MasukZOREIGN'S POV:“Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito o ako na mismo ang maghuhubad niyang damit mo para makaligo ka na?” saka umangat ang kilay niya at ipinagkrus ang kanyang mga braso.Habang prenteng nakaupo sa kama ko na para bang isang hari.Basa ang medyo magulong buhok niya at tanging itim na roba lang ang suot niya. Hindi ko alam kung may suot ba siyang panloob.Halatang naligo na siya at fresh na fresh habang ako ay may muta pa yata sa mga mata at laway sa gilid ng pisngi ko.“M-Maliligo na ako! Huwag na huwag mong susubukang sumunod!" halos pasigaw na babala ko saka mabilis na sinara ang pinto sa banyo.Hinihingal at nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto. Habang hawak ang dibdib ko na walang tigil sa pagkabog.“Jusko! Ano kayang trip ng kumag na ‘to? Bakit nandito siya sa kwarto ko." halos pabulong na saad ko.“Maligo ka na! Bilisan mo dahil kapag nainip ako sa kakahintay sayo ay papasukin kita sa loob ng banyo." babala niya sa akin."Heto na nga! Maliligo na!” naka
ZOREIGN'S POV:“P-Pirmahan ko na yung kontrata." pag-iiba ko ng topic sa kanya saka umiwas ng tingin.Nakakailang kasi ang klase ng paninitig niya sa akin saka naduduling ako. Nagsisimula na rin niyang guluhin ang nananahimik kong sistema. Pilit kong tinutulak ang matikas niyang dibdib pero hindi naman siya nagpapatinag.Napabuntong-hininga na lang ako."Alam ko naman na maganda ako Sir, pero huwag naman kayong masyadong magpahalata na gandang-ganda kayo sa akin.” pagbibiro ko para mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Kaya umangat ang labi nito nang marinig ang sinabi ko. Na para bang nag-eenjoy siya sa presensya ko.“Masyado na yatang pinalalaki ni Xavier ang ulo mo kaya ganyan kalakas ang confidence mo sa sarili." malamig na saad niya.Para bang sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan ng kanyang pinsan ay naaalibadbaran na siya. Dahilan para tapunan ko siya ng matalim na tingin. Nakakainsulto na tong kumag na ‘to ah!“Anong masama kung may confidence ako sa sarili ko?
ZOREIGN'S POV:Dito muna ako nagpapahinga sa likod ng hardin matapos maglaba buong maghapon ng mga damit ni Sir. Napagod man, kahit saglit na pag-upo, pag-inat ng katawan, at malalim na paghinga ay sapat na para kahit paano ay maibsan ang pagod na nadarama ko.“Hay! Nakakapagod." sabay buntong-hininga ko.Madilim na, pero hindi naman ako natatakot. May mga fairy lights na nagbibigay ng banayad at magandang liwanag, at may isang spotlight din na nagsisilbing dagdag na ilaw sa paligid. Rinig na rinig ang mga huni ng kuliglig sa paligid. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Pagtingala ko sa kalangitan ay napakaliwanag ng buwan kasama ng mga bituin na walang tigil sa pagkislap.Saka ako biglang may narinig na papalapit na yabag. Walang iba kundi si Fortress. Paghinto niya sa harapan ko ay humahangos pa nga siya dahil sa bilis ng paglalakad niya kanina."Pinapatawag ka ni Sir Hawthorne, Zoreign. Nagsumbong na ata sa kanya ang feelingerang si Sienna.” seryosong saad niya. "Gano'n ba? Sige
ZOREIGN'S POV:Pagkatapos punasan ni Sir ang kanyang labi gamit ang panyo ay sinamaan niya ako ng tingin.Kaya tiningnan ko siya ng, “anong ginawa kong masama,” look.“I’m not a gay, Lola. Hindi ba pwedeng nasira na ang tiwala ko pagkatapos ng nangyari sa nakaraan?" seryosong saad ni Sir Caius sa kanyang lola.“Siguraduhin mo lang, Caius. Gusto kong makita na magkaro'n ka ng sarili mong anak at masayang pamilya. Alam ko na marami kang pinagdaanan sa buhay at hindi naging masaya ang childhood mo. Kaya bago ako mamatay ay gusto ko na iwanan kang masaya ng totoo." sabay buntong-hininga niya. “Stop talking about things like that. You still have a long life ahead of you. Don’t worry about me, Lola. I can take care of myself. You should be worrying about yourself instead.” saad ni Sir Caius. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala para sa kanyang lola. Pakiramdam ko ay mas close talaga siya sa kanyang lola kesa sa mga magulang niya. Parang nasa isang talk show tuloy ako at ako an
ZOREIGN'S POV:“Manang Nora…” tawag ko sa kanya nang pumasok ako sa kusina.Nakita ko siya na abalang nagluluto siguro ay para na ‘to sa pananghalian mamaya.Napapikit ako at naamoy ang sinigang na baboy. Bigla tuloy akong natakam sa sarap.“Oh! Nakauwi ka na pala. Mag-almusal ka muna.” aya niya sa akin nang binalingan niya ako."Sige po, tanong ko lang kung anong kailangan kong gawin ngayong araw na ‘to?” saad ko."Hindi ba nasabi sayo ni sir Hawthorne?” nagtatakang saad niya. Dahilan para mapakunot-noo ako. "Nasabi po ang ano?” "Isang linggo ka muna raw na magpahinga dahil kakagaling mo lang ng ospital. Bantayan mo na lang muna si Taffy, nasa kwarto siya.” paliwanag niya."Ay gano'n po ba?” gulat na saad ko. "Oo, kaya kumain ka na muna diyan.” saad niya.Kaya naman umupo ako saka nagsandok ng sinangag. Saka kumuha ng hotdog, tocino at sunny side up.Nagpakabusog na ako dahil mamaya ay babantayan ko na si Taffy.Magtatanong na rin ako kay sir kung may sahod pa rin ako sa pagbabant
ZOREIGN'S POV:“Ayos ka lang ba, Zoreign?" nag-aalalang saad ni Xavier."Ayos lang ako. Ikaw nga ang dapat kong tanungin eh. Pasensya na nga pala kung dinamay ka pa ng bruha kong tiyahin.” sabay buntong-hininga ko. "Ayos lang yon. Ayoko kasi na sinasaktan ka ng kahit na sino.” seryosong saad niya."Ikaw ha! Pinanindigan mo talaga ang pagiging knight-in-shining armor ko.” sabay hagikgik ko."Wala eh, hindi ko kasi mapigilan.” sabay kibit-balikat niya."Eh ako Zoreign, hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ayos ako?” saka napasimangot si Yana.Dahilan para irapan ko siya. "Seriously,Yana?” saka ako napailing sa kalohan niya."I’m just joking! Duh!" saad niya.“Alam ko rin. Duh!" sagot ko pabalik.Kaya napatawa kaming dalawa.“Anyway, I have to go. Tutal nandito na rin naman si Xavier. May lakad pa kasi ako, basta magpagaling ka ha? Babalik ako kapag day off ko ulit." paalam ni Yana.“Mag-iingat ka at salamat nga pala sa pagdalaw." nakangiting saad ko.Saka niya ako niyakap. Kaya n







