A Promise not to Love You

A Promise not to Love You

last updateLast Updated : 2023-11-22
By:  TaggyOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
615views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Revenge? Yan ang gusto ni Kingsley Weston Bamford na gawin sa babaeng kinaiinisan niya kung saan sumira sa kanyang pamilya. Amg babaeng dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina at gagawin niya ang lahat para maging miserable amg buhay niya. Pero paano kung ang babaeng gusto niyang masira ang siyang magpapabago din ng kanyang prinsipyo sa buhay? Magagawa pa rin ba niya ang itim na balak para dito o manatiling magbulag-bulagan alang-ala sa kanyang yumaong ina?

View More

Chapter 1

Chapter 1

MACKENZIE LAZARO

"Ikaw ba si Ms. Lazaro?" taas kilay na tanong ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Gwapo ito, hindi kalakihan ang mga mata, manipis na mga labi , matangkad pero hindi maipagkaila mna may pagkasungit niyo.

"Yes sir" magalang kong sagot. Hindi ko alam kung sino ang lalaking ito, baka isa sa mga kliyente ko, pero wala akong maalalang ganitong hitsura na naging kliyente ko. Gwapo!

"Aysuin mo ang kalat mo!" pagalit na saad ng lalaki sabay padabog na inilapag ang mga papel na naglalaman ng mga ginawa kong articles kumakailan lang.

"Pardon?" walang buhay kong tanong sa kanya. Hindi ko matukoy kung sino ang lalaking ito at bakit niya hawak ang mga article na ginawa ko? At mula sa loob ng office kung nasaan kami, nakatingin na ang lahat sa amin at mas lalo akong natense.

"Really? Hindi mo alam o nagkukunwari ka lang? Yang gawa mong yan ayusin mo yan bago pa kita ifired!" sabi nito at kita ko mula sa kanyang mga mata ang tila hindi nagbibiro sa mga sinabi nito.

"Opo sir, aayusin ko po" malumanay at magalang ko paring sagot.

"Narinig ko ikaw daw ay very competent, humble, magaling gumawa ng mga sensible article pero sa nakikita ko sa nagyon ay hindi naman. Mukhang mali ang nakalap kong impormasyon tungkol saiyo" mahaba-habang sabi nito.

"Don't worry sir, aayusin ko po ito"malumanay ko paring sagot na kahit sa kaibuturan ko ay gusto ko siyang sumbatan pero hindi pwede kasi hindi ko pa siya kilala at baka makakasagasa ako ng malaking tao na wala sa oras.

"Dapat lang" saka na tumalikod at lumakad na palabas sa office. Hindi man lang niya ako tinanong kung bakit nagkaganito ang article ko? Kung anong nangyari? Hindi ko alam pero habang nakikita ko ang mga maling articles na nasa harapan ko ay naiiyak ako. Nagpakahirap ako para dito, halos binuhos ko ang lahat pati oras na dapat pahinga ko ay inilaan ko para dito tapos ganito lang ang mangyayari.

Justice please! Hindi ko deserve ang umiyak lalo na't ibinigay ko ang best ko para dito. Bakit ako iiyak? Wala naman akong kasalanan?

" Siya ang bago nating boss" wika ni Kyomi may co-worker and my best-friend. Nagulat ako sa narinig. As in? Bagong boss ng kumpanyang ito? Oh my God!

"Oo baks, siya ang bagong CEO, dumating siya last week at dahil sa out of town ka hindi mo siya nameet"kwento pa ni Kyomi.

"Ano nalang gagawin ko?" gulong-gulo na saad ko. Napahilamos ako sa aking mukha dahil naguguluhan ako. Kaya pala nasa kanya ang article ko dahil siya ang bagong CEO. Wahhh!

Hindi ko alam Macky kung bakit nagkaganyan yan. This is your first time na nagkamali ka ng bonggang-bongga." She sighed.

Yes first time kong maexperienced ang ganito kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko. Mas lalo akong kinakabahan kung maipapalabas pa ito ng hindi ko malalaman. Wala na ang career ko.

"Kakausapin ko ang editorial board Kyo" sabi ko at tumayo na ako agad. Hindi ito pwede. I'm hundred sure na wala akong ginawang iba dito na ikakasira ng article ko. Baka sadyang may gumalaw lang nito.

"Mabuti yan baks. Tanungin mo na rin sila kung bakit nagkaganyan yan at kung bakit hindi nila napansin nung pagpasa mo palang.

Bakit ngayon lang?" pahabol naman nito. Tumango lang ako at dali-dali na akong nagtungo sa editorial office.

Dali-dali kong tinungo ang office ng editorial board at laki nalang ang pagkagulat ko ng makita ko doon mismo ang CEO namin.

Don't tell me tinutulungan niya ako? Luhh! Asa ako? Sa hitsura niyang yan baka mahirap sa kanya ang tumulong no?

"What are you doing here?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

"Um--wala po sir, may tatanungin lang po sana ako" ngiting sagot ko na kahit kinakabahan ako.

"Follow me" mahina at seryosong sabi niya saka na naglakad palabas. Tama ba yung narinig ko na 'follow me?' hindi naman ako sure kaya hindi ako nagatubiling gumalaw at sundan siya pero lumingon siyang muli sa akin na naka kunot-noo.

"Follow me!" nasa tono nito ang tila naiinis. Grabe naman ito hindi ba siya marunong ngumiti? kahit yung tipid lang? Nakakatakot siya ah! Dali-dali ko siyang sinundan at baka mas lalo pang magalit at nagtungo kami sa office niya.

Pagkapasok namin ay agad siyang umupo sa swivel chair niya saka ako mariing tinitigan, titig na nakakatunaw pero nakakakaba at the same time. Parang gusto ko ng tumakbo palabas.

"Anong meron kayo sa nakaraang CEO?" tanong nito. Teka, hindi ko inaasahan ang tanong na yan, akala ko about sa articles? Mukhang mali ata ako ng iniisip.

"Po?" gulong tanong ko. Nakita ko ang pagngisi niya pero nandoon parin ang tila galit sa kanyang mukha.

"By the way, don't worry about the article dahil tapos na at naayos na" seryosong sabi niya. Well, ako naman ay hindi makapaniwala kaya pagkagayon ang ngiti ko. Mabait naman pala siya eh.

"Make sure na hindi na ito mauulit Ms. Lazaro or else I will fired you" tiim bagang sabi nito na nagpalunok sa akin.

"Noted sir, hindi na po mauulit at makakaasa po kayo" sagot ko habang hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mukha.

Hindi niya ako pinansin bagkus nagsenyas pa siya gamit ang kanyang mga kamay na nagsasabing lalabas na ako. Pero hindi nalang ako basta aalis, makulit ako eh, isipin mo inayos niya ang maling article na ginawa ko. Feeling close one point o. I want to thank him that's all I want.

"Sir, yun po ang pinunta niyo kanina sa--" hindi ko na naituloy dahil nagsalita na siya.

"Yes pero hindi yun para saiyo, para yun sa kumpanya . Dahil sa kapabayaan mo muntikan ng mapahamak ang kumpanya" sabi niya na hindi parin tumitingin sa akin.

Sa totoo lang ang sakit niyang magsalita deretso sa utak pababa sa puso. Sumenyas siya ulit gaya ng ginawa niya kanina.

"Thank you so much sir" sabi ko nalang saka na ako tumalikod at umalis na. Kahit ganun ang pakiki-usap niya sa akin masaya parin ako kasi sa wakas natapos din ang problema ko sa maikling panon dahil sa tulong niya.

Promise to myself na hindi ko hahayaang maulit pa iyon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status