BUKOD sa seryosong pag-aaral ng mga report ng financial status ng Cote Kalif Wine Estate under Kalif Corp, isa sa nakapagpapabalisa kay Ibrahim ay ang scandalous na relasyon ng kanyang nakababatang pamangkin na si Khaleb sa isang babaeng single mom at matanda ng sampung taon dito. Halos magusot niya ang mga hard copy na binabasa niya dahil sa sobrang galit.
Biglang dumating si Jayson na kanyang assistant. Agad siyang nagtanong sa nakalap nitong impormasyon. “Boss heto na po ang nakalap kong information.” Inilapag nito ang isang folder na may lamang kopya ng information. Loraine Gonzales, twenty nine years old, isang single mom, may anak na babae na ang pangalan ay Disney at nakatira malapit lang sa building ng kanilang kumpanya. “Ito lang ba ang information?” kunot noong tanong niya kay Jayson. “Yes Boss,” maikling sagot ni Jayson. “This is not enough! Sigurado akong may maitim siyang balak kay Khaleb. At hindi ako papayag!” Pigil pero may pwersang napasuntok siya sa lamesa. “Maghanap ka pa ng information!” “Yes Boss.” Hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Khaleb na pamangkin niya. Mahal na mahal niya ang pamangkin niyang si Khaleb. Simula nang tumakas sila sa kanilang bansa na isang Arab country, sa mga taong gustong pumatay sa kanila. Hindi madali ang mapabilang sa maharlikang pamilya at linya ng pulitika sa kanilang bansa. Parang isang pelikula na maraming gustong umagaw sa trono na kahit buhay ang katumbas nito. Iyon ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ni Khaleb na kapatid naman niya. Nasaksihan nito ang walang awang pagpaslang sa magulang kaya naman itinakas niya ito at dinala sa Pilipinas at doon na nanirahan. Nagpayaman at nagpalit ng katauhan. Kailangan niyang itago ang susunod na prinsipe at ingatan. Sa isang banda, nagawa niya ang protektahan ito sa mga gustong pumatay sa kanila pero hindi sa isang babae. Para itong baliw na baliw sa isang babaeng may edad na at may anak pa. Muli niyang sinulyapan ang profile na hawak niya. Napangisi siya sa hitsura ng babae. “Not bad, at least marunong pumili ang pamangkin ko.” Maganda si Loraine, matangkad, maganda ang hugis ng katawan, maputing kutis at may malusog na hibla ng buhok. Mukha siyang Latina at halong Filipina. Sa madaling sabi nakakabighani ang ganda niya. Agad niyang naitago ang file nang biglang pumasok si Khaleb. “Uncle Ib, hey… what’s up. Ano yan?” Medyo nataranta siya nang kaunti at biglang inayos ang sarili. “Ah, wala, wala.” “Hmmm Uncle Ib, may itinatago ka ba sa akin? Ano yan? Profile ba ng prospect date to be mo?” At maharot na inaagaw ni Khaleb ang folder na hawak niya. “No, Khaleb, no!” Mabuti na lang magaling siyang magtago at nai-lock agad niya ang drawer. “Ah… ikaw Uncle ha, hmmm sige sabihin mo sa akin may nakabihag na ba ng ice cold heart mo ha?” pang-aasar ni Khaleb. “Huwag mong ibaling sa akin ang usapan. Sabihin mo nga sa akin, may girlfriend ka na ba?” “Wala, pero may ipapakilala ako sayo, naku siguradong magugustuhsn mo siya.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Khaleb, are you dating someone ha?” Gusto niyang umamin ito sa kanya. “Sus, si Uncle naman. Alam mo tumatanda ka na kailangan mo nang mag-asawa. Kalimutan mo na si Lady Saphire hindi mo na siya mahahanap. Matagal nang panahon ang lumipas. Ang tagal na natin dito sa Manila, nakalimutan na nga natin ang Native natin oh. Namuhay na tayo ng parang Pilipino pero ni minsan hindi nagparamdam si Lady Saphire here in her own country.” Natigilan siya at tinitigan ng masama ang pamangkin kaya naman itinaas nito ang dalawang kamay. “Okay, I give up. Titigil na ‘ko. Sige maiwan na kita kasi pupuntahan ko pa si Boo. Bye…” “Khaleb no! Don’t you dare!” pigil niya pero para lang itong isang batang inasar siya habang lumalayo. Napapikit siya at pabagsak na umupo. Nasapo niya ang noo at lalong nakaramdam ng stress. Pilyo talaga ang pamangkin niyang iyon na talagang nakuha pang ipaalala si Lady Saphire. Ang babaeng naka-one night stand niya. Tandang-tanda pa niya ang mga pangyayari walong taon na ang nakakaraan, mula sa pagkikita hanggang sa malagim na paghibiwalay nila. “SIR, help me please,” pakiusap ng isang babaeng tila ba takot na takot at nanginginig ang buong katawan. Pumasok ito sa hotel room na kanyang tinutuluyan ng dumalo siya sa isang business conference. “Who are you?” tanong niya. “Please Sir, I don’t have enough time to explain, there are armed men outside who want to kill me, please, please I need to hide.” Sumilip siya noon sa pinto nang makita niya ang limang armadong lalaki na naghahanap sa isle. Agad niyang isinara ang pinto. Kumatok ang mga armadong lalaki at pinagbuksan niya habang ang babae naman ay nakatago sa likod ng pinto. “An asif jiddan ya Shaykh (I am very sorry Shiekh).” Nakilala siya ng mga lalaking iyon kaya naman ganon na lang ang paghingi ng mga ito ng sorry. Matalim naman na tingin ang ipinukol niya sa mga ito. Nang maisara niya ang pinto, patirapang lumuhod ang babae sa kanyang harapan. Batid niyang isa itong Filipina pero iginalang pa rin siya at hindi makuhang tumingin sa kanyang mukha ng diretso. “What is happening?” tanong niya. “They are trying to kill me your highness,” nanginginig na sagot nito. “Why?” “I, I, I took my boss’s son somewhere.” Tandang-tanda rin niya kung paanong kumunot ang kanyang noo dahil sa sagot nito. “Okay, I don’t need your explanation, here’s the money and then you can go somewhere.” Nagmakaawa ang babae na yumapos pa sa kanyang mga binti. Nakiusap na huwag muna siyang paalisin. “Please my lord, your highness. Take me, make me your slave, just save me from those men. I need to be alive so I can save my boss’s son.” May kaluskos siyang narinig noon sa labas ng pinto kaya naman itinayo niya ang babae, pinatay ang ilaw at saka hinalikan. Nadatnan sila ng mga masasamang iyon sa ganong kalagayan. Hanggang sa isara ng mga ito ang pinto. Hindi na rin niya napigilan ang nag-aalab na damdamin ng maglapat ang kanilang mga labi. Napakalambot niyon at ramdam na rin niyang naanod na ito ng kanilang damdaming para bang itinadhanang magtagpo. He must be a fool na sa ganong sitwasyon ay nakuha pa niyang manamantala pero anong magagawa niya kung nasungkit nito ang kanyang man’s instinct. “What the hell am I doing?” tanong niya sa isip. Napapikit siya upang ibalik ang sarili sa reyalidad. Ang alaalang iyon ang umaalipin sa kanyang puso na siyang nagiging dahilan kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon.BIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding trauma ang hatid sa kanya ng mga ganong hitsura ng mga lalaki. Sigurado siyang sasaktan ng mga ito si Khaleb kaya naman kumuha siya ng dos por dos para ihampas sa mga ito.“Loraine! No!”“Mga hayop kayo! Lumayas kayo dito!”Sa kasamaang palad nasalag naman ito ng isa.“Loraine, no!” Agad na hinarangan ni Khaleb si Loraine dahil alam niyang kikilos ng hindi maganda ang mga bodyguards niya. At hindi siya nagkamali, nakaamba nang sapakin ng isa niyang bodyguard kaya imbes na ito ang masaktan ay siya ang sumalo.Agad na namutla ang body guard sa pagkakasapak niya kay Khaleb na ikinabagsak nito sa sahig.“Khaleb!!!” Binalingan naman ni Loraine ang lalaking sumapak kay Khaleb.“Loraine no! No!” Hindi n
HABANG naghihintay, hindi maiwasan ni Cleo na ma-intimidate sa titig ng lalaking nasa kabilang table. Hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatitig o ilusyon niya lang, mukhang may galit pero tama si Cleo, ang hot niya kaya hindi siya mapalagay. Ibinaling na lang niya sa bintana ang tingin. Pero hagip na hagip pa rin ng parameter ng kanyang paningin ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi siya komportable kaya tinanong na niya ito.“Ahm, excuse me Sir, is there a problem with my face?” Ininglish niya kasi mukhang foreigner.“Do you think that I am staring at you?” antipatikong tugon nito. “Ay antipatiko,” bulong niya.“Do you think you’re attractive or something?” pang-uuyam pa nito.“Oh,” inis na reaksiyon naman ni Loraine, halos matawa siya sa sobrang inis. “Sorry, I thought you were staring at me.”“Hindi ka ganon kaganda para titigan.”“Ay gago, nagtatagalog pala ang Herodes,” bulong niya.“I heard you.”Hindi niya mapigilan ang sarili sa inis kaya naman tumayo na siya at pumu
NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. Ang mga pahaging at biro nito ang makapagsasabing tama ang hinala niya. Hindi na siya bata para hindi iyon mahalata. Gwapo si Khaleb, mukha itong prinsipe ng isang Arab country, mapupungay na mga mata at maamong mukha. Pero napakabata pa nito at kapatid lang ang turing niya dito. Ang nakakatawa madalas siyang biruin nito. Pero alam niyang dala lang iyon ng kapusukan ng kabataan kaya hindi niya kailanman iyon papatulan lalo’t nakababatang kapatid ang turing niya dito. “O pano Khaleb, aalis na ako ikaw na muna ang bahala dito ha saka dadating naman si Bea para magluto.”“Ma’a al-salaama (goodbye)” nakangiting tugon ni Khaleb gamit ang banyagang wika.Naintindihan naman niya iyon dahil minsan si
WALANG oras na hindi natatahimik si Khaleb ng madilim niyang nakaraan nang paslangin ng isa sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang mga magulang. Next in line ang kanyang ama para umupong hari ng kanilang bansa nang maganap ang malagim na pag-masacre sa mga ito. Ang tanging nakapagligtas sa kanya ay ang kanyang yaya. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi na niya natandaan ang mukha nito. Isa pa kakasimula pa lang nito sa trabaho.Kaya palagi niyang inaaliw ang sarili sa pag-iinom sa mga sikat na bar sa Makati. Naawa man siya sa Uncle Ib niya dahil kakabantay nito sa kanya, wala naman siyang magawa kundi ang aliwin ang sarili. “Khaleb my man, tara drag race tayo,” yaya ng isa niyang kabarkada. “Sure.”Hindi inaasahan na nabangga ang kotseng minamaneho niya ng gabing iyon. Wala halos gustong tumulong dahil sa takot na mahuli ng mga pulis. Pasalamat siya sa napadaang concern citizen na mag-ina na siyang nag-rescue sa kanya. Nagising na lang siya noon na nasa hospital. Balot ng benda an
BUKOD sa seryosong pag-aaral ng mga report ng financial status ng Cote Kalif Wine Estate under Kalif Corp, isa sa nakapagpapabalisa kay Ibrahim ay ang scandalous na relasyon ng kanyang nakababatang pamangkin na si Khaleb sa isang babaeng single mom at matanda ng sampung taon dito. Halos magusot niya ang mga hard copy na binabasa niya dahil sa sobrang galit.Biglang dumating si Jayson na kanyang assistant. Agad siyang nagtanong sa nakalap nitong impormasyon.“Boss heto na po ang nakalap kong information.” Inilapag nito ang isang folder na may lamang kopya ng information.Loraine Gonzales, twenty nine years old, isang single mom, may anak na babae na ang pangalan ay Disney at nakatira malapit lang sa building ng kanilang kumpanya.“Ito lang ba ang information?” kunot noong tanong niya kay Jayson.“Yes Boss,” maikling sagot ni Jayson.“This is not enough! Sigurado akong may maitim siyang balak kay Khaleb. At hindi ako papayag!” Pigil pero may pwersang napasuntok siya sa lamesa. “Maghanap