تسجيل الدخولLoraine is shaking her head slowly while smiling.“Anong nakakatawa,” pukaw naman ni Cleo habang nakaupo sila sa stool.“Nakakatawa lang kasi… I can’t imagine na ma-i-in love si Gio sa isang witch.”“Witch bitch kamo.” Sabay bunghalit ni Cleo.“Uy sobra ka naman Besh,” sansala naman ni Loraine habang tumatawa. “Why? I mean totoo naman di ba? Halos sirain ni Rachel ang buhay nyo ni Thea. Then here she goes nagpapaka-anghel.”“Come on Cleo, lahat naman ng tao may pagkakataong magbago. People change. And siguro may dahilan kung bakit siya naging ganon dati.”“Tama ka naman diyan pero di ba, mahirap nang magtiwala. Remember, she almost hurt you noong nandoon kayo sa mansion ni Ibrahim.”Para namang kinurot ang puso ni Loraine nang marinig ang pangalan ni Ibrahim.“Ay… sorry. Erase, erase, wala akong sinabi, wala kang narinig.”“Ano ka ba Cleo okay lang ‘yon. Kalimutan na natin siya.”“Oo tama, kalimutan natin siya, simula ngayon banned na ang pangalan niya sa coffee shop na ‘to.”“Sus it
Kumalma na si Thea dahil kay Cleo. Ilang sandali ang lumipas isa na namang lalaki ang pumasok sa coffee shop. Mukhang first customer yata. Pormado ito at mukhang mayaman, halata naman sa damit na suot at kotseng nakaparada sa harapan, kaya lang hindi niya feel ang dating nito, mukhang mayabang.“Ice cold amricano for two,” wika nito. “Okay Sir,” tugon naman ni Loraine. Napansin naman niya si Rachel na panay ang sulyap sa lalaki na nakatitig naman dito na parang nanghuhubad. Hindi muna niya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang paghahanda ng order nito. Maya-maya tumayo ito at lumapit sa counter. “It’s been a while sweetie,” walang gatol na bati nito kay Rachel. Naiilang namang lumingon sa kanya si Rachel na tila ba sinusukat ang kanyang reaksiyon.“So dito ka pala itinapon ng brother mo,” mapang-uyam na sabi nito kay Rachel. “Max, what are you doing here?” naiilang na tanong naman ni Rachel. “Nothing.” Sabay hawak sa kamay ni Rachel. “Wanna go out?” nanunuksong tanong nito. Ag
“Ano!? Ano kamo? Pinangakuan ka niya ng kasal tapos, tapos, pinauwi ka nang Pinas ng ganon na lang. At ang bruhang Shamira na ‘yon! Ang landi ha! Naku…. Nakakagigil talaga ang hari ng mga Herodes na yon! Isa pa yang Jayson na yan! Pag nakita ko talaga yan, kukuyumusin ko ang mukha niya!” nanggagalaiting bulalas ni Cleo.Habang si Loraine ay pugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Hoy Loraine tumigil ka na nga dyan, lalo lang akong nanggigigil sa Herodes na ‘yon e. Para ka niyang pinasakay sa roller coaster ha,” dugsong pa ni Cleo. “Anong parang, ganon na nga ang sumatotal ng lahat,” sabat ni Thea.Napalingon naman si Loraine na nagtataka. “Teka nga Thea bakit nandito ka nga pala? Hindi ba nandoon ka sa villa ninyo? At di ba ikakasal ka kay Delfin? Ano na bang nangyari?”Natahimik naman si Thea habang idinudukot ang mga kamay sa bulsa. Nag-aapuhap ng isasagot. “Naku, isa pa yan, isa pa yang Dimitri na yan,” muling dugsong ni Cleo. “Ano? Teka, hindi ko maintindihan. Ano naman ang kinala
Ilang oras ang lumipas nang makalabas si Ibrahim sa kwarto nina Loraine. Tinatamad pa sanang bumangon si Loraine pero alas nueve na ng umaga kaya nag-inat inat na siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Isang oras ang lumipas nang may kumatok sa pintuan. Kumunot ng bahagya ang kanyang noo. “Ha? Ano ba naman si Ibrahim, bakit kailangan pang kumatok e basta na lang naman siya pumapasok dito, saka hindi naman naka-lock ang pintuan ah,” pagtataka niya sa pag-aakalang si Ibrahim ang kumakatok.Pero kumatok pa ulit ito ng sunud-sunod. “Hay… oo na nga andiyan na.” Isinuot niya ang robe at nagmadaling tumakbo papunta sa pinto. “My love,” excited na salubong niya pero si Jayson ang nasa labas, may dala itong plane ticket. “Ay sorry naman Jayson, ikaw pala yan.” Natawa siya. “Ah, oo ako nga,” maang ni Jayson. “O halika, pasok ka,” aya ni Loraine kay Jayson. “Naku hindi na, dito na lang. Saka mukhang kagigising mo lang e.”“Ah oo. E teka bakit ka nga ba nandito? I mean nasaan si Ibrahim?
No doubts, no fear, pakakasal na siya kay Ibrahim.Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit. “I will never let you go. Walang sinumang makapaghihiwalay sa atin, my love, I love you.”“I love you too Ibrahim.”Kasunod ng proposal na iyon ay ang magarbong strings orchestra play sa grand stage ng amusement park kasabay ang sunud-sunod na foreworks.Naluluhang natatawa si Loraine. “Grabe, A whole New World talaga.” Iyon ang saliw na tinutugtog ng orchestra.“If I can only give you the world, I will, pero sorry my love hindi kasi akin ang mundo e. Baka magalit ang tunay na may ari na siyang lumikha.”Natawa silang pareho.“Ikaw talaga.”Matapos ang proposal at Orchestra play, dinig na dinig naman nila ang sigaw nila Disney mula sa itaas ng ferris wheel.“I love you Papa!!! I love you Mama!!! I love you Lolo!!!” umeekong sigaw ni Disney.Panatag namang nakatanaw sina Ibrahim mula sa ibaba dahil alam nilang bantay sarado ito ng mga katulong at bodyguards.Maya-maya may lumapit na isa sa mga bo
Loraine admit to herself na may kaunting takot siya noong umpisa sa ipinapakitang pagmamahal ni Ibrahim para sa kanya, ngayon iba na, talagang mapapatunayan niyang tapat ito sa kanyang nararamdaman dahil sa mga ipinapakita nito.Nagising siya mula sa pagakakatulog ng mahimbing dahil na rin sa magdamag na lambingan nila ni Ibrahim.. Napamulagat siya nang makitang sinusugod na siya ng yakap nina Disney at Khalid habang pinapanood naman sila ni Ibrahim.“Mama, dito ka pala natulog, hinahanap ka namin kagabi e,” pag-uusisa ni Disney.Napangiwi naman siya sa sobrang hiya sa mga anak.“Ahm… oo anak, sorry.” Sabay peace sign.“Okay lang po Ma kasi dumating naman po si Papa. Pinatulog nga po niya si Khalid e. Bakit kasi Ma, dito ka natulog,” reklamo ni Disney.“Ah… hahaha. Kasi mga anak…”“Because you and Khalid are grown up babies, kailangan n’yo nang masanay matulog na mag-isa,” salo ni Ibrahim.“Ha…? E Papa bata pa kami,” pangangatwiran naman ni Disney. Habang si Khalid naman ay mahigpit
Her black card was cut, Disney was expelled from class at katulad ng nangyari kina Chinee hindi na sila makabili ng kahit ano sa lugar na tinitirhan nila.Her house was sold and all their things was packed outside.Nilakasan niya ang loob dahil baka mag-collapse siya sa nangyari. Alam niyang si Ibr
Halos ipagtabuyan siya ni Ibrahim palabas ng mansion. Bitbit siya ng mga bodyguards nito.Walang sasakyang susundo sa kanya kaya naglakad na lang siya palabas. Mabuti na lang ibinigay ng driver ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Cleo, at maging ang mga ito ay humahagulgol na rin.Yung isang o
“And your Ibrahim bought a ticket for me to fly back here,” dugsong ni Thea.“What?” manghang tugon naman ni Loraine.“Alam mo nakakainggit ka, kasi bihira lang ang gumagawa ng ganyan ha. Sino ba naman ako para abyarin ng mapapangasawa ng kaibigan ko, makadalo lang sa kanyang kasal. You know what,
Lalong nararamdaman ni Loraine ang kanyang kahalagahan dahil sa pagmamahal ni Ibrahim. Hindi lang sa mga materyal na bagay kundi kung paano ito ipinapadama sa kanya. Kaya wala na sigurong dahilan pa para tanggihan ang alok na kasal nito.Pagdating nila sa hotel, iginiya sila ng receptionist sa isan







