Share

A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE
A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE
Author: Summer

KABANATA 001

Author: Summer
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-19 13:29:30

Sa loob ng ilang taong pagsasama, natutunan na ni Olivia ang katotohanang pilit niyang iniiwasang tanggapin: asawa man siya ni Daniel, hindi siya ang babaeng mahal nito.

Pero umaasa pa rin siya.

Na balang araw, mapapansin din siya nito. Na balang araw, siya naman ang pipiliin.

Sa mismong gabi ng kaarawan ni Daniel, bigla na lang bumigat ang katawan niya at nanlabo ang paningin. Humingi siya ng tulong sa lalaking dapat sana ay unang sasalo sa kaniya, pero mas pinili nitong unahin ang mga bisita—at ang taong matagal na nitong hinihintay.

Naiwan si Olivia sa isang madilim na silid, nanghihina at mag-isa.

Hanggang sa maramdaman niyang may ibang tao.

Sino ang lalaking nasa dilim? At bakit tila pamilyar ang presensiya nito?

Dahil minsan, ang taong gusto mong maniwalang nasa tabi mo ay hindi pala ang taong talagang nandon...

"Babe..."

Mahina ang boses ni Olivia habang pilit niyang inaabot ang braso ni Daniel na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisitang nakapaligid dito, at sa bawat segundong lumilipas ay pakiramdam niyang lalo siyang nilalamon ng init na hindi niya maipaliwanag.

Umiikot na ang buong paligid niya, lumalabo ang kaniyang paningin, at ang bawat tunog na kanina lang ay malinaw niyang naririnig ay unti-unting lumalayo na parang nasa ilalim siya ng tubig.

Mahigpit siyang kumapit sa gilid ng lamesa para hindi tuluyang matumba sa harap ng mga taong hindi naman nakakaalam kung gaano na kahirap para sa kaniya ang manatiling nakatayo.

"Babe, I don't feel well."

Nilingon siya ni Daniel bago pa niya makita kung may nakita ba itong pag-aalala sa kanya ibinalik na nito ang atensyon sa mga bisitang naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"Pagod ka lang siguro," malamig nitong sagot.

"Hindi... I think someone put something in my drink."

Kumunot ang noo nito, pero hindi ito lumapit o nagtanong kung ano ang ibig niyang sabihin, nakatayo lang ito na para bang isa lang siyang amlaking abala sa birthday nito.

"Can you take me home?"

Napatingin si Daniel sa paligid.

"Not now."

"Why?"

"Marami pang guests."

Pakiramdam ni Olivia ay may kung anong dumurog sa puso niya, hindi dahil sa sagot nito, kundi dahil hindi na siya nagulat doon.

Birthday ni Daniel ngayon, at buong araw siyang naging busy sa pag-aasikaso ng lahat ng kailangan para sa pagtitipon na yun, at kahit alam niyang hindi siya ang babaeng minamahal nito, umaasa pa rin siyang kahit ngayong gabi lang ay tatratuhin siya nito bilang asawa, kahit saglit, kahit sa harap lang ng ibang tao.

"Please..." pakiusap niya. "I really feel sick."

Nainis si Daniel at marahan nitong ibinuntong-hininga ang pagod na hindi naman talaga para sa kaniya.

"Fine. I'll get you a room upstairs. Magpahinga ka doon."

"Kasama ka?"

Natahimik si Daniel nang ilang sandali bago ito sumagot.

"I'll stay until you fall asleep."

Napangiti si Olivia, dahil kahit papaano ay may kaunting saya pa rin siyang naramdaman sa pangakong un, kahit na sa kaibuturan ng puso niya ay alam niyang hindi yun ang tunay na dahilan kung bakit ito pumayag.

May pupuntahan ito.

May taong kailangang makasama.

Ang babaeng minahal ni Daniel bago pa man siya naging asawa nito, ang unang pag-ibig na hindi nito kailanman nagawang kalimutan.

Tahimik siyang inalalayan ni Daniel paakyat sa private room sa ikalawang palapag ng hotel, at pagdating nila roon ay maingat siya nitong inihiga sa kama, na para bang yun na ang huling responsibilidad na kailangan nitong tapusin bago ito makaalis.

"Rest."

"Are you really going to stay?"

"Yes. Pero bilisan mong matulog kasi ang daming tao sa baba. Nakakahiya sa kanila."

Tumango si Olivia.

Hindi na niya tinanong kung bakit tila nagmamadali ito, at kahit nakapikit na siya ay ramdam pa rin niya ang paulit-ulit nitong pagsulyap sa relo nito, na parang bawat minutong ginugugol nito sa tabi niya ay isang oras na nawawala sa taong talagang gusto nitong puntahan.

"You can go ahead na. Hindi ko na rin kaya. Itutulog ko na lang ito."

Tumango si Daniel at lumabas ng silid.

Pagkasara ng p***o, muling ipinikit ni Olivia ang kaniyang mga mata at mapait siyang napangiti, dahil kahit alam na niya ang sagot ay umaasa pa rin siyang babalik ito, at baka ngayong gabi, kahit isang beses lang, yakapin siya nito bilang asawa.

Napakaliit lang ng hinihingi niya.

Kaunting lambing.

Kaunting pagmamahal.

Kahit isang maliit na paalala na may halaga rin siya sa buhay nito.

Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras hanggang sa tuluyan siyang hilahin ng antok.

Nagising si Olivia sa kalagitnaan ng gabi, hindi dahil sa ingay, kundi dahil may kakaiba siyang naramdaman na hindi niya agad mapangalanan.

May tao sa room!

Bahagya niyang iminulat ang mga mata, pero napakadilim ng silid at halos wala siyang makita, kaya hindi niya maaninag nang malinaw ang mukha ng taong nasa tabi niya.

"Babe...?"

Walang sumagot.

Hindi rin umalis ang lalaki…dahan-dahan itong lumapit sa kaniya.

Kinabahan si Olivia, dahil sa epekto ng gamot mabigat pa rin ang kaniyang katawan at hindi siya makapag-isip nang diretso, kaya't hindi niya nagawang tumutol o lumayo.

"Is that you?"

Hindi pa rin sumagot ang lalaki.

Sa kabila nito, may kakaibang pakiramdam ng pagiging pamilyar na bumalot sa kaniya, marahil dahil sabik na sabik siyang maniwalang ang lalaking yun ay asawa niya, o marahil dahil gusto lang niyang maniwala.

"Why are you so quiet?"

Wala pa ring sagot.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, at sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon nilang pagsasama, naramdaman niyang baka sa wakas ay hinahanap din siya ni Daniel, at baka may bahagi na rin ng puso nito na nakalaan para sa kaniya.

Hindi niya alam kung tama o mali ang ginagawa niya.

That night, pinilit niyang kalimutan ang lahat: ang bawat pagtanggi nito sa kaniya, ang paraan ng pagtrato nito sa kaniya na parang isang obligasyon lang, at ang babaeng matagal nang nakatayo sa pagitan nilang dalawa.

Gusto lang niyang maramdaman na isa siyang tunay na babae.

Sa gitna ng kaniyang pagkalito, hinayaan na lang niya ang sarili niyang mahulog sa mga bisig ng lalaking pinaniniwalaan niyang asawa niya.

"Thank God, bumalik ka. Hindi mo ako natiis."

At sa gabing yun, naging ganap siyang babae sa lahat ng kahulugan ng salita.

Kinaumagahan, dahan-dahang iminulat ni Olivia ang kaniyang mga mata.

Masakit ang kaniyang ulo at mabigat ang buong katawan niya, pero tuluyang nawala ang antok niya sa sandaling maramdaman niyang may taong nakahiga sa tabi niya.

Napangiti siya at lumingon, pero bigla siyang natigilan at napabalikwas mula sa kama.

"Who are you?!"

Lumingon ang lalaki, at sa unang pagkakataon ay nakita niya nang malinaw ang mukha nito: ang mahahabang pilik-mata, ang matalim na panga, ang matangos na ilong, at higit sa lahat, ang pamilyar na bagay sa mga mata nito na hindi niya agad maisip kung saan niya nakita.

Lumaki ang mga mata ni Olivia.

Oh no!

Para bang bumalik sa isang iglap ang isang alaala mula sa malayong nakaraan, ang alaala ng isang binatang minsan niyang iniwan, ang lalaking minsang nangakong hindi siya iiwan, at ang lalaking pinili niyang takasan.

"Hindi..."

Nanginig siya at napaatras.

Iminulat ng lalaki ang kaniyang mga mata, at nagtama ang tingin nila ni Olivia.

Humito ang mundo niya.

Siya yun!

Ang dating mataba, mahiyain, at nerdy na binatang iniwan niya noon, hindi na ito ang lalaking nakilala niya, dahil ang nasa harapan niya ngayon ay isang makapangyarihang lalaki na tila kayang bilhin ang buong mundong ginagalawan niya.

"It's you..."

Kumunot ang noo ng lalaki, hanggang sa dahan-dahan itong napangiti.

"Finally, you remember me."

Nagtaka si Olivia.

"Paano...?"

Hindi na siya hinintay ng lalaking sumagot, dahil agad na siyang bumaba ng kama, nagmadaling nagbihis, at tumakbo palabas ng silid na parang may humahabol sa kaniya.

Napangiti ang lalaki habang pinapanood siyang umalis.

"Run, baby. You've always been good at that. Pero babalik ka rin... this time on my terms."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 005

    Pagdating ni Olivia sa bahay napansin niya ang kotse ni Daniel sa driveway, at nang maisip niyang nandoon ang kaniyang asawa ay saglit niyang naisip na umikot na lang pabalik.Puwede siyang magpalipas ng ilang oras sa kahit anong café, maglakad-lakad sa mall, or mag-stay muna sa loob ng kotse hanggang sa makahanap siya ng sapat na lakas ng loob para harapin ito, pero hanggang kailan ba siya tatakbo?Pagod na siyang mabuhay sa gitna ng mga tanong, at pagod na siyang magkunwaring maayos ang lahat, kaya kung may mga bagay mang kailangan niyang marinig, mas mabuting manggaling ang mga yun mismo kay Daniel.Huminga siya nang malalim bago tuluyang bumaba ng kotse.Pagpasok niya sa sala ay nakita niya si Daniel na may kausap sa cellphone, nakatalikod sa kaniya at abala sa paglalakad pabalik-balik sa harap ng sofa."I'm telling you, we need to settle this before she finds out—"Natigilan ito nang makita siya, at mabilis nitong ibinaba ang tawag."Olivia. You're home."Tinitigan niya ang kani

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 004

    Hindi alam ni Olivia kung alin sa lahat ng nalaman niya ang mas masakit tanggapin, ang katotohanang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa kapalit ng isang ₱10-billion project, o ang posibilidad na ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay hindi pala isang simpleng aksidente.Magdamag siyang hindi nakatulog, at paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Alexander, lalo na ang babala nitong hindi lang si Daniel ang lalaking nagtraydor sa kaniya.Ngayong nakatitig siya sa screen ng kaniyang cellphone, hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang mensaheng ipinadala nito.I'm sending a car for you at nine. We need to talk.Pumikit siya at napabuntong-hininga.Eksaktong alas-nuwebe nang makarating si Olivia sa opisina ni Alexander, at pagbukas pa lang ng elevator ay sinalubong na siya ng assistant nito at agad na inihatid sa executive office.Nakatayo si Alexander sa harap ng malalaking bintana, nakasuot ng dark blue na suit na lalong nagpapakita ng matipuno nitong

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 003

    Hindi na nagsalita si Alexander matapos niyang iabot ang kontrata kay Olivia. Tumayo ito, inayos ang manggas ng kaniyang suit, at lumakad palabas ng receiving room na para bang wala itong iniwang pasabog sa gitna ng bahay na yun.Naiwan si Olivia na hawak ang mga papeles, at habang binabasa niya ang bawat pahina ay nanginginig pa rin ang buong katawan, kahit hindi naman niya kailangang maging abogado para malaman ang pinakamahalagang bahagi ng kontrata.Sa ibaba ng huling pahina ay may nakapirmang pangalang kilalang-kilala niya.Ang pirma ni Daniel.Ilang taon na niyang nakikita ang pirmang yun sa mga dokumentong ipinapasa sa kaniya ng asawa, pero ngayon lang niya naisip kung ilang beses na ba siyang pumirma, umoo, at nagtiwala nang hindi man lang tinatanong kung ano talaga ang nakasulat sa mga papel.Hindi siya umiyak, at yun ang pinakanakakagulat sa lahat, dahil akala niya ay babagsak siya at hindi na makakabangon sa sandaling malaman niyang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa k

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 002

    Pagkauwi ni Olivia sa bahay, diretso siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower, at nang bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig ay paulit-ulit niyang kinuskos ang sarili na para bang may paraan para mabura ang lahat ng nangyari last night."Hindi dapat nangyari yun..."Sandali siyang natulala, napahawak sa dibdib dahil sa sakit na naramdaman niya roon, isang sakit na hindi nagmula sa nangyari sa hotel kundi sa isang bagay na unti-unti niyang naiintindihan habang tumatagal.Nasaan si Daniel kagabi?Bakit hindi ito bumalik sa silid na ipinangako nitong babantayan siya?At bakit nakapasok ang isang estranghero sa kuwarto?Paglabas niya ng banyo, agad niyang ipinatawag ang mga kasambahay, at kahit pilit niyang pinapanatiling kalmado ang boses niya ay halata pa rin ang panginginig nito."Umuwi ba si Sir ninyo kagabi?"Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot ang isa."Hindi po, Ma'am."Natigilan si Olivia."Are you sure?""Opo, Ma'am. Hindi po siya umuwi buong gabi."Kung hindi

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 001

    Sa loob ng ilang taong pagsasama, natutunan na ni Olivia ang katotohanang pilit niyang iniiwasang tanggapin: asawa man siya ni Daniel, hindi siya ang babaeng mahal nito.Pero umaasa pa rin siya.Na balang araw, mapapansin din siya nito. Na balang araw, siya naman ang pipiliin.Sa mismong gabi ng kaarawan ni Daniel, bigla na lang bumigat ang katawan niya at nanlabo ang paningin. Humingi siya ng tulong sa lalaking dapat sana ay unang sasalo sa kaniya, pero mas pinili nitong unahin ang mga bisita—at ang taong matagal na nitong hinihintay.Naiwan si Olivia sa isang madilim na silid, nanghihina at mag-isa.Hanggang sa maramdaman niyang may ibang tao.Sino ang lalaking nasa dilim? At bakit tila pamilyar ang presensiya nito?Dahil minsan, ang taong gusto mong maniwalang nasa tabi mo ay hindi pala ang taong talagang nandon..."Babe..."Mahina ang boses ni Olivia habang pilit niyang inaabot ang braso ni Daniel na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisitang nakapaligid dito, at sa bawat segund

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status