Share

Kabanata 13

Takbo rito, takbo roon. Araw-araw ko ng nararamdaman ang sintomas ng aking pagbubuntis. Kung minsan ay nakakahalata na si Lemuel pero paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Pinilit kong itago sa kaniya ang pagbubuntis ko sa loob ng dalawang buwan at wala siyang kaalam-alam tungkol sa magiging anak naming dalawa.

Halos dalawang buwan ko na rin hindi nakikita si Helix. Ni hindi na siya nangungulit sa akin o tumatawag man lang sa phone number ko. Marahil ay nagising na siya sa katotohanan na hindi talaga kami ang itinadhana para sa isa't isa. Siguro nakahanap na siya ng ibang paglilibangan niya o baka naman may ibang babae na siyang minamahal. Pero, bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang nalulungkot ako kapag naiisip ang tungkol sa bagay na iyon? Bakit parang may puwang dito sa puso ko kapag sumasagi siya sa isip ko? Hindi kaya may nararamdaman na ako para sa kaniya? Ngunit hindi maaari. Hindi ako maaaring umibig sa kaniy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status