Nagawa kong isingit. Relax lang ang update ngayon. Pasensya na if short lang. Thank you for reading. Pag may errors, patawarin ako. I'll edit soon.
Caleb sat quietly on his swivel chair. Kanina pa siya nakatitig sa sliding door ng opisinang kinaroroonan. Bagong-bagong set up lang ang opisina. Katunayan, amoy pintura pa ang bawat sulok. It's been a week of successfully putting up Prime Global Financing. Ang pangunahing layunin ng negosyo ay ang mamuhunan sa maliliit at medium-sized entrepreneurs sa bayang ito ng Laguna. Sa loob ng ilang taong pag-upo niya bilang CEO ng kompanya nila, ngayon pa lang siya nagkaroon ng pagkakataong mamahala ng ganitong uring business. Nasanay siya sa pakikipagnegosasyon sa mga malalaking kumpanya, both domestic and international in scale. ‘Para ka nang mababaliw, Caleb, sa kakaisip kung paanong mapapalapit kay Meredith.’ Pinaimbestigahan niya si Hannah de Castro. May pending loan application ito sa isa sa mga affiliate banks ng kumpanya nila. Kasama sa nakalap na impormasyon ay ang pag-abandona rito ng dating business partner na kasamang binitbit ang mga tauhang may malalaking papel sa kabuhayan nit
Nagising si Meredith dala ng ingay na naririnig mula sa labas ng bintana. May nagpopokpok, may kung anong mabibigat na bagay na ibinabana sa lupa. She could feel some vibrations. Sa lapit ng silid niya sa pinagmulan ng ingay ay imposibleng makakatulog pa siya. Kinapa niya ang alarm clock at pinindot iyon.“It’s 5:55.”Ang aga namang nag-iingay sa kabilang lote.' Noong nakaraang linggo lang nang may nakabili sa bakanteng property sa kabila. Kinabukasan kaagad ay nagkaroon ng clearing operation at nagsimula ang construction ng pre-fab house na ipinapagawa sa kabila. Sa malas ay mismong katabi iyon ng shed na ginagawa niyang studio. Napapadalas na sa loob ng bahay na lang siya nagpipinta.Pinagkasya niyang bumangon na lang, hindi na rin lang naman siya makatulog. Gamit ang kaunting naaninag na liwanag, nagtungo siya sa banyo. Matapos maghilamos, ipinusod niya ang buhok at lumabas ng silid gamit ang cane patungo sa kusina. .“Good morning, Ate!”Ang masayang boses kaagad ni Mel ang bumunga
Hannah was preoccupied with the opening of Art Alley Bistro. Kung sinu-sino ang kinakausap nito sa phone. Bigatin nga siguro ang business partner nito, well thought of ang bawat detalye mula sa planning hanggang sa grand opening at maging sa operation. Base sa kwento ni Hannnah, parang nai-imagine niya ang mga nakikita noon sa mga magazines na mga restaurants sa Europe, may mga mesa ding nakahanay sa labas. Maganda raw ang interior at façade ng bistro. It has a modern rustic interior. Sa pinakabungad ay unang makikita ang malaking chandelier na nakasabit sa mahabang ceiling. Ayon kay Hannah, naka-display raw ang mga paintings niya, strategically, sa loob ng kainan. Tuloy ay hindi niya maiwasang kabahan na rin. “People would surely wonder who Editha was. It’s high time na rin na magpakilala ka naman at hindi lang magtatago sa mga art pieces at canvas at paint brushes mo.” Ayaw niya pero kailangan niyang suportahan si Hannah. Ito na nga lang ang paraan para maibabalik niya ang lahat ng
Ang mabini at pinong mga halik na dumadampi sa mukha ang nagpagising sa buong kamalayan ni Meredith. Nanunuot kaagad sa kanyang ilong ang pamilyar na amoy. Nasa ibang kama siya at suot pa rin niya ang damit kagabi. Nalipasan na pala siya ng umaga na nakisiksik sa maliit na kama ni TJ.“Good morning, Nanay Ditdit.”Ang marinig ang malambing nitong boses ay nagdudulot ng gaang sa pakiramdam. She smiled immediately. Paano bang hindi kung ito ang bubungad sa kanya sa umaga. “Morning.”Kinapa niya ang mukha niyo at bahagya niyang pinisil ang tungki ng matangos nitong ilong. Pinaraanan niya ng kuckles ang umbok ng pisngi nito.“Halika na po, Nanay. Mommy and I made breakfast for you po.”Umahon ito sa kama at hinila ng maliliit nitong mga kamay ang mga palad niya kaya napabangon na rin siya. Magkahawak-kamay silang lumabas ng silid. “Mauna ka na sa kitchen, okay?""Oki Doki, Nanay!"Lumuhod siya upang magpantay sila ni TJ. "Alam mo bang lagi mong pinasasaya ang puso ko?"Hinaplos niya ang
Ilang araw ang matuling lumipas nang walang Caleb na napapadpad sa kanila. It was a relief. Nakagagaang sa pakiramdam na walang alalahaning may aali-aligid na masamang hangin sa kanya. Sana naman ay tumimo na sa utak nito ang mga sinabi niya. Sana ay naiisip nitong walang patutunguhan ang mga walang saysay na ginagawa nito. Pinakiramdaman niya ang kabilang bakuran. Maliban sa hardinero na nag-aayos ng hardin, ayon kay Mel, wala rin daw doon ang may-ari. Hindi niya rin maramdaman ang kakaibang pakiramdam na parang may nakatitig sa kanya. For now, she felt safer. Malaya niyang nagagawa ang dating routine nang walang inaalalang may bubuntot sa mga kilos niya. Kagaya na lang ngayon. “Ate, ano pa ba ang gusto mong ipabili?” Abala si Mel sa paglalagak ng mga groceries sa cart. “Wala naman.” Ano naman ba ang kakailanganin niya kung well-provided naman lahat ni Hannah ang mga pangangailangan niya. Nakakahiya na nga. “Baka may gusto kang ipaluto sa akin, Ate?” Napapaisip siya. “Mm. Popco
“Bullshit!”Umalingawngaw ang malakas na pagmumura sa loob ng kotse. Caleb couldn't contain his anger. Ang lamig ng buga ng aircon ngunit ang init ng pakiramdam niya. Para siyang bulkan na nagbabantang sumabog anumang oras.Nakakagalit ang narinig niya.Sino ba naman kasi ang asungot na kausap ni Meredith?“Sweetheart.”P*****a! Patuloy ang pagtimbre ng katagang iyon sa kanyang tainga. Ayaw mangatngat. Sweetheart pa talaga ang endearment. Putang-inang nilalang na iyon. Halos dalawang buwan na siya rito sa Paete pero ni minsan ay wala siyang nakikitang umaali-aligid dito.He swears, mapipilipit niya ang leeg ng taong iyon.Nag-iinit ang sulok ng dibdib niya. He had never felt so troubled like this. May posibilidad na magkatotoo ang sinabi ni Hannah sa kanya. Mere is beautiful. Mas lalong tumingkad ang kagandagan nito ngayon. Mas lalong kuminis ang balat nito, ang dati nang perpektong mga dibdib ay mas lalong namimintog ngayon at tila kinakawayan siyang damhin muli. He remembered her be
Nagising si Caleb sa pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Tanghali na base sa hapding nararamdaman. Sinubukan niyang ibuka ang mga mata ngunit kaagad ding napapikit. His head was throbbing in pain.Damn, what a great morning! Eyes still shut, he massaged his temple. Naninibago siya sa epekto ng alak sa kanyang sistema. He stayed sober for quite a while, ngayong muling nalamnan ng maraming alcohol ang sikmura, para siyang teenager na bagong natuto sa pag-inom. Itinukod ang mga siko sa matigas na sahig ng tree house at inalalayang makabangon. "Shit!"Nabunggo ng paa niya ang isa sa wala nang lamang bote. Nagkalat ang mga 'yon sa sahig. Naparami siya. Nadagdagan nang nadagdagan ang balak na dalawa lang sana.Humawak siya sa gilid ng railing ng maliit na terrace ng tree house at tumayo sa gilid niyon. He was eyeing for Meredith's bedroom. Para siyang sanggano sa inasal kagabi. He ended up spying on her and that man. Lingid sa kaalaman nito, nasa kabilang panig lang siya ng dingdi
She remained a beauty. Kita niya ang pagtigil sa pagsasalita ng dalawang lalaki na sinundan ng tingin si Ashley. Still, she can catch the attention of men but him. To him, she was just someone from the past. Surprise tainted her face as they locked gazes. Nanlaki ang tsiniktang mga mata nito. This had been an unplanned encounter. The last time they were together was a disaster. Hurtful words were hurled against him. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa magpang-abot sila sa gitna ng lobby. Desidido siyang lagpasan ito. Wala nang saysay na mag-usap pa pero si Ashley ang naunang tawagin ang kanyang pansin. “Caleb.” Napilitan siyang huminto at lumingon. Ashley smiled thinly at him. May nerbiyos siyang nakikita sa anyo nito. Her eyes gave her away. “It’s been a long time.” They used to be best friends who can talk anything under the moon. Kahit magdamagan. Sana, nanatili na lang silang gano’n. "Five years, Cal."Sa Europe na ito naka-base. Huling narinig niya ay ito na raw ang na