共有

CHAPTER 2:

last update 公開日: 2026-07-27 13:33:58

ZOREIGN'S POV:

“Saan ka na naman nagsusuot ha?" saka pumaywang ang tiyahin kong bruha.

"Nagpasa ng resume tiyang.” maikling saad ko saka iniwanan siya doon habang umuusok ang ilong.

Dahil paniguradong puputakan na naman niya ako ng walang humpay.

Mabilis na sinara ko ang p***o dito sa kwarto ko na dating bodega. Maliit, masikip at walang kadise-disenyo, tanging mga kaunting damit at gamit ko lamang na pinaglipasan na ng panahon.

Bumibili naman ako minsan ng mga damit pero kapag lumang-luma na talaga. Dahil ang natitirang pera ko ay iniipon ko kung sakaling may importante akong gagastusin. Kagaya na lang ngayon na nagpasa ako ng resume at bumiyahe ng malayo.

Kumain ako ng masarap kanina para i- treat ang sarili ko kahit minsan lang.

Deserve ko naman ‘yon.

“Aba’t! Hoy! Lumabas ka riyan at mag-usap tayo!" saad ng bruha kong tiyahin habang walang tigil sa pagkatok sa p***o.

Para wala akong marinig ay nagsuot ako ng headset saka nagpatugtog ng music. Ayokong masira ang eardrums ko sa ingay ng pagtatalak niya.

Makaraan ang ilang minuto ay nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan dahil na rin sa kapaguran.

— — —

MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN…

"Zoreign! May may good news ako!” tila excited na saad ni Yana nang bisitahin niya ako sa bahay ng bruha kong tiyahin.

"Ano ‘yon Yana?” tanong ko.

"Natanggap ako sa in-apply-an ko na kilalang kumpanya!” masayang balita niya sa akin.

"Talaga! Wow! Congrats! Masaya ako para sayo.” nakangiting saad ko.

"Thank you at dahil diyan ay ililibre kita ng tusok-tusok. Ano tara?” aya niya sa akin.

"Sige ba! Gusto ko ‘yan.” saka kami mabilis na umalis at naglakad sa bilihan ng street foods na malapit lang dito sa barangay namin.

“Pili ka ng kahit anong gusto mo, hanggang isang daang piso." galanteng saad niya.

“Kaya love na love kita eh! Binubusog mo ako." kinikilig na saad ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Dahilan para ubuhin siya dahil kinapos ng hininga.

“A-Aray! Zoreign, tama na. Okay na nasasakal na ako." sabay tapik niya sa likod ko.

“Ay sorry! Na carried away lang." sabay tawa ko.

Pagkatapos ay kumuha ako ng kwek-kwek, tokwa, fishball, kikiam, squid ball, kalamares at isaw.

My all time favorite.

Dito lang din kami nagtambay at kumain ayoko nang iuwi pa ito dahil sa akin lang ito.

Makaraan ang halos isang oras ay napahaplos ako sa aking tiyan.

“Hayyy… Ang sarap! Sobrang nabusog ako. Thank you ulit, Yana!” masayang saad ko habang naglalakad kami pauwi.

"Naku! Walang anuman, syempre kaibigan kita. Saka alam ko naman na hindi masarap ang pinapakain nila sayo sa bahay ng tiyahin mong bruha. Kaya kahit man lang sa paglibre ko sayo ay mag-enjoy ka sa pagkain mo.” seryosong saad niya.

Dahilan para mapangiti ako ng mapait.

Sanay naman na ako sa pagtrato nila sa akin na parang katulong at hindi kadugo. Pero minsan, may pagkakataon pa rin na nasasaktan ako. Hindi ko na lang dinidibdib dahil ayokong ma-stress.

Ulila na akong lubos dahil namatay sa aksidente ang mga magulang ko. Binigyan nila ako ng limang libo sa abuloy na galing sa mga magulang ko noon dahil yun lang daw ang kabuuan ng nalikom na pera.

Bilang isang musmos na bata sa edad na dose anyos ay naniwala ako. Pero ngayon ay napagtanto ko na parang hindi totoo ang sinabi nila noon. Parang higit pa roon ang nalikom na pera. Pagkatapos kasi noon ay saka sila nakapagpagawa ng two-storey house.

“Oh paano ba yan? Maghahanda pa kasi ako para bukas dahil first day ko. Magkita na lang tayo kapag may free time ako, ha." sabay yakap niya sa akin nang nasa labas na kami ng gate ng bahay ng tiyahin ko.

"Sige, mag-iingat ka bukas. Alam ko na matuto ka agad kasi matalino at maganda ka. Parang ako lang.”

Dahilan para mapatawa kaming dalawa.

"Korek ka diyan!” saad niya nang maghiwalay kami mula sa yakapan portion.

"Alis na ako. Bye, Zoreign!” saka na siya naglakad ilang bahay lang ang pagitan nila sa amin.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mukha ng pinsan ko, habang nakakrus pa ang mga braso nito.

Para bang yung isang kontrabida sa palabas na naghihintay sa bida para apihin niya ito.

Gano'n na gano'n ang atake!

"Saan ka na naman galing, Zoreign?” nakataas ang kilay na saad niya.

Kamukhang-kamukha siya ng tiyahin ko, no wonder parehas din ng ugali. Masyadong masangsang.

"Sa labas? Hindi pa ba obvious?” walang emosyon na saad ko.

Dahilan para manlaki ang mga mata niya at parang gusto nang umusok ang ilong dahil sa pagkainis.

"Aba’t…Talagang mamimilosopo ka pa ha!" akmang sasampalin niya ako ay sinalag ko ang kamay niya.

Dahilan para hindi tumama ito sa mukha ko.

“Jessa, wala ako sa mood na patulan yang pagiging immature mo. Kung bored ka at walang magawa sa sa buhay, pwes huwag mo akong idamay.” saka ko pabalyang binitawan ang kamay niya.

Mabilis na naglakad ako papasok ng kwarto at ni-lock agad ang p***o.

Manigas siya diyan at bahalang mainis.

"Arghhh! Isusumbong talaga kita kay mommy!” sigaw niya mula sa labas.

Dahilan para irapan ko siya kahit na hindi niya nakikita.

"Edi magsumbong ka. Gusto mo tulungan pa kita sa nanay mo.” bulong ko.

Bigla akong napahinto nang maalalang hindi pa ako kino-contact ng mga pinagpasahan ko ng resume.

Mabilis na nag-check ako ng emails ngunit wala ako ni-isang natanggap na mensahe.

Dahilan para mapabuntong-hininga ako.

“Bakit kaya wala man lang nagsabi na natanggap ako?" nagtatakang saad ko.

— — —

KINABUKASAN…

Habang naghuhugas ako ng mga platong pinagkainan nila ay biglang lumapit ang tiyahin ko.

"Hoy Zoreign! Akala ko ba’t nag-apply ka. Bakit wala ka pang trabaho hanggang ngayon? Anong petsa na, isang buwan na ang nakalipas.” saad niya habang nakapamaywang.

"Naghihintay na lang ako ng mensahe nila tiyang.” saad ko, saka mas binilisan ang pagbabanlaw sa mga plato, baso at kutsara.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ay palalayasin na talaga kita dito.” mataray na saad niya. “Pagkatapos mo diyan ay mamalengke ka ng sahog para sa carbonara." utos niya saka nilapag ang isang libong piso at iniwanan ako sa kusina.

Pagkatapos maghugas ng plato ay nagpunas ako ng kamay saka kinuha ang isang libong piso at mabilis na pumunta ng palengke.

Matapos ang ilang oras na pamimili habang naglalakad ako pauwi ay may napansin akong papel na nakapaskil sa isang poste.

Hiring: Maid. Salary: ₱100,000 kada buwan. Isang araw lang ang pahinga kada buwan.

Biglang nagliwanag ang mga mata ko dahil sa nakita.

“Aba! Mas malaki pa ang sahod nito kesa sa simpleng empleyado lang ah. Mukhang kaduda-duda ang trabaho. Pero sige na nga gora na! Masubukan ngang magpasa ng resume bukas." nakangiting saad ko.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 29:

    ZOREIGN'S POV:Hindi nagtagal at sumunod sa akin si Fortress. May dala itong medicine kit at yelo.Paglapit niya ay umupo din siya sa bermuda grass saka idinikit ang yelo sa pisngi ko."Aray naman!” saka ko siya sinamaan ng tingin."Sorry naman! Lagay mo yan sa maganda mong mukha para hindi magkapasa. Pagkatapos ay gagamutin natin yang mga sugat mo.” sabay buntong-hininga niya."Bakit hindi ka nagpaliwanag doon?” tanong niya sa akin."Anong saysay ng paliwanag ko kung yung Sienna rin na yon ang mas pakikinggan nila?” nakasimangot na saad ko.“Sabagay, may point ka. Hintayin na lang natin si sir Caius ang magbigay ng hatol." saad niya, saka ginamot ang mga sugat sa pisngi ko.— — —Bago pa tuluyang magtakip-silim ay inihanda ko na ang panligo ni sir Caius. Inihanda ko na rin ang sarili ko kung sakali mang palayasin niya na ako.Nakapag impake na ako at malaki na rin ang naipon ko sa sahod na mga natanggap ko sa mga nakalipas na buwan dito sa pamamalagi ko sa mansyon. Kaya hindi ako nat

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 28:

    ZOREIGN'S POV:Saka biglang humarang sa pagitan namin si sir Caius, na para bang nang-aasar.Dahilan para mapakunot-noo ako.“Bro, what’s wrong with you?” nakakunot-noong saad ni Xavier. Tila ba hindi na natutuwa sa pinanggagawa ng pinsan niya."Eh ba’t dito kasi kayo sa front door nag-uusap?” malamig na saad ni sir Caius.Pakiramdam ko ay parang may nabubuo na namang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang konti na lang ay magsusuntukan na sila.Humarang na ako sa pagitan nilang dalawa, saka hinawakan sa balikat si Xavier."Sige na Xavier, magkita na lang tayo next time. Baka hinahanap ka na rin nila sa inyo.” sabay tingin ko sa kanya ng makahulugan.Agad naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin sa pamamagitan ng tingin ko lang. Kaya tinanguan niya ako.“Sige alis na ako, Zoreign." seryosong saad niya.Dahilan para mapahinga ako ng maluwag.Hinarap ko si sir Caius. “Okay na ba sir? Siguro naman hindi ka na magrereklamo na haharang-harang kami sa daan. Kahit na napakalawak

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 27:

    ZOREIGN'S POV:“Anong ginawa mo kay Zoreign? Bakit na ospital siya?" seryosong saad ni Xavier.“What the hell are you talking about?" mahinang asik ni sir Caius.‘Yon ang unang bumungad sa pandinig ko saka unti-unting iminulat ang aking mga mata.Mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ako ni Xavier.“Kumusta ang pakiramdam mo, Zoreign? May masakit ba sayo?" bakas ang pag-aalala sa tinig niya.“Tubig…" ‘yon ang unang lumabas sa bibig ko.Pakiramdam ko ay natutuyot ang lalamunan ko.Saka niya kinuha ang isang baso sa may bed side table at pinuno ng tubig galing sa water dispenser.“Here, drink this." saka niya ako inalalayan na makaupo ng maayos.Tinanggap ko ang isang baso ng tubig at tinungga ito.Pagtingin ko sa paligid ay nasa private hospital pala ako, dahilan para mapakunot-noo ako."Ba't nandito ako? Sinong nagdala sa akin dito?” nagtatakang saad ko.Saka biglang sumingit sa pagitan naming dalawa ni Xavier si sir Caius.“I brought you here to the hospital yesterday ‘cause you pas

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 26:

    ZOREIGN'S POV:Umaga na naman at panibagong araw na na naman ang haharapin ko.Pero ang problema ay hindi ako makatayo ng maayos. Sobrang sakit ng buong katawan ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Nag-iinit ang mga mata ko at masakit din ang ulo ko.Babangon pa lang sana ako ay bigla akong napahiga ulit.“Aray! Kung sinuswerte ka nga naman oo! Tinrangkaso pa talaga ako at ngayon pa talaga!” naiinis na saad ko.Parang maiiyak na rin ako dahil pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Hinahanap ko ang yakap ng ina ko sa panahon na nagkakasakit ako.Napaka sensitive talaga ng pakiramdam ko sa t’wing nagkakasakit ako at ayoko nang ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko masyado akong pabebe.“K-Kailangan kong magbanat-buto, sayang ang sahod. Konting pahinga lang ‘to at pwede na ulit akong magtrabaho.” halos pabulong na saad ko sa sarili.Umidlip muna ako ng konti at napabalikwas ako sa higaan ko nang makitang alas diyes na ng umaga sa aking cellphone.Paggising ko ay pinagpapawisan ako ng malapot at mai

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 25:

    ZOREIGN'S POV:“Ahhh…Caius!" paungol na saad ko sa pagitan ng halikan naming dalawa.Kaya mas pinag-igihan niya pa ang paghalik sa akin."Shit!” tila nahihirapang saad niya.Saka unti-unting bumaba ang halik niya sa aking panga, patungo sa leeg ko. Naramdaman ko na marahang sinipsip nito ang balat ko saka may kasamang konting pagkagat.Tila ba pinanggigilan niya ang balat ko."Ohhh…Ahhh…Caius…" tila maiiyak sa sarap na saad ko.Saka mas ipinaling ang leeg sa kabila para mas mabigyan ko siya ng access sa leeg ko.Ang mga kamay niya ay nanatiling nakahawak sa palapulsuhan ko kaya hindi ako gaanong makagalaw ng maayos.Tila nilalasing ako ng bawat hagod ng labi niya sa akin. Kaya hinahanap-hanap ito ng katawan ko.Ngunit bigla kaming napatigil sa aming ginagawa nang biglang may kumatok sa pinto.Kapwa kami napatingin doon saka nagkatinginan, na para bang sa pamamagitan lang nito ay nagkakaintindihan na kaming dalawa.“Sir Hawthorne? Tumatawag daw ang lola niyo sa inyo hindi mo sinasagot

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 24:

    ZOREIGN'S POV:“H-Huh? Anong kasalanan ko sayo sir?" tanong ko habang unti-unting umaatras palayo sa kanya.“Nakalimutan mo na nga talaga." malamig na saad niya.Saka siya naglakad papalapit sa akin, hanggang sa tuluyan nang malaglag sa sahig ang suot niyang pang-itaas na damit pantulog.Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa matikas niyang katawan at anim na pandesal sa kanyang tiyan.“Do you like the view?" sabay ngisi niya.“Ah, oo! Ang sarappp! Kanin na lang ang kulang at mabubusog ka na." saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa maganda niyang katawan.Tila ba nahipnotismo ako ng lalakeng nasa harapan ko.Nagulat na lamang ako nang naramdaman ko na pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Saka ako hinila papalapit sa katawan niya habang nakayuko sa akin. Malaki ang agwat ng height nito sa akin kahit na nasa 5’7" na ako. Siya naman ay nasa 6 footer."Oh really?” seryosong saad niya.Saka ako binuhat ng pa-bridal style kaya napasigaw ako.“Shhhh… Stop screaming, or they mi

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status