TAHIMIK lamang na nakatanaw si Xyza sa labas ng bintana ng SUV habang binabaybay nito ang kalsadang patungo sa isang exclusive subdivision. Tanaw niya ang unti-unting paglubog ng nakakasilaw na araw, tila ba sumasabay sa paglubog ng lahat ng nakasanayan niyang mundo.
Sa tabi ng driver nakaupo ang kanyang ina, si Glenda, na ngayo ‘y nakatingin sa kanya sa rearview mirror.
Ito na ang araw na kinatatakutan niya, ang araw na tuluyan na silang lilipat sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina.
Labag man sa loob niya, wala siyang magawa kundi sumunod. Hindi pa siya handang mamuhay nang mag-isa. Pero hindi iyon dahilan para tanggapin ng buo ang ideya ng pagkakaroon ng panibagong pamilya, lalo na ‘t dalawang taon pa lang ang lumilipas mula nang pumanaw ang kanyang ama.
“Anak, okay ka lang ba riyan?” tanong sa kanya ng ina, may halong pag-aalala sa tinig nito.
Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa labas, pinipigilan ang sariling huwag mapaiyak.
“Hindi ko alam kung bakit ganyan ka pa rin. Sinubukan ko lang namang bumuo ng panibagong buhay para sa atin,” patuloy nito.
Hindi pa rin siya kumibo.
“Anak, huwag kang mag-alala. Mabait ang Daddy Alfredo mo—”
“He’s not my Daddy,” mariing putol niya.
Napabuntong-hininga ang kanyang ina. “Okay, fine. Hindi naman kita pipilitin na tawagin siyang ‘Daddy’. Pero sana naman, pakitaan mo siya ng maganda. Lalo na ‘t sa bahay na niya tayo titira…kasama ang anak niya.”
Napailing si Xyza, at sa wakas ay nagsalita siya, punong-puno ng hinanakit ang tinig.
“Bakit kasi kailangan pa nating lumipat sa bahay niya? Eh, maayos naman tayo sa mansyon natin. Pumayag na nga akong magpakasal ka sa kanya. Akala ko ba roon pa rin tayo titira kahit kasal na kayo?”
“Kailangan nating lumipat dahil iyon ang tama. Mag-asawa na kami, Xyza. At bilang mag-asawa, dapat lang na magkasama kami sa iisang bubong. Isinama kita dahil alam kong hindi mo pa kayang tumayo sa sarili mong mga paa. Lalo na ‘t puro ka gala at gastos! Sa tingin mo ba, may pera pa tayo ngayon kung hindi dahil kay Alfredo?”
Napatingin si Xyza sa ina, bakas ang sakit at pagkadismaya sa kanyang mga mata. Sasagot pa sana siya, ngunit biglang nagsalita ang driver.
“Ma’am, nandito na po tayo.”
Pagbukas ng gate, isang malaking bahay ang bumungad sa kanila. Moderno, malinis, at halatang pinag-isipan ang bawat sulok. May fountain sa harapan, at sa bawat bahagi ng matitigas at matataas na pader ay may mga nakatanim na iba ‘t ibang klase ng halaman at bulaklak. Tila ba hinango mula sa pahina ng isang architectural magazine ang disenyo ng bahay.
Pero kahit anong ganda niyon, hindi pa rin nito mapapantayan ang mansyon nila, kung saan naroroon ang masasaya nilang alaala noong buhay pa ang kanyang ama.
Bumaba sila sa sasakyan at agad silang sinalubong ni Alfredo. Sa edad na limampu, ay matipuno at bata pa rin itong tingnan. Nginitian sila nito nang makalapit sa kanila.
“Xyza, anak,” bati nito, sabay abot ng kamay.
Hindi niya ito kinamayan. Tiningnan lang niya ito nang walang emosyon. Alanganin itong ngumiti, tila napahiya sa malamig niyang pakikitungo.
“Pasok kayo. Ituring mo na itong sarili mong tahanan, Xyza,” ani Alfredo, habang nakayakap ang isa nitong braso sa baywang ng kanyang ina.
Naglakad na sila papasok, habang ang driver at dalawang kasambahay ay bitbit ang kanilang mga bag at nakasunod sa kanila.
Pagpasok sa loob, isang malamig na ambiance ang sumalubong kay Xyza. Marangya ang kabuuan ng bahay, marble floors, mataas na kisame, at mga painting na halatang imported.
Napataas na lang siya ng kilay. Tila kapantay din ng kanilang yaman dati noong nabubuhay pa ang kanyang ama ang yaman ng bagong asawa ng kanyang ina. Ngunit wala siyang pakialam, dahil para sa kanya, ang mansyon pa rin nila ang itinuturing niyang tunay na tahanan.
Biglang bumukas ang pintuan ng isang kwarto sa itaas. Isang lalaking nakaitim na T-shirt at shorts na above-the-knee ang lumabas. Nasa magkabilang bulsa ng shorts nito ang mga kamay habang dahan-dahang bumababa ng hagdan.
Ang mga mata nila ‘y nagtagpo.
Seryoso itong nakatingin sa kanya, na para bang binabasa ang buo niyang pagkatao. Mula pa lang sa awra nito, ramdam na ni Xyza ang pagiging strikto.
Ito na siguro ang anak ni Alfredo…Sa isip niya. Hindi kasi ito um-attend ng kasal ng kanyang ina at ni Alfredo, kaya ngayon lang niya ito nakita nang personal.
Matangkad. Maputi. At hindi maikakailang may angking kagwapuhan, tila mas higit pa sa ilang modelo o artista.
“Xyza, si Flint Atlas, anak ko,” pakilala ni Alfredo.
Katulad ng ginawa niya kanina sa ama nito, tiningnan lang din niya ito nang walang emosyon, pinipilit itago ang paghangang biglang sumiklab sa kanyang dibdib pagkakita sa kagwapuhan nito.
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Flint.
“Matagal ko na siyang kilala. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa unica hija at spoiled brat na anak ng isang sikat na businessman?” sarkastikong sabi nito, habang hindi inaalis ang mapangutyang tingin sa kanya.
Hindi agad nakahuma si Xyza. May kung anong init ang gumapang sa kanyang katawan. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay nakuha nito ang galit niya. Hindi niya inaasahan na harap-harapan siya nitong kukutyain.
Sa ugali pa naman niyang mataray at palaban, akala siguro nito ay palalampasin niya ito nang walang ganti? Tiningnan niya ito ng matalim, sabay-krus ng mga braso sa dibdib, bago nagsalita, punong-puno ng ngiting may halong pang-iinsulto.
“Talaga? Bakit, kilala mo ba ako? Nakasama mo na ba ako nang matagal para masabi mo sa ‘kin ang mga bagay na ‘yan? Eh, ikaw? Anong tawag sa ‘yo? Mayabang na mapangutya! Baka akala mo hindi kita papalagan dahil lalaki ka?” sabay tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, na para bang kinukutya niya rin ito.
Napangisi siya nang biglang maningkit ang mga mata nito at umigting ang mga panga. Alam niyang nakuha na rin niya ang galit nito.
“Dito sa pamamahay na ‘to, hindi mo na puwedeng dalhin ang ugali mong ‘yan mula sa bahay ninyo. Dahil bisita lang kayo rito!”
“Flint, that’s enough! Sumusobra ka na!” sigaw ni Alfredo rito.
Siya naman ay agad na hinila ng kanyang mommy palayo sa harapan ni Flint.
“Halika na, Xyza! Huwag mo nang patulan pa ang kuya Flint mo!”
“No! He’s not my kuya! And he’s not even my brother!” sambit niya, nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang boses sa galit.
“Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko ituturing na kapatid ‘yang halimaw na ‘yan!”
“Ako rin naman! Hinding-hindi ko gugustuhing magkaroon ng kapatid na spoiled brat at masama ang ugali!” malakas na sambit ni Flint habang nagbabaga ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
“Glenda, honey, pasensiya ka na. Paglayuin muna natin ang mga batang ‘to, mukhang hindi sila titigil sa bangayan,” hinging paumanhin ni Alfredo sa kanyang ina, bago sapilitang inakay si Flint paakyat, pabalik sa kwartong pinanggalingan nito kanina.
Tumango-tango naman si Glenda bilang tugon, saka siya marahang inakay papunta sa magiging silid niya, na sa kasamaang palad, ay katabi pa ng kwarto ni Flint.
HABANG KAUSAP pa ng binata ang matandang magtatawas malapit sa gate, ay kausap naman ni Xyza ang mommy niya sa video call.Hanggang ngayon ay magkausap pa rin sila nito simula kanina nung tawagan niya ito para ipalam ang nangyari sa binata.“Anak, nabalitaan ko rin ‘yong nangyari sa ‘yo, muntik ka na raw mapagsamantalahan ng inaanak ng daddy mo,” sambit nito.Nagulat naman siya sa sinabi ng ina. Paanong nangyaring nalaman ng daddy Alfredo niya ang nangyari sa kanya?Hindi kaya nagsumbong na rito ‘yong lalaki? Paano kung pati ‘yong lihim na relasyon nila ni Flint ay sinabi na rin nito para makaganti sa pagpapakulong dito ng binata?Aminin man niya sa hindi, ramdam niyang may alam talaga ito sa relasyon nila ni Flint.Narinig din niya sinabi nito kay Flint na parang anak na rin ito ni Alfredo kung ituring. Parang gusto nitong iparating na magiging abswelto ang kasalanang ginawa sa kanya dahil kay Alfredo.“K-kanino niya raw po nalaman ang balitang ‘yon?” kinakabahang tanong niya.“Kay F
“MANANG FELI, kailangan ba talagang gawin ito?” tanong ni Flint sa matandang mayordoma.May pinapunta kasi itong matandang babae sa kanilang bahay na halos uugod-ugod na para ipatawas siya, utos daw iyon ni Xyza.Para pa itong nangggaling sa ikasampung bundok ng kadulu-duluhan ng mundo. At sa tingin niya ay mukhang malabo na rin ang mga mata nito dahil sa katandaan. Maputi na rin ang halos lahat ng buhok nito ulo.May bitbit pa itong isang lumang bayong na hindi niya alam kung anong klaseng mga bagay ba ang laman na kung titingnan ay parang nakapagaan lang, pero mukhang hirap na hirap na itong bitbitin iyon.“Aba’y opo, Sir. Paano kung hindi ka tantanan ng masamang espirito? Baka tuluyan na niyang sakupin ang katauhan mo! Kaya habang maaga pa ay kailangang mapigilan na siya!”Napailing na lang siya kasabay ng pagngiwi.Isa pa ‘to si Manang Feli, akala mo ay isang lola sa mga horror movies na ang role ay ang magpaalala na totoo ang mga kababalaghan kuno.“Manang Fe—”“Hijo, huwag ka n
“ALIN SA TINGIN mo ang mas maganda sa lahat ng nariyan, love?” tanong sa kanya ni Xyza habang nakatingin ito sa mga mamahaling relo na pareho nilang napagkasunduang iregalo kay Jared.Kasalukuyan silang nasa mall ngayon, nasamahan niya ang dalaga dahil linggo naman at wala naman siyang gagawin sa firm, naka-rest day din kasi ang lahat ng tao niya roon kapag linggo.“I-ikaw, sa tingin mo, kung alin ang pinakamaganda riyan sa lahat para sa ‘yo, eh, di, ‘yon na lang ang kunin natin,” naisagot na lang niya.Simula kasi nung mapag-usapan nila ng dalaga ang planong pagpunta sa bahay nina Jared para personal itong pasalamatan sa ginawang pagliligtas ng binata rito, ay palagi na siyang balisa at hindi mapalagay.Paano kung magtagpo roon sina Xyza at Jaela? Paano kung magpang-abot ang mga ito lalo na at si Jaela ay isa ring maldita, lalo naman si Xyza na walang inuurungan.At ang mas lalong ikinakatakot pa niya, paano kung ibuking siya ni Jaela kay Xyza na may nangyari sa kanila noong gabing hi
“LOVE, m-may gusto sana akong aminin sa ‘yo ngayon tungkol kay J-Jared,” tila nag-aalangang sambit ni Xyza sa kanya.Naroroon sila sa likod-bahay, magkatabing nakaupo sa duyan sa gitna ng kakahuyan. Doon kasi ay malaya silang nakakapaglambingan ng dalaga ng hindi natatakot na baka may makakita sa kanila na isa sa mga katulong.Medyo may distansiya rin kasi iyon sa mismong bahay nila. At isa pa, takot na pumunta o magawi roon ang mga katulong lalo na si Manang Feli, na masyadong mapapaniwalain sa mga makalumang katatakutan.Tulad ng bawal daw doon pumunta dahil baka ma-engkanto sila o saniban ng masasamang espirito na kung saan, ay tinatawan niya lang. Hindi naman kasi siya naniniwala sa mga ganoong kuwento.Mas pabor nga iyon sa kanya dahil masosolo niya roon ang dalaga, at malaya silang makakapaglambingan habang nagkukwentuhan ng kung anu-ano.“Sige lang, baby. Sabihin mo lang, makikinig ako,” sambit niya rito. “Basta huwag mo lang sasabihin na naging ex mo siya, ha? Kundi makikipag-
“ANO BA ang pumasok diyan sa kokote mo at binalak mong gahasa*n si Xyza, ha?! Kuya Paolo?!” mariing tanong ni Jaela kay Paolo habang magkaharap sila nito sa visiting area ng presinto.Pansamantalang nakakulong ito dahil hindi pa tapos ang paglilitis sa kaso nito.Nabalitaan niya lang ang nangyari sa lalaki dahil sa kapatid nito na best friend niya.“Eh, hindi ko naman sinasadya na magawa ‘yon! Kasalanan ko ba kung iyon ang naisip kong paraan para makuha ko agad siya?!” mariin din na sagot nito sa kanya.Bigla niyang nihampas ang dalawang mga kamay sa ibabaw ng lamesa dahil sa sinabing iyon ni Paolo. Dumukwang pa siya rito habang nandidilat ang mga mata.“Ang tanga-tanga mo talaga, kuya Paolo! Hindi ka ba nag-iisip, ha?! Kaya ka naririto ngayon ay dahil diyan sa sarili mong katangahan! Kung hindi mo sana pinairal ang lib*g mo riyan sa pesteng katawan mo, eh sana ay nasa labas ka kasama ko at nag-iisip ng ligtas na plano!”Mabuti na lang at medyo may distansiya ang kinaroroonan ng pulis
MUNTIK ng mapasigaw si Xyza nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng binata mula sa kanyang likuran, mabuti na lang at agad nitong natakpan ng kamay ang kanyang bibig.Kagagaling lang kasi niya mula sa banyo, katatapos niya lang din mag-shower dahil sobrang mainit ang kanyang pakiramdam kahit na malalim na ang gabi. Kaya nakatapis lang siya ng tuwalya sa kanyang katawan.“Love! Ginulat mo naman ako! Sa susunod, huwag mo nang gagawin ‘yan dahil baka mahuli tayo nina Manang kapag narinig nilang sumisigaw ako rito sa loob!” mahinang sambit niya rito.“I’m sorry, baby. Ewan ko ba at naisip kong pagtripan kang gulatin,” sambit nito sabay isiniksik ang ulo sa kanyang leeg at inamoy-amoy iyon.Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti at init ng katawan dahil sa ginawa nito.“I want you now, baby…” bulong nito sa kanya sabay kagat ng pino sa likod ng kanyang tainga.Napakagat-labi siya dahil sa kakaibang sensasyong hatid niyon sa kanyang katawan.Hindi na siya nagprotesta pa nang buhatin siya