BIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding trauma ang hatid sa kanya ng mga ganong hitsura ng mga lalaki. Sigurado siyang sasaktan ng mga ito si Khaleb kaya naman kumuha siya ng dos por dos para ihampas sa mga ito.
“Loraine! No!” “Mga hayop kayo! Lumayas kayo dito!” Sa kasamaang palad nasalag naman ito ng isa. “Loraine, no!” Agad na hinarangan ni Khaleb si Loraine dahil alam niyang kikilos ng hindi maganda ang mga bodyguards niya. At hindi siya nagkamali, nakaamba nang sapakin ng isa niyang bodyguard kaya imbes na ito ang masaktan ay siya ang sumalo. Agad na namutla ang body guard sa pagkakasapak niya kay Khaleb na ikinabagsak nito sa sahig. “Khaleb!!!” Binalingan naman ni Loraine ang lalaking sumapak kay Khaleb. “Loraine no! No!” Hindi ngayon maintindihan ni Khaleb kung sino ang pipigilan niya. “Khaleb pumasok ka sa loob!” sigaw ni Loraine na parang hindi man lang ininda ang sakit ng pagkakasapak sa kanya. “Loraine, no! Kayo! Huwag nyo siyang sasaktan!” utos ni Khaleb. “Loraine, okay lang. Kilala ko sila. Mga bodyguard ko sila, pinapasundo lang ako ni Uncle Ib,” humahangos na paliwanag ni Khaleb. Napapikit si Loraine at bagsak ang balikat. Nakahinga siya ng maluwag nang masigurong ligtas si Khaleb. “WHAT THE HELL!!!” Namumula sa galit si Ibrahim nang marinig ang balita sa nangyaring hindi pagkakaunawaan, nasapak ang kanyang pamangkin. Nagalit siya ng husto at lalong naintriga kung anong meron sa babaeng iyon na nakuhang protektahan ni Khaleb. “She doesn’t know what she’s been up to. Gusto ko siyang makita! Dalhin nyo siya sa akin!” sigaw niya sa phone habang kausap ang isa sa mga tauhang nagbalita ng nangyari. “What a guts! Sino siya sa akala niya para ipagtanggol ng isang prinsipe. Mananagot talaga siya!” “UNCLE IB!” sigaw ni Khaleb. Nagalit siya sa paraan ng pagsundo sa kanya. “What?!” ganting sigaw ni Ibrahim. Ngayon lang sila nagkainitan ng pamangkin at ang nakakaasar doon ay dahil lang sa isang walang kwentang babae. “What a nerve! Bakit kailangang ipasundo mo ako ng ganon sa mga bodyguards? You scare the hell out of her! Do you know how to do it in decent way?!” “Emir Khaleb Kalif Al-Khalifa!” Natigilan si Khaleb nang banggitin ng uncle niya ang kabuuan ng kanyang pangalan. Nagpapaalala sa kanya kung sino siya at anong meron siya. Tama, kabilang siya sa Arab Royal Family na hindi dapat dinadapuan ng kahit na sinong palad para lamang saktan. Bumalik siya sa reyalidad na isa nga pala siya sa susunod na magmamana ng trono ng kanyang ama. Nadala siya ng damdamin niya nang makitang nasaktan si Loraine na halos nakapagpalimot sa kanya kung sino siya. “You’re grounded!” utos ni Ibrahim. Bumagsak na lang siya sa sofa at walang nagawa. HINDI maalis sa isip ni Loraine ang nangyari ng nakaraang gabi. Nag-aalala pa rin siya kay Khaleb, paano kung hindi naman niya talaga tunay na mga bodyguards yung kumuha sa kanya. Tinatawagan niya ito pero hindi sumasagot. Ini-relax na lang niya ang sarili para makapagtrabaho ng maayos. Paglabas niya ng bahay, sinalubong siya ng limang lalaking malalaki ang katawan at binitbit pasakay sa kotseng itim na magara. “Teka, teka, sino kayo saan nyo ako dadalhin?” “Sumama ka na lang ng maayos kung ayaw mong masaktan,” sagot ng isang lalaking may malagong at nakakatakot na boses. “Ano? Anong masasaktan? Teka.” Umahon ang takot sa kanyang dibdib. Diyos ko sila ba yung kagabi, mamamatay na ba ako? No! Hindi pwede! Kawawa naman si Disney. Overthink niya. “Relax, gusto ka lang makausap ni Boss.” Bumaba sila sa harapan ng isang mala-palasyong mansion na nakatago sa liblib na lugar na may napakataas na gate, ni hindi niya alam kung nasaan sila. Pero ang ganda ng mansion. Halos itulak siya ng mga lalaki papasok sa isang pribadong silid. Napakaganda at napakarami ring libro. Hindi niya tuloy maiwasang igala ang mga mata kaya hindi niya halos napansin ang matangkad na lalaking nakasuot ng napaka-elegantend suit. “Finally, we met,” barintonong tinig nito. Napatingin siya sabay harap naman nito. “Ikaw?” kunot noong tanong niya. Ang antipatikong Herodes na nagkape sa coffee shop ni Cleo. “Nothing else. I’ll go straight to the point Miss Gonzales.” “Miss Gonzales? Kilala mo ‘ko? Pina-background check mo ba ako?” “It doesn’t matter. What matter is my nephew,” malamig na tono nito. “Nephew? Sinong nephew?” naiiritang tanong niya, napansin niyang hindi nito nagugustuhan ang magagaspang niyang sagot. “Ako ang Uncle ni Khaleb ako si Ibrahim…” “At ikaw pala ang mayabang na Herodes na Uncle Ib ni Khaleb! Huh! Ang yabang mo rin e ano. At talagang ipinasundo mo pa si Khaleb sa bahay ko sa mga bayolenteng bodyguards. Hoy kung sino ka mang Herodes ka, wala kang karapatang pumasok ng marahas sa bakuran ng ibang tao.” May panduduro pang kasama. “Agh! She’s getting into my nerve!” Nasabi niya sa isip habang nagtitimpi. “I’ll pay you as much as you want, layuan mo lang ang pamangkin ko.” Halos hindi makagalaw si Loraine sa narinig. Hindi niya maintindihan kung paano mag-re-react sa sinabing iyon ng Uncle ni Khaleb. At napagkamalan pa yata siyang girlfriend nito. “Huh! Nakakatawa ha. Hindi magandang paratang.” Sa inis niya, nahawakan niya ang booklet na nasa ibabaw ng side table at saka ibinato rito. “Gago ka! Anong palagay mo sa akin sugar mommy? Ang kapal ng mukha mo!” “Hey! Stop! Stop! Stop!” Nagawa ni Ibrahim na umiwas, saka hinagilap ang bewang at braso nito. Hindi inaasahang nagdikit ang kanilang mukha. Her eyes met his, and it feels like searching him deeply in his bones. Aminado siyang nakuryente siya sa init ng hininga nito na amoy coffee latte. It makes his manhood alive, lalo na nang masalat niya ang mala-artistic na kurba ng bewang nito. Same as Loraine, kakaibang kilig ang hatid ng maaamo at mapupunagy nitong mga mata. Ang ilong nitong parang goddess ang hugis maging ang mga labing mapupula at magandang korte. Parang magnet na humuhila patungo sa kanyang mga labi. “Is this how you seduce my nephew. Because if it is, you’re doing a great job,” bulong ni Ibrahim. Hindi niya mawari kung papuri ba iyon o insulto. Mas pinili niya ang pangalawang statement ng kanyang isipan kaya buong lakas niya itong itinulak. “The nerve! Asshole!” sabay sampal niya dito. Kaya naman muli nitong hinawakan ang kanyang kamay ng buong higpit. “Do it once and your dead! Hindi mo nakikilala kung sino ang sinasampal mo,” banta nito. Bigla namang nag-ring ang phone ni Loraine. Tumatawag ang guidance councilor ng school ni Disney kaya nagawa niyang bumitaw.BIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding trauma ang hatid sa kanya ng mga ganong hitsura ng mga lalaki. Sigurado siyang sasaktan ng mga ito si Khaleb kaya naman kumuha siya ng dos por dos para ihampas sa mga ito.“Loraine! No!”“Mga hayop kayo! Lumayas kayo dito!”Sa kasamaang palad nasalag naman ito ng isa.“Loraine, no!” Agad na hinarangan ni Khaleb si Loraine dahil alam niyang kikilos ng hindi maganda ang mga bodyguards niya. At hindi siya nagkamali, nakaamba nang sapakin ng isa niyang bodyguard kaya imbes na ito ang masaktan ay siya ang sumalo.Agad na namutla ang body guard sa pagkakasapak niya kay Khaleb na ikinabagsak nito sa sahig.“Khaleb!!!” Binalingan naman ni Loraine ang lalaking sumapak kay Khaleb.“Loraine no! No!” Hindi n
HABANG naghihintay, hindi maiwasan ni Cleo na ma-intimidate sa titig ng lalaking nasa kabilang table. Hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatitig o ilusyon niya lang, mukhang may galit pero tama si Cleo, ang hot niya kaya hindi siya mapalagay. Ibinaling na lang niya sa bintana ang tingin. Pero hagip na hagip pa rin ng parameter ng kanyang paningin ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi siya komportable kaya tinanong na niya ito.“Ahm, excuse me Sir, is there a problem with my face?” Ininglish niya kasi mukhang foreigner.“Do you think that I am staring at you?” antipatikong tugon nito. “Ay antipatiko,” bulong niya.“Do you think you’re attractive or something?” pang-uuyam pa nito.“Oh,” inis na reaksiyon naman ni Loraine, halos matawa siya sa sobrang inis. “Sorry, I thought you were staring at me.”“Hindi ka ganon kaganda para titigan.”“Ay gago, nagtatagalog pala ang Herodes,” bulong niya.“I heard you.”Hindi niya mapigilan ang sarili sa inis kaya naman tumayo na siya at pumu
NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. Ang mga pahaging at biro nito ang makapagsasabing tama ang hinala niya. Hindi na siya bata para hindi iyon mahalata. Gwapo si Khaleb, mukha itong prinsipe ng isang Arab country, mapupungay na mga mata at maamong mukha. Pero napakabata pa nito at kapatid lang ang turing niya dito. Ang nakakatawa madalas siyang biruin nito. Pero alam niyang dala lang iyon ng kapusukan ng kabataan kaya hindi niya kailanman iyon papatulan lalo’t nakababatang kapatid ang turing niya dito. “O pano Khaleb, aalis na ako ikaw na muna ang bahala dito ha saka dadating naman si Bea para magluto.”“Ma’a al-salaama (goodbye)” nakangiting tugon ni Khaleb gamit ang banyagang wika.Naintindihan naman niya iyon dahil minsan si
WALANG oras na hindi natatahimik si Khaleb ng madilim niyang nakaraan nang paslangin ng isa sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang mga magulang. Next in line ang kanyang ama para umupong hari ng kanilang bansa nang maganap ang malagim na pag-masacre sa mga ito. Ang tanging nakapagligtas sa kanya ay ang kanyang yaya. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi na niya natandaan ang mukha nito. Isa pa kakasimula pa lang nito sa trabaho.Kaya palagi niyang inaaliw ang sarili sa pag-iinom sa mga sikat na bar sa Makati. Naawa man siya sa Uncle Ib niya dahil kakabantay nito sa kanya, wala naman siyang magawa kundi ang aliwin ang sarili. “Khaleb my man, tara drag race tayo,” yaya ng isa niyang kabarkada. “Sure.”Hindi inaasahan na nabangga ang kotseng minamaneho niya ng gabing iyon. Wala halos gustong tumulong dahil sa takot na mahuli ng mga pulis. Pasalamat siya sa napadaang concern citizen na mag-ina na siyang nag-rescue sa kanya. Nagising na lang siya noon na nasa hospital. Balot ng benda an
BUKOD sa seryosong pag-aaral ng mga report ng financial status ng Cote Kalif Wine Estate under Kalif Corp, isa sa nakapagpapabalisa kay Ibrahim ay ang scandalous na relasyon ng kanyang nakababatang pamangkin na si Khaleb sa isang babaeng single mom at matanda ng sampung taon dito. Halos magusot niya ang mga hard copy na binabasa niya dahil sa sobrang galit.Biglang dumating si Jayson na kanyang assistant. Agad siyang nagtanong sa nakalap nitong impormasyon.“Boss heto na po ang nakalap kong information.” Inilapag nito ang isang folder na may lamang kopya ng information.Loraine Gonzales, twenty nine years old, isang single mom, may anak na babae na ang pangalan ay Disney at nakatira malapit lang sa building ng kanilang kumpanya.“Ito lang ba ang information?” kunot noong tanong niya kay Jayson.“Yes Boss,” maikling sagot ni Jayson.“This is not enough! Sigurado akong may maitim siyang balak kay Khaleb. At hindi ako papayag!” Pigil pero may pwersang napasuntok siya sa lamesa. “Maghanap