Share

CHAPTER 21

ERIN'S POV

Days Passed.

Palabas na ko ng kwarto para sana lumabas at magpahangin sa club house ng makasalubong ko si Syd. Kasama si Nadia. Dapat masanay na ako eh, pero hindi pa rin. Nasasaktan pa rin ako. Sobra.

Iiwasan ko sana sila ng hilahin ako ni Nadia kaya napabalik ako sa kinaroroonan ko.

"May sasabihin sayo si Baby Syd," sabi niya at lumingkis pa sa braso ni Syd. Hindi lang yon, pinakita niya mismo kung paano niya halikan ang asawa ko sa mismong harap ko.

Pilit ko naman iyong iniiwasan eh. Sinusubukan ko ngang huwag na lang sila pansinin. Dahil alam kong hindi rin magtatagal iyon. Pero kahit ano palang iwas ang gawin ko, hindi magbabago na nasasaktan talaga ako. Sa simpleng lingkis pa lang ni Nadia. Sa tuwing wala si Syd dito at iniisip kong nag-sex na naman sila para na kong pinatay eh.

"Ano yon?" tanong ko sa seryosong si Syd na ngayon ay nakatitig sa akin. May dala siyang brown envelop na ini-abot sa akin. Napataas naman ang kilay ko kaya mabilis ko iyong binuksan.

Para akong sinaksak ng makita kung ano ang laman niyon. 

"P-Petition for legal... S-seperation?" basa ko sa isang papel na laman ng envelop.

Napatingin ako kay Syd na seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang hindi pa rin siya binibitawan ni Nadia.

"S-Syd, a-ano to?" pag-uulit ko kahit alam ko naman ang ibig sabihin non. 

"Manhid ka ba talaga? Makikipaghiwalay na si Syd sayo! Kaya bilisan mo nang pirmahan yan!" sabi ni Nadia.

"After this, kami naman ang ikakasal, di ba babe?" sabi niya at nag-pout pa kay Syd. Nakita ko naman na hinalikan lang siya ni Syd.

"Hindi. Manigas ka, Nadia. Hindi ko pipirmahan to!" sabi ko at pinunit ang envelop.

"Bakit mo pinunit? Nababaliw ka na ba talaga, Erin?!" sigaw niya at akmang susugod pero pinigilan lang siya ni Syd.

"Erin, kukuha ako ng panibago. Pirmahan mo na lang," sabi niya sa akin na para bang desidido talaga siyang makipaghiwalay sa akin.

"Syd, no! Hindi ako pipirma! Kahit ilang annulment o divorce paper pa ang ipadala mo! Hindi ko pipirmahan yan!" sabi k at lumapit sa kaniya 

"Syd... Hun, please. Don't do this," naiiyak na sabi ko. Dahil feeling ko seryoso na talaga siyang makipaghiwalay sa akin.

"Is that what you want? Magtiis ka," sabi niya sa akin at pumasok sila sa kwarto ni Nadia.

Naiwan akong nakanganga. Narinig ko ang paghuhubad nila, alam kong naghahalikan silang dalawa dahil andito lang naman ako sa pinto at rinig na rinig ko iyon. Pumatak na naman ang luha ko sa envelop na hawak ko. 

Hindi ako makikipaghiwalay sa kaniya hanggat hindi nabalik ang alaala niya. I give him a second chance to prove to me, na mahal niya ko kapag bumalik ang alaala niya.

For now, he's right. Kailangan kong magtiis. Kaya ko naman tiisin ang lahat. Dahil alam kong may amnesia siya. 

I can suffer for now. 

________________________________

"Hoy gaga! Anong tong nakalat na balota sa internet?" sabi ni Sab sakin habang nainom siya ng juice.

"Ang alin?" takang tanong ko. Kahit alam ko namang alam na niya ang tungkol kay Nadia.

"Seriously?! For real?!" sigawniya at sabay ipinakita sa akin ang phone niya na itinapat sa screen ko.

"Ano to? Bakit andito yang pokpok na yan?" sabi pa nita bago nag scroll.

Hindi ko alam kung saan niya nakita yan, pero posible naman kasing makita niya yan dahil bukod sa CEO si Syd ay maimpluwensiya talaga siyang tao.

"Ako ba'y niloloko mo, Erin? What happened?" takang tanong niya.

"W-wala to, Sab. I'm fine. Kakayanin ko naman to," Ayokong umiyak sa harap niya. Mahirap na baka umuwi yan ng wala sa oras.

"No! Hindi ka okay! Don't me, Erin!" sigawniya sa screen.

"Girl, okay lang talaga ako. Ako pa ba? Hindi ako magpapatalo kay Nadia." 

Ayokong mag-alala kasi siya kaya sinabi ko yan. Kahit ang toto ay hindi ko alam ang gagawin ko.

"Yan ka naman lagi sa okay mo eh!" sabi niya pa.

"Promise, I'm fine. Mag-call a friend ako kapag kailangan. Sa ngayon, mag-focus ka diyan," sabi ko pa at ngumiti. 

"Sure yan ah? Tumawag ka kapag kailangan mo ng resbak!" sabu niya pa

Ngumiti naman ako sa kaniya. Nag-chikahan lang kami. Matapos namin mag-usap. Sinubukan kong stalk-hin si Syd. Naka-unfriend pala ako sa kaniya. Pero nakita ko ang mga pictures nila ni Nadia.

Noong nasa Baguio sila, tagaytay. Meron pang nasa Cebu? Hindi ko alam na nakarating na pala sila doon. Nang magkasama. Unti-unti na namang bumigat ang dibdib ko. 

Hindi ba hindi ka iiyak? Pigilan mo, Erin. Malakas kang babae. Hindi ka katulad ng iba na mahina. Makukuha mo rin si Syd. Babalik rin kayo sa dati.

Yan na lang ang sinasabi ko sa isip ko. Kahit na nawawalan ako ng pag-asa. Hangga't may amnesia siya, may pag-asa ako kay Syd. 

Kita ko ang mga sweet pictures nila. So matagal na talaga silang may relasyon? Kung ganon, sila na noong mahuli ko si Syd na may babae? Napangiti ako ng mapakla. Mukhang na-ge-gets k na ang lahat. Sinadya ni Nadia na mag-isip ako na may babae si Syd at hindi siya agad ang isipin ko. 

Sa tuwing nakikita ko sila, naalala ko yung nangyari sa kwarto namin last week. Ipinikit ko pa ang mata ko para hindi ko sila maisip, pero maski sa pagpikit ko. Mukha nila ang nakikita ko. Yung scene na naabutan ko sa kwarto. 

"P-please! Stop!" 

Naiiyak na sabi ko, ayoko na silang isipin pa. Pero hindi ko maiwasan. Ayaw maalis sa isip ko lahat ng nakita ko noong gabing iyon. At pati sa pagtulog ko dala-dala ko. 

Naramdaman ko ang tubig na pumatak mula sa mata ko. Pinunasan ko iyon pero imbes na tumigil ay mas lalo itong bumuhos.

"Ano ba! Tumigil ka na please!" naiinis na sabi ko sa luha ko habang patuloy itong pinupunasan.

Ilang araw na ba akong naiyak? 

"Hindi ka ba napapagod ha?!" patuloy ko pa ring pinupunasan ang luha ko.

"Tama na please!" 

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Hinayaan ko na lang na doon ko ilabas ang lahat ng sakit. Hinayaan kong mabasa ang unan ko, para mas gumaan ang pakiramdan ko. Ito na lang kasi ang bagay na alam kong magpapagaan ng loob ko. Yung wala akong maririnig na kahit anong sumbat. Basta umiyak lang ako ng umiyak sa kaniya. 

Magiging okay rin ako...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status