Pagkatapos mag-withdraw ni Lilliane ng pera ay muli siyang sumakay ng taxi.
“Saan po tayo, Ma’am?” “Dalhin mo ako manong sa...” saglit siyang nag-isip. Nang kumalam ang kaniyang sikmura at tila naghahanap nang mainit na kape ang lalamunan ay, “may alam po ba kayong coffee shop sa labas nitong Las Piñas?” Sinilip siya ng driver sa rearview mirror. “Laguna na po, Ma’am.” Binasa niya ang nanunuyong mga labi at mahinang napatango. “Sige, Manong, sa Laguna ho tayo.” Nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest upang kahit paano ay maipahinga ang nanglalatang katawan. “Ayos lang po ba kayo, Ma’am?” Napasulyap si Lilliane sa matandang driver na pinanonood siya mula sa rearview mirror at ginawaran ito nang maliit na ngiti saka tinanguan. “Oho, maraming salamat.” Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatakbo at magtatago. Iniisip pa lang na ganito na siya sa mga susunod na buwan at taon ay nahahapo na siya. Kung tutuusin ay wala siya gaanong alam pagdating sa pag-co-commute at pagtungo sa kung saan-saan. Bahay, eskuwelahan, at sa trabaho lang umiikot ang buong buhay niya. Wala siya gaano naging kaibigan. At pansin niya noon na tila ayaw man lang siya barkadahin ng mga naging kaklase na kinalulungkot niya. Madalas pa noon na napapansin niya na kailangan lang siya ng mga ito kapag mapakikinabangan. Habang ang mga babae naman ay nahuhuli niya minsan na mataray na nakatingin sa kanya o hindi kaya ay malamig kung makitungo. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang mga ito lalo na kapag may mga lalaki na kumakausap o lumalapit sa kanya. Wala naman siyang masamang ginagawa pero pakiramdam niya minsan ay mayroon. Hindi na lang niya pinagtutuunan ng pansin ang bagay na iyon dahil ayaw niyang malunod sa kalungkutan at pag-iisip ng kung anu-ano. Alam din naman niya na hindi siya gaya ng mga ito na mahilig sa party at inuming nakalalasing. Isa marahil iyon sa dahilan kung bakit hindi siya makabuo nang matinong circle of friends. Na hindi niya masabing kaibigan niya ang ilang kahit paano ay nakauusap niya sa klase. Dahil pakiramdam niya ay nag-iisa pa rin siya. Iniisip marahil ng mga ito na boring siyang tao. Binilinan siya noon ng kaniyang mga magulang na maging maingat sa pakikihalubilo at sa pagpili ng kaibigan dahil hindi lahat ay genuine ang pakikitungo. May mga agenda. Higit daw sa katulad niyang maagang nahinog ang katawan. Nang maisip niya ang mga magulang ay hindi niya napigilang maluha. Dumaloy ang mainit na likido sa kaniyang mga pisngi at mabilis na pinunasan iyon. Idinilat niya ang mga mata at pinigilan din niya ang kaniyang sarili na humagulgol. Kung buhay pa ang kaniyang mga magulang ay hindi niya daranasin ang lahat ng ito. Hindi siya miserable. Pero hindi niya sinisisi ang mga ito na maaga siyang iniwang mag-isa at naiwan siya sa kustodiya ng kaniyang auntie Mathilda dahil batid din naman niya na hindi ginusto ng mga ito ang maiwan siyang mag-isa. Alam naman niyang noon pa man ay masama na talaga ang ugali ni Mathilda pero nang maiwan siya ng mga magulang ay roon niya mas natikman ang lupit ng babae. Ang uncle Richard niya kahit paano ay nakikitaan naman niya ng kabaitan at concerned sa kaniya. Huminga siya nang malalim at tumanaw sa labas ng saradong salaming bintana ng sinasakyan. Kailangan niyang mag-isip at magplano ng mga dapat niyang gawin ngayon para sa sariling kaligtasan at kalayaan. Kailangan niya maging maingat at matalino sa bawat kilos niya. Kailangan niyang lituhin at iligaw ang mga tauhan nila Mathilda—at maging ito rin. Batid ni Lilliane na kapag nahuli siya ng mga ito ay hindi maganda ang kasasadlakan niya. Nang maalala niya si Mr. Fuentes ay mas lalo niyang kailangang magtago. Ayaw niya sa matandang iyon! Sa uri ng mga binabato nitong tingin at pananalita sa kaniya’y batid niyang katawan lang talaga niya ang nais nito. Hindi mawala sa isip niya kung paano siya nito tignan noong nagkita sila sa isang okasyon kasama ang kaniyang mga magulang. Menor de edad pa lang siya noon at kahit hindi naman malaswa ang suot niya’y para siyang nakah ubad sa paningin nito kaya halos isiksik niya ang katawan sa pagitan ng mga magulang. Ibinaba siya ng driver ng taxi sa tinutukoy nitong café. Napansin niya na wala gaanong tao roon nang makapasok siya. “Ma’am, coffee?” tanong ng barista. “Yes, please.” Nag-order na rin siya ng sandwich. Matapos masabi ang order ay pinili niyang maupo sa isang sulok. Habang inaantay niya ang kaniyang order ay pinakawalan na rin muna niya ang kaniyang mahabang buhok mula sa pagkakatago niyon sa kaniyang baseball cap. Wala naman sigurong tauhan sila Mathilda sa lugar na iyon lalo na’t nag-withdraw siya ng pera sa Las Piñas. Iisipin ng mga ito na naroon pa rin siya. Pinihit niya pabukas ang takip ng binili niyang bottled water sa counter kanina at mabilis na uminom doon. Kanina pa siya nauuhaw at pakiwari niya ay matutuyuan na siya ng tubig sa katawan kung hindi siya iinom ng tubig ngayon. “Here’s your order, Ma’am.” Napatingin si Lilliane sa waitress at natigil sa pag-inom ng tubig. “Thank you,” Nang mailapag nito ang order niya sa mesa at angatan siya nang tingin ay nakita niya ang pagguhit nang mangha sa mukha nito bago ngumiti. “Napakaganda n’yo, Ma'am.” biglang wika nito. Nahihiyang ngumiti si Lilliane sa waitress at hindi niya mapigilang mag-blush dahil sa papuri nito. “Pasensya na,” hinging paumanhin nito dahil tumagal ang pagtitig nito sa kaniyang mukha kanina. “Sige po. Enjoy your order, Ma’am. At kung may kailangan po kayo tawagin n’yo lang po ako.” “Salamat,” aniya bago sumimsim sa mainit na kape. Hindi niya mapigilang mahinang mapaungol nang gumuhit ang init niyon sa kaniyang lalamunan. Napahinga si Lilliane. Kailangan niyang maghanap nang pansamantalang matutuluyan para sa araw na iyon. Hindi mapakali si Mathilda hangga’t wala pa ring natatanggap na maayos na report kung nasaan si Lilliane. Naaapektuhan nito maging ang kaniyang trabaho sa kumpanya, dumagdag pa ang mga tawag galing kay Fuentes at inaapura siya. Nang tumunog ang kaniyang cellphone ay dali-dali niya iyong sinagot. Galing sa kinuha niyang imbestigador ang tawag. “Ma’am, may bago po akong update.” Animo’y nakahinga nang maluwag si Mathilda. Nagpalakad-lakad siya, ang isang kamay ay nakapahinga sa baywang. “Nahanap n’yo na ba siya?” mahinahon niyang tanong. “Ayon sa kaniyang bank transaction kaninang bandang alas diez nang umaga, nasa Las Piñas pa rin ho si Miss Lilliane. Kaparehong lugar din kung kailan siya nag-withdraw ng pera noong araw ng Linggo.” Ibig sabihin talaga’y pagkatapos ng kanilang naging appointment kay Fuentes ay nagdesisyon itong takbuhan sila! Nagsimula muling uminit ang ulo ni Mathilda at nasabunutan ang sariling buhok. “Kung nasa Las Piñas lang siya bakit hindi n’yo pa rin siya magawang mahanap?!” “Ma’am, ginagawa na po namin ang lahat para mahanap si Miss Lilliane—” “Kung kailangan n’yong halughugin ang buong Las Piñas, bawat bahay, establisyemento, apartment—kahit saan! Gawin n’yo! Hindi puwedeng makawala ang babaeng ‘yan! Naiintindihan n’yo ba ako?!” Hingal na hingal sa galit at gigil na saad ni Mathilda. “Hindi ko kayo binabayaran para lang sa wala! Hanapin n’yo ang babaeng iyan at iharap n’yo sa akin!” Hindi na niya hinintay pang makasagot ang nasa kabilang linya dahil gigil niyang ibinato ang cell phone sa katapat na couch bago buong galit na humiyaw. “Humanda ka sa akin Lilliane kapag nahuli kita!”TRIGGER WARNING: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng graphic at disturbing na mga eksena mula sa pananaw ng isang predatoryong karakter. May tema ng obsessive desire, psychological grooming, at sexual content na maaaring hindi angkop o komportable para sa lahat ng mambabasa. Mag-ingat sa pagpapatuloy. *** Mabilis na bumaba ng taxi si Lilliane at hindi na nag-abala pang kunin ang sukli. Wala na siyang panahon na dapat pang sayangin dahil sigurado na siyang tinutugis na siya ngayon ng kung kanino mang tauhan. Abot-abot ang kanyang kaba pero pinanatili niyang kalmado ang bawat kilos nang sa gayon ay hindi siya mataranta at mawala sa mga plano. Nagtanong siya sa isang ale kung anong oras na at sinabi nito na 4:50 na nang hapon. Mabilis siyang nagpasalamat at pumunta sa harapan ng terminal na binabaan kanina. Nagtatawag ang kundoktor ng bus na byaheng Lucena at malapit na raw itong umalis. Walang pasa-pasakalye na sumakay siya at tinungo ang dulo ng sasakyan kahit hindi niya alam kung
Sa kabilang linya, matalim na tinig ang bumungad sa informant. “Where?” “Mall of Asia. About 23 minutes ago.” Bahagyang nanginig ang mga daliri ng informant habang tina-type niya ang quick command upang kumpirmahin ang ATM details. Mall of Asia, Pasay City Terminal. The timestamp read at 4:17 PM. “She just withdrew ten thousand in Mall of Asia. Want me to dig deeper, boss?” dagdag ng lalaki. Sandaling sumagitsit ang linya bago muling narinig ng informant ang isang mababang boses. “Send me everything. Location, timestamps. I’ll handle the rest.” Napatango ang informant, bumilis ang pintig ng kanyang mga pulso. “Consider it done.” Sa ilang mabilis na pindot ng kanyang mga daliri, mabilis niyang ipinadala ang data packet saka sumandal na may tusong ngiti. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya, ang pangako na dagdag bayad sa kanyang serbisyo sa oras na nakuha niya ang impormasyon na magdadala sa mga ito upang mahuli si Ms. Olivares. Sa kabilang banda, mabilis na tinipon
“Sigurado ka na ba sa pasya mong ‘to?” paniniguro ni Consuelo. Marahang tumango si Lilliane. “Opo, ‘Nay. Babalik din naman po ako sa ‘yo. Saglit lang din po ako sa Maynila at hindi rin po ako magtatagal. Kailangan ko lang ‘tong gawin para sa akin at sa magiging baby ko.” paliwanag niya. Napahinga nang malalim si Consuelo bago nito inabot ang mga kamay ng dalaga. Sinamahan niya ito bumyahe papuntang bus terminal sa Tuguegarao kasama ang pamangkin na may sariling sasakyan upang ihatid si Lilliane sa nabanggit na lugar. Mag-a-alas cuatro pa lang nang madaling-araw, at ito ang oras na napagpasyahan ni Lilliane na bumyahe pabalik ng Maynila. Tatlong oras ang kinailangan nilang ibyahe patungong Tuguegarao habang sampo hanggang labingdalawang oras naman mula Tuguegarao hanggang sa Cubao—sapagkat iyon lang ang may pinakamaagang schedule na kanilang nakita. Kung sa Pasay o Sampaloc siya tutungo, alas ocho at alas sais pa nang umaga ang byahe mula Tuguegarao hanggang sa unang dalawang naba
Sa main lobby ng gusali, may tatlong empleyado ang nagkukumpulan malapit sa front desk, nagbubulungan habang pasulyap-sulyap sa meeting room sa itaas. Ang isa sa kanila, isang babae na naka-corporate attire ay kinakagat ang kuko—isang malinaw na sensyales ng kaba. “Narinig n’yo na ba? Sabi ng accounting, mukhang made-delay na naman ang suweldo natin,” mahina ngunit mariin na sabi ng isa. “Kung ganyan pa rin ang sitwasyon, baka wala na tayong trabaho sa susunod na quarter,” sagot ng isa pang lalaki, ang kamay ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng kanyang bag. “Dapat yata ngayon pa lang ay maghanap na tayo ng trabaho,” nalulungkot na sabi ng isang babae na naabutan pa si Leonard bilang CEO ng NexTech. “Ano na kaya ang nangyari kay Miss Lilliane?” Nagkatinginan ang tatlo nang mabanggit ang pangalan ng tagapagmana ng kumpanya. Matagal na silang walang balita tungkol dito at ang huli ay ang tungkol sa umano’y nalalapit na pakikipag-isang dibdib nito sa matandang media magnate. Samanta
Tahimik ang conference room. Hindi iyon ang normal na katahimikan na dala ng isang normal na pagpupulong—ito ang uri ng katahimikan na puno ng naipong galit, ng mga matang nag-aapoy sa paghihintay, at ng tensyon na parang isang pinipigilang pagsabog. Ang tanging maririnig ay ang tick-tock ng relo sa dingding at ang tunog ng malamig na aircon na tila hindi kayang tapyasin ang init ng diskusyon. Ilang shareholders ang pasimpleng nagpupunas ng noo, hindi dahil sa init kundi sa matinding inis. Biglang tumindig si Mr. Briones nang hindi na makapagtimpi, isa siyang kilalang shareholder dahil sa pagiging masigasig sa pamumuhunan. Matagal na rin siyang may kinikimkim na hinanakit sa pamunuan ng kumpanya magmula ng iba na ang humawak nito. Napakuyom ang kamao ng matanda sa ibabaw ng mesa, at ng magsalita ay halos dumagundong ang boses sa silid. “You made a huge mistake, Mathilda!” Dahil sa mga binitawang salita na iyon ng matandang lalaki ay tuluyang pumutok sa hangin ang kanina lamang ay
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawaln ni Lilliane. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ang katotohanan at sitwasyon kahit gaano man ito kahirap.Nagpasya siyang bumaba sa kama at inilapag ang polo roon, tinungo niya ang isang antique vanity mirror at naupo sa upuang nasa harapan nito.Hindi niya mapigilang pagmasdan ang eleganteng design ng vanity dresser na gawa sa narra at ang mismong salamin.Mula noong araw na nakita niya iyon ay hindi niya mapigilang mamangha dahil sa intricately carved designs na mayroon ito. Walang-wala roon ang kanyang vanity table sa mismong silid niya sa mansyon at sa kanyang condo unit.Ayon kay Consuelo ay naroon na iyon mula pa noong ipatayo ang bahay. Nang makita siya nitong nakatunghay sa vanity mirror ay sinabi nito na gawa iyon sa Ilocos Norte mula sa isa sa pinakamahusay na craftsman sa mismong lalawigan; at pinakikita ng design ang sining at tradisyon ng mismong rehiyon.Ang nakikita raw niyang design sa paligid ng salamin at n
Nasapo ni Lilliane ang panga ng lalaki habang parehas nilang dinarama ang marahang haplos ng mga labi sa isa’t isa, ang kanilang mga mata’y pikit. Tila nilalasap ang lambot at tamis ng bawat halik. Naramdaman niya ang kamay nitong masuyong gumapang mula sa makinis niyang balikat, sa pisngi ng kanyang kaliwang dib dib, sa kurba ng kanyang baywang hanggang sa kanyang hita at pumirmi roon. Ang haplos nito’y nakapagdudulot sa kanya ng masarap na kiliti habang lumalandas din ang labi nito kanina sa kanyang pisngi pababa sa kanyang panga. Hindi mapigilang umungol at dumaing ni Lilliane sa bawat hagod ng bibig at kamay nito sa kanyang makinis na balat. Ang kamay nitong gumagapang kanina sa kanyang katawan ay pumirmi at tila nanggigigil na humawak sa kanyang mabilog na hita. Umaarko ang kanyang katawan, ang mga mata’y nananatiling pikit, ang bibig ay naglalabas nang mahihina at masasarap na daing at ungol, ang kanyang gitna at mga dib dib ay naghahanap nang matinding atensyon. Tila kakapusi
Isang marahang katok ang pumukaw kay Lilliane habang sinusuklay niya ang maiksi niyang buhok. Inilapag niya ang suklay at lumapit sa pinto ng silid.Nakangiti si Consuelo nang pagbuksan niya ito ng pinto.“Ready ka na?”Tipid siyang ngumiti kasabay nang mahinang pagtango.Sasamahan daw siya nito sa klinika bago pumasok sa eskuwelahan.Tahimik ang kanilang biyahe patungo sa doktor at halos wala silang imikan sa loob ng tricycle.Hindi alam ni Lilliane ang dapat niyang maramdaman. Kinakabahan siya na may halo ring excitement na hindi niya maunawaan.Hindi rin niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Mga bagay na maaaring tuluyang magpabago sa kanyang buhay kapag napatunayang totoo ang hinala ni Consuelo.Bigla’y sumagi sa isip niya ang kanyang sitwasyon.Hindi siya puwedeng magtago at tumakbo habang buhay. Ayaw niyang ilagay sa magulong sitwasyon ang kanyang anak. Hindi rin ito maaaring magtatago na lang habang-buhay kasama siya.Nang maalala sila Mathilda ay hindi niya mapigilang kabah
Hindi kaya buntis ka?Tila alingawngaw ng sirena ang mga salitang iyon buhat kay Consuelo.Natigagal siya at napatitig dito matapos nito iyon sambitin. Kumakabog ang kanyang puso at ramdam niya ang pagyanig ng kanyang sistema dahil doon.Mahinang umiling siya habang nakatitig dito, hindi siya naniniwala. Akala lang marahil nito iyon at imposible rin namang mangyari iyon.Ngunit nang maalala ang isang gabi sa piling ng estranghero na hindi na niya maalala ang mukha, at ang maiinit na sandali na ilang beses nilang pinagsaluhan ay lalong nagpatibay na maaaring tama ang hinala ni Consuelo.Pero isang gabi lang ‘yon! Giit ng isang bahagi ng isip niya.Isang gabi pero ilang ulit ka niyang inangkin! Sikmat naman ng kabila.Bumaba ang mga mata ni Lilliane sa sink.Katatapos lang niyang dumuwal. At gaya nang dati ay wala naman siyang inilalabas kundi puro laway.Nagsimula siyang makaramdam nang panginginig.Paano nga kung totoong buntis siya? Anong gagawin niya? Paano niya ipaliliwanag kay Con