Kinabukasan, nagising si Caleb na wala na ang ingay na nakagisnan niya sa nakaraang umaga. Walang nagkakalampagang mga gamit. Walang amoy ng pagkain. He took a shower and changed into his usual office attire. Eksaktong bumukas ang maindoor paglabas niya ng silid. Pumasok doon si Meredith na may bitbit na coffee in cup at supot ng kung ano at isang five hundred milliliter bottled water. May stock sa ref pero bumili ito at bumaba itong hindi man lang nakapagpalit ng damit. She was still on her baggy pajamas, pinatungan lang ng maluwang na sweater at suot pa ang fluffy sandals. Ang buhok ay nakapusod pa rin nang maayos gaya nang nakagawian.
Nakatalikod si Meredith at kasalukuyang isinarasado ang pintuan. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang matuklasang nakatitig siya sa bawat galaw nito. Shit! Para siyang nanonood ng show.
“G-good morning.”
Again, nagbaba na naman ng tingin si Meredith, like it was a crime to stare back at her. Inakala niyang sa kusina ito papanhik pero diretso nitong tinawid ang pagitan ng kinatatayuan at ng silid nito nang nakatungong nilampasan siya.
Really? Sa kwarto ito kakain?
Naalala niya ang sinabi kagabi.
“Better yet, do not touch anything.”
Isinaulo nito. Ayaw niyang bawiin pa ang sinabi. Bahala na ito. Lumabas na sa bibig, nasabi na, walang saysay kung pasusubalian pa.
Pagkapasok sa kusina ay ang coffeemaker kaagad ang inatupag niya. Gumawa siya ng kape. Habang hinihintay na matapos iyon ay naghalungkat na rin siya ng maaaring ipares sa inumin. May mga natitira pang supplies na nasa loob ng ref. Ang ref niyang laging beer, tubig at pizza ang laman ay nagkaroon bigla ng buhay. May mga gulay at prutas sa iba-ibang kulay. May itlog na nakahanay sa egg rack. Maayos ang pagkakasalansan ng lahat. Walang kalat. Singlinis ng kusina na sa pakiwari niya ay hindi nagalaw simula kahapon.
Napabuntung-hininga siya. Habang nakaupo at hinihigop ang umuusok na kape ay hindi niya maiwasang maalala ang mga nakahaing pagkain noong nakaraan. Ni hindi man lang niya natikman.
Sumobra ba siya?
Well, things should stay the way they were supposed to. Walang kailangang magbago at baguhin at dapat na naiintindihan ito ng babae.
Mabilis niyang tinapos ang ginagawa. Responsibilities were waiting for him at the office. Naging subsuban siya sa trabaho. Kaliwa’t-kanang meetings, pagbabasa ng mga dokumento. The list could go on and on. Lunch time nang dumating ang Mommy Audrey, may bitbit itong mga lalagyan ng pagkain.
“Mom, what are you doing here?”
Simula nang umupo siya sa position ngayon ay mas pinili ng ina na pamahalaan ang iba pang negosyo habang nakaupo bilang chairman. Nagagawi lang ito sa opisina niya kapag may importanteng pakay. Laging kwento ng tiyuhin, his mother did an enormous job heading their family business when he decided to focus on his family. His mother was the female version of Midas.
“I brought lunch. Mukhang hindi ka pa kumakain.”
Ipinatong nito sa conference table na sinadya niyang ipalagay sa opisina para sa madaliang meetings at brainstorming sa mga tauhan na personal niyang ginagawa lalo at hindi siya satisfied sa performance ng sinuman sa mga ito.
“Wait, nasaan na ba ang batang iyon?” Pansamantala siyang iniwanan ng ina at sumilip ito sa pintuan niya. “Oh, there you are, Hija!”
Hindi na nakapagtataka. Of course, gagawa ng paraan ang ina para ipaglapit ang mga kalooban nila ng babaeng ito. Hawak ito ng nanay niya at hila patungo sa kinaroroonan niya. Alam na niya ang kasunod. His mother was playing a matchmaker. Abala ito pero heto at dinaanan pa talaga ang ‘asawa’ niya para lang makasabay nila sa pananghalian.
“Caleb, won’t you just sit there.”
Heto na, nagsisimula na ang ina niya. May piping mensahe sa mga mata na pinapalapit siya at gawin ang obligasyon niya bilang asawa. How convenient. A dictate of courtesy, kailangan niya itong lapitan. Hanggang ngayon ay tahimik at atubili pa rin ang kilos ng ‘asawa’ niya. Napapitlag pa ito nang halikan niya sa pisngi. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito na nakalapat sa kanya. Goodness! He was holding her on her waist at saka niya lang natantong nakatukod ang dalawang palad nito sa dibdib niya. Kulang na lang talaga ay umangat ang kilay niya. Pinagkakaguluhan siya ng iba ngunit itong ‘asawa’ niya, ni ayaw magpahawak sa kanya.
Ano siya, mikrobyo?
“You, two, should be spending more time together. I know at first, nakapapanibago ang sitwasyon ninyo, but once you get to know each other better, siguradong hindi na kayo mapapaghiwalay pa.”
His mother sounded so hopeful. Nakangiti at magkasalikop ang mga palad sa tapat ng dibdib habang nakatingin sa kanila.
‘Don’t hope too much, Mom. I might fail you.’
Binitiwan niya si Meredith at pasimpleng sinundan ang ina na ngayon ay abala na sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Nakitulong na rin si Meredith. Una itong pinaupo ng ina.
“Maupo ka na rin, Caleb.” His mother remained standing. “Oh, I think everything’s ready.” Ininspeksyon ng ina ang mga nakapatong sa mesa. “I am no longer needed here.”
Napatanga si Meredith sa ina niya, tila ito isang batang takot na maiiwan kasama siya. Siya naman ay napahawak sa collar at nahila iyon at niluwangan. He suddenly felt a tightening in his chest.
“H-hindi na ho ba kayo, magla-lunch?” Ngayon lang natagpuan ni Meredith ang sariling boses.
“Sorry, dear. This is your first lunch our together as couple.” Hinawakan pa ng nanay niya ang baba ng babae. Pinulot ang bag at isinukbit sa braso at walang lingon-likod na umalis. She did not even give him the chance to protest.
Oh, protest!
Simpleng lunch lang ito. Matatapos kaagad, pero ang kaharap niya, wala nang ibang ginawa kundi ang tumungo. She was so unsure of what to do. Bahagyang nanginginig ang mga kamay nitong may hawak ng kubyertos.
“Just eat. Don’t mind me.”
Sa loob ng mga sandaling kumakain sila, tanging sa pagkain lang nakatingin si Meredith. Naiisip niya tuloy kung gaano ba siya kasamang tingnan? Tunog mula sa nagpipingkiang mga kubyertos lang ang naghaharing ingay. Hindi niya ugaling maasiwa pero kapag nagpatuloy sila sa ganito ni Meredith ay mas lalaki ang gap sa pagitan nila. In between munching his food, he contemplated on the possible subject they could talk.
He could think of none.
Wala silang alam tungkol sa isa’t-isa.
They were completely stangers to each other.
Wala siyang balak palawigin ang nalalaman na tungkol sa babae.
Hanggang doon na lang.
“Sorry, hindi ko napahindian ang mama mo.”
Diretso niyang nalunok ang malaking hiwa ng karne nang bigla na lang itong nag-angat ng mukha. Muntikan na siyang mabulunan, naagapan lang nang agarang pag-inom ng tubig sa tabi niya. Namimigla ang babaeng ito.
“Kumain ka na lang.”
What else could he say?
Natapos ang lunch nang wala nang anumang namagitang pag-uusap.
“Just leave it.”
Nabitin sa ere ang gagawin sana nitong pagliligpit sa pinagkainan. Hindi na nagtanong at minabuting maupo sa couch. Pinanood lang nito kahit ang maintenance na inutusan niyang maglinis sa mesa. Nahihiyang nginitian pa nito ang empleyado.
“Salamat.”
“Naku, walang anuman, Ma’am.”
Ang malawak na ngiti ng utility ay napalis nang makitang seryoso lang ang anyo niya. Mabilis itong lumabas at tinanguan pa si Meredith. Then again, nakulong sila sa malamig na katahimikan.
It was almost one. Wala man lang bang balak na umuwi ang babae?
Humugot siya ng ilang libong bills sa bulsa at isa pang ATM card at iniabot sa babae.
“A-anong gagawin ko diyan?” maang na tanong na sa hawak niya nakatitig.
Totoong nairita siya sa tanong nito. “Ano ba ang ginagawa sa pera?” nawawalang pasensya niyang tanong. Pati ba pera, hindi nito kilala?
“May pera naman ako.”
Nagpakawala siya ng hangin at inilapag sa centertable ang pera at card.
“Sige, aalis na ako.”
Pinulot nito ang bag at tumayo. Ilang saglit na nakatitig pa sa kanya bago tumalikod at lumabas ng pinto. Hindi man lang niya ito pinagkaabalahang ihatid. Baka masanay. Mahirap na. Pabalik na siya sa mesa nang tumawag ang ina.
“Si Mere?”
“Mere?” kunot-noo niyang tanong.
Oh, shit! Meredith. “She’s gone home already.”
“What?! Hindi mo man lang inihatid?”
Nalukot ang mukha niya. “Mom, I am busy. You know that.”
“Can’t you spare even just a few minutes na ihatid ang asawa mo pauwi sa condo? Did you even ask her if she knew her way home? You are irresponsible, Caleb. Alam mong hindi siya sanay dito sa Manila.”
Naririndi siya sa matinis nang boses ng ina. “Okay.” Pinatay niya ang tawag at nagmamadaling lumabas ng pinto. Napahinto siya nang makita itong kinausap ang secretary.
“Ma’am, alam ho ba ninyo ang pangalan ng kinaroroonan ng condo unit ni-“
“I’ll drive you home.”
Parehong napalingon sa kanya ang dalawang babae sa maagap niyang pagputol sa pag-uusap ng mga ito. His secretary smiled at Meredith. “Ayan, ihahatid naman pala kayo. Sabi ko naman sa’yo, Ma’am, eh.”
How did he end up marrying an ignorant woman?
Ilang sandali lang ay lulan na sila ng elevator. May mga taong napapalingon sa kanila sa lobby sa ibaba nang binabagtas na nila nang magkaagapay ang entrance ng gusali. He could sense discomfort in her.
'Come on, tinitingnan ka lang.'
Saang bundok ba talaga nanggaling ang babaeng ito? He was between being mesmerized and annoyed at the same time.
“Bakit hindi mo man lang tinanong kung paano umuwi? Pwede naman kitang ipahatid sa driver.” Nasa loob na sila ng kotse. “Wala ka bang bibig?”
Mayroon. Umawang nga sa mga sinabi niya. God. Mauubusan siya ng pasensya sa babaeng ito. From years of dating independent and outspoken women, he ended up marrying the exact opposite.
“Sorry,” was all she could say.
Damn! Nginangatngat siya ng kunsensya kahit hindi naman dapat. Hanggang sa paghinto sa harapan ng building nila ay tahimik lang ito. Tanging sa labas ng bintana lang nakaharap si Meredith.
“Salamat sa paghatid.”
He couldn’t believe this woman. Pinagsalitaan na nga niya ng hindi maganda, nakuha pang magpasalamat. Bumaba itong ni hindi man lang hinintay na pagbuksan niya at walang lingon-likod itong naglakad nang mabilis patungo sa loob. Nakita pa niyang tinanguan nito ang gwardiya at mahiyaing ngumiti nang batiin.
Talaga bang ganito kabait si Meredith o baka naman façade lang ito ng babae.
‘Why the interest, Caleb?’
Binawi niya ang paningin at binuhay muli ang makina. Napabuntung-hininga siya. Parang may nagbago sa loob ng sasakyan niya. It was as if a different scent assaulted his senses. Alam niya kung kaninong pang-amoy ang naiwan sa loob. Simpleng cologne na presko sa pang-amoy and it was Meredith’s.
Damn. Ang bango lang ng babaeng ‘yon. She was unbelievably fragrant and…sexy.
Apat na araw. He counted the days he didn’t see Meredith. Alam niyang nasa loob lang ito ng silid nito pero ni minsan ay hindi pa sila nagpapang-abot nang matagal maliban noong minsang magkasabay silang nagbukas ng pintuan. She was surprised to see that he was still there. Bumalik ito sa silid at hindi na lumabas pa hanggang sa makaalis siya. Meredith was one peculiar woman. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng utak nito. Tila may pader itong ibinabakod sa sarili. It was better that way. Wala siyang balak tawirin ang anumang itinatago nito. The lesser he knew her, mas makabubuti sa kanilang dalawa. No emotional attachment, mas madaling bumitaw. Gayunman, nagsisimula na siyang magtaka kung paano ito kumakain. Walang senyales na ginagalaw nito ang anumang gamit sa kusina. Wala ring nababawas sa stocks niya sa ref. Ang mga pinamili nito ay nawala na sa ref. Kung saan dinala, hindi niya alam. On the fourth day, he began to get worried. He hated it but he was concerned. A little bit concer
Caleb and Meredith drifted farther away from each other. After the confrontation, she managed to stay out of his way. Mas lalong naging matibay ang pader na nakaharang sa kanilang dalawa at tila na-master din ng babae ang pag-iwas sa kanya. Nasa iisang bahay, natutulog sa lilim ng iisang bubong pero umaaktong hindi magkakilala. Sa totoo lang ay iniiwasan niya ring makasalamuha si Meredith. Having seen her cry bothered the hell out of him. Bahagyang nalusaw ang anumang yamot niya sa babae nang makita ang luhaang mga mata nito. He deeply sighed. Hindi siya dapat naapektuhan pero hindi maiwasan. Buong akala niya ay madali lang ang pagpapakasal sa babae. Pagtupad lang sa kasunduan. Laking pagkakamali niya. Wala siyang alam na paghuhugutan kung paano pakitutunguhan ang ganitong uring babae. She had no point of reference. Even Tita Eli was a strong woman. ‘How long can you stand with this setup, Caleb?’ Wala siyang sagot sa sariling tanong. Iisa lang ang alam niya, hindi niya nakikita an
“The audacity!" Dumbfounded, he was left with no words to say to her face. Muli ay naisahan siya ni Meredith. Nahirapan siyang hanapin ang tamang mga salitang maaaring isagot pabalik sa sinabi nito. Sa huli ay naihatid niya na lang ito ng tanaw habang nagmamadaling nagmartsa palayo. The woman acted as if he was something so unpleasant in her sight Ang inakala niyang maamong kuting ay may itinatago din palang tapang. “Strike three na ang babaeng ‘yon.” Inisang lagok ni Caleb ang natitirang laman ng lata. Napaubo pa siya nang halos mabilaukan. Dama niya ang paninikip ng dibdib. Nagngingitngit ang kalooban niya. Wala pang babae ang nagagawa siyang basta barahin ng ganito. "Bullshit!" Hindi na mabilang ang mga pagmumurang umalingawngaw sa bibig niya. Tinanggal niya sa pagkakabutones ang polo. Ang init bigla ng pakiramdam niya. Gumapang iyon patungo sa kanyang sentido. He suddenly felt a throbbing pain in his head. Blame it to hangover and Meredith. Damn that feisty little woman. Mahi
“M-meredith.” Halos hindi niya marinig ang sariling boses. The mere mention of her name brought shivers to his spine. Of all people, si Meredith pa talaga ang nakahuli sa kanila ni Ashley. He was on the most unbecoming act of cheating and Meredith caught him red-handed. Inutusan niya ang sariling magsalita, magpaliwanag, ngunit wala nang salitang sumunod pa sa sinabi niya. Meredith was devoid of emotion. Nakatitig lang sa kanya at binaybay ng mga mata ang kabuuan niya hanggang sa pumirmin ang paningin sa ibaba. On his crotch to be more specific. Damn it! Hindi pa niya naisarado nang maayos ang slacks. Patunay lang sa ginawa niyang kababalaghan. He still had a hard on. Gumalaw ang panga ni Meredith. Apart from that, wala nang ibang mababakas na emosyon sa mukha nito at basta lang tumitig muli sa mukha niya. Lumagpas ang mga titig nito sa balikat niya. Direkta na ngayong nakatingin si Meredith sa natitigilan pa ring si Ashley. This was the most awkward moment he had ever been into. Th
Sa mga mata ng lahat na naroroon, walang kwestiyun na ginagampanan nila ni Meredith ang papel ng totoong mag-asawa. Like a doting husband to his lovely wife, ipinaghila pa niya si Meredith ng upuan at nagpasalamat naman ito sa kanya kasabay nang pagdantay ng palad sa braso niya. It was just a brief contact but he surely felt the warmth of her touch. Kaagad ding binawi ni Meredith ang kamay. Yet, the heat lingered on his skin. 'Fucking lunatic, Cal!' “You make your mother so happy,” ang ina niya nang tuluyang makaupo na silang magkatabi ni Meredith. Halos pabulong ang pagkakawika nito, iniiwasan ang makaagaw ng eksena sa kasalukuyang tumatakbong programa. Kaya nga lang, hindi nito kayang i-contain ang kilig. Nangingislap pa sa tuwa ang mga mata nitong nagnanakaw sa kanila ng sulyap. 'You just have no idea what’s happening, Mom.' Meredith managed to smile and act fine. They were seated side by side, with their elbows almost brushing, but none of them spoke to each other. Ano naman a
“Is this final?” Harrison looked at Caleb critically. Nasa opisina sila nito ngayon. Sinadya niyang sunduin ito sa airport at dito na nga sila dumiretso. Kadarating lang nito ngunit siya kaagad ang inasikaso. Kaya, panay reklamo at mura ang ginawa nito. This thing couldn’t wait any longer.“Yes.” Bumuntung-hininga si Harrison. “We’ll, then, I hope walang sisihan sa huli.” He weighed everything thoroughly. What he was doing was right. The marriage won’t work for Meredith and him. Mas mabuting putulin na habang maaga. It would be beneficial for both fo them. “Paano si Lolo Manolo?” Pasalampak itong naupo sa swivel chair at hinihilot-hilot ang sentido. Kagagaling lang nito sa eroplano pero amoy alak ito. “Hahanap ako ng timing na sabihin.” Sandali lang siya nitong sinulyapan. Kinuha nito ang cellphone at inutusan ang assistant na ibili sila ng breakfast. Late breakfast. Mula sa glass wall ng opisina nito ay kita niya ang mga empleyado ng firm sa labas. Lahat ng private offices dit
“See you when I see you.” Hindi matapos-tapos ang pagpapaalam nila ni Ashley sa isa’t-isa. Nasa kotse lang siya at hindi na bumaba para ihatid sa loob ng airport ang babae. Ayaw niyang makita silang dalawa sa intimate na ayos kung sakaling may mga kakilalang nasa loob. Hanggang fluid pa ang lahat, hanggang hindi pa natutupad ang binabalak, kailangang maging maingat muna.“How long will you be there?” “Two months at least. Maybe, three.” Ilang linggo din ang bubunuin ni Ashley sa abroad. Masyadong matagal pero hiniling ng ama nitong personal nitong pamahalaan ang pagtatayo ng branch ng jewelry store sa Paris. Isasabay na rin nito ang pag-aaral ng short-term course sa design. “Mami-miss mo ako, right?” Kinabig nito ang batok niya. She leaned towards him until their faces are almost less than an inch apart. Panay ang ginagawang paghaplos sa buhok niya sa likuran habang kagat-labing nakatitig lang sa mga mata niya. Nagsisimula na naman ito. “Don’t do this, Ash. Naghihintay ang plane
“Sealed and delivered, Cal. She already received the summons and she will be given fifteen days to make a reply. So, everything is good to go. Kahit hindi pa siya pumirma, the case will go on. Ang importante lang naman ay natanggap niya.”He was relieved. At least, umuusad na. Totoo ngang magaling ang abugadong ibinigay ni Harrison sa kanya.“Now, it’s a waiting game, however, you still have a mission, and that is, breaking your mom and grandfather’s heart.” Binuntutan ni Harrison ng malakas na tawa ang sinabi. Alam na alam talaga ng gago kung paano siya iinisin.“Asshole!”“We both are.”He didn’t contest. Tanggap niya iyon.“How about a celebratory drink?”Bago niya masagot ang tanong ay bumukas ang opisina at iniluwa ang ina. ‘I’ll call you later. Mom is here.”Malakas na humalakhak si Harrison. “Start confessing, man.”He was tempted. Sinalubong niya ang ina at hinalikan pisngi nito. Inutusan niya ang sekretarya na ikuha ng coffee ang ina.“Don’t bother, son. Dinaanan lang talaga k