تسجيل الدخولZOREIGN'S POV:Hindi nagtagal at sumunod sa akin si Fortress. May dala itong medicine kit at yelo.Paglapit niya ay umupo din siya sa bermuda grass saka idinikit ang yelo sa pisngi ko."Aray naman!” saka ko siya sinamaan ng tingin."Sorry naman! Lagay mo yan sa maganda mong mukha para hindi magkapasa. Pagkatapos ay gagamutin natin yang mga sugat mo.” sabay buntong-hininga niya."Bakit hindi ka nagpaliwanag doon?” tanong niya sa akin."Anong saysay ng paliwanag ko kung yung Sienna rin na yon ang mas pakikinggan nila?” nakasimangot na saad ko.“Sabagay, may point ka. Hintayin na lang natin si sir Caius ang magbigay ng hatol." saad niya, saka ginamot ang mga sugat sa pisngi ko.— — —Bago pa tuluyang magtakip-silim ay inihanda ko na ang panligo ni sir Caius. Inihanda ko na rin ang sarili ko kung sakali mang palayasin niya na ako.Nakapag impake na ako at malaki na rin ang naipon ko sa sahod na mga natanggap ko sa mga nakalipas na buwan dito sa pamamalagi ko sa mansyon. Kaya hindi ako nat
ZOREIGN'S POV:Saka biglang humarang sa pagitan namin si sir Caius, na para bang nang-aasar.Dahilan para mapakunot-noo ako.“Bro, what’s wrong with you?” nakakunot-noong saad ni Xavier. Tila ba hindi na natutuwa sa pinanggagawa ng pinsan niya."Eh ba’t dito kasi kayo sa front door nag-uusap?” malamig na saad ni sir Caius.Pakiramdam ko ay parang may nabubuo na namang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang konti na lang ay magsusuntukan na sila.Humarang na ako sa pagitan nilang dalawa, saka hinawakan sa balikat si Xavier."Sige na Xavier, magkita na lang tayo next time. Baka hinahanap ka na rin nila sa inyo.” sabay tingin ko sa kanya ng makahulugan.Agad naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin sa pamamagitan ng tingin ko lang. Kaya tinanguan niya ako.“Sige alis na ako, Zoreign." seryosong saad niya.Dahilan para mapahinga ako ng maluwag.Hinarap ko si sir Caius. “Okay na ba sir? Siguro naman hindi ka na magrereklamo na haharang-harang kami sa daan. Kahit na napakalawak
ZOREIGN'S POV:“Anong ginawa mo kay Zoreign? Bakit na ospital siya?" seryosong saad ni Xavier.“What the hell are you talking about?" mahinang asik ni sir Caius.‘Yon ang unang bumungad sa pandinig ko saka unti-unting iminulat ang aking mga mata.Mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ako ni Xavier.“Kumusta ang pakiramdam mo, Zoreign? May masakit ba sayo?" bakas ang pag-aalala sa tinig niya.“Tubig…" ‘yon ang unang lumabas sa bibig ko.Pakiramdam ko ay natutuyot ang lalamunan ko.Saka niya kinuha ang isang baso sa may bed side table at pinuno ng tubig galing sa water dispenser.“Here, drink this." saka niya ako inalalayan na makaupo ng maayos.Tinanggap ko ang isang baso ng tubig at tinungga ito.Pagtingin ko sa paligid ay nasa private hospital pala ako, dahilan para mapakunot-noo ako."Ba't nandito ako? Sinong nagdala sa akin dito?” nagtatakang saad ko.Saka biglang sumingit sa pagitan naming dalawa ni Xavier si sir Caius.“I brought you here to the hospital yesterday ‘cause you pas
ZOREIGN'S POV:Umaga na naman at panibagong araw na na naman ang haharapin ko.Pero ang problema ay hindi ako makatayo ng maayos. Sobrang sakit ng buong katawan ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Nag-iinit ang mga mata ko at masakit din ang ulo ko.Babangon pa lang sana ako ay bigla akong napahiga ulit.“Aray! Kung sinuswerte ka nga naman oo! Tinrangkaso pa talaga ako at ngayon pa talaga!” naiinis na saad ko.Parang maiiyak na rin ako dahil pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Hinahanap ko ang yakap ng ina ko sa panahon na nagkakasakit ako.Napaka sensitive talaga ng pakiramdam ko sa t’wing nagkakasakit ako at ayoko nang ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko masyado akong pabebe.“K-Kailangan kong magbanat-buto, sayang ang sahod. Konting pahinga lang ‘to at pwede na ulit akong magtrabaho.” halos pabulong na saad ko sa sarili.Umidlip muna ako ng konti at napabalikwas ako sa higaan ko nang makitang alas diyes na ng umaga sa aking cellphone.Paggising ko ay pinagpapawisan ako ng malapot at mai
ZOREIGN'S POV:“Ahhh…Caius!" paungol na saad ko sa pagitan ng halikan naming dalawa.Kaya mas pinag-igihan niya pa ang paghalik sa akin."Shit!” tila nahihirapang saad niya.Saka unti-unting bumaba ang halik niya sa aking panga, patungo sa leeg ko. Naramdaman ko na marahang sinipsip nito ang balat ko saka may kasamang konting pagkagat.Tila ba pinanggigilan niya ang balat ko."Ohhh…Ahhh…Caius…" tila maiiyak sa sarap na saad ko.Saka mas ipinaling ang leeg sa kabila para mas mabigyan ko siya ng access sa leeg ko.Ang mga kamay niya ay nanatiling nakahawak sa palapulsuhan ko kaya hindi ako gaanong makagalaw ng maayos.Tila nilalasing ako ng bawat hagod ng labi niya sa akin. Kaya hinahanap-hanap ito ng katawan ko.Ngunit bigla kaming napatigil sa aming ginagawa nang biglang may kumatok sa pinto.Kapwa kami napatingin doon saka nagkatinginan, na para bang sa pamamagitan lang nito ay nagkakaintindihan na kaming dalawa.“Sir Hawthorne? Tumatawag daw ang lola niyo sa inyo hindi mo sinasagot
ZOREIGN'S POV:“H-Huh? Anong kasalanan ko sayo sir?" tanong ko habang unti-unting umaatras palayo sa kanya.“Nakalimutan mo na nga talaga." malamig na saad niya.Saka siya naglakad papalapit sa akin, hanggang sa tuluyan nang malaglag sa sahig ang suot niyang pang-itaas na damit pantulog.Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa matikas niyang katawan at anim na pandesal sa kanyang tiyan.“Do you like the view?" sabay ngisi niya.“Ah, oo! Ang sarappp! Kanin na lang ang kulang at mabubusog ka na." saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa maganda niyang katawan.Tila ba nahipnotismo ako ng lalakeng nasa harapan ko.Nagulat na lamang ako nang naramdaman ko na pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Saka ako hinila papalapit sa katawan niya habang nakayuko sa akin. Malaki ang agwat ng height nito sa akin kahit na nasa 5’7" na ako. Siya naman ay nasa 6 footer."Oh really?” seryosong saad niya.Saka ako binuhat ng pa-bridal style kaya napasigaw ako.“Shhhh… Stop screaming, or they mi







