Share

CHAPTER 19

ERIN'S POV

"Syd, nakausap ko na ang secretary mo. At sabi niya tuloy ang pag-alis natin to Spain," panimula ko habang nanonood sa nagbibihis na si Syd. Huminto siya at tumingin sa akin.

"Aalis? We leave?" takang tanong niya.

"Yes for good, bago ka ma-aksidente napag-usapan-"

"Then forget about it. I forgot about that. Im not leaving, I stay," sabi niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng necktie.

"Pero, Syd, napag-usapan na natin to. We leave and stay on Spain-"

"Go if you want. I stay here, and that's final."

Magsasalita pa sana ako pero lumakad siya sa pinto. Kaya pinigilan ko siya.

"Syd!" sabi ko. Tumingin naman siya sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko.

"What?" 

"Please..."

Pero tinignan lang niya ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan na naman akong tulala. Hindi ko maitatangging nasasaktan ako sa tuwing binabalewala niya ako.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. A-attend ako ng home owner meeting ngayon. Lumabas ako ng bahay. Para makapagpahingin na rin. Nakarating ako sa club house nang walang ni isang nalabas sa bibig ko. 

Mabilis lang rin naman natapos ang meeting. Kaya paglabas ko, nakasalubong ko pa si Ramn.

"Erin!" nakangiting bungad niya. Ngumiti lang ako ng pilit.

Kinamusta lang niya ang sitwasyon namin. Dahil sa bigat nang nararamdaman ko. Kaya nasabi ko sa kaniya lahat. Pati na ang pangbababae ni Syd.

Natahimik siya nang sabihin ko iyon, na para bang alam na alam na niya.

"May problema?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Tumingin lang siya ng seryoso sa akin. Hindi ko alam pero feel ko may alam siya.

"Gusto kong makialam pero wala ako sa lugar. Sorry, Erin," sabi niya sa akin.

Naiintindihan ko naman siya, bestfriend niya si Syd. Kaya alam kong gusto man niyang makialam ay hindi niya gagawin dahil magkaibigan sila.

"It's okay. Kaya ko naman i-handle to," sabi ko at pekeng ngumiti.

Kahit na hindi ko alam kung kakayanin ko pang magtagal sa bahay namin ni Syd. Minsan nga naiisip kong makipag-annul. Pero naisip ko rin na may amnesia lang siya kaya ganon. 

Papatawarin naman niya ako kapag bumalik ang alaala niya. Hindi naman siguro siya papayag na maghiwalay rin kami. Kung sa pagiging sindikato niya ay nagka-ayos kami, for sure dito rin. Maayos namin to. 

Ang sabi naman ng doctor ay pansamantala lang daw iyon. Dahil wala silang nakikitang natamaan na organ ni Syd. 

I can't wait na bumalik na ang dating Syd. 

Nagpaalam na ko kay Ramn at naglakad-lakad na lang dito sa club house. Nakikita ko naman na ang sweet ng mga asawa nila sa kanila. Parang kami lang ni Syd noon. Huminga ako ng malalim bago napangiti. Babalik pa naman siguro yung panahon na yon. Yung panahon na mahal na mahal pa ko ni Syd. 

Mabigat ang bawat paghinga ko habang naglalakad pauwi. Hindi ko namalayan na hapon na pala. Hindi man lang ako dinatnan ng gutom sa club house. Dahil siguro busy ang mga mata ko.

Nakauwi ako ng tahimik at tanging si Manang lang ang nandito. Wala ang mga katulong, pinag-day off nga ni Syd. Hindi ko alam kung anong plano niya bakit niya pina-uwi ang mga iyon. Dahil hanggang ngayon hindi pa sila nabalik.

Humiga ako sa kama habang pinagmamasdan ang kisame. Hindi ko na naman namalayan na pumatak ang luha ko. Nanatili ako ng ilang minuto bago ako naligo at nagbihis. Pupunta ako sa Starry. Dahil wala si Sab doon, kaya ako na lang ang magma-manage. Isa pa para naman maaliw rin ako.

Pagdating ko, sobrang dami na agad tao sa loob. Kaya minabuti kong sa kabila na lang dumaan. Dumiretso ako sa office at doon pinatong ang ulo ko sa mesa. Dito ko lang naman nagagawa ito. Ang makapag-isip ng tahimik dahil soundproof ang office ko 

Matapos kong mag-emot. Lumabas ako para tumulong. Tinulungan ko nang mag-serve ang waitress. 

"Oh c'mon, Trina!" sigaw ng isang babae sa pinto ng Starry. Kaya napataas ang kilay ko at pumunta doon. 

"Pwede ba, tigil-tigilan mo ko sa paghahanap ng asawa mo sa akin. Mukha ba akong hanapan ng nawawalang asawa?" tanong niya sa babae.

Napataas ang kilay ko sa sinagot niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. 

"Usong-uso ba ang pangangabit ngayon at nagsusulputan kayo?" sagot ng babae.

Medyo bet ko ang awrahan niya. Kaya naman minabuti kong manuod na lang muna.

"Hindi ako hanapan ng nawawalang asawa. Kung nawawala ang asawa mo, pumunta kang barangay! Hindi yung ako ang hinahanapan mo! Bitch!" sigaw niya muli.

Hinihintay ko naman ang sabunutan session nila. For sure may isang mapipikon diyan at mananabunot na lang bigla.

Pero bakit ba ako interesado? Dahil ba nakaka-relate ako? Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil nga may babae si Syd. 

Natapos sila nang walang sabunutang nangyayari. Kaya naman pumunta kong office para kuhain ang bag ko. Since alas nwebe na pala. Magte-ten na nang gabi.

Hindi ko naman alam kung uuwi ba si Syd o hindi. Pero mas gugustuhin ko pa ring maghintay sa kaniya. Kaysa naman umaasa ako sa kaniya kahit wala akong ginagawa. Titiisin ko na lang siguro muna ang lahat. Hindi naman siguro ito magtatagal. At maalala na rin ni Syd ang lahat.

Pauwi na ako, tinatahak ko na ang daan patungong Magnolia street. Gaya noon, mabigat ang bawat pakiramdam ko. Kasi naalala ko last night. Naabutan ko sila sa mismong kama. Kaya kinakabahan ako, kung ano naman ang makikita ko ngayon o may makikita ba akong Syd sa bahay.

Ipinark ko ang kotse ko. Nakita ko doon angvkotse na gamit ni Syd kanina. Kaya naman nabuhayan ako. Pero in other side, natatakot ako. Dahil kung hindi siya uuwi, ay andito siya na may kasamang babae. Wala naman sigurong nangyayari sa kanila hindi ba? Nang mga babae niya? Ayoko ma-stress kakaisip pero hindi maiwasan. 

Umakyat ako sa taas at nanginginig na hinawakan ang doorknob. Napapikit ako habang huminga ng malalim. May kaba sa dibdib ko. Ano bang madadatnan ko? Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa posibleng makikita ko sa loob.

Naglakas loob akong pumasok. Na sobrang pinagsisisihan ako. Hindi ko maigalaw ang katawan ko upang humakbang. Para bang tumigil at nawalan ng kulay ang mundo ko. Para bang bigla itong sumabog habang nakatingin ako sa kawalan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status