Mag-log inPagkauwi ni Olivia sa bahay, diretso siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower, at nang bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig ay paulit-ulit niyang kinuskos ang sarili na para bang may paraan para mabura ang lahat ng nangyari last night.
"Hindi dapat nangyari yun..."
Sandali siyang natulala, napahawak sa dibdib dahil sa sakit na naramdaman niya roon, isang sakit na hindi nagmula sa nangyari sa hotel kundi sa isang bagay na unti-unti niyang naiintindihan habang tumatagal.
Nasaan si Daniel kagabi?
Bakit hindi ito bumalik sa silid na ipinangako nitong babantayan siya?
At bakit nakapasok ang isang estranghero sa kuwarto?
Paglabas niya ng banyo, agad niyang ipinatawag ang mga kasambahay, at kahit pilit niyang pinapanatiling kalmado ang boses niya ay halata pa rin ang panginginig nito.
"Umuwi ba si Sir ninyo kagabi?"
Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot ang isa.
"Hindi po, Ma'am."
Natigilan si Olivia.
"Are you sure?"
"Opo, Ma'am. Hindi po siya umuwi buong gabi."
Kung hindi umuwi ang kaniyang asawa, at kung hindi ito ang lalaking kasama niya kagabi, ang tanging tanong na natira sa isip niya ay kung bakit naroon ang lalaking minsan na niyang iniwan.
Hindi pa niya alam na ang gabing yun ang magpapabago sa buong buhay niya.
Parang malabong panaginip na lumipas ang buong araw, at nang maupo si Olivia sa hapag-kainan ay halos hindi niya nagalaw ang pagkaing nasa harapan niya, dahil malamig na ang sabaw, hindi pa nababawasan ang kapeng inilagay sa tabi niya, at wala na siyang pakialam sa alinman doon.
Hindi niya kayang kumain, hindi niya makalimutan ang nangyari, at tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata ay iisang alaala lang ang bumabalik sa kaniya: ang madilim na silid ng hotel, ang hindi pamilyar na init sa kaniyang tabi, ang haplos ng isang lalaki, at ang nakakatakot na sandaling nagising siya at napagtantong hindi si Daniel ang nakahiga sa tabi niya.
Pumikit siya at napahawak sa kaniyang sentido.
Sino ang lalaking yun? Tama ba ang hinala niya na ito ang lalaki sa kanyang past?
At higit sa lahat, paano ito nakapasok sa kaniyang silid?
Ang huling malinaw na natatandaan niya ay ang kaarawan ng kaniyang asawa, ang pagkahilo niyang unti-unting lumala, ang pakiusap niyang iuwi na siya, ang pagtanggi ni Daniel dahil marami pa raw silang bisita, at ang pangakong babantayan siya nito hanggang makatulog. Pagkatapos nun wala na siyang maalala.
Wala na talaga.
Muling pumikit si Olivia at nagsimulang manginig ang kaniyang mga kamay.
Baka mali lang ang pagkakaalala niya, o baka nakakaapekto pa rin sa isip niya ang gamot na inilagay sa kaniyang inumin, o baka naman…
…kahit ilang dahilan pa ang ibigay niya sa sarili, hindi nito mababago ang katotohanang may ibang lalaking nakasama siya kagabi, at mas masakit pa roon ang katotohanang ang lalaking yun ang naging una niya.
Ang una niya.
"Ma'am?"
Tumingin siya sa kasambahay na nakatayo ilang hakbang mula sa kaniya.
"Yes?"
"May bisita po kayo."
Kumunot ang noo ni Olivia.
"Bisita?"
"Lalaki po."
Bigla na lang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
"Who?"
Saglit na nag-alinlangan ang kasambahay bago ito sumagot.
"Alexander daw po."
Tumigil ang mundo ni Olivia, at sa sobrang gulat ay hindi siya agad nakakilos, dahil sa loob ng ilang segundo ay halos hindi siya makahinga.
Alexander.
Hindi puwede.
Hindi maaaring siya yun, dahil matagal nang panahon ang lumipas mula noong huli niya itong nakita, at ang pangalang yun ay ang pangalan ng dati niyang fiancé, ang lalaking pinili ng kaniyang mga magulang para sa kaniya, at ang lalaking iniwan niya nang hindi man lang nagpaalam.
"Are you sure?" tanong niya, halos pabulong.
"Opo, Ma'am."
"Anong itsura niya?"
Nagtaka ang kasambahay, pero hindi nito napigilang kiligin sa sagot nito.
"Matangkad po, tapos super guwapo po!"
Iniling ni Olivia ang kaniyang ulo at bahagyang napangiti, dahil hindi yun ang Alexander na kilala niya, ang Alexander na naaalala niyang mataba, mahiyain, at laging nakasalamin, isang nerdy na batang mas gugustuhin pang magbasa ng libro kaysa makipag-usap sa ibang tao.
Hindi siya super guwapo.
"Maybe he's someone else," bulong niya sa sarili.
Marami namang taong magkapareho ang pangalan, at kailangang yun ang maging paliwanag, dahil yun lang ang paliwanag na kaya niyang tanggapin.
Dahan-dahang tumayo si Olivia kahit nanghihina ang kaniyang mga tuhod, at habang bumababa siya ng hagdan ay paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na nagkataon lang ang lahat. Habang papalapit siya sa receiving room lalo siyang kinakabahan.
Bahagyang nakabukas ang p***o, at mula roon ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo malapit sa malaking bintana, nakatagilid sa kaniya, nakasuot ng perpektong tailored na itim na suit, at may malalapad na balikat, matangkad na tindig, at tuwid na posture na nagpapakitang sanay itong tinitingala ng lahat.
May kung anong bagay sa kaniya na kakaibang pamilyar.
Humito si Olivia sa may pintuan.
Dahan-dahang humarap ang lalaki, at pakiramdam niya ay tuluyang tumigil ang lahat sa loob niya.
Siya yun! Ang lalaki mula sa hotel kagabi!
But hindi lang yun ang dahilan kung bakit hindi siya makagalaw, dahil kilala rin niya ang mukhang yun! Hindi man eksakto sa mukhang nakikita niya ngayon, kundi sa batang lalaking nakatago sa ilalim nito, ang batang may salamin, ang mataba at awkward na teenager na hindi makatingin sa kanya tuwing kinakausap niya, at ang lalaking pinili ng mga magulang na maging asawa niya!
Si Alexander.
"No..."
Halos walang tunog na lumabas sa kaniyang bibig.
Napangiti ang lalaki, a knowing smile.
"It's been a long time."
Nanigas si Olivia.
"You..."
Hindi niya maituloy ang sasabihin.
Mas lalong mapapangiti si Alexander.
"Nakalimutan mo na ako?"
Nanginig ang mga kamay ni Olivia.
"No."
Umatras siya ng isang hakbang.
"That's impossible."
"Impossible?"
Tumaas ang isa nitong kilay.
"You can't be him."
Isang mahinang tawa ang kumawala sa lalaki.
"Why not?"
Hindi makapagsalita si Olivia habang tinitingnan niya ito mula ulo hanggang paa, at wala na siyang makitang bakas ng batang kilala niya noon, dahil ang nakatayo ngayon sa harapan niya ay isang lalaking powerful, may matapang na mata, na matikas ang tindig at suot ang mamahaling damit na lalong nagpapa-powerful sa dating nito.
Hindi na ito naiilang. Hindi na yumuyukod kapag nahihiya. Wala na ang pagkamahiyain. Wala nang kahit anong magpapaalala sa batang minsan niyang nakilala.
"You look different," bulong ni Olivia.
Bahagyang ngumiti si Alexander.
"So do you."
May kung anong sa tono nito ang nagpakaba sa kaniya, at bigla niyang naalala ang nangyari kagabi, ang init, ang dilim, at ang estrangherong hindi niya nakilala, at habang tinititigan niya ang lalaki at pinakikiramdaman ang presensiya nito ay unti-unting nabuo sa isip niya ang katotohanang ayaw niyang tanggapin.
"Ikaw talaga yung kasama ko kagabi!"
Hindi sumagot si Alexander.
Tinitigan lang siya nito, at sapat na ang katahimikang yun para malaman niya ang sagot.
Halos hindi makahinga si Olivia dahil sa nalaman.
"You..."
Pinilit niyang manatiling kalmado kahit nanginginig na ang kaniyang boses.
"What are you doing here?"
"I'm here to see your husband."
"My husband?"
"Yes."
"Why?"
"Business."
Kumunot ang noo ni Olivia.
"Anong kailangan mo sa asawa ko?"
Lumakad si Alexander papunta sa sofa at kaswal na naupo roon, na para bang ito ang may-ari ng bahay.
"I think that's something na ikaw ang dapat magtanong sa asawa mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi ito sumagot, kinuha nito ang briefcase sa tabi niya, inilabas ang isang dokumento, at inilapag yun sa mesa.
Tinitigan yun ni Olivia.
"What's that?"
"A business agreement."
"With my husband?"
"Yes."
"What kind of agreement?"
Direktang tumingin si Alexander sa kaniyang mga mata.
"A ten-billion-peso project."
Nagulat si Olivia.
"Ten billion?"
Tumango ito.
"Your husband wants the project."
"And what does that have to do with me?"
Sa unang pagkakataon, nawala ang aliw sa mukha ni Alexander at napalitan yun ng isang malamig at seryosong ekspresyon.
"The deal has a condition."
"What condition?"
Sumandal si Alexander sa sofa at tumingin nang diretso sa kaniya.
"Your husband agreed na ibibigay ka niya sa akin."
Nagulat si Olivia.
"What?"
"He signed the agreement."
"Hindi..."
Umiling siya.
"Hindi iyan gagawin ng asawa ko."
"He already did."
Bumagsak ang puso niya sa katiyakan ng boses nito.
"You're lying."
"Am I?"
Inabot ni Alexander ang kontrata.
"Read it yourself."
Hindi agad nakakilos si Olivia, at tinitigan niya ang mga papel, pagkatapos ay ang lalaki, at muli ang mga papel, habang ang isip niya ay tumatangging unawain ang naririnig niya.
"My husband..."
Pumiyok ang kaniyang boses.
"He traded me?"
Walang sinabi si Alexander.
"For a ten-billion-peso project?"
"Yes."
Umatras si Olivia habang nanginginig ang buo niyang katawan, dahil sa loob ng maraming taon ay pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na baka balang araw ay mamahalin din siya ng kaniyang asawa, kahit alam niyang hindi siya ang babaeng mahal nito, at nanatili siya, umasa, at ibinigay ang lahat ng makakaya niya sa kanilang pagsasama, tapos ngayon ay ipinagpalit lang siya na parang isang bahagi ng business deal.
Tumayo si Alexander at dahan-dahang lumapit sa kaniya, at umatras si Olivia, hanggang sa makoner siya sa dingding..
"Now you understand why I'm here."
Tumingala siya rito, at puno ng pagkalito, galit, at takot ang kaniyang mga mata.
"Why me?"
Saglit siyang tinitigan ni Alexander, bago bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito sa isang sarcastic na ngiti habang dumidilim ang kaniyang mga mata.
"You left me once."
Napatigil ang hininga ni Olivia.
"And now," patuloy nito nang mahina, "ibabalik ka sa akin ng asawa mo."
Natahimik ang buong silid.
Halos hindi na makahinga si Olivia, dahil ang lalaking nasa harapan niya ay ang parehong batang minsan niyang iniwan, pero hindi na ito ang batang yun, kundi isang lalaking bumalik na makapangyarihan na kayang bilhin ang kahit ano, kasama na ang pagsasamang inakala niyang matagal na niyang tinakasan.
At sa tingin pa lang sa mga mata nito, malinaw na wala itong balak hayaan siyang mawala muli.
Pagdating ni Olivia sa bahay napansin niya ang kotse ni Daniel sa driveway, at nang maisip niyang nandoon ang kaniyang asawa ay saglit niyang naisip na umikot na lang pabalik.Puwede siyang magpalipas ng ilang oras sa kahit anong café, maglakad-lakad sa mall, or mag-stay muna sa loob ng kotse hanggang sa makahanap siya ng sapat na lakas ng loob para harapin ito, pero hanggang kailan ba siya tatakbo?Pagod na siyang mabuhay sa gitna ng mga tanong, at pagod na siyang magkunwaring maayos ang lahat, kaya kung may mga bagay mang kailangan niyang marinig, mas mabuting manggaling ang mga yun mismo kay Daniel.Huminga siya nang malalim bago tuluyang bumaba ng kotse.Pagpasok niya sa sala ay nakita niya si Daniel na may kausap sa cellphone, nakatalikod sa kaniya at abala sa paglalakad pabalik-balik sa harap ng sofa."I'm telling you, we need to settle this before she finds out—"Natigilan ito nang makita siya, at mabilis nitong ibinaba ang tawag."Olivia. You're home."Tinitigan niya ang kani
Hindi alam ni Olivia kung alin sa lahat ng nalaman niya ang mas masakit tanggapin, ang katotohanang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa kapalit ng isang ₱10-billion project, o ang posibilidad na ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay hindi pala isang simpleng aksidente.Magdamag siyang hindi nakatulog, at paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Alexander, lalo na ang babala nitong hindi lang si Daniel ang lalaking nagtraydor sa kaniya.Ngayong nakatitig siya sa screen ng kaniyang cellphone, hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ang mensaheng ipinadala nito.I'm sending a car for you at nine. We need to talk.Pumikit siya at napabuntong-hininga.Eksaktong alas-nuwebe nang makarating si Olivia sa opisina ni Alexander, at pagbukas pa lang ng elevator ay sinalubong na siya ng assistant nito at agad na inihatid sa executive office.Nakatayo si Alexander sa harap ng malalaking bintana, nakasuot ng dark blue na suit na lalong nagpapakita ng matipuno nitong
Hindi na nagsalita si Alexander matapos niyang iabot ang kontrata kay Olivia. Tumayo ito, inayos ang manggas ng kaniyang suit, at lumakad palabas ng receiving room na para bang wala itong iniwang pasabog sa gitna ng bahay na yun.Naiwan si Olivia na hawak ang mga papeles, at habang binabasa niya ang bawat pahina ay nanginginig pa rin ang buong katawan, kahit hindi naman niya kailangang maging abogado para malaman ang pinakamahalagang bahagi ng kontrata.Sa ibaba ng huling pahina ay may nakapirmang pangalang kilalang-kilala niya.Ang pirma ni Daniel.Ilang taon na niyang nakikita ang pirmang yun sa mga dokumentong ipinapasa sa kaniya ng asawa, pero ngayon lang niya naisip kung ilang beses na ba siyang pumirma, umoo, at nagtiwala nang hindi man lang tinatanong kung ano talaga ang nakasulat sa mga papel.Hindi siya umiyak, at yun ang pinakanakakagulat sa lahat, dahil akala niya ay babagsak siya at hindi na makakabangon sa sandaling malaman niyang ipinagpalit siya ng sarili niyang asawa k
Pagkauwi ni Olivia sa bahay, diretso siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower, at nang bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig ay paulit-ulit niyang kinuskos ang sarili na para bang may paraan para mabura ang lahat ng nangyari last night."Hindi dapat nangyari yun..."Sandali siyang natulala, napahawak sa dibdib dahil sa sakit na naramdaman niya roon, isang sakit na hindi nagmula sa nangyari sa hotel kundi sa isang bagay na unti-unti niyang naiintindihan habang tumatagal.Nasaan si Daniel kagabi?Bakit hindi ito bumalik sa silid na ipinangako nitong babantayan siya?At bakit nakapasok ang isang estranghero sa kuwarto?Paglabas niya ng banyo, agad niyang ipinatawag ang mga kasambahay, at kahit pilit niyang pinapanatiling kalmado ang boses niya ay halata pa rin ang panginginig nito."Umuwi ba si Sir ninyo kagabi?"Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot ang isa."Hindi po, Ma'am."Natigilan si Olivia."Are you sure?""Opo, Ma'am. Hindi po siya umuwi buong gabi."Kung hindi
Sa loob ng ilang taong pagsasama, natutunan na ni Olivia ang katotohanang pilit niyang iniiwasang tanggapin: asawa man siya ni Daniel, hindi siya ang babaeng mahal nito.Pero umaasa pa rin siya.Na balang araw, mapapansin din siya nito. Na balang araw, siya naman ang pipiliin.Sa mismong gabi ng kaarawan ni Daniel, bigla na lang bumigat ang katawan niya at nanlabo ang paningin. Humingi siya ng tulong sa lalaking dapat sana ay unang sasalo sa kaniya, pero mas pinili nitong unahin ang mga bisita—at ang taong matagal na nitong hinihintay.Naiwan si Olivia sa isang madilim na silid, nanghihina at mag-isa.Hanggang sa maramdaman niyang may ibang tao.Sino ang lalaking nasa dilim? At bakit tila pamilyar ang presensiya nito?Dahil minsan, ang taong gusto mong maniwalang nasa tabi mo ay hindi pala ang taong talagang nandon..."Babe..."Mahina ang boses ni Olivia habang pilit niyang inaabot ang braso ni Daniel na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisitang nakapaligid dito, at sa bawat segund







