Share

Chapter 25

CHAPTER 25

“BAKIT ba hindi ako makapagsulat?” usal ni Syler sa kanyang sarili. 

Nauubos ang oras niya sa pagtitig sa kanyang laptop na patuloy na nagbubuga ng radiation sa kanyang mukha. Sa totoo lang ay nasa mood naman talaga siyang magsulat. Kung puwede nga lang ay tatapusin na niya kaagad ang naka-pending niyang fantasy novel. Pero hindi niya magawa iyon ngayon dahil may iba pa siyang dapat na gawin.

She sighed heavily. “Oh, brain.”

Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang tanggapin niya ang alok ni Miss Villor Lee na gumawa ng isang pure romance novel. Nag-alangan siya noong una dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi na niya gamay ang ganoong genre. Masasabi niyang ito na ngayon ang kahinaan niya bilang isang manunulat. At ayaw niyang magpasa ng isang pilit na akda. 

Oo, isa siyang romance writer noon, pero hindi na ngayon. Marami siyang romance novel na nalimbag noon pero

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status