Mag-log inLENA’s POV Nakatulala lang ako sa kisame, habang ang buong kwarto ay nababalot ng katahimikan pero sa loob ng isip ko maingay. Mas maingay pa kaysa sa kahit anong party na napuntahan ko. Paulit-ulit ang mga salita ni Steven kanina. “Even if you love Caelus…” Napapikit ako nang mariin. Hindi ko dapat iniisip ito. Hindi ko dapat hinahayaan na bumalik siya sa isipan ko nang ganito kadalas pero parang kahit anong pigil ko.. nandoon pa rin siya. Pakiwari ko niloloko ko lang ang sarili ko. Na kahit anong saway ko sa sarili kong kalimutan siya, na kahit anong layo ko pero siya pa rin ang dahilan ng pag iisa ko, ng pag iisip ko ng ganito. Dahan-dahan kong kinapa ang cellphone sa tabi ko. Wala sa sariling binuksan ko ito. At hindi ko alam kung bakit… diretso kong binuksan ang hidden folder. Isang folder na matagal ko nang hindi binubuksan. “Caelus…” Sa unang litrato, magkatabi kami, walang pormal na pose, halos hindi pa kami marunong magtago ng emosyon noon. Sa pangalawa, na
LENA’s POV Nasa Yangco Mansion ako at abala sa pag-aayos ng ilang recipe notes ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang caller, nakita ko ang numero ni Cathy, ang assistant chef ko sa The Chef's Touch. “Hello?” sagot ko agad, habang hawak pa rin ang notebook ko. “Chef Lena,” bungad niya, medyo excited ang boses. “May gustong mag-invest sa The Chef’s Touch.” Natigilan ako sa narinig. “Mag-iinvest?” ulit ko, bahagyang napataas ang kilay. Isang buwan pa lang mula nang maging investor si Caelus sa restaurant. At sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa rin kami ulit nagkikita o nagkakausap ng maayos. Lahat ng updates sa restaurant ay kay Cathy ko pinapadaan. Siya ang nagma-manage ng daily operations, at ako na lang ang nilalapitan kapag malalaking desisyon na. “Sino?” tanong ko, curious pero maingat. “Private company, Chef, hindi pa nila dine-disclose kung sino talaga ang owner,” sagot niya. “Pero humingi sila ng meeting. Doon niyo raw mal
ALING PERLA’s POV Tahimik ang buong sala matapos magsalita ni John. Tanging mahinang tunog lamang ng wall clock ang maririnig sa paligid. At sa bawat segundo, pakiramdam ko’y lalo akong nahihirapang huminga. Bumaba ang tingin ko sa nanginginig kong mga kamay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Takot, kaba o lungkot. Dahil sa loob ng dalawampu't apat na taon, itinuring naming tunay na anak si Lena. Hindi ko kailanman inisip na darating talaga ang araw na may haharap sa amin upang sabihin na may ibang pamilyang naghihintay pala sa kanya. “G-gusto kong magpakita kayo ng katunayan na anak ninyo talaga si Lena.” mahina kong sabi. Bahagyang napaluha si Vivian bago niya inilabas mula sa bag ang isang lumang litrato. Dahan-dahan niya iyong inilapag sa mesa, at halos tumigil ang paghinga ko nang makita ko iyon. Isang batang babae, mga apat o limang taong gulang. May mahabang buhok at… abuhing mga mata. Kamukhang kamukha iyon ni Lena noong unang makita namin siya
ALING PERLA’s POV Kinagabihan, tahimik kong isinasara ang maliit na gate ng villa habang tanaw ang madilim na kalangitan. Mahina ang ihip ng hangin. Tahimik na rin ang buong paligid. Kanina pa umalis si Lena matapos magmerienda ng hapon. Maaga ring nagpaalam sina Vivian at John. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin mapalagay ang dibdib ko. Habang iba ang mga tingin ng mag asawa kay Lena, lalong lumakas ang kutob ko, may kung anong kaba nang unti-unting namuo sa puso ko. At habang mas iniisip ko, mas lalo kong naaalala ang araw na una naming nakita si Lena. Ang maliit na batang umiiyak sa gilid ng kalsada habang yakap-yakap ang isang stuffed toy sa gitna ng ulan. Napapikit ako sandali. Hindi… Hindi kaya… Mabilis kong itinulak ang isipin na iyon. Ngunit kahit anong pilit ko, pakiramdam ko’y may malaking rebelasyong paparating. At hindi nga ako nagkamali. Dahil hindi pa man tuluyang lumilipas ang gabing iyon, muling bumalik sina Vivian at John sa villa. Tahimik ko silang
Pagkapasok pa lang namin sa loob ay agad nang napuno ng masayang boses ng matandang babae ang buong bahay. Naabutan namin na nakahain na ang mga pagkain sa mesa. “Oh my! It smells wonderful here!” nakangiting komento niya. Napangiti ako nang bahagya habang inilalapag ang dessert box na dala nila sa mesa. “Mabango po ba?” “Mabango?” natatawang ulit niya. “My dear, this smells heavenly.” Napatawa ako sa pagkakalog ng matandang babae, lalo ko tuloy silang nakagaanan ng loob. Habang abala sina Lily at Maple sa pagtingin sa mga dalang dessert ng mag-asawa, napatingin ako kay Nanay. Tahimik lang itong nakatayo malapit sa dining area. Nakatingin sa mag asawa. Hindi naman masama ang ekspresyon niya, hindi rin galit pero may kakaiba, para bang bigla siyang naging matamlay. Parang may malalim siyang iniisip na pilit niyang ikinukubli. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay mabilis siyang ngumiti ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. “Ay… napadaan po kayo,” mahinahon niyang
LENA’s POV Tahimik ang buong bahay matapos kong sabihin ang totoo. Parang kahit ang hangin ay naging mabigat. Hindi pa rin makapaniwala si Nanay habang nakatingin sa akin. Samantala ako naman ay pilit lang na ngumiti upang pakalmahin siya kahit sa totoo lang, ako mismo ay hindi rin sigurado sa landas na tinatahak ko. Maya-maya ay tumayo ako mula sa sofa. “Magluluto muna ako ng tanghalian,” mahina kong sabi. Kailangan kong maging abala dahil kapag hindi, baka tuluyan na akong lamunin ng mga iniisip ko. Tahimik akong nagtungo sa kusina, hindi ko napansin na nakasunod na sa akin sina Lily at Maple sa likod ko. “Ate, anong lulutuin mo?” excited na tanong ni Lily tila kagagaling lang sa paglalaro sa labas dahil pawis na pawis. Bahagya akong napangiti. “Siyempre avorite ninyo.” At tulad ng dati, unti-unting napuno ng amoy ng pagkain ang buong villa. Ang amoy ng adobong chicken, macaroni salad, roasted chicken at ang paboritong sinigang ni tatay at nanay. Habang nagluluto
CAELUS’ POV "What are we doing here again, Caelus?" Tanong ng kaibigan kong si Max, habang nakapark ang sasakyan ko sa tapat ng The Chef’s Touch. My eyes scanned the area, searching for a familiar face, but like before, she was nowhere to be seen. "This is the last time I'm coming here," Sabi ko,
CAELUS’ POV “Hey Cael, where have you been?” tanong ni Sage nang makabalik ako sa condo unit ni Helios. Nasa living room ang mga kaibigan ko, nagkukwentuhan at nagtatawanan. “Oo nga, bakit bigla kang nagmamadaling sumakay ng elevator?” Nagtatakang tanong naman ni Rowan. Naupo ako sa mahabang
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ng lalaki sa pagkakapulupot sa katawan ko. Mahimbing na siyang natutulog, akala ko ay wala ng katapusan ang ginawa namin kanina. Halos kapipikit lang niya at nang makasiguro akong tulog na siya ay saka lang ako kumilos. Nahaplos ko ang balakang ko, sumakit at kumi
Makalipas ang ilang buwan, pinagmasdan ko ang gusali ng aking restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng mga kainan sa lugar na iyon. Tanghalian na, kaya naman marami nang taong kumakain sa loob. Ang mga bintana ng restaurant ay bukas, na nagbibigay daan sa mga masarap na amoy ng mga lutuing pagkain







