Pagbukas ng pinto ay si Rose agad ang sumalubong sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa habang may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha."Minari, anong ginagawa mo rito? At paano mo nalamang nandito ako?" Tanong niya na may ngiti sa kaniyang labi. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad lalo na nung sumilip mula sa likuran niya si Lemuel na hatalang nagulat nang makita ako. Pinagmasdan ko siya muka ulo hanggang paa at tangging bathrobe lang ang suot nilang dalawa.Nagtama ang mga tinginan namin sa isa't isa pero tumalikod ako kaagad at naglakad palayo roon. "Sandali lang, Minari!" Rinig kong tawag sa akin ni Rose pero hindi ako lumingon at dere-deretso lang ako sa paglalakad na may pagpatak ng luha sa aking mga mata.Nagkamali ako. Ang akala ko ay kaya ko na silang harapin pero hindi. Mas masakit pala kapag nakita mo sila ng harap-harapan na magkasama. Akala ko ganoon lang kadali iyon pero mahirap pala talagang tanggapin ang katotohanan.Halos nakalabas na ako ng hotel nung tawagin ako ni
Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang dalhin sa hospital si Minari. Palagi lang siyang nakatulala at tahimik sa loob ng silid niya. Sinubukan namin siyang kausapin pero tila wala siyang naririnig at may malalim na iniisip. Pagkatapos kasi siyang dalhin sa hospital ay sinabi ng doktor na namiscarriage siya at hindi na nadugtungan pa ng buhay ang inosent at munting sanggol sa sinapupunan niya. Kahit hindi ako ang tunay na ama nang pinadadalang tao niya ay nasaktan din ako sa aking narinig. Pero alam ko na hindi iyon matutumbasan ng sakit at lungkot na pinagdadaanan ni Minari ngayon. Isa siyang ina na sabik magkaroon ng sariling anak. Matagal na niyang hinintay ito at alam ko kung gaano siya kasaya nang malaman niyang buntis siya. Pero dahil sa kataksilan ng asawa niya ay namatay ang pinakamahalaga sa puso niya.Kasalanan ito ni Lemuel. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang lahat nang ginawa niya kay Minari."Mari." Tawag ko sa kaniya habang nakatayo siya sa tabing bintana a
Pagkatapos ng isang linggo na pagpapahinga ko sa hospital ay muli akong nakauwi sa bahay namin. Pero wala pa ring nagbago kahit nakabalik na ako sa tahanan namin. Palagi pa rin akong nakatulala at walang imik. Hindi na rin umuuwi ng madalas si Lemuel sa bahay namin at alam ko naman kung nasaan siya ngayon. Paniguradong magkasama na naman sila ng babaeng niya. Pagkatapos ng mga nangyari sa akin at kahit nalaman niya ang pagkamatay ng anak namin ay hindi ko kailanman narinig mula sa bibig niya ang salitang patawad. Wala akong narinig na kahit ano mang salita mula sa kaniya, ni hindi niya ako malapitan o matitigan man lang ng direkta sa aking mga mata.Pakiramdam ko ay tuluyan nang lumayo ang loo niya sa akin at hindi na ako ang nilalaman ng puso niya. Siguro nga nagmahal lang siya pero sana man lang ay nagpunta siya sa araw ng libing ng anak namin, kahit para na lang sa kaniya. Pero muli na naman niya akong binigo. Mas pinili niyang manatili sa piling ng babae niya keysa sa akin at sa a
Nakahiga ako sa ilalim ng puno habang nakapikit ang aking mga mata at maiging pinapakinggan ang pagsipol ng hangin na bumubulong sa aking tainga na kay sarap din namang damhin. Nang bigla akong makarinig ng paghakbang ng nagmumula sa mga sapatos na animoy palakas ng palakas habang siya ay palapit ng palapit sa akin. Yung liwanag ng araw na tumatama sa aking mga mata ay bigla na lang ding nagdilim nung siya ay humarang sa aking harapan at tahimik na pinagmamasdan ang aking mukha.Ilang saglit pa ay naramdaman ko na parang may humahalik sa aking labi, imbis na magulat at matakot ay tila ba'y nakaramdam ako ng tuwa at kilig mula sa aking puso. Dahil yung lalaking humahalik sa akin ngayon ay ang asawa ko, ang lalaking hinahangaan ko lang nuon at pinapangarap na makasama sa panghabambuhay."Alam kong gising ka, bumangon ka na diyan." Rinig kong sambit ni Lemuel habang nakatingin pa rin siya sa akin.Subalit imbis na imulat ko ang aking mga mata ay mas pinili ko ang manatiling nakapikit, h
Mahigit dalawang linggo na kaming hindi nagkikita at nagkakausap ni Vanessa, magmula no'ng magkatampuhan kaming dalawa.Halos dalawang linggo na rin akong hindi makatulog ng maayos sa gabi, lalo kapag sumasagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Vanessa sa akin patungkol kay Lemuel.Madalas akong nakatulala lang at parating may malalim na iniisip. Kung minsan ay napapansin ako ng asawa ko na nakatitig lang sa kaniya at tahimik na pinapanuod ang bawat kilos o galaw niya.Hindi ko mapigilan ang hindi manghinala sa kaniya, ngunit may puwang sa aking puso na nagsasabing hinding-hindi niya kailanman maiisipang gumawa ng kalokohan na ikamamatay ko. Ayokong aminin sa aking sarili na baka tama nga ang sinasabi sa akin ni Vanessa at matuklasan ko na lang isang araw na may ibang babae na siyang minamahal, maliban sa akin.Sa tuwing naiisip ko ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi ko mapigilan ang hindi mangamba at matakot.Matakot na baka isang araw ay bigla na lang siyang mawala sa aking tabi.Mat
Nang magkamalay na ako ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa loob ng isang madilim na silid.Mabilis akong napabangon mula sa kamang kinahihigaan ko at nililibot ng tingin ang buong sulok ng kuwartong iyon.Nasaan ako? usisa ko sa aking sarili habang kumakapa ako sa bawat paligid ko, sapagkat wala akong makita na kahit ano mang liwanag mula roon sa loob.Hanggang sa natumba na lang ako dahil nagkamali ako sa aking paghakbang. "Tulong... may tao ba riyan?" mahinang saad ko habang kinakapa ko naman ang sahig. Gumapang na lamang ako mula roon dahil natatakot ako sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.Nang biglang may gumulong na kung anong bagay papunta sa akin.Halos napaatras ako at napasigaw ng malakas dahil sa sobrang gulat nang tumama ito sa aking kamay. Subalit kaagad ko din namang napagtanto na isa lang pala yung bote ng alak na walang laman sa loob.Napabuga ako ng malalim na paghinga at napahawak sa aking dibdib dahil ramdam ko pa rin ang lakas at bilis ng pintig mula sa
Halos napabuntong hininga ako nang makauwi ako sa bahay namin. Nakakalat ang mga gamit namin at naiwan kong nakabukas ang ilaw doon sa kusina. Bigla tuloy akong nahilo nang maalala ko ang mga nangyari sa amin ni Lemuel kagabi, pero nahawakan naman ako kaagad ni Helix sa aking braso at inalalayan niya akong makaupo sa sofa. "Umalis ka na bago ka pa makita ng asawa ko." Ang sabi ko sa kaniya habang nakahawak ako sa noo ko at nakapikit ang mga mata.Wala akong narinig na tugon sa kaniya kaya tumingala ako at tinignan siya sa mukha. Napansin ko na pinupulot niya ang mga kalat sa sahig at inaayos ang aming mga gamit. Kumunot tuloy ang noo ko at nagtataka habang nakatingin ako sa kaniya."Anong ginagawa mo?" Usisa ko sa kaniya na ikinalingon naman niya sa akin."Nagliligpit ng mga gamit?" Aniya na may pilyong ngiti sa labi niya. Tumayo naman ako at lumapit sa kaniya sabay kinuha sa kamay niya ang hawak niyang picture frame na nabasag kagabi."Puwede bang umalis ka na? Umuwi ka na kung saan
Magmula nang umuwi si Lemuel sa bahay namin ay hindi na namin binalikan pa ang pinag-awayan naming dalawa. Kahit parang nagtataka ako sa kakaibang ikinikilos niya. Para kasing walang nangyari sa amin ng gabing iyon at palagi lang din siyang tahimik. Gayunpaman ay hindi ko binanggit pa sa kaniya ang tungkol sa mga nangyari sa akin ng gabing iyon pati na rin ang tungkol sa sinabi ni Helix sa akin dahil baka magdulot lang iyon hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa.Makalipas ang dalawang linggo ay muli naman kaming nagkita ni Vanessa sa isang grocery store. Nagkasalubong kaming dalawa at pareho kaming naiilang sa isa't isa."Kumusta ka na, Mari?" Aniya kaya tumingin ako sa kaniya at tumugon sa kaniya ng, "Ayos lang. Ikaw? Kumusta ka naman?" Usisa ko na ikinangiti naman niya. Pagkatapos non ay muli kaming naging komportable sa isa't isa at muli kaming nagkakuwentuhang dalawa. "I'm sorry." Ang sabi ko habang naglalakad kaming dalawa na may bitbit na plastic bag sa aming mga kamay.