LOGINAng kanilang kumpanya ay nagsasagawa ngayon ng malaking proyekto isang Drama Series na papatok sa madla. Lahat ay kumpleto na, pati nga ang script at mga props ay nakasalang na. Mabuti na lang maraming mga nagdadagsaang sponsors ang kompanya nila kaya hindi na madali ang pag-produce ng proyektong ito. Subalit ang kanilang isang major investor na naka-base sa Pinas ay napaka-arte. Nang malapit nang pirmahan ang kontrata, bigla itong nag-demand.
Gusto nitong pumunta ang buong creative team sa Pinas para personal na ipaliwanag sa mga ito ang proyekto at mga plano.
At dahil siya ang writer ng proyektong drama series na yun kasama dapat siya roon.
Subalit nang malaman niyang sa Pinas sila pupunta, agad siyang tumanggi. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam. Naniwala naman ang kanyang kaibigan na si Inka pati na ang mga myembro ng team kung kaya’t hindi na lang siya nito pinasama at maghintay na lamang ng balita mula sa mga ito.
Ngunti pagdating palang ng team sa Pinas kahapon tumawag agad ang kaibigan niyang si Inka.
“Girl, nagalit sa atin ang investor. Hinahanap ka’t ikaw pa naman daw ang writer ng drama series na ito. Kailangan mong pumunta rito dahil iniisip nitong hindi raw tayo sincere na makipag-usap sa kanila. Tangina, ang arte naman, eh napaliwanag na nga namin ang lahat sa kanila!”
Kinabahan siya sa sinabi ni Inka. “Bakit naman sinabi niya yun?”
“Ewan ko ba! Pero sabi ni Mr. Sponsor, wala raw ang pinaka-importanteng myembor doon at ang writer nitong drama series na gagawin natin. Hindi naman daw tayo seryoso at nag-walkout pa nga sa amin! Hindi man lang nagpaalam!”
Pilit na pinakalma ni Minna ang sarili. Nagbiro pa nga siya ngunit hindi pa rin naitatago ang nararamdaman niyang kaba. “At sino naman ‘yang investory na ‘yan? Anong pangalan niya? Gaano ba ‘yan kabigatin at sobrang arte pa?”
“Well, ang alam ko lang… Ang apelyido niya ay Martinez. Ang sabi kaisa-isang anak daw ito ng mga Martinez na nagmamay-ari ng City Mall sa lungsod.”
Nang marinig ang sinabi ni Inka, nakahinga ng maluwag si Minna.
“Ohh. Martinez…”
Agad na nagtanong si Inka sa kabilang linya, “Bakit? Anong meron sa mga Martinez?”
"Wala lang," nakangiting sabi ni Minna.
Sa loob-loob niya, basta hindi Carreon ang apelyido, ligtas siya. At kung si Shen Martinez pa 'yan, mas lalong ligtas siya. Matagal nang magkaribal ang dalawang yun, para itong mga aso’t pusa kung magbangayan. Mas masahol pa nga ata sa aso’t pusa kung tutuusin.
Kung si Shen ang investor nila sigurado siyang hindi sila magkikita ni Nikolaj.
Pagkalapag ng eroplano, dumiretso agad sina Minna at Sofia sa isang hotel kung saan naroon ang team.
Pagdating na pagdating nila, sinalubong agad sila ni Inka. May bitbit itong isang mamahaling dress na nasa loob pa ng puting box.
"O, isuot mo ‘yan ha!"
Naguluhan naman si Minna at napataas ng kilay kay Inka. “Para saan naman ito? Anong meron?”
Tumingin si Inka sa buhok niyang medyo gulo-gulo at sobrang freezy. "Girl, ilang araw ka na bang hindi naliligo? Tingnan mo nga ang get up mo ngayon, sa tingin mo ba magugustuhan ng investor natin ang suot mo?”
Nakaramdam ng hiya si Minna at napaiwas ng tingin, “Magdadalawang araw na akong hindi naliligo? Bakit ba? Ang lamig-lamig kaya sa Paris! Anyway, bakit kailangan pang naka-dress ako? Anong meron??”
"Gaga! Dahil sa'yo! Hindi ka sumipot ng meeting ‘di ba? Kaya nabadtrip ang maarte nating investor. Sabi ni tanda kailangan mo raw maging presentable sa sponsor natin! Para naman pagnakita ka ni Mr. Martinez ay makalimutan nitong badtrip siya sa’yo! Huwag mong kalimutang ngumiti ah! Yung makakapanlaglag ng panty!” sabi ni Inka kaya natawa siya ng mahina.
“Anong panty? May suot bang panty ang investor natin? At isa pa, huwag mo ngang tawaging tanda ang Boss natin! May pangalan siya ‘no! Palibhasa, mag-ex kayo noon kaya nabi-bitter ka pa ata!” tuksong sabi niya kay Inka ngunit pinandilatan lang siya ng tingin ng dalaga.
“Gaga! Matagal na akong naka-move kay Noah ‘no! Pero, Minna, kailangan nating makuha ang deal na yun kung hindi katapusan na ng proyektong ito. Sila ang major sponsor natin kaya dapat lang maging mabait tayo sa kanila, okay?” seryosong sabi ni Inka sa kanya.
"Sigurado ka bang mga Martinez ang haharap sa atin?" tanong niya na may pagdududa pa rin.
"Oo naman! Dalawang beses ko na siyang na-meet!" Kinuha ni Inka ang cellphone nito at nag-scroll sa screen. "See? Ano nga ba ang pangalan niya? Ah! Si Mr. Shen Martinez. Ang gwapo niya ‘di ba?” kinikilig na sabi ni Inka sa kanya habang pinapakita ang larawan sa kanya.
Tiningnan naman ito ni Minna. At nang makumpirma ngang si Shen yun at hindi si Nikolaj ay nakahinga siya ng maluwag. Medyo nawala na rin ang kanyang kaba subalit hindi pa rin siya pakakampante.
"Bukod sa kanya," tanong ulit ni Minna, "Wala na ba siyang ibang kasama? Sigurado kang siya lang investory natin?"
Medyo nakaramdam na ng inis si Inka dahil sa paulit-ulit na tanong ni Minna. “Bakit ba paulit-ulit ka, Girl? Kahapon ka pa ganyan, may iniiwasan ka bang tao rito sa Pinas? Sino ba yun?”
Hindi siya nakapagsalita, umiling na lamang siya at naglakad papunta sa loob ng hotel room. “Halika na nga, hayaan mo na!” sabi niya at hinila ang kaibigang si Inka.
Ang napiling kainan nila ay ang sikat at eksklusibong hotel sa lungsod. Ang Manila Grand Hotel. Ito ang pinaka-sentro sa buong lungsod kaya maraming mga mayayaman at foreigner na pumupunta at nagbo-book doon. Dito rin tumatambay ang mga anak ng mga politiko, bilyonaryo at kahit na mga bigating elitista sa lungsod. Dahil sa mga taong ito, sumikat ang Manila Grand Hotel sa buong mundo na kahit mga taga-ibang bansa ay kilala ang hotel na ito.
"Grabe, gumastos talaga si Boss Noah para sa meeting na ito, isipin niyo sa Manila Grand Hotel pa gaganapin ang meeting natin. Talagang nagpapa-impress si Boss sa kanila," sabi ni Sofia habang nasa byahe sila.
"Kapag hindi natin nakuha itong deal, lagot tayong lahat. Hindi lang ito tungkol sa pera kung ‘di kailangan natin ng malaking koneksyon. Dapat lang na makuha natin ang loob ni Mr. Shen Martinez para naman lumevel-up ang kompanya natin at hindi siya magdadalawang-isip na mag-invest ulit sa future projects natin,” sabi naman ni Inka sa kanila.
Sa sandaling tumayo si Minna, siyang pagtayo rin ng mga taong naroon sa loob ng silid. Si Noah naman ay dali-daling lumapit sa pinto ay pinagbuksan ng pinto ang dalawang taong hinihintay nila. Sumunod naman ang ibang staff sa binata’t naiwan si Minna na nakatayo lang doon. Para bang napako ang kanyang mga paa sa sahig at naging malamig na estatuwa lang doon. Alam niyang pwedeng mangyari ito, talagang pinaghandaan niya ang sandaling mangyari man na magka salubong sila ng lalaki. Pero hindi niya akalain na ganto kabilis! Kakarating pa lang niya sa Pinas pero makikita na niya agad ang lalaking iniiwasan niya noon pa man. Nananadya na naman ba ang tadhana sa kanya?Ilang taon na ang nakalipas, akala niya coincidence lang na nakapasok siya sa loob ng bahay nito kung saan nagpapagaling ang lalaki. Ngunit nalaman niyang ang lahat ng yun ay sinet-up pala ng binata. Lahat ng yun ay nakaplano na. How can she be so dumb back then?At ngayon, naulit na naman?Ilang sandali pa ay bumukas na ang
Si Noah Tiangco ang may-ari ng Tiangco Media Works at siya ring producer ng bago nilang show. Dati, puro maliliit na investors lamang ang nakukuha nila. Ngayon biglang nakabingwit sila ng malaking isda kaya talagang magpapa-impress sila rito. "Kung sini-swerte nga naman si Boss. Isipin niyo, nakuha niya ang atensyon ni Mr. Shen Martinez, nag-research ako kagabi tungkol sa kanya. Shit, sobrang yaman pala niya!” sambit pa ni Sofia. Si Minna ay tahimik lamang na nakatingin sa labas. Hindi man lang pinapansin ang dalawang kaibigan niya sa gilid niya. Marami pa ring gumugulo sa kanyang isip. Ang dami niyang tanong at pagdududa, gusto man sabihin niya sa dalawa ang nararamdaman niya ngunit hindi pwede. Hindi naman nito kilala si Nikolaj. Wala siyang pinagsabihan tungkol sa lalaki. Napansin ni Inka ang katahimikan ni Minna kaya nagtanong ang dalaga. "Mukhang pagod ka sa byahe, Minna. Matulog ka na muna. Malayo pa naman tayo."Si Sofia naman ay napatingin sa kanya. “Tama si Inka, Minna. Mu
Ang kanilang kumpanya ay nagsasagawa ngayon ng malaking proyekto isang Drama Series na papatok sa madla. Lahat ay kumpleto na, pati nga ang script at mga props ay nakasalang na. Mabuti na lang maraming mga nagdadagsaang sponsors ang kompanya nila kaya hindi na madali ang pag-produce ng proyektong ito. Subalit ang kanilang isang major investor na naka-base sa Pinas ay napaka-arte. Nang malapit nang pirmahan ang kontrata, bigla itong nag-demand. Gusto nitong pumunta ang buong creative team sa Pinas para personal na ipaliwanag sa mga ito ang proyekto at mga plano. At dahil siya ang writer ng proyektong drama series na yun kasama dapat siya roon. Subalit nang malaman niyang sa Pinas sila pupunta, agad siyang tumanggi. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam. Naniwala naman ang kanyang kaibigan na si Inka pati na ang mga myembro ng team kung kaya’t hindi na lang siya nito pinasama at maghintay na lamang ng balita mula sa mga ito. Ngunti pagdating palang ng team sa Pi
“H-Huwag kang lalapit…” bulong niya sa isang lalaking balak siyang lapitan. Ang polong puti na suot ng lalaki ay naka-half open na’t lantad na lantad sa kanya ang malapad at matipuno nitong dibdib. Bakat na bakat din ang six pack abs sa damit nito kung kaya’t napalunok siya ng mariin. Nasa madilim na parte ang lalaki’t tanging ang buwan na lamang sa labas ang ilaw sa loob ng silid. Nang makitang humakbang pa ang lalaki patungo sa kanya ay napaatras siya sa sobrang takot. “I told you… Huwag kang lalapit!” mariin niyang sabi at paulit-ulit na umaatras. Subalit palapit ng palapit ang lalaki sa kanya hanggang sa malapitan siya nito. Napapikit siya ng mariin nang hinawakan nito ang baba niya at matalim siyang tiningnan. “Tatakbo ka pa?” malamig ngunti paos na sabi ng lalaki sa kanya. Umiwas siya ng tingin, ibinaba niya ang kanyang mga mata at pilit na umiiling dahil sa sobrang takot. “H-Hindi… Hindi na.” Mariing hinawakan nito ang kanyang baba, pilit na inaangat ang kanyang ulo upang







