Share

Chapter 3: Dinner with the Devil

Author: QuillWhisper
last update Last Updated: 2025-10-26 21:01:37

Ang buong araw ni Lia ay parang lumulutang. Nasa opisina siya pero walang nangyayaring pumasok sa isip niya. Kahit ang kape ay parang tubig, at bawat tik-tak ng orasan sa HR department ng event firm nila ay parang panunukso—paalala na hindi siya makawala sa gulong iniwan ng isang gabi.

“Miss Santiago, okay ka lang?” tanong ng boss niya habang inaabot ang event proposal.

“Yes po, sir. Kulang lang sa tulog,” sagot niya, pilit ang ngiti.

Ngumiti lang ito at tumango, pero sa loob-loob niya, gusto niyang sumigaw.

Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mukha ni Rafael Ilustre—ang lalaking hindi niya dapat nakilala. Ang paraan ng titig nito, ng boses nitong mababa at kalmado, at ng init ng balat nitong hindi niya makalimutan. Bawat ulit ng pangalan ay parang suntok sa sikmura.

Pag-uwi niya, tinangka niyang huwag buksan ang cellphone. Pero nang mag-vibrate ito, agad siyang napatingin.

Sweetheart, confirm mo na ha. Sunday brunch sa Manor Hotel, 11 AM. Si Rafael gusto ka raw makilala.”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Si Rafael.

Kung totoo ang hinala niya… kung siya nga ang lalaking ‘yon—

Hindi niya alam kung paano haharapin ang ina. Pero kung hindi siya sisipot, magtatanong si Mama. So she forced herself to reply:

Oo, Ma. I’ll be there.”

Pagsapit ng Linggo.

Umuulan na naman sa Baguio. Hindi malakas, pero sapat para magpabigat ng loob. Naka-trench coat si Lia, light blue ang dress, pero walang kahit anong ayos ang makakapagtago ng kaba niya.

Pagdating niya sa Manor Hotel, sinalubong siya ng amoy ng pinewood at coffee beans—pamilyar, comforting, pero ngayong araw, parang nakakakulong siya sa sariling kaba.

“Table for Ms. Santiago?” tanong ng waiter.

“Yes,” mahina niyang sagot.

Sinundan niya ito papunta sa terrace kung saan nakaupo ang ina niya, naka-pink blazer at may ngiting abot-tainga.

“Sweetheart!” sigaw ni Vivian sabay yakap. “Oh my God, I missed you!”

“Mama… you look good,” sagot ni Lia, pilit ang ngiti.

“Of course,” tawa ni Vivian. “Love keeps me young. Wait lang, he’s just parking his car. He insisted on driving.”

At doon, humigpit ang dibdib ni Lia. He’s here.

Paglingon niya, nakita niyang papasok ang isang lalaking naka-navy suit. Matangkad. Maayos. Matalim ang tingin.

At sa isang iglap, parang tumigil ang mundo.

Siya.

Ang lalaking nakasama niya sa bar. Ang lalaking nag-iwan ng singsing. Ang lalaking dapat ay panaginip lang.

Nagkatinginan sila. Isang segundo lang—pero sapat para bumalik ang init, ang kilig, at ang takot.

Nakita niyang bahagyang natigilan si Rafael, pero agad nitong binawi ang ekspresyon—ngumiti, kalmado, parang walang nangyari.

“Vivian,” bati niya, sabay halik sa pisngi ng ina. “Sorry I’m late. Traffic near Session Road.”

Pagkatapos ay lumingon siya kay Lia. “And you must be Lia.”

“Y-yes,” halos bulol si Lia. “I’m… Lia Santiago.”

Ngumiti si Rafael, mahina pero kontrolado. “Pleasure to finally meet you.”

Finally.

Parang may ibang laman ang salitang ‘yon.

Habang kumakain, halos hindi maramdaman ni Lia ang lasa ng pagkain. Si Vivian ay walang tigil sa kwento—kung gaano kabait si Rafael, kung gaano ito kasipag, at kung paano sila nagkakilala sa isang business event.

“Alam mo ba, sweetheart,” sabi ni Vivian, “Rafael’s company just sealed a global partnership! Pero kahit busy, he’s still so humble.”

Rafael chuckled. “You’re giving me too much credit, Viv.”

“You deserve it,” sagot ng ina niya.

Ngumiti si Lia, pero sa loob, gusto na niyang mawala. Hindi siya makatingin nang diretso kay Rafael, lalo na kapag nahuhuli niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi bastos ang tingin, pero mabigat—parang may gustong sabihin na hindi dapat sabihin.

Pagkatapos ng brunch, lumabas silang tatlo papunta sa parking area.

“Sweetheart,” sabi ni Vivian, “I’ll just check the boutique doon sa lobby ha? Rafael, wait with Lia, okay?”

“Sure,” sagot ni Rafael, kalmado pero bakas ang tensyon sa mata.

Nang sila na lang dalawa, biglang lumamig ang hangin. Ang fog ay unti-unting bumalot sa paligid nila.

“Mr. Ilustre,” mahinang simula ni Lia. “About that night—”

“Don’t,” putol ni Rafael. Mababa ang boses, pero mariin. “Not here.”

“You remember it then,” mahina niyang sagot.

His eyes met hers. “I remember everything.”

Parang tinusok ang puso ni Lia. “Then why didn’t you—”

“Because that night was never supposed to follow us here. No names, no past, no future.”

Huminga siya nang malalim. “Too late for that.”

Tumingin ito, seryoso. “You’re her daughter.”

“Yes.”

Tahimik. Mabigat.

“Kung alam ko lang…” mahina niyang sabi. “I never would’ve—”

“Neither would I,” mabilis na sagot ni Lia. “Do you think I wanted this?”

Napatigil silang dalawa. Sa pagitan ng katahimikan ay naroon ang bigat ng isang lihim na hindi na pwedeng mabura.

Pagbalik ni Vivian, ngumiti ito na parang walang nangyayari.

“Thank you for waiting, lovebirds! Lia, Rafael invited us to dinner this Friday. He’ll cook!”

Napatinginan sina Lia at Rafael. Walang salita, pero pareho silang may alam. We’re trapped.

Pag-uwi ni Lia, binagsakan siya ng guilt at takot. Paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang boses ni Rafael—“I remember everything.”

Bakit parang may kasamang lungkot sa tono nito?

At bakit siya, sa kabila ng hiya, ay may nararamdamang kakaiba—isang pamilyar na init na ayaw niyang tanggapin?

Habang nakahiga, nag-vibrate ang phone niya. Unknown number.

"Don’t worry. I’ll handle it -R."

Kinabahan siya, pero hindi nakasagot. Nakatulog siyang yakap ang unan, punô ng kaba, hiya, at lihim na pagnanais na sana mali ang lahat.

Friday night at Baguio skies again—ambon, lamig, at fog. Pagdating niya sa bahay ni Rafael, halos hindi siya makababa ng kotse. Pero nang makita niyang kumakaway si Vivian sa loob, pinilit niyang ngumiti.

Pagpasok niya, sinalubong siya ng amoy ng steak at red wine. Sa kusina, nandoon si Rafael, naka-roll up ang sleeves, apron sa baywang, hawak ang spatula. Simple, domestic, pero nakakayanig.

“Hi,” bati nito, mahina pero direkta. “Glad you came.”

“Wala akong choice,” sagot niya, may halong biro pero halatang kinakabahan.

Ngumiti ito. “You always have a choice.”

“See, sweetheart?” singit ni Vivian, hawak ang wine. “Isn’t he amazing? Marunong sa kusina, marunong magmahal!”

“Yeah…” sagot ni Lia, mahina. “Very impressive.”

Habang kumakain, ramdam ni Lia ang mga sulyap ni Rafael. Hindi bastos, pero mabigat—parang binabasa nito ang bawat galaw niya. At sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata, parehong nag-iiwas ng tingin.

Nang saglit na iniwan sila ni Vivian para sagutin ang tawag, agad nagsalita si Rafael.

“Lia,” mahina niyang sabi. “We need to talk. Alone.”

“About what?”

“You know what.”

Huminga ito nang malalim. “That night—whatever it was—it can never happen again. We can’t let her find out.”

“You think I’d ever hurt her?” balik ni Lia.

“No,” sagot niya agad. “But if this continues… You might destroy yourself.”

Tahimik. Mabigat. At sa pagitan nila, may apoy na hindi pwedeng sindihan—pero ayaw ding mamatay.

Pagbalik ni Vivian, parang walang nangyari. Tawa, kwento, wine.

Pero sa ilalim ng bawat salita, may lihim na kabog.

Pag-uwi nila, habang nakasakay sa taxi, ngumiti si Vivian at sabing, “Sweetheart, I think Rafael is the one.”

Lia turned to the window. Ulan. Liwanag ng poste. At repleksyon ng sarili niyang mata—punô ng takot, pagkalito, at isang damdaming hindi dapat tumibok.

The devil has a name.

At ngayong kilala na niya ito, alam niyang hindi na siya makakatakas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner   Chapter 125: Pagtatanggol sa Dambana

    Ang Rammed Earth Walls ng unang batch ng "Tahanan ng Walang-Hanggang Pag-asa" ay umaabot na sa taas ng tao. Ang mga pader, na may kulay ng pinagsama-samang lupa at buhangin ng komunidad, ay nagbigay ng impresyon ng matatag at sinaunang katatagan.Ngunit ang tahimik na tagumpay na ito ay sinira ng pagdating ng isang itim na SUV. Bumaba mula rito si Ginoong Hector Herrera, isang senior architect mula sa isang malaking firm sa Maynila, na nagdala ng air ng korporasyon sa gitna ng buhangin at putik. Siya ang inspector na ipinadala ng National Housing Authority para suriin ang "unconventional structural integrity" ng proyekto.

  • A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner   Chapter 124: Ang Kaluluwa ng Dambana

    Ang coastal village ay nagbago ng tune. Ang dating tension ng kawalan ay napalitan ng syncopated rhythm ng konstruksyon. Ang mga manggagawa, na pinangunahan ni Rafael, ay nagsimula nang i-prepare ang site para sa Rammed Earth Technology. Ngunit ang unang

  • A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner   Chapter 123: Sa Pook Ng Napinsala

    Ilang araw matapos ang paghaharap kay Tiyo Miguel, lumipad ang pamilya Santiago patungo sa isang coastal village sa Eastern Samar. Ang dating luxury life nila sa gitna ng matatayog na skyscrapers ay pinalitan ng harsh reality ng post-disaster zone. Wala na ang mga polished chrome at imported marble; ang nakita na lang nila ay

  • A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner   Chapter 122: Pagsubok ng Kaligtasan

    Ilang buwan ang lumipas, at ang Dambana ng Katotohanan ay hindi na lamang isang blueprint; ito ay nagiging laman na. Ang dating lugar ng mapangwasak na mall project ay napuno ng ritmo ng konstruksyon. Ang tunog ng pagtatayo ng rammed earth walls—isang sadyang low-tech at high-integrity

  • A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner   Chapter 121: Huling Transaction

    Bumalik sina Lia at Rafael sa Geneva, Switzerland, dala ang Perpetual Blueprint at ang precise location ng Legacy’s Darkest Secret. Ang challenge ay hindi na Architectural, kundi Financial at Corporate

  • A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner   Chapter 120: Perpetual Blueprint

    Isang taon matapos ang kanilang speech sa Paris, at ang Architectural Pod ay nagbago ng function. Hindi na ito workshop kundi archival room. Ang libro ay na-codify na, ang Architects of Redemption ay naka-deploy na sa iba't ibang panig ng mundo, at ang Disenyo ng Kaligayahan ay naging Design Principle na ng pamilya.Nakaupo si Lia sa mahabang mesa, inaayos ang video footage ng AoR Scholars—mga young architect na nagtatayo ng sustainable fishing villages sa Africa at earthquake-resistant schools sa Timog-Amerika. Si Rafael, naman, ay nakatingin sa screen, nagrerepaso ng financial report na nagpapakita ng steady growth ng Legacy Fund. Ang pagbabalik sa kalmado ay nagdulot ng tahimik na kasiyahan, ngunit may kaunting pag-aalinlangan.“Lia, ang Legacy Fund ay lumalaki nang sobra sa projection natin,” simula ni Rafael, naka-kunot ang noo. “Kung ito ay hindi na para sa reparation, at hindi na para sa Third Core (ang libro), ano ang susunod na misyon? Ang Kodigo ng Kalinga ay personal na pri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status