LOGIN“What is going on here?”Agad na namang kumabog ang dibdib ni Loraine nang marinig ang boses na iyon ni Ibrahim. Ayan na naman kasi ang lakas ng dating nito sa kanya kaya kahit anong iwas at tago, lumalabas at lumalabas pa rin ang epekto nito sa kanya kahit naiinis siya dito. Natataranta siya at namumula ang mukha.“Wa-wala, aalis na ako,” natatarantang sagot niya.“Bakit kailangan mong umalis kung pwede ka namang mag-stay.”‘Oo nga naman Loraine,’ sagot ng kanyang isip. “Ahm… mas maganda sigurong bigyan ko kayo ng time sa isa’t-isa,” palusot pa niya.‘Sus… ang arte talaga, if I know gusto mo rin naman akong makasama,’ natatawang tugon ni Ibrahim sa kanyang isip. “You know what, mag-stay ka na rin dito so we can have time with each other as family,” nakangiting paliwanag naman ni Ibrahim.‘Anong nakain ng Herodes na ‘to at parang ang bait bait niya ngayon?’ tanong ni Loraine sa isip.“Come on… I’m in the good mood today,” muling yaya ni Ibrahim.Nagdadalawang isip naman si Loraine na
“Ang siraulong Sheikh na ‘yon, akala niya siguro mahuhulog ulit ang loob ko sa kanya. Huh! Ang kapal. Anong palagay niya sa akin marupok? Huh! Nababaliw na yata ang Herodes na ‘yon, matalino yata ‘to. Ano, matapos mong sabihing hindi mo ako kailan man mamahalin tapos ngayon lumalandi ka sa akin. Hoy…. Hindi mo na ako maiisahan Herodes ka,” litanya niya habang pabalik-pabalik sa apat na sulok ng silid. Ni hindi niya namamalayan na ang tagal na palang wala sa kwarto ang mga anak niya.“Teka, nasaan nga pala sina Disney? Hay…. Nakalimutan ko na. Teka nga, kailangan ko na silang kunin.” Alam niyang nasa silid ito ng hari kaya nagpasama siya sa isang katulong papunta roon.“COME IN my dear Rashid,” malumanay na tinig ng hari nang kumatok si Ibrahim sa pintuan nito.“As salaamu-alaykum,” magalang na bati niya sa ama.“Wa alaykum as-salam,” tugon ng hari.Hinalikan niya ang kamay ng ama.“Baba, why did you call me?”Ngumiti lang ang hari habang nakahawak sa tungkod at inilinga ang leeg sa is
Hindi niya maiwasang magdabog na pumasok sa kanilang kwarto habang naaalala ang nakangiting mga labi ni Ibrahim.“Huh! At may gana pa talagang ngumiti matapos niya akong awayin kagabi. Matapos niya akong laitin! Hay! Nakakainit talaga siya ng ulo. Mabuti sana kung totoo yung nangyari kagabi na may I love you Loraine pa e de mas maganda pa sana ang mood ko. Buwisit na Herodes na ‘yon. Ang lakas ng loob na ngumiti ng ganon. Parang baliw lang, ang gwapo pa naman. Ano mamaya galit, mamaya nakangiti.”“Lady Loraine,” untag ng isang katulong.“Ay kabayo!” gulat naman na reaksiyon niya. Napatingin siya sa hawak nitong napakagandang bouquet.“Naku pasensiya na po. Lady Loraine ipinabibigay po ni Sheikh Rashid.”Lalong uminit ang bumbunan niya. “At may gana pa talagang magpadala ng bouquet ha. Teka nasaan ba siya ha?”“Naku po Lady Loraine mag-ingat po kayo ng pagsasalita baka po may makarinig sa inyo, siguradong malalagot po kayo kay Sheikh Rashid,” babala nig katulong.“Huh! Hindi ako nata
Habang humihigop ng mainit na sabaw, unti-unti namang rumerehistro sa kanyang utak ang maiinit na hali na halos ipinaligo niya kay Ibrahim.“Oh.” Naibuga niya ang sabaw at patuloy na inalala kung ano ang nangyari. “Oh! Oh!” Lalo siyang napabuga nang maalala ang mainit na tagpo niya kay Ibrahim. Natapik niya ang mga pisngi. “Hinde, uh uh, hinde.” Umiling-iling siya pagkatapos ay bahagyang natawa. “Hinde, alam ko na ‘to e, panaginip lang’ to, sus… e nakailang panaginip na ako na halos kapareho lang ng ganon e. Huh pustahan biglang susulpot si Butler Shing. Naku…. Alam ko na ‘to e.”At hindi siya nagkamali, bigla ngang sumulpot si Butler.“Tinatawag n’yo po ba ako Lady Loraine?”“Oh! Oh my!” Halos kapusin siya ng hininga. Napangiwi siya ng ilang sandali dahil sa naisip na baka naroon si Butler Shing kagabi kung nananaginip nga siya. Dahil ito ang papel nito sa buhay niya, ang ibalik siya sa reyalidad habang lumalangoy sa panaginip. Ang iniisip niya, baka narinig nito kung sakaling umuun
Hindi niya namalayan na marami na pala siyang naiinom na alak pero dahil sa sarap ng lasa, sige pa rin ang laklak niya. Wala naman siyang alalahanin sa mga anak niya dahil kinuha na ito ng mga nag-aalaga sa kanila. Hindi rin nman siya pinipigilan ng sinuman kahit pa nga ang hari. Nakangiti pa nga ito habang nakapanood lang sa kanya. Masasabi naman niyang hindi siya gumagawa ng nakakahiyang eksena kahit nakakainom na, pinaninindigan pa rin niya ang poise na talagang nakakahanga sa pagtingin ng nakararami.Until the last shot of wine that she had saka siya nagdesisyong tama na, preno na, lasing na siya. Sinenyasan niya ang isang babaeng katulong na naroon para alalayan siya pabalik sa kanilang silid.“Lady Loraine okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng katulong dahil sa nakita nitong pagsuray niya.“I’m drunk,” bangengeng sagot niya. “Naparami yata ang inom ko, ang sarap kasi nung wine. ‘Nak ng tokwa walang ganon sa Pinas. Grabeng sarap!!!” lasing na bulalas niya“Sige po Lady L
Kahit mahigpit ang pagkahawak sa kanya ni Ibrahim, nagawa niyang makawala sa mga kamay nito dahil sa tindi na ng kanyang galit. Hindi niya maunwaan kung saan ito humuhugot ng lakas ng loob para itrato siya ng ganon.“Galit ako sayo! Nasusuklam ako! Ayoko nang makita ang mukha mo!” galit na pahayag niya kay Ibrahim.“Loraine.”Tila naman nabahala si Ibrahim. Bumakas sa mukha nito ang pagkadismaya na kanina lang ay galit na galit sa kanya.Naramdaman niya ang pagbabago ng mood nito pero hindi siya nagpadala. “From now on, huwag mo na akong lalapitan, kahit ang mga anak ko. Don’t you dare touch them. Binabalaan kita.”“Hindi mo ‘ko pwedeng pagbawalan, anak ko rin sila.”“Huh! Anak? Talaga? Naririnig mo ba ang sarili mo ha? Ibrahim?”“Hey, address me as prince or sheikh, baka may makarinig sayo,” babala naman ni Ibrahim.“Wala na akong pakialam. Bakit may gagawa ba sa akin ng masama kapag may nakarinig sa akin kung anong itawag ko sayo ha? Do you think that it will scare me of? No. Nakulo
As the celebration started, the ball are filled with celebrities and dignitaries of the country. Kilala niya ang ilan sa mga ito. Nag-alangan siyang pumasok sa hall habang nakasilip sa itaas. Kinabahan siya ng todo na halos maubos ang confident. Ngunit pinalakas ni Butler ang kanyang loob. “You l
“Loraine! Loraine! Wake up, no, no, please open your eyes wake up.”‘Ano ‘to? Nananaginip na naman ba ako? Si Ibrahim ba ‘to? Umiiyak siya, natataranta habang ginigising ako. Gising na nga ba ako o nananaginip na naman,’ tanong ni Loraine sa isip.“MISS LORAINE, MISS LORAINE.”Naulinigan niya ang b
“I heard that you are planning to go back home,” bungad ng hari.Kinabahan naman si Loraine pero sumagot siya. “Yes your highness if you will grant my request.”“Is it because of Ibrahim?” diretsang tanong ng hari.“Your highness…”Pinutol na agad ng hari ang kanyang sasabihin.“I’m afraid I can’t
Kinabukasan habang kumakain sina Loraine ng almusal, nagulat na lang siya sa biglang pagpasok ni Ibrahim na tiim ang bagang, halatang galit ito. Napatingin siya rito. “Can I talk to you in private?” utos ni Ibrahim. At para kay Loraine, ang utos na iyon ay may tono na hindi pwedeng hindi sundin k







