THEORENZ DAMIAN POV:
I can't help feeling happy right now. I'm with her, the girl that i love. Hindi ko inaasahang mag cha-chat siya sa akin upang makipag kita. I felt bad when i left Klea there all alone but she can take care of her self right?
Felicia and i eat at our favorite restaurant when we we're still a couple. This bring back our memories. Kung gaano kami kasaya noon, kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Gusto kong bumalik ang lahat ng iyon pero hindi ko alam kung kailan ko sisimulan.
“So kayo pa rin ba nung girlfriend mong student?” tanong niya. Agad akong napatigil dahil sa sinabi niya.
“Yeah pero magkaaway pa kami ngayon.” pag sisinungaling ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nag papanggap lang si Klea bilang girlfriend ko.
“Oh are you okay? Do you want me to comfort you?” tanong niya dahilan para mapangiti ako. She's still the same, mabait pa rin siya.
“I'm okay Felicia, ihahatid na kita.” aniya ko bago ko siya pinag buksan ng pinto ng kotse ko. Agad naman siyang pumasok sa loob at pumasok na din ako.
Tahimik lang kaming dalawa habang nag mamaneho ako. Medyo malapit lang naman ang bahay niya dito kaya nakarating din kami kaagad.
“Kung magkakaroon man ng chance, gusto ulit kitang mahalin Theo. I still love you, pag isipan mo.” huling aniya niya bago siya lumabas sa kotse ko at umalis. What did she mean by that?
I'm still thinking about what she said while I'm driving back to my mansion. Pinag buksan ako ng gate ng mga gwardiya ko at agad akong pumasok sa mansion.
“Klea?” pag tawag ko sa pangalan niya habang nag tatanggal ako ng necktie. Wala siya sa sala at kusina. Baka nasa kwarto?
Agad akong naglakad papaakyat ng hagdan at naglakad papunta sa may kwarto niya. I knock at her door and called her.
“Klea?” muling pag tawag ko sa pangalan niya pero walang sumagot. I immediately open the door at kinabahan ako ng hindi ko siya makita doon. Where is she? Habang iniikot ko ang paningin ko sa kwarto niya ay nahagip ng mata ko yung cabinet niya at wala na itong laman.
I started to panic, where is she? May pinuntahan ba siya? Pero bakit wala yung mga gamit niya dito? Hindi kaya iniwan na niya ako?
Nag mamadali akong bumaba ng hagdan at lumabas ng mansion. Kung sakali mang umalis si Klea, alam kong makikita siya nung mga guards.
“Benedict! Did you see Klea? She's not in her room at wala yung mga gamit niya doon. Nakita niyo ba siyang lumabas sa gate?” tanong ko sa kanila. Kita ko sa mga mata nila na kinabahan sila, hindi pa sila nag sasalita ay alam kong mag sisinungaling sila.
“Wala po Sir, hindi po namin nakita si Ma'am Klea na lumabas.” pag sisinungaling niya. Agad kong binuksan ang cellphone ko at tinawagan ko siya. Puro out of reach ang lumalabas, her cellphone must be off.
F*ck! Where is she? Kung pina-prank niya lang ako huwag niya nang ituloy. I don't know why but i felt uneasy. Para bang hindi ako mapakali ngayong alam ko na wala siya.
I immediately dialed my mother's number para alamin kung alam niya ba kung nasaan si Klea.
“What do you mean Theo? Nawawala si Klea?” tanong ni Mom dahilan para mas lalo akong kabahan. Hindi niya alam kung nasaan si Klea?
“Okay, hahanapin ko lang siya Mom.” aniya ko bago ko pinatay yung tawag at sumakay sa kotse ko. Kung umalis nga si Klea sa bahay ko, sigurado akong alam ni Kim kung nasaan siya. Nakarating din ako kaagad sa bahay nila pero si Kyzer lang ang naabutan kong nandoon.
“She's not here Kuya, kahit si Karin ay wala rin dito.” aniya ni Kyzer dahilan para mapatulala ako. Sa mga oras na iyon, i felt hopeless. Paano ko siya hahanapin?
Pero ano naman kung umalis siya? Pwede naman akong humanapng ibang babae na mag papanggap bilang girlfriend ko diba? Hindi naman siya kawalan diba?
_
“Bro nakaka ilang bote ka na ng alak, itigil mo na yan. Huwag ka mag pakalasing dahil lang sa babae.” pag pipigil ni Tristan sa akin habang umiinom ako ng alak. I can't stop drinking, i really miss her. Tatlong araw na since nung umalis siya at heto ako ngayon nangungulila. Akala ko nung una pwede ko siyang palitan pero hindi eh. Palagi ko siyang hinahanap. Nasaan ka na ba kase Klea?
“Wow nag salita ang lalaking umiiyak lang kanina dahil hindi nag rereply yung jowa. Hala ka baka iwan ka na ni Keisha at mag hanap na yun ng bagong magiging tatay nung anak niyong kambal.” natatawang pang aasar ni Tyler sa kapatid habang umiinom ng alak.
“Grabe naman makapang asar, ikaw nga hindi mo pa din mahanap si Sevy eh.” pabalik na saad ni Tristan sa Kuya niya habang umiinom ng alak.
“Hays sana all broken hearted. Ako kase maayos kami ni Pearl at hindi nag aaway. Sorry but I can't relate sa sitwasyon niyo ngayon.” pag yayabang ni Xander bago siya uminom ng alak.
“Edi ikaw na hindi kaaway ang jowa. Kapag talaga kayo nag away ni Pearl tatawanan kita.” nakangusong saad ni Tyler.
“Sa tingin niyo bakit kaya umalis si Klea? Dahil ba sa alam niyang nakipag kita ako kay Felicia? Nagalit ba siya kaya iniwan niya ako? O baka naman nakahanap na siya ng bagong pogi.” aniya ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.
“Pre ikaw ba talaga yan? Ano ng nangyari sa kaibigan naming palaging nag uuwi ng babae noon? Para kang ibang tao Theo, sabihin mo ginayuma ka ba ni Klea?” natatawang tanong ni Tristan sa akin.
“Tumigil ka nga jan! Mas masarap si Klea eh. Saka ang lakas naman ng loob mong mag salita, napaka sungit mo kaya. Palagi mo pang sinusungitan si Keisha noon tapos kapag may kasamang iba nag seselos.” taas kilay kong saad sa kaniya. Totoo naman, susungitan tapos mag seselos. Ang lakas ng tama nitong lalaking ito.
“Oo nga tapos alam niyo ba may isang kwarto si Tristan puno ng gamit ni Keisha. Kaya pala ayaw niya akong papasukin doon dahil maraming panty ni Keisha ang nakatabi doon.” natatawang saad naman ni Tyler habang inaasar ang kapatid.
“Ano naman kung may collection ako ng panty niya? Atleast hindi ako nang hihigit papasok ng kwarto kapag nag seselos. Akala niyo siguro sound proof yung kwartong yun. Rinig na rinig namin yung ung*l niyo ni Sevy noon.” pabalik na asik ni Tristan sa Kuya niya. Teka bakit parang naiiba na yung usapan? Pinapunta ko sila para pag usapan yung problema ko diba?
“Sus dami mong alam. Ikaw nga nilagyan mo ng honey yung kipa—” hindi na natuloy ni Tyler yung sasabihin niya ng takpan ni Tristan ang bibig niya. Mag sasalita na din sana ako ng may babaeng biglang lumapit sa akin at nginitian niya ako.
Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay hindi ko na agad siya nagustuhan. Napaka iksi ng suot niyang dress at labas na labas ang s*so niya sa suot niyang dress. Oo malaki ang dibdib niya pero mas malaki yung kay Klea. Saka mas maganda si Klea kaysa sa kaniya noh!
“Hi handsome. I'm Narine” malanding saad niya bago inilahad ang kamay niya sa akin. Kita ko sa muka nila Tristan na hinihintay nila ang isasagot ko.
“No thanks, may girlfriend na ako.” aniya ko sa kaniya bago ako umirap.
“Pero wala naman yung girlfriend mo dito diba? I'm sure she won't mind kung makikipag kilala ka sa akin.” nakangising aniya niya bago siya umupo sa upuan sa tabi ko. I just rolled my eyes at her before responding.
“Hindi nga ako interesado. May girlfriend ako at loyal ako sa kaniya. Kung gusto mo ng lalandiin pumili ka na lang sa kanilang tatlo.” aniya ko bago ko itinuro yung tatlong nasa likuran ko.
“No thanks, buntis girlfriend ko at baka hindi na talaga siya makipag balikan sa akin kapag nag loko pa ako.” aniya ni Tristan bago umiling.
“Hindi din ako pwede, may hinihintay akong bumalik.” aniya naman ni Tyler.
“No thanks, mas malaki pa s*so ng jowa ko kaysa sayo. Also kakaiba siya mag selos, baka bar*lin ka nun. Saka ayaw kong mapatulog sa sala.” pag tanggi ni Xander. Inis siyang umalis dahilan para mapatawa ako.
“Mas malaki pala ang s*so ha?” natatawang saad ko bago uminom ng alak.
“Sa tingin niyo anong kailangan kong gawin para umuwi si Keisha? Mukang wala talaga siyang balak na bumalik eh. Wala din akong balak na sukuan siya at hindi ko hahayaang agawin siya ng iba. Magkamat*yan na lang kami ng susubok na agawin siya sa akin.” aniya ni Tristan. Kita ko sa mga mata niya na seryoso siya at mahal na mahal niya si Keisha. Bakit kase hindi niya sineryoso nung una eh! Yan tuloy siya ang nag hahabol. Ang masasabi ko lang good luck.
“What if, mag panggap kang naaksidente? Malay mo mahal ka pa rin niya kaya agad siyang uuwi dito sa Manila. Kapag nagkita na kayo, ayusin niyo na ang relasyon niyo.” pag babahagi ng ideya ni Xander. Pwede din yun pero baka mapaanak si Keisha ng wala sa oras. Baka mamaya kabahan yun.
“Grabe naman yan Xander, paano kung hindi gumana? Paano kung hindi maniwala si Keisha?” sunod sunod na tanong ni Tristan kay Tristan.
“Aba malay ko, pero hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.” aniya ni Xander. Ang dami naman alam nitong lalaking ito. Mag sasalita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nag message ata sa akin. Agad ko itong kinuha at nakita kong Unknown Number ito. Hindi ko na sana ito pansinin pero nag send kase sila ng mga picture. Nang buksan ko ito ay nagulat ako nang makita kong litrato ito ni Klea habang kumakain, nanonood ng tv, naliligo sa swimming pool at natutulog. Sino toh? At paano siya nagkaroon ng picture ni Klea? Hindi kaya kasama niya si Klea?
_
To: Uknown Number
Who are you?
Why do you have pictures of Klea?
Magkasama ba kayo? Nasaan kayo? Sino ka ba?
_
Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Magkasama sila ni Klea? I have to find her. Paano kung masamang tao ito? Baka madamay lang si Klea.
“Xander, can you track down kung saan ang location ng may ari ng number na ito? May picture siya ni Klea, there's a possibility na alam niya kung nasaan si Klea or magkasama sila.” tanong ko sa kaniya bago ko inabot yung cellphone. Agad niya naman itong tiningnan bago ngumisi.
“Kaya ko, pero aabutin ng isang araw dahil kailangan kong ipa hack kay Sean yan? Teka tatawagan ko lang yun.” aniya niya bago kinuha yung cellphone at naglakad papaalis.
“Bakit kaya sita nag send ng pictures ni Klea?” tanong ni Tristan.
“Para bang inaasar ka niya Theo, there's a possibility na kilala mo ang taong nag send niyan sayo.” aniya ni Tyler.
“Paano mo nasabi?” tanong ko sa kaniya.
“She looks happy, pwedeng kakilala niya na kilala mo ang kasama niya. May kilala ka bang kaibigan niya na malapit sayo?” tanong niya. Bigla akong napa isip, si Kim lang naman ang kaibigan niya na malapit sa akin.
“Si Kim, yung pinsan na best friend niya.” saad ko.
“Natanong mo na ba sa pinsan mo kung alam niya kung nasaan si Klea?” tanong niya. Hindi pa pero parang may itinatago si Kyzer eh. Para bang may hindi siya masabi sa akin.
“Yan lang ang problema, wala kase siya sa bahay.”
“Boom! Pwedeng magkasama yung magkaibigan na yun.” aniya naman ni Tristan.
“Theo! Sabi ni Sean pumunta daw tayo sa hideout para masimulan na ang pag ha-hack.” aniya ni Xander kaya kahit medyo lasing na ako ay pinilit ko ang sarili kong makatayo. Agad kaming lumabas sa bar na iyon para maka punta na sa hideout nila Xander. Desperado akong makita siya at handa akong gawin ang lahat makita lang siya ulit.
Agad kaming sumakay sa kotse at si Xander na ang nag drive dahil hindi pa siya masyadong lasing. Si Tristan naman ay papikit pikit na dahil kanina pa din kami nag iinom.
“I'm thinking, is there a possibility na isa sa kapamilya mo yung nag tago kay Klea?” biglaang tanong ni Tyler. Hindi ko siya sinagot pero hindi mawala sa isipan ko yung sinabi niya.
Nang makarating na kami sa hideout ng dark gang ay agad na ikinonect ni Sean yung cellphone ko sa computer at nag simula na siyang mag type ng kung ano ano.
_
KIMBERLY SHANE'S POV:
Pauwi na kami nila Kuya Theron at Ate Karin galing restaurant at mall dahil bumili kami ng mga gagamiting para sa birthday ko ngayon. Naiwan si Klea sa bahay paramag prepare ng mga gagamiting mga pinggan.
Alam kong nag paiwan siya dahil balak niya akong regaluhan ng cake na ginawa niya. Napaka bait talaga ng kaibigan kong ito. Ang swerte ko dahil hindi siya katulad ng iba kong kaibigan na pera lang ang dahilan kung bakit nila ako kinakaibigan. Siya, parang ate ko na siya. Palagi niya akong dinadamayan kapag may problema ako.
Papauwi na kami dahil nabili na namin lahat ng kailangan naming bilhin. Naisipan kase naming parang pajama party ang theme ng birthday ko para masaya. Agad kaming sumakay sa kotse at nag maneho na si Kuya Theron papauwi. Excited na akong makita kung anong design ang ginawa ni Klea sa cake ko.
Nang makarating kami sa bahay ay nabigla kami ng may makita kaming kotse sa labas. Kay Kuya Kyzer ba ito? Bumili siya ng bagong sasakyan? Ang alam ko kase pupunta si Kuya Kyzer ngayon.
Nang pumasok kami sa loob ay nakakapag taka dahil tahimik sa may bandang sala. Pero halos maihulog ko na yung hawak kong pagkain ng may marinig akong ung*l mula sa kusina.
“Oh.... faster please.” teka? Ung*l ni Klea yun ah? Kahit sila Ate Karin at Kuya Theron ay natahimik rin.
“Sabi na eh, kaniya yung sasakyan na nasa labas.” nakangising aniya ni Kuya Theron bago naupo sa may sofa. Hindi ko ma gets kung ano ang sinabi niya kaya napataas kilay na lang ako. Kahit si Ate Karin ay hindi din alam kung ano ang sinasabi ni Kuya Theron.
“Nandito na si Theo, nahanap na naya tayo.” aniya niya dahilan para magulat kami. Papaano? Paano niya nalaman?
“Theo, kakain pa kami. Kung gusto mo dalhin mo si Klea sa kwarto niya at doon niyo ituloy yung ginagawa niyo.” sigaw ni Kuya Theron mula dito sa may sala. Maya maya lang ay lumabas si Kuya Theo habang buhat buhat niya si Klea at malamig lang siyang nakipag titigan sa amin.
“We'll talk later, Karin, Kim and Kuya.” base sa tono ng pananalita niya ay galit siya sa amin pero agad siyang umakyat sa kwarto ni Klea.
“Naku mukang yari kayo.” biglaang saad ng kung sino bago mula sa likuran namin.
“Kuya Kyzer?” gulat na sigaw namin ni Ate Karin.
“Galit na galit si Kuya Theo. Mayayari kayo, halos mabaliw na yan nung nakaraan dahil lang sa hinahanap niya si Klea.” natatawang saad niyo bago naupo sa may sofa. Mukang mali ata na sinabi ko kay Kuya Theron ang plano na ito.