Share

Chapter 122

Author: Serene Hope
last update Huling Na-update: 2025-11-29 20:06:21
HINDI INAASAHAN ni Flint ang biglaang pagbisita sa kanya ni Xyza roon.

Ang buong akala niya ay maghihintay lang ito sa kanya kung kailan niya ito pupuntahan sa mansion ng mga ito.

Akala rin niya na ganoon talaga ang gagawin nito, pero nagkamali pala siya.

Hindi man lang niya naisip na kahit anong oras, ay puwede itong lumitaw na lang doon, lalo na at aminado rin naman siya na halos limang buwan na ang nagdaan at ni text o tawag ay hindi man lang niya ginawa rito.

Kaya malamang ay mag-aalala ito sa kanya at magtataka kung bakit hindi na siya rito nagre-reach out, kaya siguro naisipan nitong puntahan siya.

Nagulat man siya kanina nung tawagin siya nito, pero mas inaalala niya ang magiging kalagayan ng kanyang anak kapag na-stress o nagalit si Jaela.

Alam kasi niyang baka magpang-abot ang dalawa at mauwi sa gulo o away.

Alam kasi niya na hindi nagpapatalo si Xyza kailanman, at alam niyang ganoon din si Jaela, lalo na at buntis ito.

Ayaw man niyang itrato ng ganoon kanina ang dalaga, pero
Serene Hope

Good evening.

| 3
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls.....
goodnovel comment avatar
Tifffany
kakawasa n magbasa ng ganito..
goodnovel comment avatar
Rayso Abdulgani
ang Tanga mo flint..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 128

    PAGPASOK ni Flint sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang amang nakaupo sa sofa sa living room.Walang binabasang magazine.Hindi nanonood ng TV.Kundi nakatulala ito sa kawalan na kahit ang presensiya niya ay hindi man lang napansin o naramdaman.Dahan-dahan niya itong nilapitan bago tinawag.“D-dad.”Mabilis itong napatingin sa direksyon niya, pero hindi niya alam kung tunay ba ang nakita niyang mga luha na tumulo sa mga mata nito, at wala siyang ideya kung para saan iyon.Sa biglaan ba niyang pag-uwi?O, dahil sa lungkot na bumabalot dito dahil sa pag-iisa?Nakangiti itong tumayo at lumapit sa kanya kasabay ng pagyakap ng mahigpit.“Sa wakas anak, naisipan mo ring umuwi. Alam mo ba na palagi kong ipinagdarasal na sana, ay matulog ka rito kahit isang gabi lang? Para naman maibsan ang kalungkutan ko sa pag-iisa,” sambit nito.Dahil doon ay hindi niya napigilang lumuha.“I-I’m sorry, dad. Hindi ko man lang naisip na naisasantabi na pala kita…” lumuluha niyang paliwanag.“Son, h

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 127

    “BESTY, ANO BA ANG NANGYARI? Bakit ganyan ang hitsura mo, ha?! Para kang sinabunutan at binugbog ng sampung ka-tao, Diyos ko naman!” gulat na sambit ng kaibigan niya matapos makita ang hitsura niya.Sobrang namamaga na kasi ang mga mata niya dahil sa maghapong pag-iyak, sabayan pa ng halos maghapon din siyang hindi nagsuklay ng buhok.Siguro ‘y ang medyo may kalakasang hangin sa ilalim ng puno na siyang kinaroroonan niya ang dahilan kung bakit naging sabog-sabog ang buhok niya.Agad naman siyang tumayo at mabilis itong sinunggaban ng yakap, kaya mas lalo itong nagtaka.“Besty, may hindi ka ba sa ‘kin sinasabi, ha? At saka, nakakapagtakang halos maghapon kang nawala sa condo, ni hindi ka rin sa ‘kin nagpaalam o kahit kay mommy. Alam mo bang nag-aalala ako sa ‘yo? Kanina pa sana kita gustong tawagan para tanungin kung saan ka nagpunta. Pero since naisip ko na rest day mo ngayong araw, ipinagpalagay ko na lang na baka lumabas ka at gusto mong gumala ng mag-isa.”“B-Besty…” humihikbi niya

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 126

    HINDI MAIPALIWANAG ni Flint ang galit na nararamdaman niya para kay Jaela.Ngayon, para siyang nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib dahil tuluyan na siyang nakalaya mula sa panloloko nito.Pero ang tanong, paniwalaan kaya siya ni Xyza kapag ipinaliwanag niya ang lahat dito?Maibabalik pa ba niya ang tiwala at pagmamahal nito sa kanya katulad nung dati?At paano kung hindi na?Doon niya lang naisip na halos sa limang buwan na hindi niya pag-reach out dito, baka sobrang bigat na ng nararamdaman nito at nababaliw na sa kaiisip kung bakit ganoon ang ginawa niya.Naging makasarili siya sa mga oras na iyon, dahil puro sarili lang niya ang iniisip. Puro sariling problema at damdamin, without knowing na pareho pala silang nasasaktan.Papalabas na siya ng pintuan ng bahay para sana umuwi na sa kanila, pero narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Jared."Atlas!” tawag nito sa kanya.Bilang tugon ay nilingon niya ito kahit na kunot na kunot ang kanyang noo.“Puwede ba tayong mag-usap kahit sa

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 125

    HALOS magkulay suka na ang mga labi ni Jaela nung bumaling ang tingin nito sa kanya.“B-babe, k-kanina ka pa ba riyan?” kanda-utal na tanong nito.“Don’t you ever call me that, again, Jaela,” mapanganib na sagot niya rito.“No, babe. A-ano ba ang mga narinig mo, ha?” tanong nito at nagtangkang hawakan pa siya sa braso, ngunit marahas niyang ipiniksi ang kamay nito.“Sagutin mo ang tanong ko,” mariin niyang sambit.Matatalim din ang mga titig na ibinibigay niya rito. “Totoo ba ang lahat ng mga ibinibintang sa ‘yo ng kuya mo? Na hindi ka totoong buntis at nakipagsabwatan ka kay Paolo para sirain ang relasyon namin ni Xyza at paghiwalayin kami? At higit sa lahat, niloloko mo lang ako at pinapaikot riyan sa mga palad mo para maangkin mo ako ng tuluyan?” dugtong niya, punong-puno ng kaseryosohan sa tinig, pero kalakip niyon ay panganib.“N-no, babe. N-nagsisinungaling lang si kuya! G-gumagawa lang siya ng mga kuwento na hindi ko alam kung bakit niya ginagawa!” pagtatanggi nito.“At sinong

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 124

    NAPANSIN niyang biglang natigilan si Jaela at parang naging balisa, pero sumagot pa rin ito sa kapatid.“Alam mo, kuya. Kung may problema ka sa ‘kin, sabihin mo ng diretso. Hindi iyong kung anu-ano pa ang mga ibinibintang mo sa ‘kin, gumagawa ka pa talaga ng mga kuwento at pati ang pagbubuntis ko ay idinadamay mo pa!”“Gusto mo talaga ng diretsahan, ha? Ha?!” tila naman hinahamon ni Jared ang kapatid.“Sige! Kakasabi ko lang, ‘di ba?! Para matapos na ‘yang pangingialam mo sa buhay ko!”“Sige! Ako pa talaga hinahamon mo, ha?!” galit na sagot ni Jared. “Unang-una, alam kong hindi ka totoon buntis,” mariing sambit ni Jared.“Oh my God, kuya, hayan ka na naman sa kakaganyan mo—”“Alam kong hindi ka totoong buntis dahil iyon ang sinabi sa ‘kin ni Paolo nung pinuntahan ko siya mismo doon sa kulungan! At magkasabwat din kayong dalawa para paghiwalayin sina Atlas at Xyza, ‘di ba?! Ano?! Huwag na huwag kang magde-deny dahil may record ako rito nang naging pag-amin niya!”Nangunot ng todo ang ka

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 123

    LULUGO-LUGO si Flint habang nakasunod kay Jaela papasok ng bahay, may kaliwa’t kanang bitbit na mga paper bags na may mga lamang pinamili nito.Pagkapasok nila sa kabahayan, dumiretso kaagad si Jaela sa kanilang kwarto, samantalang siya ay pumunta muna ng kusina para iwanan doon ang mga pagkaing pinamili.Naabutan niyang mag-isang nakaupo sa gitna ng lamesa si Jared, alam niyang pananghalian ang kinakain nito.Ngunit nang maramdaman nito ang kanyang presensiya, kahit alam niyang nagsisimula pa lang ito sa pagkain dahil halos kaunti pa lang ang bawas ng laman ng plato nito, ay mabilis itong tumayo.Bitbit ang plato, ay lumabas ito ng kusina. Ganoon palagi ang ginagawa nito simula nung muli siyang tumuntong sa pamamahay ng mga ito.Kapag nararamdaman nito ang kanyang presensiya, ay basta na lamang itong umaalis. Para na silang hindi magkakilala sa inaasta nito. Kahit ang tapunan man lang siya ng kahit isang tingin, ay hindi nito ginawa, o kahit ang kausapin siya ng kahit isang salita,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status