TAHIMIK si Xyza habang magkakaharap silang kumakain sa mahabang lamesa ng komedor. Nasa magkabilaang dulo ng lamesa ang kanyang ina at si Alfredo, habang siya naman at si Flint ay magkatapat sa gitna.
Tahimik siyang sumusubo. Pero tuwing magtatama ang mga tingin nila ni Flint, hindi niya napipigilang ikot-ikutin ang mga mata, karaniwang ekspresyon niya kapag inis o galit siya sa isang tao.
Hindi niya hinahayaang makabawi ito sa kanya, lalo na ‘t ramdam niyang sinusubukan nitong bigyan din siya ng nag-aapoy at pamatay na tingin tuwing magtatama ang kanilang mga mata.
“Xyza, anak,” bungad ni Alfredo matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Gusto mo bang ipagpatuloy ang nahinto mong pag-aaral dalawang taon na ang nakararaan? Ako ang bahala sa lahat. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan at gusto mo, tulad ng isang tunay na ama.”
Sumagot siya nang hindi man lang tumitingin kay Alfredo.
“Noong buhay pa si Dad, hinahayaan niya akong gawin ang gusto ko. Kung gusto kong mag-aral, sige. Kung ayaw ko, wala rin siyang reklamo. Basta binibigyan niya ako ng pera. Gano’ n ka rin ba?” tumitig siya kay Alfredo pagkatapos ng tanong.
“Xyza—” umpisa ng kanyang ina para pagsabihan siya, ngunit agad itong pinutol ni Flint.
“Noon ‘yon. Noong nabubuhay pa ang ama mo,” singit ni Flint, malamig ang tono. “Ngayon, iba na ang sitwasyon. Ang daddy ko na ang magpapaaral sa ‘yo. Kaya kung anuman ang kinasanayan mo noon, panahon na para baguhin mo ‘yon. Wala ka na sa nakaraan. Masyado kang nagpapakabaliw sa pagbabalik-tanaw.”
Tumingin siya rito ng masama. Hindi sinasadyang naibagsak niya ang kutsara at tinidor sa babasaging plato, lumikha ito ng malakas na kalansing na pumukaw sa atensyon ng mga katulong. Kaya lahat ng paningin ng mga ito ay napadako sa kanilang direksyon.
“Ikaw ba ang kausap ko?!” sigaw niya, mariin at walang pag-aalinlangan. “Ang problema kasi sa ‘yo, masyado kang bastos! Singit ka nang singit kahit hindi ka naman kinakausap! Matuto kang rumespeto sa usapan ng iba, kung kailan ka lang dapat sumabat!”
Padabog siyang tumayo. Tumilapon nang kaunti ang upuan at walang lingon-likod na nilisan niya ang hapag-kainan.
Nagdudumali siyang umakyat sa kanyang silid. Pagkarating sa loob, ibinagsak niya ang sarili sa kama, padapa, at mariing ipinikit ang mga mata.
Masama ang loob niya, hindi lang dahil pinatulan siya ni Flint, kundi ang katotohang ngayon lang may naglakas-loob na sagutin siya at tapatan ang ugali niya.
Sanay siyang siya palagi ang tama. Siya ang nasusunod. Wala pa siyang nakaaway na hindi siya ang nananalo. Lahat ay sumusuko sa kanya, at palaging nasa kanya ang huling salita.
Pero hindi si Flint.
At iyon ang ikinaiinis at ikinagagalit niya.
Sobra talaga siyang nanggigigil sa lalaking iyon. Kung puwede lang sana niyang ihagis ang pinggang pinagkainan niya sa mukha nito kanina, ay ginawa na niya.
Ayaw sana niyang bumaba para kumain ng hapunan. Hindi rin naman talaga siya nagugutom. Pero nagpumilit ang kanyang ina, kaya napilitan na rin siyang humarap.
Hindi siya papayag na hindi makaganti sa mayabang at pakialamerong anak ng stepfather niya. Araw-araw niya itong iinisin at gagalitin, hanggang sa masagad ito. Tingnan niya lang kung sino ang unang susuko.
SAMANTALA, SA KOMEDOR.
“Pasensiya na kayo, Alfredo…Flint,” malungkot na wika ni Glenda sa mag-ama habang marahang ibinababa ang kutsara. “Gusto kong humingi ng paumanhin sa inyo dahil sa ugali ng anak ko. Sana patuloy ninyo siyang intindihin. Kahit ako, nahihirapan na ring pakibagayan siya.”
Ngumiti si Alfredo, bahagyang tumango.
“It’s okay, honey. Sa akin, walang problema. Alam ko kung paano pakikisamahan ang mga batang katulad niya,” ani Alfredo, saka tumingin kay Flint. “Ikaw naman, Flint. Mas habaan mo pa sana ang pasensiya mo. Katulad ng napag-usapan natin kanina, hindi ba?”
Doon na tuluyang nawalan ng ganang kumain si Flint. Kumuyom ang kanyang kamao sa ilalim ng mesa.
“Bakit parang ako pa ang sinisisi?” Tanong niya sa sarili.
“Dad,” ani Flint, pilit pinapakalma ang sarili. “Kilala mo naman ako. Alam mong kapag hindi ko gusto ang ugali ng isang tao, talagang pagsasabihan ko siya. Hindi puwedeng manahimik lang ako habang binabastos at sinasagot-sagot ka ng babaeng iyon!”
Hindi niya napigilan ang iritasyon sa boses niya.
Maya-maya ‘y bumuntong-hininga siya, saka tumayo.
“Nawalan na ako ng gana. Excuse me. Aakyat na lang ako sa silid ko para magpahinga.”
Magalang siyang nagpaalam, hindi tulad ni Xyza kanina, na padabog na umalis, at tuluyang nilisan ang komedor, bitbit ang bigat ng inis sa kanyang nagpupuyos na dibdib.
Nang katukin siya kanina ng kanyang ama upang maghapunan, hindi na siya nagdalawang-isip. Agad siyang bumaba patungong komedor, gutom talaga kasi siya.
Hindi kasi siya nakapagpananghalian dahil sa dami ng kanyang trabaho kanina sa opisina. Kaya ‘t ang akala niya ay makakabawi siya sa hapunan.
Pero tulad ng inaasahan…sinira ng babaeng iyon ang kanyang mood at appetite.
Nawala na ang gana niya. Nawasak ang tahimik na sandali. Dahil sa pagsagot-sagot nito sakanyang ama.
Wala talaga itong modo. Walang respeto.
Sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata, wala siyang natatanggap kundi ang pag-ikot ng mga matang tila ginagalit at iniinis siya. Nakakapundi. Gusto na nga niyang dukutin ang mga matang iyon sa sobrang inis.
Mas lalo siyang nanggigigil dahil hindi siya makaganti nang maayos. Nariyan kasi ang ina nito at ang ama niya para pumagitna sa kanila.
Pero oras na maiwan silang dalawa, na walang sasaway…
Bibigyan niya ito ng leksyon.
Hindi siya papayag na siya ang palaging naiipit sa tahimik niyang buhay, habang ang isa nama ‘y parang reyna kung umasta, akala mo ay nasa sarili pa rin nitong kastilyo.
Hindi ito fairy tale. At higit sa lahat, hindi na ito ang bahay na magfe-feeling prinsesa ito.
Dapat lang na ma-realize ni Xyza na wala na ito sa mundo kung saan siya ang nasusunod.
Hindi niya maiwasang padabog na isara ang pinto ng kanyang kwarto, pinaghalong inis at galit ang nararamdaman niya.
Pero naputol ang kanyang pag-iinit ng ulo nang marinig ang umiiyak na tinig mula sa kabilang kwarto, kung saan naroon si Xyza.
Lumapit siya sa pader at idinikit ang tainga roon. Ewan ba niya, pero parang gusto niyang pakinggan ang pag-iyak nito.
“Daddy…daddy…I hate here. I hate the life we have now. Bakit ba kasi namatay ka? Sana hindi ka na lang nawala. Mas okay siguro ang lahat kung nandito ka. Ikaw lang naman ang nakakaintindi at kakampi ko sa lahat, ‘di ba?” rinig niyang sabi ni Xyza sa pagitan ng mga hikbi.
“Mommy doesn’t understand what I’m feeling right now. Hindi ko siya maintindihan…” dagdag pa nito, mahina pero malinaw.
Pareho pala sila ng nararamdaman ng dalaga, parehong takot, parehong ayaw muling bumuo ng panibagong pamilya. Marahil kaya hindi sila magkasundo, dahil kapwa nila hindi matanggap na may mga bagong taong pumasok sa kanilang buhay.
HINDI MAWALA-WALA ang ngisi ni Flint mula pa kanina. Paulit-ulit niyang binabalikan sa isip ang nangyaring kahihiyan ni Xyza habang siya’y nagmamaneho.Wala pala itong ideya na lumabas ito ng silid na nakapantulog lang. Kitang-kita niya kung paano namula ng husto ang mukha nito sa sobrang hiya.Tuwang-tuwa siya dahil hindi na nito nakuhang sumagot pa sa kanya, agad-agad itong tumakbo palabas ng kusina para bumalik sa kwarto upang itago ang sarili.At ngayon, iniisip niya. Magagawa pa kaya nitong humarap sa kanya matapos ang nangyari? Sa isip niya, panalo na siya rito sa pagkakataong iyon pa lang.Pero aminin man niya o hindi, hindi niya maikakailang may kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan nang masulyapan niya ang hubog ng katawan nito sa ilalim ng manipis na tela.Parang bigla siyang nagising sa isang damdaming noon lang niya naranasan, isang pagnanasa na kailanman ay hindi niya naramdaman sa kahit sinong babae sa buong buhay niya.Napangisi na naman siya nang makaisip ng ide
TULAD NG NAKASANAYAN, maaga pa lang ay gising na si Flint. Kahit siya ang CEO ng sariling engineering firm, pumapasok at umuuwi siya na para bang isa lamang sa mga regular na empleyado.Gusto niyang maging huwaran sa kanyang mga tauhan, at nagsisimula iyon sa sarili niyang disiplina.Maayos siyang nakabihis ng long white sleeve polo at gray na slacks, pinaresan niya ito ng black leather shoes. Kapag sa opisina lang siya maglalagi, lalo na kung may meeting, kadalasan ay naka-business casual attire siya, katulad ngayon. Pero kapag mag-o-onsite naman siya, mas madalas siyang nakasuot ng polo shirt at maong na pantalon.Sinipat niya ng makailang beses sa salamin ang kanyang kabuuan, gaya ng palagi niyang ginagawa tuwing umaga bago bumaba papunta sa kusina.Hindi siya karaniwang nag-aalmusal sa bahay, madalas ay sa opisina na. Kaya ang pagpunta niya sa kusina ay para lang uminom ng malamig na tubig.Pagdating niya sa kusina, isang tanawin ang sumalubong sa kanya.Si Xyza.Nakatalikod ito,
TAHIMIK si Xyza habang magkakaharap silang kumakain sa mahabang lamesa ng komedor. Nasa magkabilaang dulo ng lamesa ang kanyang ina at si Alfredo, habang siya naman at si Flint ay magkatapat sa gitna.Tahimik siyang sumusubo. Pero tuwing magtatama ang mga tingin nila ni Flint, hindi niya napipigilang ikot-ikutin ang mga mata, karaniwang ekspresyon niya kapag inis o galit siya sa isang tao.Hindi niya hinahayaang makabawi ito sa kanya, lalo na ‘t ramdam niyang sinusubukan nitong bigyan din siya ng nag-aapoy at pamatay na tingin tuwing magtatama ang kanilang mga mata.“Xyza, anak,” bungad ni Alfredo matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Gusto mo bang ipagpatuloy ang nahinto mong pag-aaral dalawang taon na ang nakararaan? Ako ang bahala sa lahat. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan at gusto mo, tulad ng isang tunay na ama.”Sumagot siya nang hindi man lang tumitingin kay Alfredo.“Noong buhay pa si Dad, hinahayaan niya akong gawin ang gusto ko. Kung gusto kong mag-aral, sige. Kung aya
“FLINT, napag-usapan na natin ‘to, hindi ba? Alam mong dito ko na sila patitirahin. Kasal na kami ng tita Glenda mo, at bilang mag-asawa, natural lang na magsama kami sa iisang bubong.” Humugot ng malalim na buntong-hininga ang kanyang ama bago muling nagsalita.“Bakit mo naman pinagsalitaan ng gano’n si Xyza? Hindi mo man lang pinakitaan ng kahit kaunting kabutihan, lalo pa ‘t bagong lipat lang sila rito. Hindi mo rin ba naisip kung ano ang mararamdaman ng tita Glenda mo? Malamang nasaktan siya sa sinabi mo sa anak niya. Hindi na lang kumibo, baka kasi ayaw na lang palakihin ang gulo.”Mahaba at mahinahon ang paliwanag ng kanyang ama pagkapasok na pagkapasok nila sa kanyang silid, ngunit dama pa rin ang bigat ng paninisi sa tono nito.Ewan ba niya kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya nang kaharap na si Xyza. Siguro’y nasaktan siya sa nakita niyang ginawa ng dalaga, kung paanong binalewala nito ang pagbati ng kanyang ama kanina.Alam niyang ngayong araw darating ang mag-ina. Kaya
TAHIMIK lamang na nakatanaw si Xyza sa labas ng bintana ng SUV habang binabaybay nito ang kalsadang patungo sa isang exclusive subdivision. Tanaw niya ang unti-unting paglubog ng nakakasilaw na araw, tila ba sumasabay sa paglubog ng lahat ng nakasanayan niyang mundo.Sa tabi ng driver nakaupo ang kanyang ina, si Glenda, na ngayo ‘y nakatingin sa kanya sa rearview mirror.Ito na ang araw na kinatatakutan niya, ang araw na tuluyan na silang lilipat sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina.Labag man sa loob niya, wala siyang magawa kundi sumunod. Hindi pa siya handang mamuhay nang mag-isa. Pero hindi iyon dahilan para tanggapin ng buo ang ideya ng pagkakaroon ng panibagong pamilya, lalo na ‘t dalawang taon pa lang ang lumilipas mula nang pumanaw ang kanyang ama.“Anak, okay ka lang ba riyan?” tanong sa kanya ng ina, may halong pag-aalala sa tinig nito.Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa labas, pinipigilan ang sariling huwag mapaiyak.“Hindi ko alam kung bakit ganyan