Share

Kabanata 09 : Minari's Pov

The next day habang nag-aayos ako ng mga damit ay bigla kong napansin ang polo ni Lemuel na nakalimutan kong labhan. Kaya kinuha ko ito at tipong ilalagay ko na sana sa basket nang bigla kong maamoy ang matamis na pabango mula sa polo niya.

Nagtaka ako at napakunot noo sa amoy na aking nalanghap mula roon. Anong klaseng pabango ito? At bakit palagi na lang may matamis na pabango ang mga polong sinusuot niyang pangtrabaho? Napailing na lamang ako sa pagtataka at saka ito nilagay sa washing machine.

Sumunod na araw ay muli ko na namang naamoy ang pabangong iyon, hindi lang isang beses kun'di maraming beses. Kung minsan ay naaamoy ko ito sa mismong damit ni Lemuel pagkagaling niya mula sa trabaho niya. Pinilit ko na balewalain ang tungkol doon pero tila binabagabag ako ng isipan ko sa tuwing nalalanghap ko ang amoy nito. Halos tinignan ko na ang bag niya pati ang loob ng sasakyan niya pero wala akong nahagilap na pabango roon.

Saan nanggagaling ang matamis na amoy na iyon?

Isang araw ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status