Hindi mapakali si Mathilda habang paroo’t parito sa loob ng kaniyang opisina. Ilang araw ng hindi pumapasok si Lilliane at hindi rin nito sinasagot ang ano mang tawag at message niya at nababahala siya.
At kung hindi pa niya pinagtanong kanina kung pumasok ba si Lilliane ngayon ay hindi rin niya malalaman na ilang araw na pala itong absent. Nabinbin din ang mga dapat ay trabaho nito. Naikuyom ni Mathilda ang kaniyang mga kamao at nanggigigil sa galit sa isiping tinakasan at pinagtataguan sila ngayon ng kaniyang pamangkin. Mabibigat ang mga paa na nagmartsa siya palabas ng opisina. Kailangan niya ngayong gumawa ng aksyon. “Carla!” “Ma’am,” gulantang na napatayo ang kaniyang sekretarya sa biglaang sigaw niya. Hindi mapigilang matakot at bahagyang mapaatras ni Carla dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata ng amo. “Kailangan kong malaman kung nasaan si Lilliane ngayon!” nagtatagis ang mga ngipin na sigaw nito, hindi alintana ang ilang mga empleyado na nakatingin at napasusulyap sa kanilang gawi, nakikiusyoso. “Y-yes, Ma’am.” “Hindi ko mapapalampas ang kung ano mang pinaplano at iniisip niya,” gigil nitong ani na halos ibulong na lang iyon sa hangin subalit hindi pa rin naman nakatakas sa pandinig ni Carla. Kung tama ang kutob niyang tinakasan at tinataguan sila nito, alam niyang malamang ay dahil iyon sa nalalapit nitong pagpapakasal kay Mr. Fuentes. Batid niyang tutol na tutol doon si Lilliane at hindi siya makapapayag na mauudlot ang mga balak at plano niya. “P-pero Ma’am, paano ko po pala mahahanap si Miss Lilliane kung—” “Tonta!” singhal niya sa nanlalaking mga mata na muling nakapagpaatras kay Carla, “Pumunta ka ngayon sa condo unit niya. Tignan mo kung may makikita kang ano mang palatandaan kung nasaan siya—at kung umalis nga ba siya!” “O-opo,” Mabilis na umalis si Carla at nagmamadaling lumabas ng building. Pagdating ni Carla sa condo unit ni Lilliane ay agad niyang isinuksok sa keyhole ang spare key na iniabot ni Mathilda sa kaniya bago siya tumalilis kanina. Sinalubong siya nang madilim at napakatahimik na unit. Kinapa niya ang switch ng ilaw at bahagya siyang nasilaw nang lumiwanag ang loob. Malinis at maayos ang loob ng unit. Nasulyapan niya ang pinto ng marahil ay silid ni Lilliane at napansin na bahagya iyong nakabukas. Lumakad siya palapit doon at tinulak ang dahon ng pinto. Binuksan niya ang ilaw ng silid at tumambad sa kaniya ang magulong kama, ang heels na nakakalat sa lapag gayon din ang hinubad na dress na kulay soft blush pink. Umawang ang labi niya at sinuyod ng tingin ang buong kuwarto. Hindi nakasara ang pinto ng closet nito at may ilang damit na nalaglag at nawala sa pagkakasabit sa hanger. Alam niyang may mali kaya agad niyang tinawagan ang among si Mathilda upang ipagbigay alam dito ang natuklasan niya. Sa pagkakaestima niya sa bawat sulok ng unit ay batid niyang walang ano mang palatandaan na naroon si Lilliane. “Ma’am, mukha pong tama kayo, wala po rito si Miss Lilliane,” mahihimigan ang pagkabahala at pag-aalala sa tinig ng babae. “Makalat din po ang loob ng silid niya. Nandito pa maging ang hinubad niyang dress at heels, nakakalat sa sahig.” Nagtitimping napahinga nang malalim si Mathilda, nanggigigil at naiinis. Hindi siya maaaring matakasan ni Lilliane! “Nandito pa rin naman po ang ilan niyang mga gamit pero mukhang wala na po rito ang mga personal niyang gamit.” ani nito habang may binubuklat sa isa sa mga drawer. “Sinadya niya ang lahat ng ito! Hindi niya maaaring sirain ang lahat ng plano at pinaghirapan ko!” Napangiwi si Carla at nailayo ang cellphone na nakadikit sa tainga dahil sa bulyaw ni Mathilda. Ramdam na ramdam niya ang matinding galit sa tinig nito. Kung hindi lang niya kailangan ng trabaho at kung madali lang din sana maghanap ay matagal na siyang umalis sa NexTech matapos mamatay ng mag-asawang Olivares. Hindi na talaga niya kaya ang ugali ng kapatid ng dating may-ari ng kumpanyang pinaglilingkuran. Napaangat ang ulo ni Richard mula sa pagbabasa ng hawak na papeles nang marahas na bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. “Richard!” gigil na tawag ni Mathilda sa pangalan ng asawa at hindi na inabalang isara ang pinto. Salubong ang kilay na tinunghayan ng lalaki ang mukha ng kabiyak. “Ano ba, Mathilda? Bakit ka ba sumisigaw?” “Ang magaling mong pamangkin, tinakasan tayo!” “Ano?” “Hayop ang Lilliane na ‘yan! Akala ko ba ay malinaw na sa kanjya ang lahat at pumayag siya na magpakasal kay Mr. Fuentes!” lumilitaw na ang litid sa kaniyang leeg habang isinisigaw ang mga salitang iyon. “Puwede bang ibaba mo ang boses mo? Masyado kang nag-eeskandalo.” mahinahon ngunit mariin na wika ni Richard. Tinungo niya ang pinto ng kaniyang opisina at ipininid iyon pasara. Gigil pa rin na humalukipkip si Mathilda. “Sigurado ka na ba sa sinasabi mo?” “Oo!” nanlilisik ang mga mata na sagot ng babae. “Walangya siya, ipahihiya pa tayo! Hindi ko siya hahayaan na magtagumpay sa kung ano mang pinaplano niya! Hindi ko hahayaan na mawala itong kumpanya, hindi ako makapapayag na pulutin sa putikan!” Napahinga nang malalim si Richard at napakamot sa kilay dahil sa nakikitang paghuburamentado ng misis. Kung tama nga si Mathilda sa iniisip ay dapat na nilang hanapin si Lilliane ngayon din. Malaking gulo at sakit sa ulo ang ginawa nitong pagtakbo lalo na’t nakapagbigay na nang malaking halaga si Mr. Fuentes upang kahit paano ay makaya pa rin ng NexTech Solutions ang umahon mula sa bankruptcy. “Kailangan na nating kumilos ngayon. Gagawin natin ang lahat nang makakaya upang mahanap ang buwisit na babaeng ‘yan! Kahit kailan, kahit kailan talaga!” Nang maisip si Mr. Fuentes ay lalo pang nainis si Mathilda. Aburido na ang matanda, gusto na nitong ideretso sa kasalan ang lahat at hindi na kailangan pang idaan sa engagement party. Nais na nitong makaisang dib dib si Lilliane sa lalong madaling panahon. Batid ni Mathilda kung bakit ito nagmamadali. Ang batang katawan lang naman ni Lilliane ang nais nito—mula bata pa ito ay pinagnanasaan na nang matandang iyon! Dapat din siyang gumawa nang paraan para hindi makaabot kay Fuentes na nawawala si Lilliane dahil kung hindi, malilintikan sila at ang kumpanya. “Kung hindi natin siya matutunton dito sa lungsod, kailangan nating mas palawakin ang paghahanap sa labas ng lungsod. Sa mga kalapit probinsya—at hindi dapat ito malaman ni Fuentes!” saad ni Richard na biglang sumakit ang ulo dahil sa kaalamang tinakasan sila ni Lilliane. “Anong plano natin?” tanong ni Mathilda. “Ipahahanda ko ang ibang mga tauhan na halughugin ang buong syudad. At kung wala rito si Lilliane, kung kinakailangan nilang lumabas ng lungsod, gagawin nila.” Marahas na napahinga si Mathilda. “Hindi natin maaaring hayaang magtagumpay si Lilliane sa mga plano niya,” sabi ni Mathilda. “Kailangan natin siyang mahanap at matiyak na hindi masisira ang mga plano ko—natin.” Ang galit at pagkasuklam na nararamdaman niya sa pamangkin ay higit na lumaki ngayon. Hingal na hingal at nagmamadaling tumakbo si Lilliane sa isang matao ngunit magulo na lugar. Kahapon ay napansin niya ang ilang lalaki na may kakaibang ikinikilos, mukhang may hinahanap. Tinubuan siya ng kaba at takot sa dib dib na mukhang alam na nila Mathilda na tinakasan niya ang mga ito at ngayon nga ay nagtatago siya at pinahahanap nito. Kaninang umaga ay bibili sana siya ng pandesal sa malapit na bakery nang makita niya ang isang lalaki na may pinagtatanong. Nang masulyapan niya ang hawak nitong larawan ay nanlalaki ang kaniyang mga mata at dali-dali siyang tumakbo pabalik sa inuupahan niyang apartment. Walang pagdadalawang-isip na agad niyang binitbit ang traveling bag niya at lumabas ng pinto. Nagsuot din siya ng itim na jacket at ipinasok sa suot na baseball cap ang umaalon niyang buhok. Kabadong-kabado siya habang binabaybay niya ang kalsada, hindi alam kung saan tutungo ngayon. Hindi rin niya alam kung paanong nalaman nila Mathilda na nasa Las Piñas siya. Pasimpleng lumingon si Lilliane sa kaniyang likuran habang bahagyang nakatungo. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita na malapit na sa kaniya ang isa sa mga tauhan ng kaniyang tiya. Binilisan niya ang kaniyang lakad at pinilit na hindi makahalata ang mga tauhan ng tiya niya na siya ang hinahanap ng mga ito. Lumiko si Lilliane sa isang mataong lugar at naghanap ng maaaring lusutan. Nanlalamig ang kaniyang pakiramdam at natutuliro. Iniisip niya kung saang lugar ba siya maaaring magtago upang hindi tuluyang matutunton ng kaniyang tiyahin. Sa gulo ng isip niya ay wala sa sarili na pinara niya ang dumaang taxi. Sumakay siya roon habang nag-iisip kung saan siya makahahanap ng ligtas na lugar. “Ma’am, saan ho tayo?” Napamulat ng kaniyang mga mata si Lilliane. “Saan po ba may malapit na bangko rito, Manong? Doon n’yo po ako dalhin.” Umandar ang taxi at pinayapa ni Lilliane ang sarili. Naisipan niyang mag-withdraw ng pera upang palabasin na hindi pa rin siya umaalis sa lugar na iyon. Dahil ngayon ay batid na niya na iyon ang dahilan kung bakit nalaman nila Mathilda kung nasaan siya. Alam din niyang gagamitin ni Mathilda ang mga magiging transaction niya sa bangko ngayon upang matunton kung nasaan siya. Kung gayon nga ay kailangan niyang lituhin ang mga ito habang nag-iisp siya kung saan nga ba siya dapat sumuot at magtago.TRIGGER WARNING: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng graphic at disturbing na mga eksena mula sa pananaw ng isang predatoryong karakter. May tema ng obsessive desire, psychological grooming, at sexual content na maaaring hindi angkop o komportable para sa lahat ng mambabasa. Mag-ingat sa pagpapatuloy. *** Mabilis na bumaba ng taxi si Lilliane at hindi na nag-abala pang kunin ang sukli. Wala na siyang panahon na dapat pang sayangin dahil sigurado na siyang tinutugis na siya ngayon ng kung kanino mang tauhan. Abot-abot ang kanyang kaba pero pinanatili niyang kalmado ang bawat kilos nang sa gayon ay hindi siya mataranta at mawala sa mga plano. Nagtanong siya sa isang ale kung anong oras na at sinabi nito na 4:50 na nang hapon. Mabilis siyang nagpasalamat at pumunta sa harapan ng terminal na binabaan kanina. Nagtatawag ang kundoktor ng bus na byaheng Lucena at malapit na raw itong umalis. Walang pasa-pasakalye na sumakay siya at tinungo ang dulo ng sasakyan kahit hindi niya alam kung
Sa kabilang linya, matalim na tinig ang bumungad sa informant. “Where?” “Mall of Asia. About 23 minutes ago.” Bahagyang nanginig ang mga daliri ng informant habang tina-type niya ang quick command upang kumpirmahin ang ATM details. Mall of Asia, Pasay City Terminal. The timestamp read at 4:17 PM. “She just withdrew ten thousand in Mall of Asia. Want me to dig deeper, boss?” dagdag ng lalaki. Sandaling sumagitsit ang linya bago muling narinig ng informant ang isang mababang boses. “Send me everything. Location, timestamps. I’ll handle the rest.” Napatango ang informant, bumilis ang pintig ng kanyang mga pulso. “Consider it done.” Sa ilang mabilis na pindot ng kanyang mga daliri, mabilis niyang ipinadala ang data packet saka sumandal na may tusong ngiti. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya, ang pangako na dagdag bayad sa kanyang serbisyo sa oras na nakuha niya ang impormasyon na magdadala sa mga ito upang mahuli si Ms. Olivares. Sa kabilang banda, mabilis na tinipon
“Sigurado ka na ba sa pasya mong ‘to?” paniniguro ni Consuelo. Marahang tumango si Lilliane. “Opo, ‘Nay. Babalik din naman po ako sa ‘yo. Saglit lang din po ako sa Maynila at hindi rin po ako magtatagal. Kailangan ko lang ‘tong gawin para sa akin at sa magiging baby ko.” paliwanag niya. Napahinga nang malalim si Consuelo bago nito inabot ang mga kamay ng dalaga. Sinamahan niya ito bumyahe papuntang bus terminal sa Tuguegarao kasama ang pamangkin na may sariling sasakyan upang ihatid si Lilliane sa nabanggit na lugar. Mag-a-alas cuatro pa lang nang madaling-araw, at ito ang oras na napagpasyahan ni Lilliane na bumyahe pabalik ng Maynila. Tatlong oras ang kinailangan nilang ibyahe patungong Tuguegarao habang sampo hanggang labingdalawang oras naman mula Tuguegarao hanggang sa Cubao—sapagkat iyon lang ang may pinakamaagang schedule na kanilang nakita. Kung sa Pasay o Sampaloc siya tutungo, alas ocho at alas sais pa nang umaga ang byahe mula Tuguegarao hanggang sa unang dalawang naba
Sa main lobby ng gusali, may tatlong empleyado ang nagkukumpulan malapit sa front desk, nagbubulungan habang pasulyap-sulyap sa meeting room sa itaas. Ang isa sa kanila, isang babae na naka-corporate attire ay kinakagat ang kuko—isang malinaw na sensyales ng kaba. “Narinig n’yo na ba? Sabi ng accounting, mukhang made-delay na naman ang suweldo natin,” mahina ngunit mariin na sabi ng isa. “Kung ganyan pa rin ang sitwasyon, baka wala na tayong trabaho sa susunod na quarter,” sagot ng isa pang lalaki, ang kamay ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng kanyang bag. “Dapat yata ngayon pa lang ay maghanap na tayo ng trabaho,” nalulungkot na sabi ng isang babae na naabutan pa si Leonard bilang CEO ng NexTech. “Ano na kaya ang nangyari kay Miss Lilliane?” Nagkatinginan ang tatlo nang mabanggit ang pangalan ng tagapagmana ng kumpanya. Matagal na silang walang balita tungkol dito at ang huli ay ang tungkol sa umano’y nalalapit na pakikipag-isang dibdib nito sa matandang media magnate. Samanta
Tahimik ang conference room. Hindi iyon ang normal na katahimikan na dala ng isang normal na pagpupulong—ito ang uri ng katahimikan na puno ng naipong galit, ng mga matang nag-aapoy sa paghihintay, at ng tensyon na parang isang pinipigilang pagsabog. Ang tanging maririnig ay ang tick-tock ng relo sa dingding at ang tunog ng malamig na aircon na tila hindi kayang tapyasin ang init ng diskusyon. Ilang shareholders ang pasimpleng nagpupunas ng noo, hindi dahil sa init kundi sa matinding inis. Biglang tumindig si Mr. Briones nang hindi na makapagtimpi, isa siyang kilalang shareholder dahil sa pagiging masigasig sa pamumuhunan. Matagal na rin siyang may kinikimkim na hinanakit sa pamunuan ng kumpanya magmula ng iba na ang humawak nito. Napakuyom ang kamao ng matanda sa ibabaw ng mesa, at ng magsalita ay halos dumagundong ang boses sa silid. “You made a huge mistake, Mathilda!” Dahil sa mga binitawang salita na iyon ng matandang lalaki ay tuluyang pumutok sa hangin ang kanina lamang ay
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawaln ni Lilliane. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ang katotohanan at sitwasyon kahit gaano man ito kahirap.Nagpasya siyang bumaba sa kama at inilapag ang polo roon, tinungo niya ang isang antique vanity mirror at naupo sa upuang nasa harapan nito.Hindi niya mapigilang pagmasdan ang eleganteng design ng vanity dresser na gawa sa narra at ang mismong salamin.Mula noong araw na nakita niya iyon ay hindi niya mapigilang mamangha dahil sa intricately carved designs na mayroon ito. Walang-wala roon ang kanyang vanity table sa mismong silid niya sa mansyon at sa kanyang condo unit.Ayon kay Consuelo ay naroon na iyon mula pa noong ipatayo ang bahay. Nang makita siya nitong nakatunghay sa vanity mirror ay sinabi nito na gawa iyon sa Ilocos Norte mula sa isa sa pinakamahusay na craftsman sa mismong lalawigan; at pinakikita ng design ang sining at tradisyon ng mismong rehiyon.Ang nakikita raw niyang design sa paligid ng salamin at n