaya mabilis na tumayo ako saka kinuha ang order ko sa counter. "Here's your order ma’am, enjoy!" nakangiting saad ng cashier. “Thanks!" sagot ko. Bumalik ako sa kinauupuan ko ngunit laking gulat ko nang may makita akong lalake na nasa table ko. Dahilan para mapakunot-noo ako. "Aba’t…Hoy kuya, ang dami-daming pwesto dito. Bakit sa table ko pa?" tanong ko habang hawak ang tray ng mga in-order ko. Pag-angat niya ng tingin mula sa cellphone na hawak ay napanganga ako sa gulat dahil tila ba nalunod ako sa ganda ng mga mata niya. Parang nasa kailaliman ng karagatan ang mga ito. Kulay cerulean at ang hahaba pa ng mga pilik-mata niya. Ang buhok ay itim na itim. Ang kulay ng balat ay may pagka- mestizo. Sa tantya ko ay matangkad ito kahit na nakaupo. “Bibig mo miss, baka pasukin ng langaw." seryosong saad niya, habang nakakunot-noo pa. Dahilan para magising ako sa reyalidad at parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “H-Huh? Anong…" sabay pikit ko ng mariin para mapakalma ko ang sarili mula sa pagkapahiya. “May pa change topic ka pang nalalaman. Bakit nandito ka sa table ko? Lumipat ka. Shooo!" pangtataboy ko saka pinatong ang hawak kong tray. “What if I don't want to? What will you do?" panghahamon niya. “Edi tabi tayo. Ayaw mo pala huh! Magsawa ka sa maganda kong mukha." sabay ngisi ko.ZOREIGN'S POV:Hindi nagtagal at sumunod sa akin si Fortress. May dala itong medicine kit at yelo.Paglapit niya ay umupo din siya sa bermuda grass saka idinikit ang yelo sa pisngi ko."Aray naman!” saka ko siya sinamaan ng tingin."Sorry naman! Lagay mo yan sa maganda mong mukha para hindi magkapasa. Pagkatapos ay gagamutin natin yang mga sugat mo.” sabay buntong-hininga niya."Bakit hindi ka nagpaliwanag doon?” tanong niya sa akin."Anong saysay ng paliwanag ko kung yung Sienna rin na yon ang mas pakikinggan nila?” nakasimangot na saad ko.“Sabagay, may point ka. Hintayin na lang natin si sir Caius ang magbigay ng hatol." saad niya, saka ginamot ang mga sugat sa pisngi ko.— — —Bago pa tuluyang magtakip-silim ay inihanda ko na ang panligo ni sir Caius. Inihanda ko na rin ang sarili ko kung sakali mang palayasin niya na ako.Nakapag impake na ako at malaki na rin ang naipon ko sa sahod na mga natanggap ko sa mga nakalipas na buwan dito sa pamamalagi ko sa mansyon. Kaya hindi ako nat
ZOREIGN'S POV:Saka biglang humarang sa pagitan namin si sir Caius, na para bang nang-aasar.Dahilan para mapakunot-noo ako.“Bro, what’s wrong with you?” nakakunot-noong saad ni Xavier. Tila ba hindi na natutuwa sa pinanggagawa ng pinsan niya."Eh ba’t dito kasi kayo sa front door nag-uusap?” malamig na saad ni sir Caius.Pakiramdam ko ay parang may nabubuo na namang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang konti na lang ay magsusuntukan na sila.Humarang na ako sa pagitan nilang dalawa, saka hinawakan sa balikat si Xavier."Sige na Xavier, magkita na lang tayo next time. Baka hinahanap ka na rin nila sa inyo.” sabay tingin ko sa kanya ng makahulugan.Agad naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin sa pamamagitan ng tingin ko lang. Kaya tinanguan niya ako.“Sige alis na ako, Zoreign." seryosong saad niya.Dahilan para mapahinga ako ng maluwag.Hinarap ko si sir Caius. “Okay na ba sir? Siguro naman hindi ka na magrereklamo na haharang-harang kami sa daan. Kahit na napakalawak
ZOREIGN'S POV:“Anong ginawa mo kay Zoreign? Bakit na ospital siya?" seryosong saad ni Xavier.“What the hell are you talking about?" mahinang asik ni sir Caius.‘Yon ang unang bumungad sa pandinig ko saka unti-unting iminulat ang aking mga mata.Mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ako ni Xavier.“Kumusta ang pakiramdam mo, Zoreign? May masakit ba sayo?" bakas ang pag-aalala sa tinig niya.“Tubig…" ‘yon ang unang lumabas sa bibig ko.Pakiramdam ko ay natutuyot ang lalamunan ko.Saka niya kinuha ang isang baso sa may bed side table at pinuno ng tubig galing sa water dispenser.“Here, drink this." saka niya ako inalalayan na makaupo ng maayos.Tinanggap ko ang isang baso ng tubig at tinungga ito.Pagtingin ko sa paligid ay nasa private hospital pala ako, dahilan para mapakunot-noo ako."Ba't nandito ako? Sinong nagdala sa akin dito?” nagtatakang saad ko.Saka biglang sumingit sa pagitan naming dalawa ni Xavier si sir Caius.“I brought you here to the hospital yesterday ‘cause you pas
ZOREIGN'S POV:Umaga na naman at panibagong araw na na naman ang haharapin ko.Pero ang problema ay hindi ako makatayo ng maayos. Sobrang sakit ng buong katawan ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Nag-iinit ang mga mata ko at masakit din ang ulo ko.Babangon pa lang sana ako ay bigla akong napahiga ulit.“Aray! Kung sinuswerte ka nga naman oo! Tinrangkaso pa talaga ako at ngayon pa talaga!” naiinis na saad ko.Parang maiiyak na rin ako dahil pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Hinahanap ko ang yakap ng ina ko sa panahon na nagkakasakit ako.Napaka sensitive talaga ng pakiramdam ko sa t’wing nagkakasakit ako at ayoko nang ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko masyado akong pabebe.“K-Kailangan kong magbanat-buto, sayang ang sahod. Konting pahinga lang ‘to at pwede na ulit akong magtrabaho.” halos pabulong na saad ko sa sarili.Umidlip muna ako ng konti at napabalikwas ako sa higaan ko nang makitang alas diyes na ng umaga sa aking cellphone.Paggising ko ay pinagpapawisan ako ng malapot at mai
ZOREIGN'S POV:“Ahhh…Caius!" paungol na saad ko sa pagitan ng halikan naming dalawa.Kaya mas pinag-igihan niya pa ang paghalik sa akin."Shit!” tila nahihirapang saad niya.Saka unti-unting bumaba ang halik niya sa aking panga, patungo sa leeg ko. Naramdaman ko na marahang sinipsip nito ang balat ko saka may kasamang konting pagkagat.Tila ba pinanggigilan niya ang balat ko."Ohhh…Ahhh…Caius…" tila maiiyak sa sarap na saad ko.Saka mas ipinaling ang leeg sa kabila para mas mabigyan ko siya ng access sa leeg ko.Ang mga kamay niya ay nanatiling nakahawak sa palapulsuhan ko kaya hindi ako gaanong makagalaw ng maayos.Tila nilalasing ako ng bawat hagod ng labi niya sa akin. Kaya hinahanap-hanap ito ng katawan ko.Ngunit bigla kaming napatigil sa aming ginagawa nang biglang may kumatok sa pinto.Kapwa kami napatingin doon saka nagkatinginan, na para bang sa pamamagitan lang nito ay nagkakaintindihan na kaming dalawa.“Sir Hawthorne? Tumatawag daw ang lola niyo sa inyo hindi mo sinasagot
ZOREIGN'S POV:“H-Huh? Anong kasalanan ko sayo sir?" tanong ko habang unti-unting umaatras palayo sa kanya.“Nakalimutan mo na nga talaga." malamig na saad niya.Saka siya naglakad papalapit sa akin, hanggang sa tuluyan nang malaglag sa sahig ang suot niyang pang-itaas na damit pantulog.Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa matikas niyang katawan at anim na pandesal sa kanyang tiyan.“Do you like the view?" sabay ngisi niya.“Ah, oo! Ang sarappp! Kanin na lang ang kulang at mabubusog ka na." saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa maganda niyang katawan.Tila ba nahipnotismo ako ng lalakeng nasa harapan ko.Nagulat na lamang ako nang naramdaman ko na pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Saka ako hinila papalapit sa katawan niya habang nakayuko sa akin. Malaki ang agwat ng height nito sa akin kahit na nasa 5’7" na ako. Siya naman ay nasa 6 footer."Oh really?” seryosong saad niya.Saka ako binuhat ng pa-bridal style kaya napasigaw ako.“Shhhh… Stop screaming, or they mi

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





