Share

Kabanata 10

"Jhonny!" Agad lumapit sa amin ang ina ng bata at saka niya kinarga ang batang lalaking yumayakap sa binti ko kanina.

Tila natulala ako sa kaniya at nakaramdam ako ng kirot mula sa aking puso. Ngayon ko lang nadama ang pagiging sabik na maging isang ina. Hindi ko man siya tunay na anak pero parang nawala lahat ng poot at emosyon na nararamdaman ko kanina nang tawagin niya akong mama.

"Minari, ayos ka lang ba?" Usisa ni Helix sa akin habang nakapatong ang isang kamay niya sa balikat ko.

"Gusto mo bang makarinig ng nakakatawang kwento? Tinawag niya akong mama kanina at gumaan ang pakiramdam ko." Tugon ko sabay lingon sa kaniya na may ngiti sa aking labi.

Sa dami ng mga iniisip at pinagkakaabalahan ko sa aming buhay mag-asawa ay nakalimutan ko na may isang pangarap pa ako na gustong makamit iyon ay ang magkaroon ng sariling anak. Pero sa sitwasyon namin ngayon ni Lemuel mukhang malabo nang mangyari iyon. Naiisip ko palang ang mga nakita ko kanina ay nandidiri na ako sa kaniya at parang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status