LOGIN- PAGE TWELVE -ALAS DOSE PASADO NA nang matapos ang welcoming party para kay Sevastian.Ginawa ko ang hiniling niyaākumanta para sa mama niya. At sa totoo lang, masaya ako dahil nagustuhan niya. Parehong kanta ang inawit koāāyung kinanta ko noon sa contest. Nagulat pa sina Georgina nang marinig nila iyon.Pero walang nangyari.Hindi ako umiyak.Hindi sumakit ang dibdib ko.At higit sa lahat⦠wala akong naramdaman.At hindi ko alam kung bakit."Ihahatid na kita, Carmella," saad ni Sevastian."Wag na. Sasabay na lang ako kay Baldo. Nakaalis na rin sina Georgina at Laura," tanggi ko."No. It's me who's going to send you home, not him."Wala na akong nagawa kundi tumango. Hindi ko rin maintindihan kung bakit⦠pero gusto ko ring siya ang maghatid saākin. Nahihiya lang akoāat hindi ko alam kung bakit.Iniwan niya muna ako sandali para magpaalam sa mga magulang niya. Naupo ako sa hagdanan ng balcony at hinubad ang sandals ko. Namamaga na ang mga paa ko kakalakad buong gabiākakasunod sa kany
PAGE ELEVEN "AKALA KO Senyorito hindi na kayo darating eh!" sambit ni Baldo."I'm sorry! Ang dami kasing bisita. Ang hirap makahanap ng timing para umalis," paliwanag naman ni Sevastian."O sige po! Sunduin ko na po 'yung dalawa!" paalam ni Baldo. Tumingin siya sa'kin. "āSobrang ganda mo ngayon, Carmella!" nahihiyang papuri niya bago tuluyang umalis."Teka, nasa'n ang sasakyan mo?!" habol na sigaw ko sa kanya."He has the other car," sagot ni Sevastian.Sinundan ko ng tingin si Baldo at napansin kong naglalakad siya patungo sa isang puting CR-V. May kalayuan pala ang pinagparadahan niya kaya hindi ko agad nakita."Shall we?"Bumalik ang atensyon ko kay Sevastian nang magsalita siya ulit. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay bitbit ang backpack ko.Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng hawak na iyonāParang biglang naging maayos ang lahat.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at inalalayan akong sumakay. Ingat na ingat ako sa bawat galaw ko, l
PAGE TEN "Good evening, Carmella." nakangiting bati niya sa'kin.Para akong natulala sa kinatatayuan ko.Si Sevastian.Sa harapan ko.At hindi lang basta SevastianāHe looked⦠different.Mas lalo siyang naging gwapo sa suot niyang itim na tuxedo. Malinis ang tabas ng kanyang panga, maayos ang pagkakaayos ng buhok, at ang mga matang iyonānakatutok lang sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya sa mundong ito."P-Po⦠good evening din," halos pabulong kong sagot.Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong hinihingal kahit hindi naman ako tumatakbo."Papasok ka ba o dito ka lang?" tanong niya, bahagyang nakataas ang isang kilay.Napakurap ako."A-Ahāoo, sasakay na!" mabilis kong sagot.Hindi ko namalayang napapangiti na pala si Baldo sa likod ko habang hawak ang backpack ko."Sige na nga, ako na bahala sa bag mo. Enjoy ka na lang," bulong niya sa akin sabay kindat.Pinandilatan ko siya."Kung anu-ano pinagsasabi mo!"Pero bago pa ako makabawi, ay binuksan na ni Sevastia
chapter 9Habang naglalakad kaming dalawa ni Sevastian papunta sa Registration Office, hindi ko inaasahan ang eksenang sasalubong sa amin.Sina Theo at Vanessa.Parang biglang bumagal ang oras.Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kanilang dalawa. Hindi ko na kailangan pang hulaanāmagkahawak ang mga kamay nila.Masakit.Sobrang sakit.Ramdam ko ang paglingon ni Sevastian sa akin, pero hindi ko siya magawang tingnan. Nakapako lang ang mga mata ko sa eksenang ayaw kong makita.āHi, Carmella!ā masiglang bati ni Vanessa, parang walang anumang mali.Pinilit kong lunukin ang bigat sa dibdib ko.āK-Kayo na ba?ā mahinang tanong ko, kahit halatang alam ko na ang sagot.Napatingin si Vanessa kay Theo, na hindi man lang makatingin nang diretso sa akin.āYeah,ā nakangiting sagot niya. āSinagot ko na siya kahapon.āParang may kung anong pumutok sa loob ko.Alam ko ang sarili ko. Konti na lang, bibigay na ako. Iiyak na ako.Hindi pa rin pala ako okay.Hindi pa rin pala ako na
Tahimik ang paligid pagkatapos kong talikuran si Sevastian. Ang malamig na hangin ng madaling araw ang sumalubong sa akin, tila mas lalo pang nagpapabigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o sa mga salitang binitawan ko, pero parang biglang bumigat ang mundo. Humakbang ako palayo sa waiting shed. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko, pero pinipilit kong magmukhang matatag. āAng arte mo, Carmellaā¦ā bulong ko sa sarili habang hinahawakan ang dibdib ko. Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, hindi maalis sa isip ko ang itsura niya kanina. Yung mga mata niya. Yung lungkot na parang matagal nang nakatira doon. At ang pinakamasakit sa lahat⦠yung paraan ng pagmamahal niya sa taong hindi siya pinipili. Napahinto ako sa paglalakad. āAng tanga mo ba?ā inis kong bulong. āBakit mo pa iniisip āyon?ā Pero kahit pilitin ko, bumabalik pa rin. āI still love her kahit paulit-ulit niya akong saktan.ā Napakagat labi ako. āAng sarap mong sabunutan, Sevastian.ā Sa kabilan
PAGE SEVEnāSIGURADO KA BA na kaya mong umuwi mag-isa?ā nag-aalalang tanong ni Laura.Matapos ang pag-uusap namin ni Theo, bigla kong naisip na uminom. Inaya ko sina Georgina at Laura. Nagpunta kami sa kubo nila Georgina, at doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na matagal kong kinimkim sa dibdib ko.āOO n-naman,ā sagot ko, pilit na matatag kahit umiikot na ang paningin ko.āBakit ka ba kasi nagpakalasing?!ā may halong inis na sambit ni Georgina habang nakatingin sa akin na parang gusto akong sermunan.āS-Sige na! U-Uwi na k-kayo!ā pagtataboy ko sa kanila, kahit ramdam kong medyo nanginginig na ang boses ko.Tahimik silang nagkatinginan.āMag-ingat ka, Carmella!ā sabay sigaw nilang dalawa habang papalayo na sila.āO-Oo na!ā sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Medyo malayo ang bahay namin sa sentro. Kailangan ko pang sumakay ng tricycle, pero sa ganitong oras, halos wala nang bumibiyaheng sasakyan. Halos mag-aalas-dos na ng madaling araw.Kaya wala akong choice kundi maglakad.







