Se connecterLENA’S POV Hindi ko na halos marinig ang sumunod na usapan sa hapag-kainan. Parang lahat ng boses sa paligid naging malabo, malayo, parang nasa ilalim ako ng tubig habang sila ay patuloy lang sa pag-uusap sa ibabaw. Engagement party this weekend. Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga salitang iyon. Pinilit kong kumilos nang normal. Kumuha ako ng pagkain sa plato ko, sumubo, ngumiti kapag may tumitingin sa akin pero parang hindi ko kontrolado ang katawan ko. “Lena, are you alright?” tanong ni Mrs. Mondragon, halata ang concern sa boses. Tumingin sa akin ang lahat. “Yes po, I’m okay,” sagot ko, agad akong ngumiti. Fake iyon, pero sapat para hindi na sila magtanong pa. Nagpatuloy ang usapan nila kaya nakahinga ako ng maluwag. Lihim kong sinulyapan ang katabi kong lalaki, tahimik pa rin si Cullen. He is too calm. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara. Kinakabahan talaga ako dahil sobrang tahimik niya. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ng mga sandaling iyon. “Cu
LENA’s POV Dinner time sa Yangco Mansion. Kabababa ko lang ng hagdan nang bumukas ang malaking pintuan ng sala. Doon ko nakita si Cullen, nakasuot ng usual niyang damit, coat and tie, sa kamay niya ay isang eleganteng bouquet ng mga bulaklak. Nagkaroon kaagad ng ngiti sa mga labi ko. "Cullen, you're here!" masigla kong bati habang naglakad palapit sa kanya. Ngumiti siya atsaka inabot niya sa akin ang pumpon. "These are for you," sabi niya. Tinanggap ko iyon, marahang hinaplos ang mga talulot. “Thank you… ang ganda.” First time lang niya akong bigyan ng bulaklak. Ngunit agad kong pinakalma ang sarili ko. Congratulatory gift lang ‘to, paalala ko sa isip ko. Dahil sa panalo ko kagabi sa culinary competition. "Cullen, can we talk?" maingat kong tanong. Ito na sana ang pagkakataon, ang sandaling matagal ko nang hinihintay. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa amin ni Caelus. "Oh, sure," sagot niya agad, saka bahagyang ngumit
“I haven’t talked to him yet, but don’t worry, later he’ll be visiting Yangco Mansion. He’ll be having dinner here,” sabi ko kay Caelus habang ka-video call ko siya. Nasa loob ako ng aking silid, abala sa paghahanda para sa isang interview ng isang sikat na magazine. Iinterbyuhin kaming dalawa ni Chef Dorian. “Okay. Just update me once you’ve spoken to Cullen,” sagot niya. Tumango ako nang bahagya. “Hmm.” Sandaling katahimikan ang sumunod bago muli siyang nagsalita, mas lumambot ang tono. “By the way… you’re beautiful right now.” Bigla akong namula sa sinabi niya. Hindi pa rin ako sanay na pinupuri niya ako. Aaminin kong kinikilig ako. “Good luck on your interview,” nakangiting dagdag niya. “Thank you,” sagot ko. Ngumiti siya, at bahagya akong napakurap, napakaguwapo talaga niya lalo na kapag nakangiti. Saglit ko pang pinagsawa ang mga mata ko sa kanya hanggang sa magpaalam ako nang marinig ko ang ilang mga katok sa pinto. Napabuntong hininga ako at ibinaba ang cellp
"Lena, I have a surprise for you," sabi ni Caelus, mababa ang tinig ngunit may lambing na agad nagpabilis ng tibok ng puso ko. Napangiti ako at napatingin sa kanya. "What is it?" tanong ko, halatang excited. Ngumiti siya nang bahagya, parang may tinatagong sikreto. "Hmm… I’ll tell you in three days." Napalabi ako at bahagyang napasimangot. "Three days? Why not now?" Mahina siyang natawa at marahang pinisil ang ilong ko. "Just wait. I want it to be perfect." Hindi ko napigilang ngumiti. Parang napakahalaga ng araw na iyon. Muli ko siyang niyakap, isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. "Okay… I’m excited. I can’t wait. I’m really curious about your surprise." Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko, habang humigpit ang yakap niya sa akin. "Me too," bulong niya. "I’m looking forward to that day." Nanatili kaming ganoon ng ilang sandali, tahimik ngunit puno ng damdamin. Para bang saglit na tumigil ang mundo para sa amin. Ngunit bumalik din agad ang realida
Nang ianunsyo ang resulta ng final round, sa pagitan ko at ni Chef Jensen ng Luciano family, hindi agad nagsink in sa akin ang mga salitang narinig ko. “And the winner for the final round is… Chef Lena.” Parang tumigil ang mundo ko, ngunit hindi pa doon natapos. Nagpatuloy ang host, hawak ang resulta ng kabuuang puntos mula sa lahat ng rounds. “And based on the overall gradings… the family that dominated the third round and secured the highest total score this year’s Master Culinary Arts Competition champion is…” Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. “The Yangco family.” Isang malakas na pagsabog ng palakpakan ang umalingawngaw sa buong bulwagan. Halos hindi ko marinig ang sarili kong paghinga. Kami ang nanalo? Dahan-dahan akong napatingin kay Chef Dorian na nasa tabi ko. Tahimik siya, ngunit bakas sa mga mata niya ang kasiyahan. Sa unang pagkakataon, wala akong nakitang pressure sa kanya kundi isang tahimik na pagmamalaki. “Let us welcome Chef Lena of the Yan
Tumunog ang timer, isang malinaw at matinis na hudyat na tapos na ang laban. Eksaktong naihulog ko ang huling sandok ng sabaw sa mangkok. Umangat ang manipis na usok mula rito, kasabay ng marahang pag-angat ng aking dibdib. Napakasimple lang ng dish ko. Hindi iyon pangkaraniwang makikita sa hapag ng mga mayayaman, isa iyong pagkain ng mahihirap, na gaya ko. Sa kabilang station, kabaligtaran ang aura. Isang marangyang presentasyon ang inilatag ni Chef Jensen, isang Foie Gras au Torchon na may Truffle Jus, sinamahan ng Saffron-infused Consommé at edible gold flakes. Kumikinang ang bawat detalye ng kanyang putahe, tila ba sinadya upang ipaalala sa lahat kung ano ang ibig sabihin ng 'elite cuisine.' Isang putahe na sumisigaw ng karangyaan at kapangyarihan. Ngumiti ang host habang humakbang sa gitna. “Bago natin tikman ang mga inihanda ninyo,” panimula nito, “nais ko munang itanong, Chef Dorian, bakit hindi ikaw ang nagluto para sa final round? Bakit ang iyong Assistant Chef na
LENA’s POV Kakaalis lang ni Cullen para kumain ng breakfast, marami siyang nakain at napapansin kong sumisigla siya at gumaganda na ang kutis, likas na maputi ang binata subalit maputla. Ngayon ay mamula-mula na siya at lumabas ang kutis mayamang balat. Walang masyadong kumakain sa restaurant n
CAELUS’ POV "What are we doing here again, Caelus?" Tanong ng kaibigan kong si Max, habang nakapark ang sasakyan ko sa tapat ng The Chef’s Touch. My eyes scanned the area, searching for a familiar face, but like before, she was nowhere to be seen. "This is the last time I'm coming here," Sabi ko,
CAELUS’ POV “Hey Cael, where have you been?” tanong ni Sage nang makabalik ako sa condo unit ni Helios. Nasa living room ang mga kaibigan ko, nagkukwentuhan at nagtatawanan. “Oo nga, bakit bigla kang nagmamadaling sumakay ng elevator?” Nagtatakang tanong naman ni Rowan. Naupo ako sa mahabang
Nang iangat ko ang aking mukha, nagtama ang mga mata namin ng babae. Nakita ko ang isang maganda at inosenteng dalaga, bagaman nakasuot siya ng surgical mask na tumatakip sa ilong at bibig niya. Mas kapansin-pansin ang mga mata niyang abuhin. “Her eyes..is that real?” May paghangang bulong ko na







