Mag-log inHindi na nagsalita si Alexander matapos niyang iabot ang kontrata kay Olivia. Tumayo ito, inayos ang manggas ng kaniyang suit, at lumakad palabas ng receiving room na para bang wala itong iniwang pasabog sa gitna ng bahay na yun.
Naiwan si Olivia na hawak ang mga papeles, at habang binabasa niya ang bawat pahina ay nanginginig pa rin ang buong katawan, kahit hindi naman niya kailangang maging abogado para malaman ang pinakamahalagang bahagi ng kontrata.
Sa ibaba ng huling pahina ay may nakapirmang pangalang kilalang-kilala niya.
Ang pirma ni Daniel.
Ilang taon na niyang nakikita ang pirmang yun sa mga dokumentong ipinapasa sa kaniya ng asawa, pero ngayon lang niya naisip kung ilang beses na ba siyang pumirma, umoo, at nagtiwala nang hindi man lang tinatanong kung ano talaga ang nakasulat sa mga papel.
Hindi siya umiyak, at yun ang pinakanakakagulat sa lahat, dahil akala niya ay babagsak siya at hindi na makakabangon sa sandaling malaman niyang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa kapalit ng isang ten-billion-peso project.
Walang luhang tumulo kay Olivia. Mas luminaw sa isip niya, na para bang may switch sa loob niya na tuluyan nang pinatay.
Maingat niyang ibinalik ang kontrata sa folder bago naupo sa sofa, at doon siya naghintay, dahil kung may isang bagay lang na gusto niyang marinig ngayong gabi, yun ay ang katotohanang manggagaling mismo sa bibig ng kaniyang asawa.
Alas-nuwebe na ng gabi nang makauwi si Daniel, at narinig ni Olivia ang pagbukas ng gate, ang mga yabag nito sa labas, at ang boses nitong may kausap sa telepono.
"Yes. I'll handle it. Just make sure everything's ready by Friday."
Humito ito sa pintuan nang makita siyang nakaupo sa sala, kung saan madilim ang paligid maliban sa mahinang ilaw sa tabi ng sofa.
"Why are you still awake?"
Hindi agad sumagot si Olivia, instead inilapag niya ang folder sa center table nang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang asawa.
Tiningnan ni Daniel ang mga papeles, saglit lang, pero sapat na yun para mapansin niya ang bahagyang pagtigas ng panga nito.
"What's that?"
"You tell me."
Ibinaba ni Daniel ang cellphone at hinubad ang necktie nito, na tila ba hirap itong huminga sa gitna ng katahimikang bumabalot sa kanila.
"Olivia, I'm tired. Can we talk about this tomorrow?"
"No."
Napatingin ito sa kaniya.
"Hindi kita tatanungin kung saan ka galing kagabi," mahinahon niyang sabi. "Alam ko namang hindi mo sasabihin ang totoo."
"Olivia—"
"Nandito si Alexander kanina."
Nagulat si Daniel, at kahit mabilis na nawala ang ekspresyong yun sa mukha nito, nakita pa rin yun ni Olivia.
"Why did you talk to him?"
Napangiti si Olivia, but halata ang pait at pang-uuyam sa ngiting yun.
"Hindi ko siya hinanap, Daniel. Siya ang pumunta sa bahay natin, at bago mo ako sisihin, baka gusto mong ipaliwanag kung bakit ang pangalan ko ang nakalagay sa business agreement ninyong dalawa."
Binuksan niya ang folder, inilabas ang isang pahina, at ipinatong sa harapan ni Daniel.
"Bakit nakasulat dito ang pangalan ko?"
Tumahimik ito.
For the first time, walang masabi si Daniel, dahil wala na itong maitatanggi at wala nang salitang makapagtatakip sa mga letrang nakasulat mismo sa papel.
Bumuntong-hininga ito at naupo sa harapan ni Olivia.
"You're making this bigger than it is."
Natawa si Olivia sa kapal ng mukha ng kaniyang asawa.
"Really?"
"Yes. It's a business arrangement. You're taking it too personally."
"Too personally?" Mahina siyang natawa. "Daniel, pangalan ko ang nakalagay sa kontrata, at ako ang taong pinag-uusapan ninyo, kaya paano ko ito dapat tanggapin?"
"You're not being sold, Olivia."
"Then what do you call it?"
Sandaling natahimik si Daniel bago ito sumandal sa sofa at hinilot ang sentido nito.
"It's a marriage arrangement. Isang kondisyon lang yun na kailangan kong sundin para makuha ang project."
Seryosong tumingin si Olivia sa kaniya.
"Ten billion pesos," dagdag ni Daniel. "Do you have any idea what that means for the company? This project could change everything, and it could secure our future for years."
"Our future?"
"Yes, our future."
"Then why does it feel like I'm the only one who has to pay for it?"
Hindi agad nakasagot si Daniel.
"Business lang ito, Olivia. Isang sacrifice na kailangan kong gawin para sa future ng kumpanya."
"Sacrifice?"
Tumango si Olivia habang pilit na inuunawa ang sinasabi nito.
"Sino ba talaga ang nagsasakripisyo dito, Daniel?"
"Don't be dramatic."
Hindi na nakapagtimpi si Olivia, dahil napansin niyang puro kumpanya ang binabanggit ng kaniyang asawa, ang project, ang future, at ang perang makukuha nila, pero kahit isang beses ay hindi nito tinanong kung ano ang nararamdaman niya, kung nasasaktan ba siya, kung natatakot ba siya, o kung gusto ba niyang mapunta sa kamay ng lalaking minsang naging bahagi ng kaniyang nakaraan.
Asawa pa ba ang tingin nito sa kaniya, o isa lang instrumento para sa isang pirma sa dulo ng isang kontrata?
"Wala man lang 'sorry'?" mahina niyang tanong.
Hindi sumagot si Daniel.
Hindi makapaniwala si Olivia, at napaisip siya kung ito pa ba talaga ang lalaking pinakasalan niya.
Huminga siya nang malalim, dahil kung hindi siya magtatanong ngayon ay baka hindi na niya malaman kailanman kung bakit siya ang kailangang isakripisyo.
"Why me?"
Nagtaka si Daniel.
"What?"
"Sa dami ng puwede niyang hingin, bakit ako ang isinama sa deal?"
Matagal bago ito sumagot, at nang magsalita na si Daniel ay mas mahina na ang boses nito.
"He asked for you specifically."
Nanlamig si Olivia.
"Bakit?"
"Hindi ko alam."
"Daniel."
Umiwas ito ng tingin.
"He knew everything about you. Where you live, who you married, how long you've been married. I didn't even have to explain anything to him."
Nanlamig muli si Olivia, at naalala niya kung paanong naupo si Alexander sa sofa kanina na para bang matagal nang kaniya ang bahay, walang pagkabigla sa mukha nito at walang pag-aalinlangan sa bawat kilos nito.
Hindi siya basta pangalang nabasa lang ni Alexander sa isang kontrata.
Alam na alam nito kung sino siya.
Hindi aksidente ang pagpili nito sa kaniya, at kung totoo yun, hindi rin aksidente ang pagbabalik nito, dahil matagal na itong pinagplanuhan.
Habang tahimik na pinoproseso ni Olivia ang lahat, napansin niyang paulit-ulit na tinitingnan ni Daniel ang kontrata, at matalim ang tingin nito sa hawak niya na para bang may kinatatakutan itong makita niya.
Muling ibinaling ni Olivia ang kaniyang atensyon sa mga pahina, at dahil nagsimula na siyang magduda ay sinuri niyang muli ang kontrata mula umpisa.
Pahina walo.
Pahina sampu.
Nagtaka si Olivia.
"Where's page nine?"
Biglang nanigas si Daniel.
"What page?"
"Don't do that."
"Do what?"
"Don't pretend you don't understand what I'm asking."
Pinagpasa-pasahan ng mga daliri ni Olivia ang mga pahina, at doon niya nakumpirmang talagang may nawawala.
"May nawawalang page. Nasaan yun?"
"Wala namang mahalagang nakalagay doon."
Tumingin siya sa kaniyang asawa.
"Then why are you so nervous?"
"I'm not nervous, Olivia."
"Then give it to me."
"Olivia—"
"Daniel."
Hindi niya itinaas ang kaniyang boses at hindi na rin niya kailangan, dahil may kung anong tigas sa tono niya na hindi pa nito naririnig noon, isang tigas na hindi galing sa galit na pasigaw kundi sa katiyakang hindi na siya basta maniniwala sa anumang paliwanag nito.
Ngayon niya naintindihan ang sinabi ni Alexander kanina, na ang asawa niya mismo ang dapat niyang tanungin, dahil sinadya nitong alisin ang page at gusto nitong si Daniel mismo ang magsabi sa kaniya ng katotohanan.
Isang minuto ang lumipas bago tuluyang nagsalita ang kaniyang asawa.
"There's another condition."
Hindi agad nakakilos si Olivia.
"What condition?"
"Kailangan kong makipaghiwalay sa iyo."
Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid niya, at saglit siyang napatingin sa mukha ni Daniel habang naghihintay na bawiin nito ang sinabi, umaasang sasabihin na joke lang yun o hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ng kontrata.
Pero hindi nangyari ang naisip niya.
"And after that?" tanong niya, halos pabulong.
Hindi makatingin sa kaniya si Daniel.
"You'll be placed under Alexander's legal arrangement."
Humigpit ang kapit niya sa papel.
"So you'll divorce me, and then hand me over to him?"
"It's just paper, Olivia."
Papel.
Sampung taon ng buhay niya, at papel lang pala yun para kay Daniel, kasama ang mga pangakong binitiwan nila sa isa't isa, ang mga gabing mag-isa siyang naghihintay sa kaniyang asawa, at ang lahat ng pagkakataong pinili niyang unawain ito kahit siya mismo ang nasasaktan.
Papel lang.
Pero hindi pa yun ang pinakamasakit na maririnig niya.
"Pumayag ako," patuloy ni Daniel, "dahil may alam si Alexander tungkol sa kumpanya natin, isang bagay na kayang magpabagsak sa atin anumang oras."
Tumingin si Olivia sa kaniya.
"What does he know?"
"Hindi mo na kailangang malaman."
Pait siyang napangiti.
Of course.
Muli na namang may desisyong ginawa ang kaniyang asawa para sa kaniya, at muli na naman siyang walang karapatang malaman ang buong katotohanan, dahil hindi nito sinabing pumayag ito dahil napilitan, hindi nito sinabing sinubukan nitong tumanggi, at hindi rin nito sinabing nasasaktan din ito sa posibilidad na maghiwalay sila.
Pinili nito ang kumpanya.
At sa unang pagkakataon, hindi na nagulat si Olivia.
Tumayo si Daniel.
"Matulog ka na. We'll talk tomorrow."
Hindi na ito lumingon at basta na lang umalis, at naiwan si Olivia na nag-iisip.
Ano ba talaga ang gusto ni Alexander sa kaniya?
Bakit, pagkatapos ng maraming taon, siya pa rin ang hinahanap nito?
At bakit parang hindi sapat kay Alexander ang simpleng paghihiganti?
Pasado alas-onse na nang mag-vibrate ang cellphone ni Olivia sa ibabaw ng mesa.
Unknown number.
Ilang segundo niya itong tinitigan bago niya sinagot.
"Hello?"
Walang sumagot.
Ilang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam niya ay isang buong taon na yun, hanggang sa wakas ay may isang mababa at kalmadong boses na nagsalita mula sa kabilang linya.
"You wanted to know why I came back."
Hindi makahinga si Olivia, dahil yun mismo ang tanong na paulit-ulit niyang itinanong sa sarili buong araw, isang tanong na hindi niya sinabi kay Daniel at hindi rin niya direktang naitanong kay Alexander, pero pakiramdam niya alam na nito ang laman ng isip niya.
Sandaling natahimik si Olivia.
Pagkatapos ay muling nagsalita si Alexander.
"Tomorrow, I'm taking you with me."
Nagbuka ng bibig si Olivia para tumutol, pero bago pa siya makapagsalita nauna na si Alexander.
"Because Daniel isn't the only man who betrayed you."
Namatay ang linya.
Hindi agad nakakilos si Olivia, mahigpit ang hawak niya sa cellphone.
Hindi lang si Daniel?
Sino pa?
At ano ang kinalaman ni Alexander sa lahat ng ito?
At for the first time, naiyak si Olivia, hindi dahil sa ginawa ni Daniel, kundi dahil bigla niyang na-realize na ang buong buhay na akala niya puro kasinungalingan lang na itinago sa kanya.
At bukas, magbabago ang lahat sa kanya.
Pagdating ni Olivia sa bahay napansin niya ang kotse ni Daniel sa driveway, at nang maisip niyang nandoon ang kaniyang asawa ay saglit niyang naisip na umikot na lang pabalik.Puwede siyang magpalipas ng ilang oras sa kahit anong café, maglakad-lakad sa mall, or mag-stay muna sa loob ng kotse hanggang sa makahanap siya ng sapat na lakas ng loob para harapin ito, pero hanggang kailan ba siya tatakbo?Pagod na siyang mabuhay sa gitna ng mga tanong, at pagod na siyang magkunwaring maayos ang lahat, kaya kung may mga bagay mang kailangan niyang marinig, mas mabuting manggaling ang mga yun mismo kay Daniel.Huminga siya nang malalim bago tuluyang bumaba ng kotse.Pagpasok niya sa sala ay nakita niya si Daniel na may kausap sa cellphone, nakatalikod sa kaniya at abala sa paglalakad pabalik-balik sa harap ng sofa."I'm telling you, we need to settle this before she finds out—"Natigilan ito nang makita siya, at mabilis nitong ibinaba ang tawag."Olivia. You're home."Tinitigan niya ang kani
Hindi alam ni Olivia kung alin sa lahat ng nalaman niya ang mas masakit tanggapin, ang katotohanang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa kapalit ng isang ₱10-billion project, o ang posibilidad na ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay hindi pala isang simpleng aksidente.Magdamag siyang hindi nakatulog, at paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Alexander, lalo na ang babala nitong hindi lang si Daniel ang lalaking nagtraydor sa kaniya.Ngayong nakatitig siya sa screen ng kaniyang cellphone, hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang mensaheng ipinadala nito.I'm sending a car for you at nine. We need to talk.Pumikit siya at napabuntong-hininga.Eksaktong alas-nuwebe nang makarating si Olivia sa opisina ni Alexander, at pagbukas pa lang ng elevator ay sinalubong na siya ng assistant nito at agad na inihatid sa executive office.Nakatayo si Alexander sa harap ng malalaking bintana, nakasuot ng dark blue na suit na lalong nagpapakita ng matipuno nitong
Hindi na nagsalita si Alexander matapos niyang iabot ang kontrata kay Olivia. Tumayo ito, inayos ang manggas ng kaniyang suit, at lumakad palabas ng receiving room na para bang wala itong iniwang pasabog sa gitna ng bahay na yun.Naiwan si Olivia na hawak ang mga papeles, at habang binabasa niya ang bawat pahina ay nanginginig pa rin ang buong katawan, kahit hindi naman niya kailangang maging abogado para malaman ang pinakamahalagang bahagi ng kontrata.Sa ibaba ng huling pahina ay may nakapirmang pangalang kilalang-kilala niya.Ang pirma ni Daniel.Ilang taon na niyang nakikita ang pirmang yun sa mga dokumentong ipinapasa sa kaniya ng asawa, pero ngayon lang niya naisip kung ilang beses na ba siyang pumirma, umoo, at nagtiwala nang hindi man lang tinatanong kung ano talaga ang nakasulat sa mga papel.Hindi siya umiyak, at yun ang pinakanakakagulat sa lahat, dahil akala niya ay babagsak siya at hindi na makakabangon sa sandaling malaman niyang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa k
Pagkauwi ni Olivia sa bahay, diretso siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower, at nang bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig ay paulit-ulit niyang kinuskos ang sarili na para bang may paraan para mabura ang lahat ng nangyari last night."Hindi dapat nangyari yun..."Sandali siyang natulala, napahawak sa dibdib dahil sa sakit na naramdaman niya roon, isang sakit na hindi nagmula sa nangyari sa hotel kundi sa isang bagay na unti-unti niyang naiintindihan habang tumatagal.Nasaan si Daniel kagabi?Bakit hindi ito bumalik sa silid na ipinangako nitong babantayan siya?At bakit nakapasok ang isang estranghero sa kuwarto?Paglabas niya ng banyo, agad niyang ipinatawag ang mga kasambahay, at kahit pilit niyang pinapanatiling kalmado ang boses niya ay halata pa rin ang panginginig nito."Umuwi ba si Sir ninyo kagabi?"Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot ang isa."Hindi po, Ma'am."Natigilan si Olivia."Are you sure?""Opo, Ma'am. Hindi po siya umuwi buong gabi."Kung hindi
Sa loob ng ilang taong pagsasama, natutunan na ni Olivia ang katotohanang pilit niyang iniiwasang tanggapin: asawa man siya ni Daniel, hindi siya ang babaeng mahal nito.Pero umaasa pa rin siya.Na balang araw, mapapansin din siya nito. Na balang araw, siya naman ang pipiliin.Sa mismong gabi ng kaarawan ni Daniel, bigla na lang bumigat ang katawan niya at nanlabo ang paningin. Humingi siya ng tulong sa lalaking dapat sana ay unang sasalo sa kaniya, pero mas pinili nitong unahin ang mga bisita—at ang taong matagal na nitong hinihintay.Naiwan si Olivia sa isang madilim na silid, nanghihina at mag-isa.Hanggang sa maramdaman niyang may ibang tao.Sino ang lalaking nasa dilim? At bakit tila pamilyar ang presensiya nito?Dahil minsan, ang taong gusto mong maniwalang nasa tabi mo ay hindi pala ang taong talagang nandon..."Babe..."Mahina ang boses ni Olivia habang pilit niyang inaabot ang braso ni Daniel na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisitang nakapaligid dito, at sa bawat segund







