Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2025-03-03 22:17:18

Mas lalo akong nanghina sa narinig mula kay daddy. Ano na ang gagawin ko? Hindi ako pwedeng magpakasal. Hindi ko rin pwedeng ipalaglag ang bata. 

“Dad, hindi na kailangan. Hindi naman si Artus ang ama ng bata, hind kami magkakilala ng personal. So, please. Maniwala naman kayo sa akin…please, Kuya…” pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. 

Seryoso ang tingin sa akin ni Dad, habang si Kuya naman ay bakas ang awa sa kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. 

“Shh, don’t cry. Kailangan din natin iyon gawin para matapos ang probelamang ito. Kapag hindi ka pumayag sa DNA, baka isipin namin na totoo ang sinabi ni Artus at gusto mo lang itong itago para kay Stefanie. We need to do this, okay?”

Umiling ako sa sinabi ni Kuya. Hindi nga pwede! Hindi pwede!

Umalis ako mula sa pagkayakap, umiling nang paulit-ulit. “No. Hindi na nga kailangan. Bakit ba ayaw ninyong maniwala na naman sa akin na hindi nga siya ang ama ng bata!” sigaw ko. 

Pero ilang segundo lang ang lumipas, bigla akong hinarap ni Dad sa kanya at sinampal nang malakas. Napahawak ako sa pisngi ko, humahagulhol. This is the first time he slapped me!

“Kung hindi siya, pwes bukas na bukas ipakilala mo sa akin ang ama nyan!” sigaw niya, galit na galit. 

Hindi ako makapagsalita. Wala akong maisip kung sino ang gagawin kong ama ng batang ito. Hindi naman pwede na magbabayad na lang ako ng ibang tao para ipakilala bilang ama—shit! Tama! I will do that!

Humarap ako sa kanilang dalawa. “Give me one week para ipakilala ko sainyo kung sino ang tatay nito—”

“No, bukas na bukas pagkatapos ng DNA. Kung negative ang result doon mo lang ipakilala sa amin kung sino siya! No buts, Ashley. That’s an order. You don’t have the right to say no dahil kasalanan mo ito!”

Pagkatapos sabihin ni daddy ang mga katagang iyon, tinalikuran niya na ako. Umiyak ako lalo, kasama ko pa rin si Kuya. Tumingin ako sa kanya, nagmamakaawa na sana huwag nang ituloy ang DNA. 

“Why are you so scared of that DNA, Ash? Tell me, si Artus ba ang ama? I know you, you are my little sister kaya alam ko kung may sinasabi kang kasinungalingan…kasi kung hindi naman si Artus ang ama, hindi ka magre-react ng ganito kalala.”

Umiling lang ako nang umiling, hindi ko pwedeng sabihin din sa kanya kahit na kilala niya ako. Pero kay Kuya alam kong wala na rin akong takas. 

Narinig ko ang buntong hininga niya, hinawakan niya ang kamay ko. “Let’s go to your room, pag-usapan natin ito…” Tumango lang ako at sumunod sa kanya. 

Ramdam ko na ang panghihina sa katawan ko kanina pa. Pero pinilit ko pa rin ang sarili kong umayos sa paglalakad. 

Pagkarating namin sa kwarto ko, umupo ako sa kama ko at si Kuya nakatayo lang sa pintuan. Alam kong galit siya pero pinilit niya lang maging kalmado para kausapin ako. 

“Now, tell me Ashley. He is the father, right?” he asked.

Matagal bago ako sumagot, lumapit siya sa akin, umupo sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap sa kanya. Gamit ang dalawa niyang hinlalaki sa kamay, pinunasan niya ang luha ko. 

“Don’t be scared, I’m here. Sabihin mo sa akin ang totoo. Siya ba ang ama ng batang dinadala mo?”

Pumikit ako nang mariin, wala na akong kawala at dahil sa mahinahon na boses ni Kuya, hindi ko na rin magawang magsinungaling. Dahan-dahan akong tumango at umiyak na lalo. 

“Kuya, anong gagawin ko?” hikbi ko. “Hindi pwedeng malaman na siya ang ama ng dinadala ko. Mas lalong magagalit sa akin si Tita Cynthia at si Ate Stefanie. Ano na lang ang sasabihin ng mga kilala natin na nilandi ko ang magiging asawa ng kapatid ko?” 

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, inalo ako ni Kuya sa kanyang mga bisig. “Shhh, hindi ko pa alam sa ngayon. Pero knowing dad, hindi siya papayag na hindi niya malalaman ang totoo. Sa ngayon, kailangan mong sundin ang sinabi niya na magpa-DNA ka—”

“Pero kuya…malalaman nila—”

“Do you trust me?” Agad na tanong niya. Naguguluhan man ngunit tumango ako bilang sagot. “Okay, just trust me. Magpahinga ka na muna, bawal ang stress sa buntis.” Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago siya umalis ng kwarto. 

Nakatulog ako dahil sa pag-iyak ko kagabi, kaya nagising ako ngayong umaga na maga ang mga mata. 

Hindi pa ako tuloyang nakabangon nang kumatok na si Manang sa kwarto ko. “Palabas na po! Maliligo lang,” sabi ko. 

Pagkatapos kong maligo at magbihis, huminga muna ako nang malalim, kumuha ng lakas bago humarap sa kanila. At pagkababa ko sa living room, nag-aantay na silang lahat. Si Dad na hindi manlang ako tiningnan, umalis na siya ng bahay. Si Kuya na seryoso ang tingin sa akin na para bang hindi kami nag-usap nang masinsinan kagabi, si Cynthia na masama ang tingin sa akin at si Stefanie na galit din at bakas din sa mata niya ang pamamaga. 

Hindi ko na sila kinausap, sumakay na lang ako sa kotse ni Kuya, at silang dalawa ay sa kotse ni Dad.

Pagkarating namin sa ospital, naroon na si Artust—siya lang. 

“Artus…” tawag ni Stefanie sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin, agad akong umiwas sa ibang direction nang ako ang dinapuan niya nang tingin. 

“Ashley, let’s go?” aya niya sa akin. 

Hindi ko pinansin ang kamay niyang nakalahad sa akin, tinignan ko ang pamilya ko na para bang nag-aantay din ng gagawin ko. Humawak ako sa braso ni Kuya. 

“Kuya, samahan mo ako,” bulong ko sa kanya. Pero ang sagot niya ay ang nagpahina sa akin. 

“Kayo lang ni Artust ang pwede sa loob. Sige na, aantayin namin kayo rito sa loob.”

Wala akong magawa kundi ang pumasok sa loob ng testing room kasama si Artus. Kahit nauna akong maglakad sa kanya, ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin. 

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, bumilis na ang tibok ng puso ko. Gusto ko na umalis, tumakbo at magpakalayo-layo bago mangyari ang testing na ito. Hindi nila pwedeng malaman. Pinagdadasal ko na lang na sana negative kahit malabong mangyari iyon—dahil si Artus lang naman ang unang lalaking nakasubok sa akin. 

Sinimulan na kami ng isang doctor at nurse na kuhaan ng dugo, at habang ginagawa nila iyon nakatingin lang si Artus sa akin—hindi ko pa rin siya tinignan kahit nakakapaso ang paraan nang pagtitig niya. 

Nang matapos ang testing, tumayo si Artus at lumapit sa akin para alalayan ako, agad kong hinawi ang kamay niya. “Kaya ko…” walang emosyon na sabi ko at umalis na sa loob ng testing room. 

Agad akong inilayan ni Kuya pagkalabas ko. Tumingin ako sa kanya, puno nang pagmamakaawa na sana ilayo niya ako rito. 

“Umupo ka muna…” iyon lang sinabi niya. 

Dalawang oras namin inantay ang result, si Artus na nakatayo lang habang kinakausap siya ni Stefanie na hindi niya pa rin pinapansin.

Pagkalabas ng staff na nagbibigay ng result, sabay kaming lumapit sa kanya. 

“Sir, Ma’am. Ito na po ang resulta,” sabi niya at inabot sa amin ang puting folder. 

Tumingin ako kay Artus na puno ng kaba habang siya ang humawak sa folder. Pagka-alis ng staff, siya na rin ang nagbukas. Pinagmasdan ko ang reaction niya, siya lang ang tinitignan ko habang binubuksan niya ang folder at binabasa ang nakasulot. 

Kumunot ang noo niya nang makita niya ang pinaka-resulta. Bakit ganoon ang reaction niya?

Akmang kukunin ko na sana ang papel nang naunahan ako ni Stefanie. “Akin na!” Pagkakita niya sa resulta, nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig. Tumingin siya sa akin, ngumisi siya na para bang nanunuya sa akin. At kay Artus na biglang lambing ang tingin niya. 

“You are not the father, pwede na natin ituloy ang kasal natin.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night With My Stepsister's Fiance   75

    Ilang minuto na hindi nagsalita si Ashley, tahimik ang buong loob ng kotse dahil inaantay rin ni Artus ang sasabihin ni Ashley ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Nang mapagtanto ang reaction ni Ashley na naiilang ito, tumawa siya. “I’m just joking, Ash. Masyado ka namang seryoso.” Bumalik ang tingin niya sa daan, sakto ay nag green light na kaya naka-focus siya sa pagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Ashley na tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Pinagdasal niya kanina habang nanahimik siya na sana nga nagbibiro lang si Artus. Kaya nang sabihin nito na biro lang, guminhawa siya. “Stop talking nonsense again, Artus.” Natatawa niyang sabi pero ramdam sa garagal niyang boses na naiilang pa rin siya. “Yes, I know. I’m sorry…” Humina ang boses ni Artus na para bang kahit siya ay biglang nailang. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya wala siyang pag-asa kay Ashley. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon iniisip pero isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maging c

  • A Night With My Stepsister's Fiance   74

    Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas

  • A Night With My Stepsister's Fiance   73

    Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica. “Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan. Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti. Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng kanta — isang mabagal at malamyos na himig na pumuno sa buong simbahan. Tumayo ang lahat ng bisita, sabik na naghihintay sa pagdating ng bride.Nakatayo si Artus sa unahan, sa harap ng altar. Suot niya ang itim na tuxedo, maayos ang buhok, ngunit hindi maitago sa mata niya ang tensyon at kaba. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang

  • A Night With My Stepsister's Fiance   72

    Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya. May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas. ***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.Pumasok si Artus, dala ang isang tasa ng gatas. Nilapag niya ito sa side table bago naupo sa tabi ni Ashley, sinandal ang katawan sa headboard."Ang lalim ng iniisip mo," puna niya, nakangiti.Ngumiti si Ashley pabalik,

  • A Night With My Stepsister's Fiance   71

    Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.Binuksan ni Loraine ang message at binasa aloud:Danica: Hi girls! I hope you're doing well. Just wanted to invite you to Ashley’s wedding and baby shower! Gaganapin ito next month and we’re hoping you can come. It would mean a lot to her. 🥹💌Saglit na natahimik ang mesa. Tanging ingay lang ng espresso machine ang maririnig.“Wait, what?” napataas ang kilay ni Sofia. “As

  • A Night With My Stepsister's Fiance   70

    Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica.“Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan.Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti.Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng ka

  • A Night With My Stepsister's Fiance   69

    Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya.May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas.***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.

  • A Night With My Stepsister's Fiance   68

    Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.

  • A Night With My Stepsister's Fiance   67

    Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status