LOGINALING PERLA’s POV Tahimik ang buong sala matapos magsalita ni John. Tanging mahinang tunog lamang ng wall clock ang maririnig sa paligid. At sa bawat segundo, pakiramdam ko’y lalo akong nahihirapang huminga. Bumaba ang tingin ko sa nanginginig kong mga kamay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Takot, kaba o lungkot. Dahil sa loob ng dalawampu't apat na taon, itinuring naming tunay na anak si Lena. Hindi ko kailanman inisip na darating talaga ang araw na may haharap sa amin upang sabihin na may ibang pamilyang naghihintay pala sa kanya. “G-gusto kong magpakita kayo ng katunayan na anak ninyo talaga si Lena.” mahina kong sabi. Bahagyang napaluha si Vivian bago niya inilabas mula sa bag ang isang lumang litrato. Dahan-dahan niya iyong inilapag sa mesa, at halos tumigil ang paghinga ko nang makita ko iyon. Isang batang babae, mga apat o limang taong gulang. May mahabang buhok at… abuhing mga mata. Kamukhang kamukha iyon ni Lena noong unang makita namin siya
ALING PERLA’s POV Kinagabihan, tahimik kong isinasara ang maliit na gate ng villa habang tanaw ang madilim na kalangitan. Mahina ang ihip ng hangin. Tahimik na rin ang buong paligid. Kanina pa umalis si Lena matapos magmerienda ng hapon. Maaga ring nagpaalam sina Vivian at John. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin mapalagay ang dibdib ko. Habang iba ang mga tingin ng mag asawa kay Lena, lalong lumakas ang kutob ko, may kung anong kaba nang unti-unting namuo sa puso ko. At habang mas iniisip ko, mas lalo kong naaalala ang araw na una naming nakita si Lena. Ang maliit na batang umiiyak sa gilid ng kalsada habang yakap-yakap ang isang stuffed toy sa gitna ng ulan. Napapikit ako sandali. Hindi… Hindi kaya… Mabilis kong itinulak ang isipin na iyon. Ngunit kahit anong pilit ko, pakiramdam ko’y may malaking rebelasyong paparating. At hindi nga ako nagkamali. Dahil hindi pa man tuluyang lumilipas ang gabing iyon, muling bumalik sina Vivian at John sa villa. Tahimik ko silang
Pagkapasok pa lang namin sa loob ay agad nang napuno ng masayang boses ng matandang babae ang buong bahay. Naabutan namin na nakahain na ang mga pagkain sa mesa. “Oh my! It smells wonderful here!” nakangiting komento niya. Napangiti ako nang bahagya habang inilalapag ang dessert box na dala nila sa mesa. “Mabango po ba?” “Mabango?” natatawang ulit niya. “My dear, this smells heavenly.” Napatawa ako sa pagkakalog ng matandang babae, lalo ko tuloy silang nakagaanan ng loob. Habang abala sina Lily at Maple sa pagtingin sa mga dalang dessert ng mag-asawa, napatingin ako kay Nanay. Tahimik lang itong nakatayo malapit sa dining area. Nakatingin sa mag asawa. Hindi naman masama ang ekspresyon niya, hindi rin galit pero may kakaiba, para bang bigla siyang naging matamlay. Parang may malalim siyang iniisip na pilit niyang ikinukubli. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay mabilis siyang ngumiti ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. “Ay… napadaan po kayo,” mahinahon niyang
LENA’s POV Tahimik ang buong bahay matapos kong sabihin ang totoo. Parang kahit ang hangin ay naging mabigat. Hindi pa rin makapaniwala si Nanay habang nakatingin sa akin. Samantala ako naman ay pilit lang na ngumiti upang pakalmahin siya kahit sa totoo lang, ako mismo ay hindi rin sigurado sa landas na tinatahak ko. Maya-maya ay tumayo ako mula sa sofa. “Magluluto muna ako ng tanghalian,” mahina kong sabi. Kailangan kong maging abala dahil kapag hindi, baka tuluyan na akong lamunin ng mga iniisip ko. Tahimik akong nagtungo sa kusina, hindi ko napansin na nakasunod na sa akin sina Lily at Maple sa likod ko. “Ate, anong lulutuin mo?” excited na tanong ni Lily tila kagagaling lang sa paglalaro sa labas dahil pawis na pawis. Bahagya akong napangiti. “Siyempre avorite ninyo.” At tulad ng dati, unti-unting napuno ng amoy ng pagkain ang buong villa. Ang amoy ng adobong chicken, macaroni salad, roasted chicken at ang paboritong sinigang ni tatay at nanay. Habang nagluluto
LENA’s POV Hindi ako mapakali sa Yangco Mansion kaya naman muli akong nagtungo sa villa. hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi sa party ni Julie. Nag aalala ako sa kapatid kong si Basil, kailangan ko siyang makausap, hindi ko na siya nakausap pa kagabi dahil hinatid na rin ako kaagad ni Cullen, siya na rin ang umayos ng lahat ng kaguluhan kagabi. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag pumapasok sa isip ko kung paano pagtawanan ng mga elite ang aking kapatid, kung paano nila maliitin si Basil. Dahil lang sa katayuan sa buhay, hinusgahan na kaagad nila ang pagkatao ng kapatid. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong narinig ang masasayang tawanan mula sa bakuran. Weekend kaya wala ring pasok ang mga bata. Naglalaro roon sina Lily, Maple, at Laurel habang naghahabulan sa damuhan. Nang mapansin nila ang pagdating ko, masaya nila akong sinalubong. “Ate Lena!” sabay-sabay na bulalas nila habang tumakbo palapit sa akin. Halos mawalan ako ng balanse nang sabay
LENA’s POV Biglang naging mas mabigat ang hangin sa buong lounge matapos magsalita si Cullen. “It doesn’t look like an accident to me.” Tumahimik sa paligid. Pero sapat para mapatigil ang lahat. Maging si Julie ay bahagyang natigilan. Ngunit mabilis din siyang nakabawi. Bahagya siyang natawa habang iniikot ang champagne glass sa kamay niya. “Cullen,” mahinahon niyang sabi. “You’re overthinking things.” “Am I?” Malamig ang boses ni Cullen. Diretso ang tingin nito kay Julie. “At exactly which part should I misunderstand?” Bahagyang tumaas ang kilay ni Julie. “The part where your friends mocked Lena? The part where a waiter was publicly humiliated? Or the part where you stood there watching everything happen?” Biglang nagkaroon ng tensyon sa paligid. Ramdam kong maraming tao ang hindi komportable. After all… walang sanay na may kumokontra kay Julie sa harap ng elite crowd. Ngunit si Julie? Nanatili siyang kalmado. At iyon ang mas nakakatakot. “You’re
CAELUS’ POV “Are you leaving already?” Nasa may pinto na ako at hawak ang door handle nang marinig ko ang tinig ni Cullen na um-echo sa malawak na hallway. Lumingon ako, may kaswal na ngisi sa aking mga labi. “I have no reason to stay. If it weren’t for Dad’s endless calls about tonight’s fam
“Lena, why don’t you be my wife?” Nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi ni Cullen na tila ba nag aaya lang manood ng sine. Hindi nalingid sa akin ang paglaglag ng panga ni Allan na nasa tabi ng binata na nagulat din sa sinabi ng boss nito, napalingon din sa amin ang ilang kumakai
Mondragon Grand Estate… Ang matangkad na lalaki na may matatalim na mga mata ay tuloy-tuloy na naglakad patungo sa dinning area. Seryoso ang mukha niya ng maupo sa tapat ng hapag. “Caelus! That’s spot is for your brother,” puna ni Don Gerbacio Mondragon sa bunsong anak. Tiim ang mga bagang na
“Salamat, sir, sa bayan ako bibili ng cake,” nakangiting sabi ko kay Cullen, ang guwapo at matangkad na lalaki na laging nakangiti sa akin. Katatapos ko lang ikandado ang aking restaurant, at ngayon ay kasama ko siya sa pagbili ng cake para sa kaarawan ng aking kapatid na si Lily. “Cullen, just c







