Share

Chapter 19

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-17 14:20:13

“FLINT! Hindi puwedeng hindi mo ‘ko payagang umalis ngayon! Maghihintay ang mga kaibigan ko! Maya-maya lang andiyan na sila sa labas ng subdivision!” sambit ni Xyza habang ipinapadyak ang mga paa, punong-puno ng pagkadismaya sa tinig.

“Wala akong pakialam! Kahit anong gawin mo, kahit gumulong ka pa sa sahig, hindi kita papayagan! Kaya ang mabuti pa, bumalik ka na sa kwarto mo at magbihis. Dahil ang gagawin mo ngayong araw ay labhan ang mga damit mo at maglinis ng kwarto mo,” maawtoridad nitong sambit.

“No! Hindi ako susunod sa ‘yo!” mariin niyang pagtanggi. “At saka, ako?” turo niya sa sarili.

“Papalabahin mo ako ng mga damit ko at papaglinisin ng kwarto?! My God, Flint! Kahit kailan, hindi ko naranasang gawin ‘yan noong nasa mansyon pa kami, at mas lalong noong nabubuhay pa si Daddy! Ang dami-dami mong katulong, kaya sila dapat ang gumagawa niyan!” dugtong pa niya.

“Noon ‘yon. Wala ka na sa mansyon ninyo, at wala na rin ang Daddy mo. Kaya ibig sabihin lang na magbabago na rin ang tak
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 34

    “YOU’RE SO BEAUTIFUL, Xyza…” sambit ni Flint, dahan-dahan siyang lumalapit sa dalaga, punung-puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata habang nakatingin dito.Doon naman parang natauhan si Xyza, mabilis nitong dinampot ang tuwalya para sana muling ibalot sa katawan nito, pero agad niya itong pinigilan.“Hindi mo na kailangang takpan ‘yan, baby. Dahil nakita ko na, nakita ko na ang lahat-lahat sa ‘yo…” bulong niya rito nang sa wakas ay makalapit siya, kasabay ng marahang paghaplos sa pisngi, pababa sa mga labi nitong kaylambot at kaypula, na para bang palagi siyang inaakit na halikan iyon sa tuwing mapapatingin siya roon.“N-no, kuya. H-hindi ito tama!” mariing pagtutol nito, pero kabaliktaran naman ang sinasabi ng katawan nito.Ramdam niyang nagugustuhan nito ang ginagawa niyang paghaplos sa mukha at sa mga labi nito, dahil napapapikit ito sa tuwing ginagawa niya iyon.Sinipa niya palayo ang tuwalya para hindi na makuha pa iyon ng dalaga. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilalapit ang m

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 33

    “NO! KUYA! Kalabisan naman siguro kung pati ang cellphone ko ay kukunin mo! Isa ‘yan sa mga libangan ko at nagpapasaya sa ‘kin!” malakas na sambit niya, biglang nawala ang kanina lang ay malaking takot niya rito.“Libangan? Nagpapasaya? Huh!” mapang-uyam nitong sambit. “Marami kang puwedeng paglibangan dito, katulad ng paghuhugas ng sarili mong pinagkainan, paglalaba ng sarili mong mga damit, at paglilinis ng sarili mong kwarto. At naghahanap ka kamo ng kasiyahan? Bakit hindi ka mag-aral? Ibayong kasiyahan ang mararamdaman mo kapag nahawakan mo na ang diploma ng iyong pinaghirapan,” mahabang dugtong nito.“Sino ka ba sa buhay ko para diktahan ako sa lahat ng gusto kong gawin, ha?!!! Magulang ba kita?!” sigaw niya rito dahil sa sobrang inis at pagkabigo. “Alam mo, kung si tito Alfredo lang, hindi siya mahirap tanggapin bilang bago kong ama, dahil alam niya kung saan siya lulugar sa buhay ko. Pero ikaw?” turo pa niya rito. “Ang yabang-yabang mo! Akala mo ay hawak mo ang buhay ko! Lahat

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 32

    HINDI ALAM ni Xyza kung ano ang gagawin nung mga sandaling naramdaman na niya sa kanyang likod ang dingding. Hindi niya alam kung paano pa matatakasan si Flint sa ayos niyang iyon.Halos gusto nang lumabas ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng kaba niya. Pinaghalong takot at hindi maipaliwanag na init ng katawan ang siyang dahilan niyon.Lalo na at nasasamyo niya ang mabangong hininga ni Flint na may kasamang matapang na amoy ng alak.Napipilitan na nga rin siyang tawagin itong kuya para ipaalala rito na magkatapid sila, kaya hindi nito puwedeng ituloy ang kung anong nais man nitong gawin sa kanya.Ramdam niya sa mga kilos ng binata, na sa tuwing magkakalapit sila, ang tila magnet na atraksyon nito sa kanya. At nakikita rin niya sa mga mata nito ang kung anong nakakubling damdamin mula roon.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan, lalo na at wala siyang suot ni isang panloob. Sa ngayon, kailangan niyang magpakumbaba rito, lalo na sa

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 31

    KAHIT LASING na si Flint ay nagawa pa rin niyang magmaneho pauwi. Malalim na ang gabi at ayaw na sana siyang payagan ni Jared dahil nga lasing na siya at delikado, pero nagpumilit pa rin siya.Hindi kasi siya sanay na natutulog sa ibang bahay, lalo na ang matulog sa hindi naman niya sariling silid.Halos anim na oras din silang nag-inuman ng kaibigan, nakaapat na bote pa nga sila ng whisky dahil sa haba ng kanilang pinag-usapan.Medyo nahihilo na siya pero kaya pa niyang dalhin ang sarili. Ligtas naman siyang nakarating ng bahay. Pagdating niya ay agad siyang sinalubong ni Manang Feli.“Good evening, Sir. Ipaghahanda ko pa po ba kayo ng makakain?” magalang na tanong nito.“No need, Manang Feli. Kumain na ako roon sa bahay ng kaibigan ko. Si Xyza, pinakain niyo po ba?” tanong niya.“Ayaw niya pong kumain Sir, eh. Kahit na anong pilit namin. At saka, parang matagal na siyang umiiyak kanina nung madatnan ko siya sa silid niya, kasi, magang-maga na iyong mga mata niya, eh,” sagot nito.“

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 30

    WALANG IDEYA si Xyza kung ilang oras na siyang nakadapa sa kama habang umiiyak. Parang wala siyang balak na umalis sa ganoong posisyon.Kanina lang ay masaya-masaya siya dahil sa wakas, ay natakasan niya ang strikto at pakialamerong kapatid, hindi alintana kung magalit man ito kapag natuklasang tumakas siya para lamang makalabas ng bahay.Kahit na nagkaroon man sila ng kaunting kaguluhan kanina ng kanyang mga kasama, ay hindi iyon nakaapekto sa kasiyahan niya dahil nagkaayos naman kaagad sila, dahil sa paghingi ng pasensiya ni Andro sa ginawa nito sa kanya. Kapag talaga magkasama sa iisang grupo sina Lance at Andro, ay palaging nag-aaway ang dalawa dahil sa kanya.Iyon nga lang, mas pinili na lang niyang maagang magpahatid pauwi kanina sa mga ito dahil na rin sa dami ng mga pinamili niya. Isusukat pa kasi niya pagdating ang mga damit.Ni hindi man lang pumasok sa isipan niya kanina na baka hinahanap na siya ni Flint at ng mga kasambahay dahil nga tumakas lang siya. Wala siyang ibang n

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 29

    “SO, ANO ANG PROBLEMA ng isang Flint Atlas Martinez at napasugod ka rito ng wala sa oras?” tanong sa kanya ni Jared.Naroroon sila sa gilid ng swimming pool sa harapan ng bahay nito, magkaharap silang nakaupo sa isang maliit na lamesa at umiinom ng tig-isang baso ng whisky, habang nasa harapan nila sa gitna ang bote niyon.“Kilala kita, bro. Hindi mo basta-basta iniiwan ang trabaho mo kung wala kang mabigat na dahilan. At hindi ka rin basta-basta lumulusob dito ng wala kang malaking problema,” muling sambit ni Jared, pagkatapos ay kinuha nito ang baso at sumimsim ng alak.“So, tell me? Ano ang problema mo?” muling tanong nito sabay baba ng baso sa lamesa.Siya naman ang sumimsim ng alak, pagkatapos ay ibinaba muna niya ang baso bago ito sinagot.“Muntik na ‘kong makagawa ng hindi maganda sa bago kong kapatid,” panimula niya.“You mean, si Xyza? Bakit?” kunot-noo nitong tanong.Alam nito ang bawat takbo at pangyayari sa kanyang pamilya dahil lahat ay sinasabi niya rito.Alam nitong pina

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status