Share

KABANATA 004

Author: Summer
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-19 13:31:38

Hindi alam ni Olivia kung alin sa lahat ng nalaman niya ang mas masakit tanggapin, ang katotohanang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa kapalit ng isang ₱10-billion project, o ang posibilidad na ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay hindi pala isang simpleng aksidente.

Magdamag siyang hindi nakatulog, at paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Alexander, lalo na ang babala nitong hindi lang si Daniel ang lalaking nagtraydor sa kaniya.

Ngayong nakatitig siya sa screen ng kaniyang cellphone, hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang mensaheng ipinadala nito.

I'm sending a car for you at nine. We need to talk.

Pumikit siya at napabuntong-hininga.

Eksaktong alas-nuwebe nang makarating si Olivia sa opisina ni Alexander, at pagbukas pa lang ng elevator ay sinalubong na siya ng assistant nito at agad na inihatid sa executive office.

Nakatayo si Alexander sa harap ng malalaking bintana, nakasuot ng dark blue na suit na lalong nagpapakita ng matipuno nitong pangangatawan, habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa at ang isa naman ay may hawak na tasa ng kape.

Humito si Olivia sa may pintuan.

Minsan ay hindi niya maiwasang isipin kung paano nagawang magbago nang ganoon kalaki ng dating Alexander na kilala niya, dahil ang lalaking dati ay halos hindi makatingin sa kaniyang mga mata ay nakatayo ngayon sa harapan niya na para bang pag-aari nito ang buong mundo.

At nakakainis, dahil masyado itong guwapo.

Stop it, Olivia. Hindi ka pumunta rito para titigan siya.

"Are you planning to stand there all day?" tanong ni Alexander nang hindi lumilingon.

Kumunot ang noo niya.

"Are you always this arrogant?"

Humarap ito sa kaniya, at bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito.

"Only when someone keeps staring at me."

Agad na namula ang pisngi ni Olivia.

"I wasn't staring!"

"Of course." Inilapag nito ang tasa sa mesa. "Would you like coffee? Or do you still prefer hot chocolate?"

Natigilan siya. Naaalala pa rin nito ang gusto niya?

Noong bata pa sila, hot chocolate ang palagi niyang hinihingi tuwing bumibisita siya sa bahay ng pamilya ni Alexander, at kahit mainit ang panahon ay ayaw niyang uminom ng kape dahil masyado itong mapait para sa kaniya.

"Black coffee," mabilis niyang sagot. "I've changed."

Saglit na nagtagal ang tingin ni Alexander sa kaniya.

"Apparently."

Umismid si Olivia.

"Can we get down to business?" mataray niyang tanong.

Tumango si Alexander at itinuro ang upuang nasa harap ng mesa nito.

"Please. Have a seat."

Habang umuupo si Olivia ay napansin niyang nakahanda na ang ilang dokumento sa ibabaw ng mesa, kabilang ang isang lumang sobre, ilang photocopy ng legal papers, at isang litratong bahagyang nakatago sa ilalim ng folder, at kahit hindi pa nagsisimula ang usapan nila ay may masama na siyang kutob.

"What's all this?"

"Something your parents left behind."

"My parents?"

Inabot ni Alexander sa kaniya ang isang lumang liham.

"Your father wrote this shortly before they died."

Maingat niyang tinanggap ang papel, at habang binabasa niya ang sulat ay nanginginig ang buong katawan niya, dahil hindi niya kailangang maging attorney para ma-realize na ang pinakamahalagang bahagi nito: may isang taong malapit sa pamilya nila na nagtatangkang kontrolin ang family trust na nakalaan para sa kaniya.

Ang mas nakakagulat pa ay ang huling bahagi ng sulat, kung saan may pangalan sanang nakasulat pero napunit na ang papel bago pa niya mabasa kung sino yun.

"Who did this?" tanong niya.

"I don't know. Not yet."

Tumingin siya kay Alexander.

"You expect me to believe that? You've been investigating my husband's company for three years, and you're telling me you know everything about Daniel's transactions, but you don't know who threatened my family?"

Hindi agad sumagot si Alexander, bahagya itong yumuko at pinagmasdan siya.

"I'm not asking you to believe me, Olivia. I'm asking you to look at the evidence."

"And why should I trust you?"

Sa pagkakataong yun nawala ang bahagyang ngiti sa mukha nito.

"You shouldn't."

Napakurap siya.

"What?"

"Don't trust me blindly." Umayos ng tayo si Alexander. "Ask questions. Check every document. Hire your own lawyer if you have to. But don't ignore the truth just because you're afraid of what you'll find."

Hindi inaasahan ni Olivia ang sagot na yun, dahil mas madali sana kung pinilit siya nitong maniwala, o kung ipinakita nito ang kayabangan at ipinilit na siya lang ang makapagliligtas sa kaniya, but hindi ito ginawa ni Alexander, kung hindi binigyan siya nito ng pagkakataong magdecide para sa sarili niya.

At sa hindi malamang dahilan, mas lalo siyang naging worried.

"There's something else," sabi ni Alexander.

Kinuha nito ang isa pang dokumento mula sa folder at inilapag sa harapan niya, at nakaipit sa pagitan ng mga papel ang isang lumang litrato na agad niyang tiningnan.

Nandoon ang kaniyang mga magulang, nakangiti sa harap ng isang malaking bahay, katabi ng kaniyang ama ang ama ni Alexander, at sa likuran nila ay may isang lalaking nakasuot ng itim na suit na may mukhang pamilyar.

Masyadong pamilyar.

"Wait..." Lumapit siya sa litrato. "I know this man."

Tumayo si Alexander sa likuran niya para tingnan ang hawak niyang larawan.

"Who is he?"

Hindi agad nakasagot si Olivia dahil pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang mukha ng lalaki.

"He used to visit our house when I was younger. I remember my father introducing him to me, but I can't remember his name."

"You're sure?"

"Yes." Humarap siya rito. "Bakit? Sino siya?"

Bago pa makasagot si Alexander ay tumunog ang cellphone nito, at sinagot niya ang tawag, at ilang segundo lang ang lumipas ay nagbago na ang ekspresyon ng muka nito.

"What do you mean someone requested the file?" malamig nitong tanong. "When?"

Tahimik siyang nakinig bago muling nagsalita.

"Send me a copy of the authorization. I want it on my desk within the hour."

Pagkababa nito ng tawag ay agad na nagtanong si Olivia.

"What happened?"

Tumingin ito sa kaniya.

"Someone requested the transfer of an original document from the law firm's archive. The same archive where your parents' marriage agreement was kept."

"Sino nagrequest non?"

Hindi agad sumagot si Alexander, instead kinuha nito ang isang papel mula sa folder at iniabot sa kaniya.

Isang pangalan ang nakasulat sa authorization form.

Daniel.

Nagulat si Olivia.

"No..." Mahina ang kaniyang boses. "This can't be happening."

Mamumutla si Olivia. Mapapansin ito ni Alexander kaya marahan siya nitong hinawakan para alalayan siya.

"Olivia, sit down."

"I'm fine."

"You're shaking."

"I'm fine, Alexander!"

Masyadong mabilis ang sagot niya at masyadong mataas ang boses niya, at nang subukan niyang humakbang palayo ay muntik siyang mawalan ng balanse, kaya agad siyang inalalayan ni Alexander.

"Easy." Mas naging malumanay ang boses nito. "I've got you."

Sa isang iglap, nagtagpo ang kanilang mga mata.

Naramdaman ni Olivia ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso, matatag pero maingat. Mas lalong nagulo si Olivia sa pinaparamdam sa kanya ni Alexander.

For how many years niyang hinintay na si Daniel ang magpakita ng Ganong pag-aalala, at kahit simpleng pagtatanong lang kung kumain na ba siya ay sapat na sana, pero palagi siyang abala sa paghihintay sa isang lalaking hindi naman talaga nakatingin sa kaniya, samantalang ngayon, ang lalaking pilit niyang iniiwasang pagkatiwalaan ang siyang unang nakapansin na nahihirapan siya.

Dahan-dahang bumitaw si Alexander nang makitang kaya na niyang tumayo nang maayos.

"I'm sorry," mahina niyang sabi.

"For what?"

"For being weak."

Biglang nagbago ang ekspresyon nito.

"Don't ever say that again."

Napatingin siya rito.

"You're allowed to be hurt, Olivia. You're allowed to be angry. And you're allowed to fall apart when the people you trust betray you."

Saglit itong tumigil bago idinagdag, "You don't have to pretend you're okay just because someone's watching."

Hindi alam ni Olivia kung bakit may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan, at mabilis siyang umiwas ng tingin bago pa nito mapansing naiiyak na siya.

"Bakit mo ba to ginagawa?" tanong niya. "Why do you still care about me after all these years?"

Hindi sasagot si Alexander.

Mapapansin ni Olivia na gusto nitong magsalita pero ending binigyan siya nito ng space.

"Because some things don't disappear just because time passes."

“Anong ibig mong sabihin?” Hindi sasagot si Alexander. Magdedecide naman si Olivia na umalis.

"I need to go home."

Hindi siya pinigilan ni Alexander.

"I'll have my driver take you."

"I can go home by myself."

"Alam ko"

"Then stop acting like I need someone to look after me."

Bahagyang ngumiti si Alexander, may lungkot sa mga mata nito.

"Fine. I'll walk you to the elevator. At least let me do that."

Bumuntong-hininga si Olivia.

"You're impossible."

"And yet, you still remember me."

Napatigil si  Olivia sa sinabi ni Alexander.

Mabilis na lumapit si Alexander sa pintuan at binuksan yun para sa kaniya na para bang wala itong sinabing nagpayanig sa kanya pero bago siya makalabas hindi niya napigilang lingunin ito.

For a while, nakita niya ang batang minsan niyang nakilala, ang mahiyaing batang sunod nang sunod sa kaniya. Naalala ang bawat maliit na bagay na gusto niya, at tumitingin sa kaniya na para bang siya ang pinaka importanteng tao sa mundo.

But instantly naglaho ang image na yun.

Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay isang bilyonaryong kayang bilhin ang lahat, kasama siya…

Papayag ba siya?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 005

    Pagdating ni Olivia sa bahay napansin niya ang kotse ni Daniel sa driveway, at nang maisip niyang nandoon ang kaniyang asawa ay saglit niyang naisip na umikot na lang pabalik.Puwede siyang magpalipas ng ilang oras sa kahit anong café, maglakad-lakad sa mall, or mag-stay muna sa loob ng kotse hanggang sa makahanap siya ng sapat na lakas ng loob para harapin ito, pero hanggang kailan ba siya tatakbo?Pagod na siyang mabuhay sa gitna ng mga tanong, at pagod na siyang magkunwaring maayos ang lahat, kaya kung may mga bagay mang kailangan niyang marinig, mas mabuting manggaling ang mga yun mismo kay Daniel.Huminga siya nang malalim bago tuluyang bumaba ng kotse.Pagpasok niya sa sala ay nakita niya si Daniel na may kausap sa cellphone, nakatalikod sa kaniya at abala sa paglalakad pabalik-balik sa harap ng sofa."I'm telling you, we need to settle this before she finds out—"Natigilan ito nang makita siya, at mabilis nitong ibinaba ang tawag."Olivia. You're home."Tinitigan niya ang kani

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 004

    Hindi alam ni Olivia kung alin sa lahat ng nalaman niya ang mas masakit tanggapin, ang katotohanang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa kapalit ng isang ₱10-billion project, o ang posibilidad na ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay hindi pala isang simpleng aksidente.Magdamag siyang hindi nakatulog, at paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Alexander, lalo na ang babala nitong hindi lang si Daniel ang lalaking nagtraydor sa kaniya.Ngayong nakatitig siya sa screen ng kaniyang cellphone, hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang mensaheng ipinadala nito.I'm sending a car for you at nine. We need to talk.Pumikit siya at napabuntong-hininga.Eksaktong alas-nuwebe nang makarating si Olivia sa opisina ni Alexander, at pagbukas pa lang ng elevator ay sinalubong na siya ng assistant nito at agad na inihatid sa executive office.Nakatayo si Alexander sa harap ng malalaking bintana, nakasuot ng dark blue na suit na lalong nagpapakita ng matipuno nitong

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 003

    Hindi na nagsalita si Alexander matapos niyang iabot ang kontrata kay Olivia. Tumayo ito, inayos ang manggas ng kaniyang suit, at lumakad palabas ng receiving room na para bang wala itong iniwang pasabog sa gitna ng bahay na yun.Naiwan si Olivia na hawak ang mga papeles, at habang binabasa niya ang bawat pahina ay nanginginig pa rin ang buong katawan, kahit hindi naman niya kailangang maging abogado para malaman ang pinakamahalagang bahagi ng kontrata.Sa ibaba ng huling pahina ay may nakapirmang pangalang kilalang-kilala niya.Ang pirma ni Daniel.Ilang taon na niyang nakikita ang pirmang yun sa mga dokumentong ipinapasa sa kaniya ng asawa, pero ngayon lang niya naisip kung ilang beses na ba siyang pumirma, umoo, at nagtiwala nang hindi man lang tinatanong kung ano talaga ang nakasulat sa mga papel.Hindi siya umiyak, at yun ang pinakanakakagulat sa lahat, dahil akala niya ay babagsak siya at hindi na makakabangon sa sandaling malaman niyang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa k

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 002

    Pagkauwi ni Olivia sa bahay, diretso siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower, at nang bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig ay paulit-ulit niyang kinuskos ang sarili na para bang may paraan para mabura ang lahat ng nangyari last night."Hindi dapat nangyari yun..."Sandali siyang natulala, napahawak sa dibdib dahil sa sakit na naramdaman niya roon, isang sakit na hindi nagmula sa nangyari sa hotel kundi sa isang bagay na unti-unti niyang naiintindihan habang tumatagal.Nasaan si Daniel kagabi?Bakit hindi ito bumalik sa silid na ipinangako nitong babantayan siya?At bakit nakapasok ang isang estranghero sa kuwarto?Paglabas niya ng banyo, agad niyang ipinatawag ang mga kasambahay, at kahit pilit niyang pinapanatiling kalmado ang boses niya ay halata pa rin ang panginginig nito."Umuwi ba si Sir ninyo kagabi?"Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot ang isa."Hindi po, Ma'am."Natigilan si Olivia."Are you sure?""Opo, Ma'am. Hindi po siya umuwi buong gabi."Kung hindi

  • A TEN-BILLION-DOLLAR DEAL FOR HIS RUNAWAY BRIDE   KABANATA 001

    Sa loob ng ilang taong pagsasama, natutunan na ni Olivia ang katotohanang pilit niyang iniiwasang tanggapin: asawa man siya ni Daniel, hindi siya ang babaeng mahal nito.Pero umaasa pa rin siya.Na balang araw, mapapansin din siya nito. Na balang araw, siya naman ang pipiliin.Sa mismong gabi ng kaarawan ni Daniel, bigla na lang bumigat ang katawan niya at nanlabo ang paningin. Humingi siya ng tulong sa lalaking dapat sana ay unang sasalo sa kaniya, pero mas pinili nitong unahin ang mga bisita—at ang taong matagal na nitong hinihintay.Naiwan si Olivia sa isang madilim na silid, nanghihina at mag-isa.Hanggang sa maramdaman niyang may ibang tao.Sino ang lalaking nasa dilim? At bakit tila pamilyar ang presensiya nito?Dahil minsan, ang taong gusto mong maniwalang nasa tabi mo ay hindi pala ang taong talagang nandon..."Babe..."Mahina ang boses ni Olivia habang pilit niyang inaabot ang braso ni Daniel na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisitang nakapaligid dito, at sa bawat segund

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status