“FLINT, napag-usapan na natin ‘to, hindi ba? Alam mong dito ko na sila patitirahin. Kasal na kami ng tita Glenda mo, at bilang mag-asawa, natural lang na magsama kami sa iisang bubong.” Humugot ng malalim na buntong-hininga ang kanyang ama bago muling nagsalita.
“Bakit mo naman pinagsalitaan ng gano’n si Xyza? Hindi mo man lang pinakitaan ng kahit kaunting kabutihan, lalo pa ‘t bagong lipat lang sila rito. Hindi mo rin ba naisip kung ano ang mararamdaman ng tita Glenda mo? Malamang nasaktan siya sa sinabi mo sa anak niya. Hindi na lang kumibo, baka kasi ayaw na lang palakihin ang gulo.”
Mahaba at mahinahon ang paliwanag ng kanyang ama pagkapasok na pagkapasok nila sa kanyang silid, ngunit dama pa rin ang bigat ng paninisi sa tono nito.
Ewan ba niya kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya nang kaharap na si Xyza. Siguro’y nasaktan siya sa nakita niyang ginawa ng dalaga, kung paanong binalewala nito ang pagbati ng kanyang ama kanina.
Alam niyang ngayong araw darating ang mag-ina. Kaya nang marinig niya ang ugong ng SUV sa labas, agad siyang sumilip sa bintana.
Eksaktong nakita niya ang tagpong sinalubong ng kanyang ama ang mag-ina, ngumiti pa ito kay Xyza at inilahad ang kamay bilang pagbati. Pero hindi iyon pinansin ng dalaga. Hindi man niya narinig ang pag-uusap sa labas, malinaw ang nakita niyang sitwasyon, binalewala nito ang kanyang ama.
Ang totoo, matagal na niyang kilala si Xyza. Madalas niya itong mapanood sa telebisyon, kasama ang kilalang pamilyang malaki ang pangalan sa negosyo.
Minsan na niya itong nakita noon ng personal, pero sa malayo nga lang. Kaya’ t nang makita niya ito nang malapitan kanina, halos mapigil niya ang kanyang paghinga sa sobrang ganda nito. Matagal na niya itong hinahangaan, iyon nga lang, maldita at mataray ito base sa mga naririnig niyang sabi-sabi ng karamihan. At ngayon nga ay nakumpirma niya iyon.
Mukhang mahirap silang magkasundo. Sa unang araw pa lang ng kanilang pagkikita, nagbangayan na agad sila.
“I’m sorry, Dad,” mahina niyang sabi. “Hindi ko lang talaga nagustuhan ‘yung ginawa niyang pambabale-wala sa ‘yo kanina. Masakit din para sa ‘kin na makita kang parang binabastos.”
Kailangan niyang sabihin iyon. Para matapos na ang mahabang sermon ng ama. Lalo na ‘t hindi siya sang-ayon sa muling pag-aasawa nito.
Paano kung saktan na naman ito ng bagong asawa? Paano kung iwan din ito, gaya ng ginawa ng mommy niya?
Bata pa lang siya noong iniwan sila ng kanyang ina. Siguro mga walong taon pa lang siya noon. Sa murang edad, hindi pa niya ganap na nauunawan ang nangyari.
Pero habang lumalaki siya, unti-unti niyang naiintindihan ang lahat. Iniwan sila ng kanyang ina para sumama sa ibang lalaki.
Simula noon, nagbago na ang pagtingin niya sa mga babae. Nagkaroon siya ng takot, ng alinlangan, at ng galit.
Halos malugmok sa kalungkutan ang kanyang ama sa ginawang iyon ng ina niya. Gabi-gabi rin siyang umiiyak, hindi alam kung paano pupunan ang biglang pagkawala ng ina.
Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung hanggang ngayon ay tutol pa rin siya sa muling pagpapakasal ng kanyang ama. Hindi dahil sa ayaw niyang maging masaya ito, kundi dahil ayaw niyang maulit ang nakaraan.
Nakatulong sa pag-move on ng kanyang ama ang kanilang engineering firm, ang FAM Engineering Group, na ipinangalan pa nga sa kanya ng kanyang mga magulang bago pa man siya isilang.
Kaya’ t sa kabila ng tagumpay ng kanilang pamilya, hindi niya maintindihan kung paano pa nagawa ng kanyang ina na iwan sila. Parang wala lang. parang hindi sapat ang lahat.
Doon ibinuhos ng kanyang ama ang lahat ng oras at atensyon, lalo na sa mga panahong halos malunod ito sa kalungkutan. Sa mga blueprint at proposals, doon ito kumapit habang unti-unting bumangon mula sa sakit.
Ngayon, siya na ang kasalukuyang CEO ng FAM engineering Group. Hindi naman iyon masyadong mahirap para sa kanya na pamahalaan ito dahil lisensyado siya bilang isang civil engineer. Inako niya ang pamamahala rito para makapagpahinga naman ang kanyang ama, mula sa trabaho at mula sa bigat ng nakaraan.
Noong kasal nito, hindi niya intensyon na hindi dumalo. Hindi dahil hindi siya sang-ayon sa muling pag-aasawa nito, kundi dahil abala siya noon sa isang mahalagang project proposal na hindi niya matanggihan.
Simple lang naman ang kasal nito, ginanap sa huwes at mga malalapit na kamag-anak, kaibigan, at kasosyo sa negosyo lang ang naimbitahan.
At isa pa, biglaan ang pagbabalita nito sa kanya, kaya hindi rin niya iyon napaghandaan.
“Umaasa ako na magkakasundo kayo ni Xyza sa mga susunod na araw, anak. Sana, ikaw na lang ang mag-adjust, lalo na ‘t ikaw ang lalaki, at mas matanda ka sa kanya,” huling sambit ng kanyang ama bago siya tinapik sa balikat.
Tinanguan na lamang niya ang ama at hindi na nagsalita pa. Wala rin siyang ganang makipagtalo pa. Wala rin naman siyang masasabi na maiintindihan agad nito.
Mas pinili na lang niyang manahimik. Dahil alam niyang kahit anong paliwanag pa ang ibigay niya, hindi rin nito mababago ang katotohanang may mga taong bagong pinapasok ito sa buhay nila, mga taong hindi pa niya kayang tanggapin.
SA KABILANG silid naman, ay pinapangaralan si Xyza ng kanyang ina.
“Xyza, anak, sana naman ay matuto kang kontrolin ang ugali mo. Wala na tayo sa mansyon, at lalong wala na ang Daddy mo na siyang nakakaunawa sa ‘yo. Iba na ang buhay natin ngayon. Kaya sana, bawasan mo na ang katarayan at kamalditahan mo. Paano kayo magkakasundo ni Flint kung ganyan ka?”
Mahinahon ang tinig ng kanyang ina, pero may halong pagod at pakiusap.
“Aba, bakit? Tama ba ang sinabi niya sa ‘kin kanina? Ang sakit kaya niyang magsalita! Kalalaki pa naman niya!” mariing sagot ni Xyza. “Tapos, ni hindi mo man lang ako pinagtanggol? Kung buhay lang si Daddy, hindi siya papayag na may taong makapagsalita ng gano’n sa ‘kin!”
“Iyon na nga ang punto ko, anak. Wala na ang Daddy mo. Wala nang magtatanggol sa ‘yo sa tuwing may nasasaktan kang iba. Kailangang matuto kang magparaya. Dayo lang tayo rito sa bahay nila. Hindi ito atin.”
“Eh di bumalik na lang tayo sa mansyon! Para hindi na natin kailangang makisama!”
“Hay, anak…” Napailing si Glenda. “Alam kong hindi ako mananalo sa ‘yo, lalo na ‘t mainit pa ang ulo mo. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Lalabas na muna ako, pupuntahan ko lang ang tito Alfredo mo sa magiging silid namin,” paalam nito sabay halik sa kanyang noo.
Hindi na siya sumagot pa. Nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang ina palabas ng silid.
Kahit paano, naawa siya rito. Ramdam niyang nasaktan ito sa pagsagot-sagot niya. Pero hindi niya mapigilang magalit, lalo na at para sa kanya, binastos siya ng isang lalaking akala mo kung sinong perpekto.
HINDI MAWALA-WALA ang ngisi ni Flint mula pa kanina. Paulit-ulit niyang binabalikan sa isip ang nangyaring kahihiyan ni Xyza habang siya’y nagmamaneho.Wala pala itong ideya na lumabas ito ng silid na nakapantulog lang. Kitang-kita niya kung paano namula ng husto ang mukha nito sa sobrang hiya.Tuwang-tuwa siya dahil hindi na nito nakuhang sumagot pa sa kanya, agad-agad itong tumakbo palabas ng kusina para bumalik sa kwarto upang itago ang sarili.At ngayon, iniisip niya. Magagawa pa kaya nitong humarap sa kanya matapos ang nangyari? Sa isip niya, panalo na siya rito sa pagkakataong iyon pa lang.Pero aminin man niya o hindi, hindi niya maikakailang may kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan nang masulyapan niya ang hubog ng katawan nito sa ilalim ng manipis na tela.Parang bigla siyang nagising sa isang damdaming noon lang niya naranasan, isang pagnanasa na kailanman ay hindi niya naramdaman sa kahit sinong babae sa buong buhay niya.Napangisi na naman siya nang makaisip ng ide
TULAD NG NAKASANAYAN, maaga pa lang ay gising na si Flint. Kahit siya ang CEO ng sariling engineering firm, pumapasok at umuuwi siya na para bang isa lamang sa mga regular na empleyado.Gusto niyang maging huwaran sa kanyang mga tauhan, at nagsisimula iyon sa sarili niyang disiplina.Maayos siyang nakabihis ng long white sleeve polo at gray na slacks, pinaresan niya ito ng black leather shoes. Kapag sa opisina lang siya maglalagi, lalo na kung may meeting, kadalasan ay naka-business casual attire siya, katulad ngayon. Pero kapag mag-o-onsite naman siya, mas madalas siyang nakasuot ng polo shirt at maong na pantalon.Sinipat niya ng makailang beses sa salamin ang kanyang kabuuan, gaya ng palagi niyang ginagawa tuwing umaga bago bumaba papunta sa kusina.Hindi siya karaniwang nag-aalmusal sa bahay, madalas ay sa opisina na. Kaya ang pagpunta niya sa kusina ay para lang uminom ng malamig na tubig.Pagdating niya sa kusina, isang tanawin ang sumalubong sa kanya.Si Xyza.Nakatalikod ito,
TAHIMIK si Xyza habang magkakaharap silang kumakain sa mahabang lamesa ng komedor. Nasa magkabilaang dulo ng lamesa ang kanyang ina at si Alfredo, habang siya naman at si Flint ay magkatapat sa gitna.Tahimik siyang sumusubo. Pero tuwing magtatama ang mga tingin nila ni Flint, hindi niya napipigilang ikot-ikutin ang mga mata, karaniwang ekspresyon niya kapag inis o galit siya sa isang tao.Hindi niya hinahayaang makabawi ito sa kanya, lalo na ‘t ramdam niyang sinusubukan nitong bigyan din siya ng nag-aapoy at pamatay na tingin tuwing magtatama ang kanilang mga mata.“Xyza, anak,” bungad ni Alfredo matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Gusto mo bang ipagpatuloy ang nahinto mong pag-aaral dalawang taon na ang nakararaan? Ako ang bahala sa lahat. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan at gusto mo, tulad ng isang tunay na ama.”Sumagot siya nang hindi man lang tumitingin kay Alfredo.“Noong buhay pa si Dad, hinahayaan niya akong gawin ang gusto ko. Kung gusto kong mag-aral, sige. Kung aya
“FLINT, napag-usapan na natin ‘to, hindi ba? Alam mong dito ko na sila patitirahin. Kasal na kami ng tita Glenda mo, at bilang mag-asawa, natural lang na magsama kami sa iisang bubong.” Humugot ng malalim na buntong-hininga ang kanyang ama bago muling nagsalita.“Bakit mo naman pinagsalitaan ng gano’n si Xyza? Hindi mo man lang pinakitaan ng kahit kaunting kabutihan, lalo pa ‘t bagong lipat lang sila rito. Hindi mo rin ba naisip kung ano ang mararamdaman ng tita Glenda mo? Malamang nasaktan siya sa sinabi mo sa anak niya. Hindi na lang kumibo, baka kasi ayaw na lang palakihin ang gulo.”Mahaba at mahinahon ang paliwanag ng kanyang ama pagkapasok na pagkapasok nila sa kanyang silid, ngunit dama pa rin ang bigat ng paninisi sa tono nito.Ewan ba niya kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya nang kaharap na si Xyza. Siguro’y nasaktan siya sa nakita niyang ginawa ng dalaga, kung paanong binalewala nito ang pagbati ng kanyang ama kanina.Alam niyang ngayong araw darating ang mag-ina. Kaya
TAHIMIK lamang na nakatanaw si Xyza sa labas ng bintana ng SUV habang binabaybay nito ang kalsadang patungo sa isang exclusive subdivision. Tanaw niya ang unti-unting paglubog ng nakakasilaw na araw, tila ba sumasabay sa paglubog ng lahat ng nakasanayan niyang mundo.Sa tabi ng driver nakaupo ang kanyang ina, si Glenda, na ngayo ‘y nakatingin sa kanya sa rearview mirror.Ito na ang araw na kinatatakutan niya, ang araw na tuluyan na silang lilipat sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina.Labag man sa loob niya, wala siyang magawa kundi sumunod. Hindi pa siya handang mamuhay nang mag-isa. Pero hindi iyon dahilan para tanggapin ng buo ang ideya ng pagkakaroon ng panibagong pamilya, lalo na ‘t dalawang taon pa lang ang lumilipas mula nang pumanaw ang kanyang ama.“Anak, okay ka lang ba riyan?” tanong sa kanya ng ina, may halong pag-aalala sa tinig nito.Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa labas, pinipigilan ang sariling huwag mapaiyak.“Hindi ko alam kung bakit ganyan